PART 2 FLASHBACK

1 0 0

MAPAGLARONG tinakpan ni Milcah ang mga mata ng boyfriend na si Harold. Buong araw niya itong hindi nakita dahil naging abala ito sa pag-aasikaso bagong bukas na branch ng negosyo nito. Labis niyang na-miss ang binata.


"Kamusta naman ang araw ng mahal ko?" nakangiting tanong niya.


Mahigpit siyang niyakap nito. "Pagod, pero okay na ako ulit kasi nakita kita," anito at masuyong hinagkan siya sa noo.


"Napaka-sweet naman talaga ng lalaking pakakasalan ko."


Apat na taon narin silang magboyfriend at alam niyang ito na ang lalaking gusto niyang makasama habang buhay. Napakabuting tao nito at alam niyang mahal na mahal siya nito. Ganoon rin naman siya. Kaya niyang gawin ang kahit ano para dito. Noon lamang nakaraang linggo ay nag-propose na ito sa kaniya na agad din naman niyang sinagot ng "oo". Wala naman nang kailangang pag-isipan pa dahil sigurado na siya kay Harold. Hindi na niya makita pa ang sarili na iba ang kasama.


"Kumain ka na ba? Maghahanda ng espesyal na dinner si Mama, saluhan mo kami. Kumpleto kami mamaya, kailangan mo nang masanay na kasama kami, lalo na at magiging Mrs. Valero ka na," pabirong turan nito.


"Sigurado ka ba? Baka naman makaistorbo lang ako sa family dinner niyo." Okay naman sa kaniya ang pamilya nito. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit tila alangan ang pakiramdam niya tuwing kasama niya ang mga ito. Malamang ay dahil hindi siya sanay na napapalibutan ng mayayaman.


Lumaki kasi siya sa simpleng pamilya samantalang ang kasintahan ay lumaki sa marangyang pamumuhay. Ang alam niya ay hindi naman kailan man naging isyu sa relasyon nila ang estado nila sa buhay, sadyang hindi lamang siya sanay sa pamumuhay ng pamilya nito.


"Paano namang magiging istorbo ka eh malapit ka narin naming maging parte ng pamilya." Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kaniyang mukha. "At isa pa, may bisita na darating mamaya na gusto kong makilala mo."


"At sino naman 'yan?"


"Ex ko," pabirong sabi nito. Bahagya itong napaigik nang kurutin niya ito sa tagiliran. "Joke lang, ito namang mahal ko hindi na mabiro. Basta, gusto kong makilala mo siya. Kaya sumama ka na sakin sa bahay para doon mag-dinner, okay?" wika nito kasabay ng isang kindat.


Nakangiting tumango siya. How could she resist this very charming man?


Nakatipon na sa hapag-kainan ang pamilya pagdating nila sa bahay ng mga Valero-or more appropriate to be called a mansion. Nalulula parin siya sa laki ng mansyon kahit na maraming beses na siya nakapunta roon. It was just huge!


Magalang na binati niya ang mga naroon bago umupo sa hinilang upuan ni Harold para sa kaniya.


"Wala parin ba si Juan? Kahit kalian talaga, missing in action 'yong lalaking 'yon. Ipapakilala ko pa naman siya kay Milcah," wika ni Harold nang makaupo na ito sa tabi niya.


"Baka nasa Timbuktu pa," pabirong sagot ng nakababata nitong kapatid na babae na si Hariette.


Isa ito sa mga kasundo niya sa pamilya. Pareho kasi ito ng kuya nito na kahit mayaman ay hindi matapobre at napaka-friendly din nito sa kanya.


"Baka nga, sabi ko sa kaniya agahan niya, eh."


"Baka ayaw ka lang talaga niyang makita, Kuya," wika pa ni Harriette. "Alam mo naman na ayaw no'n na nagpapatalo sa'yo. Tapos ngayon ikakasal ka na, malamang bitter 'yon."


"Aba, sadyang swerte lang ako," She heard Harold's older sister Hanna hiss. Alam naman niya noon pa na ayaw nito sa kaniya. "Wala na akong mahihiling pa." Tumingin pa si Harold sa kaniya. Punung puno ng pagmamahal ang mga mata nito.

The Wandering HeartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!