PART 4

0 0 0

PASAN ang mabigat na back pack ay nagkukumahog na makakuha ng taxi si Milcah. Agawan pa sa taxi dahil napakaraming nag-uuwian noong oras na iyon. Pinakisuyuan pa kasi siya ng Mama niya na dalhin ang nalimutang baon ng kapatid niya na nag-camping sa school. Male-late na siya sa biyahe niya pa-Baguio papuntang Sagada. Hindi naman niya matanggihan ang ina dahil wala namang ibang pwedeng gumawa. Out of town ang papa niya dahil sa family business nila, ayaw naman niyang ang mama niya pa ang magdala. Kaya ayun nga siya, nagkukumahog na makakuha ng taxi para makarating sa bus station para hindi siya maiwan ng bus.

Tumigil sa tapat niya ang isang taxi na pinara ngunit nagulat siya nang may lalaking sumakay roon. “Walang galang ho kayo, ako po ang pumara ng taxi,” pigil-inis na sabi niya sa lalaki mula sa bukas na bintana.

“Pinara ko ang taxi at nauna akong sumakay.”

Pigil na pigil si Milcah na hatakin ang leeg ng lalaki mula sa bintana. Ayaw niyang mag-eskandalo dahil napakaraming tao. The least that she wants to happen is to have her viral video chopping a guy’s head on a cab’s window.

“Pwede bang sakin nalang ang taxi na ‘to? Male-late na kasi talaga ako sa biyahe ko.” Pinilit niyang maging mahinahon at pleasant ang tono ng boses niya. But her face is probably failing her. Malamang ay kulubot at hindi na maintindihan na simangot ang kaniyang mukha.

“Male-late na din ako, pasensya na.” kakamut-kamot naman ng ulo ang driver ng taxi na wala ring magawa.
Isinara na ng lalaki ang bintana kaya hindi na siya naka-react pa. Gusto niyang ibalibag ang mabigat niyang backpack sa taxi na sinasakyan ng lalaki. Mabuti na lamang ay pag-alis ng taxi na iyon ay agad din siyang nakasakay sa sumunod.

Hindi niya maialis ang pagkainis na nararamdaman niya. Iritang-irita talaga siya sa ginawa ng lalaki. Ni hindi man lang siya pinagbigyan na siya nalang ang sumakay, mabuti na lamang nga at hindi siya male-late dahil mabilis din siyang nakasakay kundi, ipapakulam niya talaga ang lalaki.

She made it just in time bago umalis ang ride niya papuntang Baguio. She had to follow the assigned schedule dahil iyon nga ang binayaran na ng blog para sa biyahe niya and she had to meet up with the person who was going to cover the travel. Sa ibang pagkakataon siguro ay nagreklamo siya na hindi na lamang siya ipinag-renta ng kotse para madali ang biyahe niya papuntang Baguio, but knowing The Lost Kid, the travel was part of the adventure.

Pag-akyat ng bus ay agad siyang naghanap ng mauupuan. Pakiramdam niya ay gusto niyang bumaba ng bus ng makita niya ang makakatabi sa nag-iisang bakanteng upuan. Muling kumulo ang dugo niya. Nakaupo sa tabi ng bintana ang lalaking nang-agaw ng taxi niya kanina. Nakasalpak ang earphones sa tainga nito at nakatanaw sa labas.

Tignan mo nga naman, sa lahat ng pwede kong makatabi sa biyahe, ang antipatiko pang ito. Sign na ba ito para bumaba ako at umuwi nalang ng bahay?

Hindi niya hahayaan na masira ng tuluyan ang biyahe niya dahil sa lalaki. Inilagay niya ang back pack sa compartment sa taas at umupo sa tabi nito. Bahagya lamang siyang nilingon nito at saka pumikit. Lalong umusok ang ilong niya. Tila ba hindi siya natatandaan nito.

Sa kabila ng inis ay hindi niya mapigilan ang sarili na pagmasdan ang lalaki. His skin is tanned but that could not hide the fact that he is good-looking. She noticed earlier that he had big round eyes in the color of hazel. Ngayon naman na nakapikit ito ay ang mahahabang pilik naman nito ang nakaagaw ng pansin niya. His nose was not too pointed but it fits his face well. His hair is jet black and by the looks of it, alam niyang malambot iyon. She needed to restarain herself from touching them. Naiinis man siyang aminin pero talagang gwapo ito.

Napabuntong hininga siya at ipinikit ang mata. She decided to sleep dahil baka kapag tumagal ay lalo lang siyang mainis sa sarili niya dahil naga-gwapuhan siya sa bwiset na lalaki. Mukha parin ito ang naalala niya bago siya hilahin ng antok.

The Wandering HeartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!