PART 1

2 0 0

NARINIG ni Milcah ang kalabog ng pagbukas ng pinto kasabay ng isang impit na tili. Tinakpan niya ang ulo ng unan at nagtalukbong ng kumot. Dumating na naman ang kaibigan niyang si Cindy, siguradong hindi na naman siya patatahimikin nito.

"Milcah!!" tili nito. "Bumangon ka, may maganda akong balita."
Pakiramdam niya ay naalog ang ulo niya sa pagkakatalon nito sa kama niya. Masakit pa naman ang ulo niya dahil buong magdamag siyang gising sa pagbabasa ng mga blogs at pagbrowse sa internet.

Pilit na hinatak ng kaibigan ang kanyang kumot na pilit naman niyang itinatalukbong uli sa kanyang ulo. "I have a good news! I'm sure you'll love this."

"Pwede ba, Cindy, inaantok ako. Wala akong balak makipagblind-date. Sa iba mo nalang ibigay 'yang lalaking napulot mo. Hindi ako interesado." Palagi nalang kasi siya nitong isine-set up sa mga blind date dahil kailangan na daw niyang mag-move on.

"Hindi 'to blind date! At isa pa, sigurado akong matutuwa ka sa ibabalita ko."


Napilitan siyang alisin ang kumot at unan na nakatalukbong sa ulo niya.
Sigurado naman siyang hindi siya titigilan nito hangga't hindi siya nakikinig. "Ano ba kasi 'yon?"

"Clue: The Lost Kid," tila nakakalokong ngumiti pa ito sa kanya.

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Ang "Lost Kid" ay ang paborito niyang travel blogger. Kilala nito ang mga blogs na pina-follow niya dahil madalas nitong inilalayo sa kanya ang mahal niyang laptop at pinapakialaman iyon para daw mailayo siya kahit minsan sa radiation at baka daw kasi mabaliw na siya ng tuluyan.

"Anong meron?"

"Nag-check ka na ba ng updates niya?"

"Wala pa naman siyang bagong post when I checked last night."

Kinuha nito ang laptop niya na nakapatong sa ibabaw ng bedside table niya. Hinayaan niya lang ito at muling ipinikit ang mata para muling mapadilat dahil nasilaw sa liwanag ng laptop na itinapat nito sa mukha niya.

Idinilat niya ang isang mata, hirap na maaninag ang nakasulat sa screen dahil bagong gising siya at nasisilaw. She could barely make out the words but when she realized what was written on the screen, napabangon siya sa pagkakahiga.

"What have you done, Cindy?!" tila nahihintakutan sigaw niya. In front of her was one of her written poems posted in The Lost Kid's blog as the winner of his "Discover the Philippines Contest".

It was a contest hosted by the blog for readers. To join, you would need to send an e-mail explaining why you should be the one to get the free trip around the Philippines. Apparently, her friend sent her one of her poems as an entry and it was chosen as the winner.

"Okay ka lang? Nanalo ka kaya," nagtatakang nakatitig ito dahil sa naging reaksyon niya.

It's not that she didn't like that she won. But the thought that a lot of people read her poem, the thought of travelling alone, the thought of leaving her house, leaving her bed, scared her. Okay, so masyado lang siyang na-o-overthink. It's been a year since she last traveled, at hindi pa maganda ang kinalabasan niyon. Pakiramdam niya ay may trauma na siya.

"Bakit mo ako isinali nang hindi mo man lang ipinapaalam sa akin?"


"Mukha bang papayag ka kapag nagpaalam ako?"

"Bahala ka, kung gusto mo ikaw ang mag-claim niyan. Wala akong balak kunin 'yang premyo."

"You're being unreasonable, Milcah. Alam kong gusto mo ang premyo, and besides, you get to travel with 'The Lost Kid'. Alam ko kung gaano mo hinahangaan ang blogger na iyon."

"Wala akong pakialam. Ayokong umalis, Cindy. Hindi mo ba 'yon naiintindihan?" pasigaw na sabi niya. Tila nagulat ito sa pagsigaw niya. Kahit kasi palagi siyang kinukulit nito, kahit kailan ay hindi niya ito nasigawan ng ganoon.

Nangingilid ang luha na saglit na tinitigan siya nito. "It's been a year, Milcah. Ayusin mo naman ang sarili mo. Sa tingin mo ba matutuwa si Harold kapag nakita ka niya? Don't you think that it is enough na isang taon kang nagkukulong sa kwarto mo? May pamilya ka, Milcah. Sa tingin mo ba masaya ang mga magulang mo na nagkakaganyan ka?"
Ibinalik nito ang laptop sa bedside table at tumalikod na. "Kausapin mo nalang ako kapag nakapagdesisyon ka nang ayusin ang buhay mo."

Naiwang nakatulala sa isinarang pinto si Milcah. Has it really been a year? Bakit pakiramdam niya ay sariwa parin ang mga sugat? Naramdaman niya ang mainit na likidong tumutulo sa kaniyang pisngi. Muling bumalik sa kaniya ang alaalang pilit niyang kinakalimutan...


The Wandering HeartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!