Kismet

Bởi xtinkyxbellax16

52.5K 4.7K 1.3K

The Volleyball Player. The Lifeguard. The Conspiracy of the Universe. A few encounters brought them together... Xem Thêm

Prologue
01 Summer's Over
03 It's All Coming Back
04 The Game Plan
05 Then I Saw Your Face
06 What's Your Number
07 One Message Received
08 The Tune-Up Game
09 Let's Go Back to the Start
10 Bad Joke Turned Good
11 First Date
12 The Status Update
13 Dine with Friends
14 Gotta Love Sundays
15 Sunday Currently
16 Sunday Splendor
17 And the Wooing Begins
18 Finally...
19 Just Can't Resist You
20 The Surprise Visit
21 - The Boyfriend
22 - The Aftermath
23 - The Sleepover
24 - Sealed With a Kiss
25 - The College Dean
The Lipstick Stain
Drunk... in Love
Mine, oh, Mine!
The NCAA Opening Ceremony
The First Moon
The Deal
The Dilemma
The Faulkerson Fam
A Mother's Wish

02 First Day High

1.4K 126 34
Bởi xtinkyxbellax16

Nicki's POV

I woke up to the sound of my alarm on the bedside table. I said my morning prayer, still half asleep, and thanked God that there were no nightmares or bad dreams that haunted me in my sleep. As i opened my eyes and rose from the bed, i heaved a deep breath and told myself, "Today's gonna be a great day, Nicki! Bangon bangon, ligo ligo!"

Today is the first day of our last year in college. And since ito na nga ang huling taon namin ni Sheens sa college, sinabi ko sa sarili kong sisimulan ko ito ng tama. And what better way to start it right than to have a positive disposition. No more tears, Nicki! Pinangako mo yan!

So habang nag-aayos ako sa harap ng salamin, naalala ko na naman yung usapan namin ni Sheena nung pauwi kami galing sa school matapos ang aming enrollment.

"Basta beshie ha, dapat itong last year natin sa college ang pinakamasayang year natin. Alam mo naman na nandito lang ako palagi para sayo diba? Kalimutan na natin yung nangyari nung Summer. Alam kong nahirapan ka at nasaktan ka kahit di mo sinasabi sa'kin. Partly, kasalanan ko rin yun eh. Kasi push ako ng push sayo nun. Di ko naman inexpect na maharot lang pala yung poging yun. Akala ko kasi siya na ang nilaan sayo ni universe, kasi ang daming signs nun besh eh. Hays! Kaya tutulungan kita, promise! Basta ha, focus lang tayo sa training at sa acads. Huling hirit na natin, dapat gumraduate tayo with flying colors para kabog!!!"

"Hay naku, ayan ka na naman sa universe mo eh! Pero sorry kung hindi ko na sinabi sayo. Kilala mo naman ako eh. Tsaka kilala rin kita. Alam kong ganyan ang iisipin mo eh, sasabihin mo it's your fault. Wala ka namang kasalanan dun eh. Ginusto ko rin naman yun Sheens. Bad call on my part kasi hindi ko pa ganun kakilala, bumigay na ko agad. Nadala kasi ako sa dimple, nakakainis! Oh well, charged it to experience na lang. Sabi ko naman sayo kanina diba? Okay na ko. Thanks for waking me up from a bad dream. Eto na, back to reality na ang beshie mo. Hindi ko naman na siya masyadong iniisip eh. Minsan lang talaga hindi ko maiwasan na pumasok siya sa panaginip ko, tulad kanina. Hays! Pero promise, simula sa araw na ito, training at acads na lang ang focus ko. Hindi ko na iisipin yung gagong yun."

"Hay salamat! Inamin mo din na siya ang laman ng panaginip mo. Ilang beses sa isang araw ka ba managinip besh? Ganun ba lahat ng panaginip mo?Umuungol?! Hahaha!"

"Hooooy! Sa dami ng sinabi ko yun lang napick-up mo?! Wag ka nga! Anong umuungol? Galit ako, okay? Hindi lang galit. GALIT! NA GALIT! NA GALIT!!!"

"Ibang klase ka pala magalet besh ha? Umuungol talaga eh! Hahahahaha! Huy beshie, dahan-dahan sa pagdrive, jusku! Oo na gets ko na ngang galit ka... relax na! Baka atakehin pa ko bago mo ko maihatid juskuka!"

"Hindi ako umuungol noh?! Pinaglaruan niya lang ako, Sheens! Ako naman naniwala agad. Bwisit kasi tong puso ko, mali-mali naman! Minsan na lang tumibok, sa maling tao pa! Ewan ko ba kung pano nangyari yun! Hulog na hulog ako besh eh! Mabuti na lang talaga at nakapag-isip pa ko ng tama nun at hindi ko pa binigay lahat sa kanya. Kundi siguro pakamatay na lang ako or malamang nabaliw na lang talaga ko."

"Gagu mo! Anong pakamatay?! Kung sipain kaya kita dyan?! Nics, walang ganun ha?! Nakakainis toh! Joke lang kasi yung umuungol! Pero kasi besh umungol ka talaga kanina eh. So hindi pala joke... Ano baaaa?! Hindi na ko makaconcentrate sa chika homaygahd ka! Relax na kasi... Ayoko pang mamatay, Looooord! Nicomaine wag mo ko idamay, syeeeet! Ambilis na ng takbo mo, baka mabangga tayo! Syeeeet talaga, Nics! Wag na nga natin pag-usapan yung pag-ungol mo tsaka si Mr.Sparks. Hindi ko na babanggitin! Promise! Huy beshie, gusto ko pang mabuhay!"

"Gaga! OA nito! 80 lang takbo ko oh?! Minsan lang maluwag dito kaya masarap magmaneho. Relax kaya ako. Kaya chill ka lang dyan."

"Relaaaaaax???? Asan ang relax dyan besh eh halos atakehin na ko oh... my gahd! Yung puso ko parang lalabas na sa dibdib ko sa kaba eh! Paano magchichill??? Gusto mo na ba talaga matego dahil sa mokong na yun?"

"Hahahahaha! Sheens ang putla mo na. Hahahahha! Hindi na, eto mabagal na... Joke lang din kasi... mahal ko pa ang buhay ko... hindi ako tanga para pakamatay dahil lang sa tulad nung gagong yun. Tsaka sino bang nag-open ng topic? Ikaw diba?! Wag na talaga natin siyang pag-usapan kahit kailan. Tapos na yun. Hindi na rin naman natin siya makikita, kaya kalimutan na talaga natin. Promise, pagdating ng pasukan, wala na toh. Move on na!"

"Seryoso yan?! Kalimutan na lahat ha?! Dapat pagdating ng pasukan wala na ding sakit ha?! Iiyak mo na ng iiyak yan hanggang maubos. Kung gusto mo damayan pa kita eh. Basta wala na yan sa pasukan ha?! May two weeks ka pa magmukmok, sulitin mo na. Hahahahaha! Sinasabi ko sayo, besh, this year will be our best year! Sabi yan ni universe kaya kineclaim ko na!"

"Ayan na naman po si universe! Siguro tulog ka nung sinabi ni universe na sasaktan lang ako ni RJ noh?! Kaya hindi mo narinig eh. Hahahahaha!"

"Ay grabe siya oh! Kala ko ba wag na pag-usapan eh binabalik mo pa eh. Gusto mo pang pag-usapan noh? Hindi mo mapigil yang damdamin mo eh... Sorry na nga diba?! Hindi ko narinig yun besh... iba ang sinabi sa'kin ni universe eh... tsaka feeling ko may mali somewhere eh... hindi ko pa lang maisip ngayon... yaan mo, ilalagay ko yan sa calendar ko para maisip ko kung anong mali..."

"Wag mo na isipin! May mali talaga! Mali yung nangyari sa'ming dalawa. Lahat yun mali!"

"Ay, ay, ay! Ayaw paawat oh?! Hahaha! Lahat yun mali? Ibig sabihin pati pagsagip sayo mali din?! Luuuuh! Eh di sana nalunod ka na... Sige na, lubus-lubusin mo na yan. Ilabas mo na lahat ng galit at sakit na yan! Basta pagdating ng pasukan wala na yan ha?!"

"Hindi kasi yun! Yung nangyari after that... oh gahd! Naiinis talaga ako sa sarili ko pag naaalala koooo..."

"Eh di wag mo na alalahanin. Kung keri mo ha?! Eto no joke na ha. Basta beshie nandito lang ako kung kailangan mo pa ng kausap. Alam mo naman isang tawag mo lang, pupuntahan agad kita kahit na hatinggabi pa yan. Isang uber lang ang katapat nyan, paliliparin ko mula Pasay to Manila. Swear!"

"I know. Thanks, Sheens!"

"Oh sige na, liko mo na dyan sa Mcdo, mag early dinner na tayo. Gutom na ko, treat mo muna ko!"

"Hay jusko! May kapalit pala ang pagdamay!"

Natawa na lang ako ng maalala ko yung dami ng inorder niya. Typical Sheena, palaging gutom at mahilig magpalibre sa'kin. Pero love ko naman. At alam kong tunay na kaibigan na hinding-hindi ako iiwan. Hindi tulad ni RJ, nawala na lang parang bula.

Haaaays! Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Pinagmasdan ko ang aking mukha at napansin na malungkot pa din ito.

Ugh! Hindi pwedeng ganyan yang mata mo, lagot ka kay Sheena! Nicki, prinomise mo sa sarili mong kakalimutan mo na si RJ pagdating ng pasukan diba? Bakit ba ganito? Bakit di ka maalis sa isip ko? Hindi na nga kita napapanaginipan ayaw mo pa rin akong tantanan. Ano bang mahika ang bumabalot sa'kin?! Bakit ba ang hirap mong kalimutan? Jeskelerd!!! Ayoko na talaga!!! Please, please, umalis ka na sa isip ko!!!

Nawala ako sa aking pagmumuni-muni ng marinig kong tumunog ang phone ko.

Beshie Sheena calling...

Juskupurudy! Eto na siyaaaa... inhale exhale Nicki! Happy ka na dapat! Prinomise mo diba? Dapat wala ng sakit. Pero may kirot pa din eeehhh. Hindi, hindi! Wala na yan. Mawawala na yan. Inhale, exhale. Isa pa. Inhale, exhale. Okay, go!

"Hello!!!!!!"

"Ayyy besh kailangan high pitch sa pagsagot?! Mukhang maganda gising natin ah. Excited lang?! Hahahahaha! Pero very good yan, Nics! Ano? Ready ka na ba?!"

"Haha! It's a great morning... Patapos na ko mag-ayos. Nasan ka na ba? Maaga pa naman diba?"

"Oo nga, maaga pa. Eh gusto ko sana magbreakfast tayo bago pumasok."

"Naku, naku, naku! Ikaw, alam ko na yang mga hirit mong ganyan. Papalibre ka na naman eh."

"Luuuuuh!!! Hindi noh?! Ang judgmental nito! Bakit? Kumain ka na ba?!"

"Hindi pa din."

"Kitams! Malapit na ko sa condo mo, dyan na tayo kumain."

"Huh?! Wait, wala na kong food stock here. Papasama nga sana ko sayo sa Robinsons mamaya para maggrocery eh."

"Donchawori my beshie, may dala kong brekky courtesy of Mamang! Tocilog!!!"

"Ay anu ba?! Bakit ang tagal mo? Kanina pa ko naghihintay sayo oh. Wag ka na dumaldal at bilisan mo na dyan. Tapos na ko mag-ayos!"

"Ay kaloka! Eto na mam, byahe na nga oh. Konting kembot andyan na ko sa condo mo. Sige na babye na!"

"Okies. Ingatan mo yung food natin ha. Mwamwah!"

"Luh! Ako hindi mag-iingat?! Nahurt ako ng burberi slyt ha?! Yah hert mah peelings! Hmpf! Sige na, pababa na ko ng cab. Babush!"

"Gags ka talaga! Go, ingat! Seeyah!"

Naexcite naman ako sa pabrekky ni Sheena. Masarap kasi talaga magluto si Mamang. Nararamdaman ko na yung mga intestines ko, naeexcite na sila. Hahaha! Mabuti na lang naisipan din niya ko dalhan. Mabilis kong tinapos ang pag-aayos ko sa kwarto at pagkatapos ay dumeretso na ko sa living room.

Ilang sandali lang ay narinig ko na ang boses ng best friend ko habang kumakatok sa pintuan. Chineck ko pang muli ang aking sarili sa salamin sa may living room. Huminga ng malalim at ngumiti bago ko tuluyang binuksan ang pinto.

"Ang tagaaaaal! Gutom na gutom na ko eh."

"Ay grabe siya oh! Demanding? Wait lang mam, eto na nga oh. Tara na sa dining mo."

"Yeyyy!"

Kinuha ko yung paperbag na bitbit niya at nakangiting nagtuluy-tuloy na ko sa kitchen para ayusin yung food. Sumunod naman si Sheena sa'kin at pumwesto na siya sa dining area.

"PG lang, Nics?! Wala man lang hi o hello? Ni hindi ka na nakabeso eh tapos iniwan mo na lang talaga ko sa pinto. Juskuka! Yang tataa??Kelan ka huling kumain?!" sabi ni Sheena habang inaabot ang plato.

"Toh naman, naexcite lang ako eh. Ang tagal ko na kasing di nakakain ng tocilog... di ko na matandaan yung huli..." sagot ko naman habang nilalapag ko yung tocino, sinangag at itlog sa gitna ng la mesa. Tapos ay umupo na rin ako sa tabi niya.

"Feeling ko ako pa kasama mo nung last tapsilog meal mo... Remember??? Nagbreakfast tayo bago umalis sa Bor..."

Bigla akong napalingon kay Sheena kaya napatigil siya pero di ako nakapagsalita.

"Ay sorry sorry! Hihi! Wala akong sinabi... erase erase erase!!! Kain na tayo!" Dagdag niya habang kumukuha na ng pagkain.

Napailing na lang ako.

"Hay naku Sheena Marie!!! Kumain na nga lang tayo. Luto ni Mamang toh! Ito ang pinakamasarap na tapsi na natikman ko!!!" ani ko para tuluyan ng malihis sa topic.

Mabilis naming tinapos ang agahan kahit nagkukwentuhan ng kung anu-ano bukod sa nangyari nung Summer. Pagkatapos kumain ay nagretouch lang kami ng kaunti at dumeretso na sa campus sakay ng kotse ko. Kahit walking distance lang kasi ang Benilde dito sa Grand Towers, kailangan ko pa rin magdala ng sasakyan dahil nga maggrocery kami after.

Pagdating namin sa campus, imbis na matuwa parang naghahalong inis at lungkot yung naramdaman ko kasi may naalala na naman ako. Paano ba naman, sinalubong kasi kami agad ng isang malaking banner sa may entrance ng school para sa nakaraang pagkapanalo namin sa Beach Volleyball Summer Tournament. Dagdag mo pa na may pa-special mention sa'min ni Joaqui bilang MVP ng tournament. Unbelievable! Oh diba? Two points na! Umaga pa lang nakakadalawang reminder na sa'kin si universe ng bagay na dapat kinakalimutan ko na. Mabuti na lang hindi na nagcomment si Sheena about it dahil overwhelmed siya sa dami ng mga bumabati sa'min pagkababa pa lang namin ng kotse ko.

At ito pa ang mas nakakahiya. Habang naglalakad kami papunta sa Plaza Villarosa kung saan gaganapin yung orientation, bumungad naman sa'min ni Sheena si Joaquin. At ano pa nga ba ang bitbit niya?! Syempre isang bouquet of roses.

Jeez! Hindi talaga nawawalan ng eksena sa buhay itong lalaking toh.

Naglakad siya papalapit sa amin, and once again, I was put on the spot.

"Joaqui, what's this?" bulong ko sa kanya.

"Flowers... for my lovely lady." sagot naman niya habang inaabot yung bouquet.

"Of course I know what are those...pero bakit?!" pabulong ko pa ring tanong sa kanya.

"Nics, just accept the flowers first please. These are really for you. Pinagtitinginan na tayo oh?!"

Tumingin ako sa paligid and true enough, halos lahat nakatingin na sa'min. So I decided to take the flowers as we walk along para hindi sobrang nakakahiya.

"Okay, fine. You shouldn't have bothered but thanks anyways. Pero bakit nga may pabulaklak?"

"Why Nics? Masama na bang bigyan ka ng flowers ngayon?"

"No...but I thought we already cleared things out."

"I know, pero narealize ko after what happened, I really love you Nics. Totoo yung nararamdaman ko for you. I shouldn't have given up so easily. Promise magpapakabait na ko. Just give me another chance."

"Whaaaat?! Akala ko okay na lahat? I thought naintindihan mo na. Joaqui, I told you this before pero uulitin ko ulit. What I feel for you is nothing more than being a friend. I hope I made it clear this time."

"Oo na, Nics. I get it the first time naman eh but that doesn't mean susuko na ko. If friendship is all you can offer, I'll take it for now. Alam ko naman madedevelop ka rin sa'kin. So, friends?"

"Jeez! Kilabutan ka sa sinasabi mo. Okay, friends. Let's keep it that way. Pero please lang, i'll take these flowers today pero last na toh ha. Wag mo na kong bibigyan sa mga susunod na araw. Utang na loob! Kundi ibabalik ko talaga sayo..."

"Okay, okay. Chill! Hehe!"

Walang tigil ang hiyawan at pangangantyaw ng mga estudyante. Pati nga yung mga professors at ibang staff sa college na nakakasalubong namin habang naglalakad ay nanunukso rin. Kaya kahit na hindi ako natuwa sa pabulaklak ni Joaqui, pilit pa rin akong ngumingiti sa kanila. Sayang-saya naman si Joaquin sa eksena. Habang patuloy kami sa paglalakad, ngayon lang totally nagsink-in sa'kin na siguradong kumalat sa buong College na boyfriend ko si Joaquin. Ngayon ko lang din naalala na hindi ko pa nalilinaw sa mga teammates namin ang lahat. Masyado kasi akong abala sa ibang bagay nitong nakaraan. I have to ask Sheena's help later on how to tell our teammates and the rest that Joaquin and I are just friends.

And then it dawned on me...

Oh my effin G! Dejavu ba ito? Why does it feel like history's repeating itself?

Pero hindi rin. Kasi nauna kong nakilala si RJ before I was put on the spot with Joaqui last summer. This time, walang RJ. And this time, I know I'm smart enough not to make the same mistakes again.

Natuto na ko universe. Hindi ko na uulitin yung kagagahan ko. Hah!

Pero bakit ba feeling ko pinaglalaruan ako ni universe?! Sa pagkakaalam ko ako yung sinaktan eh. Ako yung pinaasa sa wala. Bakit ganito?! Kailangan paulit-ulit yung sakit? This is clearly another reminder to me!

Aba, strike 3 ka na universe ha! Ano toh????! Bakit kahit anong gawin ko pilit mong pinaaalala sa'kin yung lalaking yun? Why?! Am I not allowed to forget him?!

Hays. Kinakabahan ako dito kay universe. I know I promised to never forget him pero iba ang sitwasyon nun. He broke his promise first, so I should be allowed to do the same. Nakakatakot na ha. Baka mamaya biglang sumulpot na lang si RJ kung saan. Hindi pa ko prepared. Baka sa galit at inis ko, hindi ko alam kung anong magawa ko sa kanya.

I didn't know how long I've been zoning out and thinking about all that's happening. Masyadong clouded yung utak ko. Hindi kasi ako naorient ni universe sa pa-dejavu niya. Mabuti na lang nagsalita na yung emcee sa harap. Simula na pala ng orientation program.

Pasado alas kwatro nang makaalis kami ng campus para maggrocery sa Robinsons Place. Nagpatawag pa kasi ng meeting si Coach Patty para sa schedule ng training bilang paghahanda para sa NCAA at PVL. Pagkatapos ng meeting, tinulungan ako ni Sheena na linawin sa team yung talagang estado namin ni Joaquin kaya medyo late na kami nakalabas. Mabuti na lang mabilis pumick-up yung teammates ko. Kaya kahit naunahan ng tuksuhan bago magstart yung meeting, at least ngayon nakahinga na ko ng maluwag dahil naayos na.

Nakarating kami agad sa Rob dahil hindi naman siya gaanong kalayuan sa campus. Pagpasok pa lang namin ng parking, sinabihan na kami na medyo puno pero may mga lumalabas naman daw. Saan banda ang MEDYO puno? Eh wala nga kaming makitang parking space kaya umikot pa kami ulit at nagbakasakali na may papalabas na. Pagliko ko, sabay kaming nagulat at napasigaw ni Sheena nang may biglang tumawid na lalaki. Napadiin ang hawak ko sa busina habang pigil-hininga kong inapakan ang brake, umaasang hindi ko siya tatamaan.

"OMG!"

"Ohmygahd!"

****************
RJ's POV

Maagang natapos ang mga klase ko today dahil first day pa lang naman. Si Josh naman wala daw yung mga prof kanina kaya inimbitahan na lang sila Jerome at Kristoff na tumambay sa condo. Mabuti na lang at may dalang sasakyan si Jerome, kaya naman iniwan na sa'kin ni Josh ang kotse para di na ko maglakad pauwi.

Papunta pa lang ako ng parking lot ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko.

Josh calling...

Hello!

Kuya RJ pauwi ka na ba?

Oo bakit?

Favor naman... pwede padaan sa supermarket? May pera ka ba dyan?

Meron naman? Bakit? Ano ba yun?

Eh kuya, pwede ba magpabili ng SanMig light? Yung in cans lang.

What?! Hoy Joshua may first day na first day inom agad? Umayos kayo ha! Tsaka bakit hindi na lang kayo ang bumili?"

"Sige na Kuya, please. Hindi kami makatayo dito sa Xbox eh. Mainit na yung laban. Promise, pagdating mo pagmimeetingan na natin yung plans natin sa paghahanap kay Miss Team Captain! Please, Kuya."

"Sige na, sige na. Wala naman akong magagawa eh. Pero tig-iisang can lang kayo. Bahala kayo dyan."

"Isa lang? Gawin mo ng tig-tatlo para sa masaya-sayang usapan. Hehehe!"

"Tumigil ka! Tig-iisa o wala na lang? Mamili ka..."

"Oo na, sige na Kuya. Samahan mo na rin ng chips at tsaka wala na pala tayong bigas. Tapos yung eggs at bread mo dito naubos na. Kumain kasi kami kanina. Hehehe. Ingat ka ha. Labyu!"

Haaaays! Mababatukan ko talaga yung tatlong ugok na yun pag-uwi. Dumeretso na ko ng Rob para mamili. Naisip kong wala na rin pala kong shampoo at deodorant kaya mabuti na rin na dumaan ako dito. Buti na lang at malapit lang ito at hindi gaanong traffic. Medyo nahirapan lang akong maghanap ng parking kaya malayo na sa entrance ang nakuha kong slot.

Mabilis lang akong namili dahil wala rin gaanong pila sa counter. Paglabas ko ng supermarket, habang tumatawid ako papunta sa parking ng sasakyan ko, hindi ko napansin yung paparating na kotse. Kaya nagulat at napatigil na lang ako sa kinatatayuan ko nung bigla siyang bumusina. Huli na ang lahat. Hindi na ko nakagalaw.

****************
A/N: Sinong napaOMG?! Si Nicki nga ba ang nakabangga kay RJ? Eto na ba ang hinihintay na pagkikita sa Manila? Anong say niyo kay Universe?

If nagtataka kayo, I changed Nicki's school from San Agustin to CSB para mas maayos yung continuation ng story nila based on what I have in mind. Just a minor change lang po from the previous story in BURST. Thank you po for understanding.😘

Alam ko madami pa po kayong tanong. Let me hear your thoughts. Comment lang kayo ha. Pasensya na din medyo mabagal ang updates dahil ang daming ganap sa work lately. Pero thank you, thank you for reading!

Hindi ko pa naproofread, sorry po sa errors.✌🏻

Xoxo,
tinkybella16

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

6.3K 283 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
3.4K 206 43
What are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause con...
26.5K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
87.7K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...