My Guardian

By AnonymousLove000

712 71 18

Sa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para... More

I [revise]
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXX
XXXI
XXXII

XXIX

8 1 0
By AnonymousLove000

Mika's POV

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko sila Ela at Ethan na nasa sala. Tumayo si Ela nung makita ako.

"Nagtext si Vince kay Ethan. Sa min ka na daw muna sumabay kasi di siya makakauwi." Tinignan ko sandali si Ethan bago tumango kay Ela.

Nasan kaya yung lalaki na yun? Pag-uwi kasi namin kahapon wala na siya. Nung tinanong namin yung mga lalaki, lahat sila nagkibit balikat lang.

"Oh Mika, kala Ela ka sasabay?" Tanong ni Yumi, magkasama sila ni Dane.

"Oo." Tumatangong sagot ko.

"Binilin ni Vince kay Ethan." Nakangiting sabi ni Ela.

"Uyyy, wala na nga dito pero inaalala ka pa din." Biglang sulpot ni Aya na nasa likod ni Andrei.

Sinamaan ko siya ng tingin. Problema ba nila? Binilin lang kailangan asarin na?

"Tara na. Sabi naman Vince papasok siya ngayon eh." Sabi ni Dane.

Lumabas na kaming lahat at sumakay sa mga sasakyan. Nasa backseat ako. Kaso nagulat ako nang may dalawang katawan pa ang sumulpot sa magkabilang gilid ko.

"Pasabay!" Sabay na sabi nila Yumi at Aya kay Ethan. In-start lang ni Ethan yung kotse pero di nagsalita.

"Nakapasok na daw kayo eh. Wala na siyang magagawa." Nakangiting sabi ni Ela na ikinanlaki ng mata naming tatlo.

"Paanong--" di ko natuloy yung dapat na sasabihin ko kasi tumawa na siya.

"Kapag kasi umiikot yung mata niyan, ibig sabihin lang non wala na siyang magagawa. Defeated na kumbaga. Lagi yang ganyan kapag naaasar sa kin."

"What bro? Di kami makaalis eh." Napatingin kami kay Ethan. Ayun, harang pala ni Andrei yung sasakyan niya.

"Pababain mo si Aya diyan." Utos ni Andrei.

"Si Yumi na din. Makakagulo lang yan sa inyo." Sulpot ni Dane sa gilid ng sasakyan ni Ethan.

"Ayaw pang aminin na gusto lang akong kasama. Dane! Dito muna ko! Para kumpleto kaming apat!" Paalam ni Yumi habang kumakaway kay Dane.

"Drei wag kang epal. Lagi na nga tayong magkasama eh. Balato mo na sa kin 'to." Sabi ni Aya.

"Edi sa min na lang kayo sumabay." Napasandal na lang ako sa upuan dahil sa sinabi nung dalawa.

"Male-late tayo. Yaan niyo na muna yung dalawa dito." Sabat ni Ela.

"Oo nga. Para namang di niyo makikita sa school yang dalawa." Irap ko.

"Uy, bitter ka Mika? Wala lang si Vi--"

"Wala akong pake. Baka gusto nigo umalis na diyan?"

"Aya tara." Napatingin kami kay Yumi.

"Saan?"

"Magmotor na lang tayo. Ayaw nilang magpadaan eh." Akmang lalabas na si Yumi ng sasakyn ng umalis sa gilid si Dane at binuksan yung sasakyan niya.

"Guys, I gotta go." Paalam niya at sumakay na.

"Takte si Dane. Namimilit pa kasi. Alis na ko guys!" Nagtawanan kaming apat na babae dahil sa dalawa. Lalakas ng topak.

"Okay na!" Masayang sabi ni Aya.

"Tss." Sambit lang ni Ethan at pinaandar na yung sasakyan. Haha! Buti na lang di siya nagsasalita. Iwas reklamo din.

Nanahimik na kaming lahat. Ilang minuto lang at naririnig ko yung mahinang tawa ni Ela. Tinignan ko yung dalawa na nakasilip sa magkabilang bintana.

"What's funny?" Tanong ni Ethan.

"Who. Who's funny dapat." Natatawang sagot ni Ela.

"Huh?"

"Ikaw kasi. Yang mukha mo ayusin mo nga. Nakabusangot ng nakabusangot."

Hinilamos ni Ela yung palad niya sa mukha ni Ethan pero yung isa binaling yung ulo niya sa kabolang side tapos hinuli yung kamay ni Ela gamit yung kanang kamay niya.

"I'm driving." Malig na tonong sabi niya at binaba yung kamay nila. Oo nila, nakahawak pa din kasi si Ethan sa kanya.

"Eh ngiti ka muna. Kaya mo naman yun. Ngumiti ka sa kin kagabi nung pinagalitan kita kasi nahulog mo yung chips na kinakain mo eh naglilinis ako." Tinaasan ko sila ng kilay kahit di nila ko nakikita.

Nung tumingin ako sa rareview mirror ay ngumiti ng mga 0.2 second si Ethan. Nanlaki ang mata ko at tumingin sa dalawang katabi ko na napatingin din pala sa kin.

Hindi ko lubos maisip na nagdadaldalan din sila. Siguro maiintindihan ko pa kung dadaldalin ni Ela si Ethan. Kaso ang nakakabigla, sinasabayan ni Ethan yung trip niya! Aba, anong meron sa dalawang 'to?

Imagine, ganito sila kapag silang dalawa lang? Baka mamaya nagho-holding hands na talaga sila? Yung literal na hawak kamay ah, yung pang magkasintahan.

"May something noh?" Bulong ni Yumi.

"Parang. Malihim pareho eh." Dagdag ni Aya.

"Baka sila na?" Tanong ko.

"Tsk." Napalayo kaming tatlo sa isa't isa nung marinig namin si Ethan. Napatingin ako kay Ela na nakataas ang isang kilay sa amin.

"Hindi kami. Walang something sa min at waalang dapat ilihim. Kayo magbubulungan na lang rinig pa namin." Umirap pa siya at humarap na sa daan.

"Shut up Girls." Tinignan kami ni Ethan sandali sa rareview mirror tapos sa kalsada na ulit tinuon ang atwnsyon niya. "I will remind myself next time not to make them ride in my car together." Pagkausap niya sa sarili niya.

Natahimik ako. Di nga? Kami ba yung sinabihan niya? Yung kinausap niya kanina? Oy big deal yon! Biruin mo? Kinausap kami ng isang pipi? Okay, OA na. Pipi na nagsasalita na lang. Hehe.

Pero hindi lang yon. Bigla bigla lang sumagi sa isip ko si Vince. Kapag nasa sasakyan kami pareho, lagi kaming nagsasagutan at nagbabarahan. Kapag magku-kwento siya lagi kong pinuputol at magsisingit ng kung ano-anong tanong. Kapag ako naman ang nagku-kwento, may reklamo at komento siya lagi. Yun na siguro yung way ng kulitan naming dalawa. Kahit na minsan para siyang si Dane magsungit. Yung tipong straight ang english? Ganun.

Pero nagbago din uun nung nag-iwasan kami. Naging tahimik na aiya kaya nananahimik na lang din ako. O kaya minsan makikinig ako ng music sa radyo ng sasakyan niya. Buti na lang di siya nagrereklamo kasi kung ganun bababa na ko ng sasakyan niya. Hindi ko kakayanin ang ilang minutong byahe na nakatahimik lang noh?

At kanina nung nakita ko si Ela at Ethan, parang bigla kong na-miss yung kulitan namin. at gaya nga ng nabanggit ko, pag sinabing kulitan, it means yung sagutan at barahan namin. Naalala ko yung dating samahan namin. Di nga lang katulad ng kay Ela at Ethan pero yung sa isang tingin mo lang alam mo ng close na sila hindi man nila aminin yun sa isa't isa.

Ako nga nitong nakaraang linggo ko lang in-admit sa sarili kong close nga kami. Kasi hindi ko din maiwasan minsan maisip yung dati.

May isa pa palang nakaka-highblood. Yung feeling na nakikita ko dati yung sarili ko kay Arlina kapag magkasama sila. Ako dati yung kaasaran niya, yung hindi man kami nagtatawanan dahil pareho kaming nagsusungitan, pero biruan lang naman. Ang hilig niya kasi akong pikunin. Ayaw tumigil mang-asar. Basta nakakainis.

At nakakaabnormal pa na yung ibang tao ayaw ng inaasar sila pero ako parang gusto ko pa. Okay, ayoko naman talaga kaso kapag kasi si Vince di naman ako naaapektuhan kasi nga alam kong biruan lang. At nababanas ako kapag may inaasar siyang iba.

Nung makarating kami sa school, wala pa sa parking lot yung sasakyan niya. Baka di na papasok yun. San naman kaya nagsuot yung lalaking yun? Baka pagalitan ako nila Mr. at Mrs. Quizon kapag nalaman nilang umalis ang anak nila na hindi man lang nagpaalam kung saang lupalop mapapadpad. Baka sabihin di ko man lang binantayan. Hayyy.

Halos kasunod lang naming pito yung first period teacher namin kaya nagmadali kaming pumasok sa room. Kasi naman sila Andrei at Dane eh. Nagtagal tuloy kami sa bahay.

Nagdi-discuss yung teacher namin nang may kumatok ng tatlong beses sa pinto at saka binuksan iyon.

"Good Morning Ma'am." Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ning makita ko kung sino yung pumasok. Ang bilis kasi ng tibok eh.

"Good Morning. Mind to explain your reason for being late?"

Saglit na nagtama ang tingin namin ng lumingon siya sa direksyon ko at bahagyamg ngumiti sa teacher namin.

"Kasabay ko po kasing pumasok si Mama. Sorry po."

"Oh... Okay. You may sit down." Ayos ah? Maipalusot kaya minsan si Mrs. Quizon sa mga teachers kapag may nagawa akong masama. Ay wag na. Baka naman nagsasabi ng totoo si Vince.

Nagsimula na siyang lumakad at napakunot noo ako. Ang tamlay niya kasi. Nakayuko lang siya at mabagal ang lakad. Nung makalapit siya saka ko lang napansin na namumutla siya.

Nilagay niya yung bag niya sa upuan niya pero hindi yun yung gamit niya pang-school. Nasa bahay siguro tapos ito reserba niya din sa kanil. Remember? Isa sa namamahala ng school eh magulang niya.

Nang makaupo siya ay huminga muna siya ng malalim baho dumukdok sa desk niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Parang may iba kasi talaga. Ang lamya tapos ang putla niya. Di kaya may sakit 'to?

Eh bakit ba? Ano namang pake ko? Hay, makikinig na nga lang ako sa lesson. Pinilit ko na lang ituon yung atensyon ko sa tinuturo ng teacher sa min.

Vince's POV

Naalimpungatan pa lang ako, naramdaman ko na agad yung sakit ng ulo ko. Umupo ako sa kama ko habang nakapikit saka naghilot ng sentido.

Nang medyo gumaan yung pakiramdam ko, tumayo na ko at dumiretso sa CR. I have my extra uniform here anyway.

Natapos na kong magbihis kaya inayos ko muna yung isang bag ko at nilagyan ng konting gamit. Lahat namam ng libro ko nasa locker sa room kaya props lang yung bag na 'to.

Nang makatapos na ko sa paga-ayos, sinukbit ko na yung bag ko at pumunta sa kusina.

"Good Morning Pa." Bati ko kay Papa ng madaanan ko sa sala. Nagbabasa siya ng newspaper.

Tinignan lang niya ko sandali at tinanguan. Kaya siguro ako ganito. I mean, sometimes childish and naughty, sometimes rude and stubborn. May pinagmanahan naman kasi talaga ko. Mom acts like a teenager while my dad is often serious and clear. Naiisip ko nga minsan kung paano nila natatagalan ang isa't isa.

Usually ayaw ni Papa ng maingay, pero kapag si Mama okay lang. Minsan pa naman parang megaphone yung bibig ni Mama. Tapos itong si Mama, madalas mapikon kay Papa kasi ang KJ daw. Hay, ewan ko sa magulang ko.

Naaalala ko nga minsan sa kanila kami ni Mik--- wait? Why did I suddenly think of that girl?

"Morning mom." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya saka hinalikan sa pisngi.

"Good Morning sweetie. Go and eat na. I'll just call your papa."

"Ma, how's my car? Can I use it now?"

"No anak. Ipapauwi ko na lang mamaya sa bahay niyo. Sa kin ka na lang sumabay ngayon." I didn't complain anymore and just sit down on the chair. After a minute ay dumating naman na silang dalawa.

Napahinto ako sa pagsubo nung maramdaman ko yung sakit ng ulo ko at parang bigla akong nawalan ng gana.

"Vince, are you alright?" Mama asked.

I know her, she won't allow me to go to school kung sasabihin kong masama ang pakiramdam ko. Pagpapahingahin niya lang ako dito.

"I'm fine Ma."

I manage to finish my breakfast and wait for my mom to finish hers. Para makapasok na na.

*****
Pagbana pa lang ng sasakyan ni Mommy, naramdaman ko na agad yung pagkahilo ko.

"Take care son." Humalik si Mommy sa pisngi ko.

Naghiwalay na kami dahil magkaiba ang way ng office niya sa room ko.

Paakyat pa lang ako nang mapahinto. I feel so dizzy. Parang isang hakbang ko lang, babagsak ako sa hagdan. I held onto the railings to balance myself.

Nang makarating sa room ay dahan dahan kong binuksan yung pintuan.

"Good Morning Ma'am." I greeted her.

"Good Morning. Mind to explain your reason for being late?"

Sa hindi ko malamang dahilan ay napatingin ako sa direksyon kung nasaan si Mika. Our eyes met. Umiwas ako at ngumiti ng tipid sa teacher.

"Kasabay ko po kasing pumasok si Mama. Sorry po."

"Oh... Okay. You may sit down." Tumango ako at yumuko.

Pinilit kong lumakd ng maayos. Nagdidilim kasi ang paningin ko dahil sa sakit ng ulo ko.

Binaba ko ang bag ko sa upuan at umupo. Huminga ako ng malalim saka dumukdok sa desk ko at pumikit.

*****

"Vince.." Nagising ako dahil sa tapik sa likod ko.

I raised my head to look at whoever that someone patted my back. Yung katabi ko pala. Sinilip ko yung dalawang upuan sa tabi niya. Where the hell are they? Even sila Dane wala sa row nila.

"Pinagising ka nila sa kin. Recess na." Sabi ni Mika at tumayo na.

I was about to stand up when a pain strike inside my head. Argh!

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

Minsan engot din 'tong babaeng 'to eh. Nakita ng impit na yung ungol ko sa sakit tatanungin pa kung ayos lang ako.

"My head aches." Pabulong na sabi ko habang nakapikit ng madiin at hinihilot yung sentido ko.

I felt her hand touched my forehead then my neck.

"Teka.. May lagnat ka. San ka ba nagpunta kagabi kasi? Guato mo dalhin kita sa clinic? O sasabihin ko na lang kay Mrs. Quizon para ipahatid na sa bahay?"

Hindi ako sumagot sa lahat ng tinanong niya. Ang sakit talaga ng ulo ko. I really don't like having an headache. Parang tinutusok ng pako yung ulo ko sa sakit.

"Sandali.. Pupuntahan ko lang si---"

Before she could finish her words at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, nahila ko na siya paupo sa tabi ko.

"Stay here." Utos ko at pinatong sa balikat niya yung ulo ko. She stiffed for a second. I closed my eyes.

Ang liit niya kaya nakakangawit pero pwede na, mas kumportable kaysa sa nakadukdok.

"Ela ... Pakibili na lang kami ni Vince ng mirienda, saka pakipuntahan si Mrs. Quizon sa office, pakisabi may sakit si Vince ... Kahit ano na lang ... Ayaw umalis dito eh, dadalhin ko na lang sana muna s clinic ... Oo nga. Sige ikuha niyo na lang ng gamot ... Salamat."

Gamot? Uh-oh. Not that one.

"Magmirienda ka muna tapos inumin mo yung gamot para mabawasan yung sakit ng ulo mo." Umiling ako.

"I don't want."

"Anong ayaw mo? Hindi pwede yun. Paano ka gagaling? Pano mawawala yang sakit ng ulo mo?"

"Ayaw."

Huminga siya ng malalim at nanahimik na. I smile secretly, I miss her being noisy. Hindi ko nga alam kung bakit ba ko lumayo sa kanya. Yeah of course, she won't stay with me.

Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya at dumukdok na lang ulit sa desk ko. What's with me? I shouldn't talk to her. I should not let myself be close to her. She will just leave me too.

"Hey, is Vince okay?"

"Oh, Arlina. Hindi eh. May lagnat siya."

"Ahh." Biglang may nag-angat ng ulo ko kaya napadilat ako. Sinamaan ko ng tingin ai Arlina na nakahawak sa magkabilang pisngi ko. She smiled sweetly at me. "I just want to tell you na na-pass ko na yung project natin. And... Do you want me to accompany you sa clinic?"

"A-ano.. Ahm... Alis muna ko. Arlina pakisamahan na lang si Vince. Salamat." I didn't bother to look at her.

Pero napakunot noo ako nung makita kong sumunod sa kanya si Jonathan. Here it is again. Yung inis na nararamdaman ko kapag magkasama sila.

"Don't be too indenial na kasi Vince." Kinunutan ko siya ng noo.

"Sinasabi mo?" Dumukdok ulit ako.

"Hayyy. You're a guy yet ang manhid manhid mo. Ikaw yung nakakaramdam pero di mo alam?"

She held my head and lean it to her shoulder. She's now sitting on Mika's chair. Di na ko umangal.

"What do you mean?"

"Vince.. Vince.. Vince.. You know naman na crush kita diba? And to be your friend is enough for me. Ayaw ko maging kontrabida noh? Haha. Ayaw mo pa kasi aminin eh. You're jealous."

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya pero nanatili akong nakasandal sa kanya at nakapikit.

"Why would I be jealous huh? I am not Arlina."

"You are. Kasi you like her. I'm doing you a favor na nga. I'm trying to make her jealous too para marealize niyo na yung nararamdaman niyong dalawa. And base sa reaction niya kanina, mukhang effective naman."

Do I like her? Am I jealous? And is she jealous? Tss. As if. She enjoys being with that guy.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 110 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
46.1K 1.4K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine