My Guardian

By AnonymousLove000

712 71 18

Sa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para... More

I [revise]
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII

XXVI

6 0 3
By AnonymousLove000

Yumi's POV

"Bakit ba lagi na lang nawawalan ng afternoon class?" Bored na sabi ni Aya pagka-upo sa upuan niya.

"Oo nga. Tapos ayaw naman nilang pauwiin na lang yung mga estudyante." Sabi ni Mika.

"Ay--"

"Andrei utang na loob! Hindi ako didikit kahit kaninong lalaki promise! Diyan ka na lang sa pwesto mo. Bigay mo na sa ming apat yung oras na 'to." Pagpuputol ni Aya kay Andrei na palapit sa min.

"Haha. Yan kasi. Magtigil ka muna Andrei, para namang di mo makikita mamaya sa bahay yan." Natatawang sabi ni Ela.

Pinatong ko yung siko ko sa desk tapos yung yung baba ko sa palad ko. Yung kabila ko ay pinantap ko sa desk ko at dun ako tumingin.

May ibig sabihin kaya yung pag-ako ni Dane sa gawaing ako dapat ang umaasikaso?

Nakasunod ako kay Dane maglakad sa hallway papunta sa room namin. Nakayuko lang ako kasi naiilang pa din ako s akanya. Bakir ba ayaw niya bilisan yung lakad niya nang mawala na siya sa paningin ko?  O unahan ko na lang kaya? Kaso parang ang bastos naman nun kasi nauuna siya sa kin.

"Aww." Nauntog yung noo ko sa likod niya kasi huminto siya sa paglalakad. Sumilip ako sa harap niya para malaman yung dahilan ng paghinto niya.

"Oh, ayan din pala si Yumi." Nakangiting aabi ng AP teacher namin.

"Good morning po." Bati ko.

"Good morning. Dane, natapos mo na?"

"Yes ma'am." Inalis ni Dane yung pagkakasukbit ng bag niha sa balikat niya at may kinuha sa bag.

"Yumi, you must be really close to Dane? Haha. Sa'yo ko sana ipapagawa 'tong reviewer pero nagvolunteer si Dane na siya na lang daw."

Napatingin ako kay Dane. Inabot niya yung isang big notebook. Eto yung sinusulatan niya nung Friday at Saturday. Ako ba ang kailangan gumawa nun? Bakit inako niya? Kaya ko namang gawin yun eh.

"Gotta go. Thank you Dane."

Hindi ko inalis ang tingin ko kay Dane. Bakit ba kakaiba yung nararamdaman ko? Gusto ko na ba talaga siya?

Saglit lang akong tinignan ni Dane tapos binilisan na niya yung lakad niya papunta sa room.

Dane naman eh, pinapagulo mo yung isip ko. Crush lang naman dapat kita eh, pero bakit parang lumalalim? Partida, hindi pa tayo nagu-usap.

"Yumi.."

Ang hirap pala kapag di ka sigurado sa nararamdaman mo. Parang halo-halo yung nagiging emosyon. Hindi ko alam kung masaya ba kong naiisip na baka nga gusto ko na siya o naiinis at nadi-disapoint kasi baka may gusto nga ako sa kanya.

"Yumi?"

Hayyy, hindi ko talaga naisip noon na may posibilidad na may magustuhan akong isa sa kanila. Dati naman kasi, impression ko talaga sa kanilang apat mga kampon ni Santanas, pero habang tumatagal, oo mga suplado nga pero mababait naman. Lalo na si Dane, ayaw na ayaw niyang nakakakita ng babaeng nasasaktan.

"Hoy Yumi."

Ultimo nga yata babaemg dumaing lang dahil sa kagat ng langgam, aalalayan na niya agad. Naku naman. Baka nga gusto ko na talaga siya? Pano ba kasi malalaman kung gusto na ang isang tao?

"YUMI!"

"Ayy gusto ko si Dane!" Napatakip ako ng bibig ko at nilingon yung kabilang row. Napapikit ako at nakahinga ng maluwag ng masigurong hindi nila narinig yung sinabi ko. Tinignan ko yung tatlong babaeng nakatingin sa kin.

"Kaya ba ayos lang sa'yo na mabuwag yung promise natin kasi gusto mo na si Dane?" Panga-asar ni Aya.

"Yieeee! Aamin ka na din kay Dane?" Kantyaw ni Mika.

"Haha! Kaya ka siguro umiiwas kasi naiilang ka." Natatawang saad ni Ela.

"Wag kayong maingay!" Saway ko kasi lumalakas na yung boses nila kakasabi ng 'Ayieee'.

"DANE--" mabilis kong tinakpan yung bibig ni Mika at hinila siya palabas ng room.

"CR lang kami." Rinig kong paalam ni Ela.

Nagtakbuhan kami sa CR, pagkapasok sa loob, tinignan ko ng masama si Mika.

"Bakit ba? Tatawagin ko lang si Dane kasi magpapaturo ako sa isang lesson natin sa Science. Kanina ko pa kasi tinatawag 'tong si Yumi kaso panay ang isip kay Dane." Paliwanag niya.

"Manahimik ka na lang. Pero seryoso Yumi, gusto mo si Dane?" Tanong ni Aya.

Humarap ako sa salamin, binuksan ko yung gripo at naghilamos. Humila ako ng tissue para punasan yung mukha ay kamay ko. Tinignan ko ulit sila.

"Ewan. Siguro. Baka. Oo?" Unsure na sagot ko.

"Hay naku Yumi. Mahirap kalabanin ang sarili. Kung gusto mo, tanggapin mo na lang." Sabi ni Aya.

"Tanggap ko.naman kung sakali nga, kaso hindi ko talaga sigurado kung gusto ko na ba talaga siya."

"Sabagay, mahirap din naman i-define kung paano mo masasabing gusto mo yung isang tao. Pwedeng mahal mo na pala pero parang wala lang. Pwede namang di mo talaga gusto pero akala mo gusto mo kasi natutuwa ka. Ganun." Sabi ni Mika.

"Oo nga. Oo nga." Pagsang-ayon ni Ela.

Umiling ako habang nakapikit.

"Aish! Basta ang alam ko lang iba yung epekto niya. Crush ko siya oo, pero hindi ko talaga masabi kung gusto ko na siya. Naguguluhan pa din ako." At sana malaman ko na talaga kasi litong lito na ko.

"Fine. Support ka na lang namin. Tara na't bumalik." Sabi ni Mika.

"Salamat. Pero siguro naman kusa ko na alng din mare-realize yung totoo."

Naunang lumabas si Ela, kasunod si Aya tapos ako at si Mika. Paglabas namin, napalingon ako sa gilid nung may gumalaw dun.

"Oh Dane!" Tawag ni Aya.

Tinanguan niya pang sila tapos tumingin sa kin.

"Let's go." Aya niya.

"Oy san kayo pupunta?" Tanong ni Mika.

"Pinapatawag lang kami ni Mommy."

"Ah sige. Una na kami. Tara na." Sabi ni Ela at hinila na yung dalawa.

Sumabay na kong maglakad kay Dane papunta sa office nila Mrs. Ramos.

Nung makapasok kami dun, walang ibang tao maliban sa mommy ni Dane.

"Dane, Yumi. Kayo lang yung maasahan ko ngayon dito. We have an emergency sa Tagaytay. Nandun na din ang mga tito, tita at daddy mo Dane. I need to go there too pero naiwan sa kin ang gawain dito sa school."

"What do you want us to do mom?" Tanong ni Dane.

May tambak na folders sa table ni Mrs. Ramos. Pinatong niya ang kamay niya dun at huminga ng malalim. Nagets ko naman yung gusto niyang iparating.

"I need to sign all of these. Actually, kaming apat ang pipirma dito, but don't worry, may pantatak naman para sa mga signatures namin. You just need to do it all today. I need these folders tomorrow."

"Para saan po ba yan Mrs. Ramos?"

"May mga pangalan ang students dito ng 9 and 10. We need their parent's approval for the overnight Christmas party next month. I just need these tomorrow kasi babalik ako sandali dito bukas para kunin 'to at magfa-flight naman papunta sa Batangas. Ire-review pa 'to nila Vivien."

"Sige po."

"Fine."

Magkasunod na sagot namin ni Dane.

"Thank you so much. I gotta go." Lumapit si Mrs. Ramos kay Dane ay hinalikan siya sa pisngi, niyakap din niya ko at umalis na.

Hinila ni Dane yung swivel chair ng mommy niya at tumingin sa kin saka tinuro yun. Lumapit ako at umupo doon. Hinila naman niya yung kay Mrs. Quizon at dun naupo.

Hinati naming dalawa yung mga folders. Ako ang magtatatak ng kay Mrs. Fajardo at Mrs. Guevarra, siya naman kay Mrs. Ramos at Mrs. Quizon. Pagkatapos kong tatakan yung folders ay nilalagay ko sa gawi niya para yung sa natirang dalawa naman yung maitatak niya. Ganun din yung ginawa niya sa folders na natatakan na niya.

Tinignan ko yung cellphone ko kung anong oras na. Nanlaki ang mata ko ng makitang 6:30 mahigit na. Sa pagkakatanda ko, mga 3:00 kami pinatawag. Kaya pala nagugutom na ko.

Sabagay naman kasi, ang daming folders nito na may nakasulat na 9 and 10 level. Tambak talaga. ang dami ngang estudyante dito.

"Let's buy some snacks first." Tumayo si Dane at naglakad kaya sumunod ako.

Madilim na din sa labas. Nung nagpunta kami sa canteen ay sarado na. Gabi na kasi eh.

"Kaya mo tiisin yung gutom mo? Mamaya na lang kaya kasi wala nang mabibilhan." Sabi ko. Tinignan niya ko sandali at naglakad na pabalik. Sunod naman ako.

"I'm not hungry. I thought you were. Bumubulong ka kasi." Napatingin ako sa kanya. Nasabi ko na naman?

Pero yung thought na kaya siya nag-aya ay dahil alam niyang gutom na ko ang nagpabilis s atibok ng puso ko.

Pa-fall din yung lalaking 'to eh 'no?

"Mannerism ko na kasi yun. Sorry. Pero okay lang naman. Mamaya na lang ako sa bahay kakain. Balik na lang tayo sa office."

Nang makabalik sa office ay tinapos na lang namin lahat ng natitira. 7:08 ng saktong matapos kami. 30 minutes mahigit lang.

Naalala ko yung bag namin.

"Dane, yung mga bag natin? Baka nasa roo--"

"Naibilin ko na sa tatlo. Don't worry. Let's go."

Naglalakad kami papunta sa parking lot nang humangin ng malakas at medyo nabasa ako ng konti. Tumingin ako sa taas. Umaambon.

"Faster Yumi." Utos ni Dane kaya binilisan ko yung lakad ko.

Bigla naman akong napaupo at napatakip sa tenga ko nang kumulog ng malakas. Napatili pa ako sa takot. Ayoko sa kulog at kidlat.

"Hey.. Are you okay Yumi?" Nakalapit na pala sa kin si Dane.

Kumukulog kulog pa din kaya nanginginig na ko sa pwesto ko. Kusa na ding nagtuluan yung mga luha ko. Natatakot ako sa tunog ng kulog.

"Sh*t, Yumi don't cry." Hinila ako ni Dane patayo.

Nung hindi ko na marinig yung tunog, tinanggal ko na yung mga kamay ko sa tenga ko.

"What's wrong?" Tanong niya.

"Takot ako sa kulog at kidlat." Mahinang sabi ko. Himihikbi pa din kasi ako ng konti.

Bigla namang tumunog ng malakas ulit yung kulog kaya napatalon ako kay Dane at yumakap. Naramdaman ko na din na mas lumalakas na yung pagpatak ng ulan.

Naramdaman ko yung paghawak ni Dane sa balikat ko para ilayo ako ng konti sa kanya nung nawala na yung tunog ng kulog. Pinahid niya yung luha ko at saka ako hinawakan sa kamay para hilahin patakbo sa sasakyan niya kasi lumalakas na yung buhos ng ulan.

Nang makapasok kami sa sasakyan ay pinaandar na niya yun saka pinatay yung aircon. Medyo nabasa kasi kami.

Pinigilan ko yung pagtulo ng luha ko kada kukulog pero nakahawak pa din yung mga kamay ko sa tenga ko. Pumikit na lang ako at hinintay na makatulog yung sarili ko para hindi ko na marinig yung kulog.

Bakit lagi na lang si Dane yung nakakakita ng kahinaan ko? Kaya lagi kong nararandaman yung concern niya eh, lagi kong nararanasan yung paga-alaga niya.

Kaya lalo ding lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya.

Dane's POV

The moment she hugged me, I feel my heart skipped a beat. Parang tumigil sandali ang oras. This is the very first time I felt like this.

Kamalasan din naman ng babae na 'to. She always put herself in danger. Lagi na lang napapahamak.

But who would have thought that this strong and cofident girl is afraid of thunder? Yun lang pala makakapag-patumba sa kanya eh. Kaya bawal siya makipag-laban ng umuulan.

I looked at her. She's sleeping. Hininto ko sa gilid sandali yung sasakyan ko at kinuha yung jacket ko na lagi ko lang nilalagay sa likod ng sasakyan. Pinatong ko yun sa kanya at nagsimula na ulit magdrive.

When we headed home, I wake her up. Nagising naman siya at nahulog yung jacket na nakapatong sa kanya.

"Ay sorry. Lalaban ko na lang muna 'to." Inabot niya yun at lumabas.

Binilisan ko yung pagbaba ng sasakyan at lumipat sa harap niya. I snatch the Jacket from her and wear it to her. Sinuot niya naman. Ngumiti ako at ginulo yung buhok niya saka naunang maglakad.

"Uy wait lang." Humabol siya at tumabi sa kin.

We entered the house, the girls are waiting for Yumi. I went to my room to change my clothes. Nahiga ako sa kama ko.

That feeling happened once. But I still don't feel anything. The spark when she is walking towards me? No. The heart beat being faster when she is around? No. A smile that only she can make? Nahh. I always smile the same to them.

But.. She can make me feel comfortable. Sa lahat ng babaeng nakasama ko sa kanya ako naging sobrang komportable. She can also comfort me.

Maybe.. Maybe in someway,  she's special for me.

*****

Hindi ko namalayang naka-idlip pala ako. I just heard someone roaming around my room. Rinig ko yung bawat yapak eh.

"Nagising ba kita? Sorry." She said when I sat down on my bed. I looked at her. She's holding a spoon and fork. Nun ko lang napansin ang mga pagkaing nasa center table ko.

"Is that for me?" Tanong ko at tumayo ng kama.

She nodded her head and put down the utencils she was holding.

"Hindi ka pa kasi kumakain ng hapunan. Akala ko kanina bababa ka kaya hindi na kita pinuntahan dito. Kani-kanina lang nung bumaba ako, hindi nagalaw yung pagkain dun. Pinagluto na lang kita ng bago para mainit pa." She explained.

"Thanks. Did you eat already?" I asked.

"Oo namn. Gutom na ko eh."

Sinimulan ko ng kumain. Umupo naman siya sa carpet kaharap ko at tinignan ako.

"Dane nga pala. Pasensya na kanina. Nakita po kong ga--"

"It's okay Yumi. I don't care about that." Simpleng sagot ko.

"Pero salamat din. Kahit paano nawala naman ng kaunti yung takot ko." I smiled at her.

"Welcome. Kaso bawasan mo yang kamalasan mo. Lagi kang napapahamak." Tinignan niya ko ng masama.

"Kapal ng mukha mo! Nagkakataon lang na kapag napapahamak ako, ikaw yung kasama ko. Umamin ka nga, may balat ka ba sa puwet?" Muntik ko ng maibuga yung kinakain ko dahil sa sinabi niya.

"Wala. Yang bibig mo Yumi ah, kumakain ako." Sabi ko habang umiinom.

"Para namang may sinabi akong bastos." Bulong niya na narinig ko naman.

"Whatever."

"Whatever whatever. Kalalki mong tao ang taray mo." Natawa ako ng mahina. She laughed too.

Now I can feel the old us. Teasing each other, laughing together. I miss this. I miss my friend.

"Miss mo din?" Tanong niya.

"Huh?" I frowned my forehead.

"Eto. Parang yung dating samahan natin. Miss mo din?" She sighed ans then smiled. "Kasi ako oo. Hindi na ko magsisinungaling. Nakaka-miss naman talaga." I smiled back at her.

"Indeed. I admit." We smiled at each other. Pinakiramdaman ko yung sarili ko kung mauulit ba yung naramdaman ko kanina.

But no, my heart beat is normal. I don't feel anything.

"Oh, babalik na lang ako maya-maya. Ubusin mo lahat yan ah?"

"Yumi, hindi ako malakas kumain."

"Kahit na ba. Masama yung nagpapabaya. Dapat lagi kang kumain ng madami. Sige na. Babalik na lang ako." Tumayo siya at tumakbo palabas ng kwarto.

I smirked and shook my head. I don't like that girl but she really is special for me. Who knows? I might like her.

Not now, but soon.

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 241 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
48.7K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
341K 8.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
2.7K 100 37
Synopsis Faye's lives happily with her family and her younger sister. Her younger sister has a heart disease and Faye has nothing else to ask for but...