My Guardian

De AnonymousLove000

712 71 18

Sa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para... Mais

I [revise]
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII

XXIV

13 1 1
De AnonymousLove000

Yumi's POV

Napangiti ako sa nakikita ko. Nandito kami ngayon sa Canteen at nagla-lunch. Mula kagabi ang sweet sweet nila Aya at Andrei. Tapos ngayon nakipagpalit pa ng pwesto si Andrei kay Ela kaya magkatabi silang dalawa.

"Andrei naman. Para namang mawawala ako." Iritang sabi ni Aya.

Hindi kasi siya makakain ng maayos dahil siksik ng siksik si Andrei sa kanya. Malapit na nga akong mahulog sa upuan ko dahil kada sisiksik si Andrei, aasog si Aya kaya maasog din si Mika, at dahil katabi ako ni Mika, naaasog din ako. Kawawa naman ako, kalahati na lang ng puwit ko yung nakaupo.

"Hindi nga. Pero yung maangas na Jon na yun baka bumalik dito. Ipagdidikdikan ko lang kung kanino ka lang dapat."

"Ako ang magdidikdik ng mukha mo Andrei kapag hindi ka tumigil sa kakasiksik. Maawa ka naman, hindi kami makakain ng maayos at malapit nang mahulog si Yumi. Ipapaalala ko lang sa'yo, hindi pa kayo." Gigil na sabi ni Mika.

Tinignan kami ni Andrei. Nagpout ako sa kanya kasi ayaw niya kong kaawaan, isang asog na lang niya hulog na ko.

"Ay!" Napatayo ako nang may humila sa braso ko.

Pina-upo niya ko sa inuupuan niya kanina, kumuha siya ng bagong upuan sa kabilang table at pumwesto sa gilid ng lamesa.

Bale, tatlo na lang sila Mika, Aya at Andrei sa katapat naming upuan, katabi ko naman si Vince, Ethan at Ela sa isa pa at sa gilid si Dane.

"Bro utang na loob, saka mo angkinin yan kapag sinagot ka na." Sabi ni Dane at nagsimula ng kumain.

Nagpout na lang si Andrei at di na nangulit. Napangiti ako tapos tinignan si Dane. Ang charismatic naman kasi ng lalaki na 'to. Nakadagdag pa yung salamin na minsan lang niya isuot pero nakakatulala talaga kapag sinuot na niya. Bagay kasi sa kanya. An epitome of a hot nerd.

"Psst. Wag kang magpahalata na crush mo." Bulong sa kin ni Vince. Tinignan ko siya ng masama.

"Tinignan lang crush na agad? Edi wag ka din magpahalatang crush mo si Mika."

"Hoy! Kailan ko tinitigan yun? Sinulyapan siguro oo, kahit naman kayo sinusulyapan ko. Eh ikaw titig ginagawa mo." Nginisian ko siya.

"Bakit defensive ka?" Tinignan lang niya ko ng masama at kumain na.

Kinuha ko na lang din yung pagkain ko. Sa totoo lang, nung mga panahong tinanong kami ni Kuya Axel tungkol sa crush at sinabing meron ako, si Dane talaga yung tinutukoy ko. Pero gaya ni Aya, iniisip ko noon yung tungkol sa pangako naming apat. At lalong lumalala yung pagka-crush ko sa kanya dahil sa paga-alaga niya sa kin.

Nung panahong nawala sila Nanay, sa sobrang sakit na nararamdaman ko, at sa kakaisip ko kung bakit nawala sila sa min, naghanap ako ng masisisi. At dahil sila yung nandun at sila yung kasama namin palagi, sila yung sinisi ko.

Dalawang rason lang namam kung bakit pinipilit kong maging cold kay Dane. Una, nahihiya ako kasi lagi na lang siya, sila yung sinisisi namin. Pangalawa, pakiramdam ko kapag di pa ko lumayo, baka mas lumalim pa yung nararamdaman ko.

Sa mga araw na nilayuan ko siya at kinukulit niya ko, gustong-gusto ko nang bumalik yung dating kami. Nagsasagutan man minsan, pero kapag magkasama kami walang ilangan. Kaso napagod na yata kakasunod s akin kaya hindi na lang din niya ko pinansin. Ni hindi na nga din niya ko inuutusan eh. Kapag lilinisin ko yung kwarto niya, titingin lang siya sandali sa kin tapos wala na. Parang hangin na lang kami sa isa't isa.

Hanggang ngayon naman crush ko pa din siya, hindi ko nga alam kung bakit eh, hindi naman na kami nag-uusap. Wala na din naman siyang pakielam sa kin. Hindi ko din maintindihan kung bakit naapektuhan ako ng sobra sa kanya. Posible kayang higit sa cruah yung nararamdaman ko?

Hah! Ewan! Kahit naman anong maramdaman ko, kung hindi kamo pareho, wala din. Saka isa pa, hindi na nga kami nagu-usap.

Gaya na lang kani-kanina, hinila niya lang ako, pinaupo sa upuan niya pero hindi niya ko pinansin. Hindi ko tuloy magawaang magpasalamat kasi baka di din naman niya pansinin.

Pagkatapos naming magkainan, sabay-sabay kaming bumalik ng room. Nangunguna kaming maglakad ni Mika habang magkakawit ang braso. Pagtingin ko sa likod namin, nakasunod sa min si Ela, sa likod niya sila Vince at Dane, sunod sila Aya at Andrei, nasa dulo si Ethan.

Pagkabalik sa room, inikot ulit namin yung upuan namin, may 20 minutes pa naman bago magsimula ang afternoon class.

"Mga bro, samahan niyo ko sa office. May twenty minutes pa naman." Aya ni Andrei sa kanila.

"Ano gagawin niyo dun?" Tanong ni Aya.

"Bakit? Mami-miss mo agad ako?" Nagtaas baba pa yung dalawang kilay ni Andrei.

"Hindi. Gusto ko pang malaman kung matatagalan ka, makikipag-usap muna kasi kami kala Jon." Nakasimangot na sagot ni Aya.

Sinamaan siya ng tingin ni Andrei.

"Wag kang magselos kung alam mong sa'yo. Tara na." Tinapik ni Dane yung bal8kat ni Andrei kaya sumunod na lang si Andrei pero masama pa din ang tingin kay Aya.

"Pinagseselos mo talaga?" Natatawang tanong ni Mika.

"Di ah? Pano magseselos yun eh di na nga ako malapitan ni Jon dahil sa kasungitan niya? Akala mo naman kanyang-kanya ko. Di ko pa nga sinasagot eh."

"Haha. Wag mo sabihing nagsisisi kang sinabi mong mahal mo din siya?" Singit ni Ela.

"Hindi ah! Ayoko din namang may umagaw sa kanya kahit di pa kami." Natawa na lang kami.

Ang gulo din ng babaeng 'to eh.

*****

  Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko. Hindi ko maintindihan yung sarili ko mula kanina. Kasi naman kanina ko lang din naisip na.... Posible ngang higit pa sa pagka-crush yung nararamdaman ko para sa kanya. Mas naioang tuloy ako.

Baka kasi kaya ko naisip yun, pumayag na din kasi silang wag na namin tuparin yung mga pangako namin, isa pa, si Aya at Andrei may feelings na sa isa't isa, kaya hindi na din ako natatakot kung lumalim man yung nararamdaman ko. Ang iniisip ko lang, kung sakali mang lumalim 'to at wala siyang nararamdaman para sa kin, anong gagawin ko? Ayokong masaktan, nakita ko kung gaano nalungkot si Aya nung mga panahong umiwas siya kay Andrei. Ayoko namang maging ganun.

"Hayyy. Makapagpa-hangin na nga lang sa labas." Sabi ko sa sarili ko at tumayo sa kama.

Since naka-sando at short lang ako, kinuha ko na lang yung jacket ko at nagsuot ng tsinelas. Lumabas ako ng kwarto, pagkababa ko, naabutan ko si Dane sa sala. Nakaupo siya sa carpet sa harap ng center table at may sinusulat. Suot niya na naman yung salamin niya.

Napailing ako kasi kapag ganyan yung ayos niya, di ko maiwasang di siya titigan. Naglakad na ako, nakita ko pa yung saglit na pag-angat niya ng tingin sa kin bago ulit bumalik sa ginagawa nya.

Lumabas ako ng bahay. Madilim na din pero dahil may street lights naman, naaaninag ko yung daan. Ang astig naman kasi, ang laki laki ng bahay nila Dane, wala namang kapitbahay, napakadalang din ng mga sasakyang nagdadaan. Medyo malayo layo na kasi yung susunod na bahay sa kanila.

Naglakad lakad lang ako sa kalsada, hindi naman nakakatakot kasi tahimik naman yung lugar, kampante akong walang manyak o lasinggerong gagala dito. Saka kaya ko namang protektahan yung sarili ko.

"Bitawan niyo nga ako!"

"Sinabi kasing ibigay mo muna yang bag mo!"

"Ayoko nga sabi? Wala kayong mapapala! Hindi ako mayaman kaya wag ako yung nakawan niyo!" Aba astig, mareklamo din yung ninanakawan.

"Hmmm.. Saang gawi kaya yun?" Hinahanap ko yung pinagmumulan ng sigawan.

Medyo malayo ng konti sa bahay, maraming puno dun sa daan pero dahil nasa tapat sila ng ilaw, nakikita ko yung mga mukha nila.

Tumakbo ako palapit sa kanila, sa tantya ko ay mga 1st o 2nd year pa lang sila. Bata pa kasi yung mga itsura at nakasuot ng uniform na mula sa public school. Paano ba nakarating dito 'tong mga 'to? Ahh baka pauwi na kasi yung babae tapos sinundan nung dalawang lalaki. Hawak ng isang lalaki yung babae na nakayakap sa bag niya. Yung isa namang lalaki ay nasa harap nung babae na sa tingin ko ay yung sumigaw kanina.

"Pre, mukhang may mapapala naman tayo dito." Sabi nung lalaking nasa likod ng babae habang hinahaplos yung braso nung babae.

Di naman maitatanggi, maputi at maganda yung babae.

"Hmmmm.. Pwede.." Sabi nung nasa harap na hinihimas yung baba niya.

"A-anong gagawin niyo?" Maiiyak na na tanong nung babae.

"Oo nga. Anong gagawin niyo?" Napalingon sa kin yung tatlo.

"Sino ka naman?" Tanong nung nasa harap.

"Wag niyo nang alamin kasi wala akong pakielam kung sino kayo. Bitawan niyo yang babae." Sabi ko.

"Aba ang yabang mo ah?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Buti nga ako kaya ko kayong yabangan eh, kayo, lalo ka na. Ang duwag niyo, para kayong mga bakla. Babae yang pinapatulan niyo." Inirapan ko sila.

"Aba't!" Akmang susugod siya pero di niya tinuloy ay humarap ulit dun sa babae. "Akin na yun bag mo. Hindi dapat pinaga-aksayahn ng oras yung taong hindi kasali dito." Pagpaparinig niya.

Lumapit ako sa kanila at hinila ko ng marahas yung babae. Tinago ko siya sa likod ko.

"Gusto mo talaga ng away?" Galit na sabi nung lalaking nakahawak sa babae kanina.

"Ayoko. Pero kayo yung gumawa ng dahilan para gustuhin ko ngayon lang."

Tinaas ko yung hintuturo ko at sinenyasan na lumapit yung kaninang may hawak sa babae.

Dali-dali naman siyang sumugod at akmang susuntukin ako pero hinawakan ko yung braso niya at pinalipit yun sa likod niya. Nung namimilipit na siya sa sakit, hinarap ko siya sa kin at sinuntok sa sikmura. Nabuwal namn siya habang nakahawak sa tiyan niya. Sunod na sumugod yung isa pero sinipa ko na agad siya sa part na masasaktan siya ng sobra.

"Ate thank you po." Sabi nung babae.

Lumapit ako sa kanya at ngumiti. Hinawakan ko siya sa balikat.

Dane's POV

Pagkauwi sa bahay, agad kong kinuha lahat ng notes na pinapasulat sa kin ng Teacher namin sa AP. Parang reviewer na gagamitin nung kaklase ko na lalaban sa AP contest bago mag-christmas break.

Ako o si Yumi dapat ang kukunin sa min sa klase, kaso hindi naman namin major ang AP. Isa pa, baka hindi din makapag-concentrate si Yumi sa pagre-review, lagi ba namang iniistorbo nung tatlo. While me, kaya ko naman pero sa lahat ng contests, ayokong salihan ang AP. Not that I can't be on the top, pero ayoko lang talaga. Sinuggest ko na lang sa teacher namin na si Philip na lang ang ilaban since siya naman ang maalam sa history.

And about this notes, ako na ang nagpresinta dahil kay Yumi dapat iu-utos. Pumayag naman si Ma'am dahil maganda naman ang penmanship ko. I don't know what got into me at inako ko ang dapat ay gagawin ni Yumi. Siguro ayoko lang muna siyang gumawa ng mga ganito dahil hindi pa din nagtatagal ang pagkawala ng magulang niya, I want her to enjoy first bago niya gugulin yung oras niya sa pagsusulat ng reviewer.

Habang nagsusulat ako, naramdaman kong may lumalakad sa sala kaya nag-angat ako ng tingin at nakita siya. Nagkatinginan kami sandali pero binalik ko na din yung atensyon ko sa sinusulat ko.

Hindi ko nga alam kung bakit kami humantong sa ganito, as far as I remember, we became friends. Pero mula nung magsisihan sa libing ng magulang nila, hindi na niya ko kinausap.

Hindi ko ugaling mangulit pero dahil nasanay ako sa presence niya, kinulit ko siya maibalik lang namin yung samahan namin. But I think I really am an impatient person, I didn't last for long. Well, I can't blame myself though, I know myself that I am not patient enough to handle a girl. But I also know myself that Yumi is different. I care for her in a different way. Different from Aya, Mika and Ela, but not to the point na katulad ng kay Andrei.

Napatigil ako sa sinusulat ko. Yumi is wearing a Jacket, baka lumabas ng bahay yun. Gabi pa naman at ang ikli ng short niya. Oo hindi naman dangerous sa lugar na 'to but who knows right?

Tumayo ako at kinuha sa gilid ng pinto yung isang cap. Sinuot ko yun at sinundan si Yumi. Medyo malayo siya sa kin kaya alam kong hindi niya mahahalatang may sumusunod sa kanya.

Nakalayo na kami ng konti sa bahay nang magpalinga linga siya, parang may hinahanap. Napakunot noo ako. Is there someone she will meet here? Ng ganitong oras?

Biglang bumilis yung lakad niya kaya binilisan ko din yung akin. She didn't notice me, did she?

Bigla siyang huminto sa isang daan na maraming puno sa gilid. May tatlong taong nakatayo sa isang liwanag. Dalawang lalaki at isang babae. Lumapit pa ako ng kaunti para marinig ko yung usapan nila.

"Pre, mukhang may mapapala naman tayo dito." The guy holding the girl said. Mukhang nasa 2nd year pa lang ang mga batang 'to.

Tinignan ko si Yumi, nasa gilid ako ng kalsada malapit sa kanila, since walang ilaw sa kinatatayuan ko, mahihirapan din silang aninagin ako.

"Hmmmm.. Pwede.." The guy in the front of the girl said. Medyo kalbo yung isa na 'to.

"A-anong gagawin niyo?" Did I mention that I don't like seeing a girl getting hurt? She's about to cry for Pete's sake!

I was about to walk towards them to take the girl away from them when Yumi talked.

"Oo nga. Anong gagawin niyo?" Nilingon siya nung tatlo.

"Sino ka naman?" The bald guy asked.

"Wag niyo nang alamin kasi wala akong pakielam kung sino kayo. Bitawan niyo yang babae."

"Aba ang yabang mo ah?"

"Buti nga ako kaya ko kayong yabangan eh, kayo, lalo ka na. Ang duwag niyo, para kayong mga bakla. Babae yang pinapatulan niyo." Napangisi ako. She really is something. Talagang tini-trigger pa niya yung mga estudyante? Dalawang lalaki yan!

"Aba't!" The bald guy was about to run towards Yumi kaya umalis ako sa kinatatayuan ko para sana pigilan siya nang bigla siyamh tumalikod. "Akin na yung bag mo. Hindi dapat pinaga-aksayahan ng oras yung taong hindi kasali dito." Pagpaparinig niya.

Yumi went near them and she forcefully pull the girl away from the guys. The girl hid at her back. Ang tapang ng babae na 'to. How come she be so confident and strong? Pwedeng yan pa ang magpahamak sa kanya.

"Gusto mo talaga ng away?"

"Ayoko. Pero kayo yung gumawa ng dahilan para gustuhin ko ngayon lang."

She signaled them to come near her. The guy who was holding the girl earlier ran to her and was about to punch her nang hawakan niya yung braso nito ay pinalipit patalikod. My eyes grew wide. She's amazing! She then punched the boy's stomach. Sumunod yung isa pero hindi pa man nakakagawa ng move ay sinipa na siya ni Yumi sa little biddy niya. Napangiwi ako. That must be really hurt.

"Ate thank you po."

  Yumi held the girl's shoulder.

"San yung bahay mo? Hatid na kita. Baka kasi sundan ka na naman ng mga 'to." Turo niya din sa dalawang lalaking namimilipit sa sakit.

"Ahmm.. Sigurado po kayo?"

"Oo naman. Kahit malayo pa yan."

Lumakad ako palapit sa kanila habang nakapamulsa.

"Can I come ladies?" I asked. Napatingin sila pareho sa kin.

"Hala pogi!" The girl said. I smiled at her.

"Dane?" Tinignan ko si Yumi.

"Are you expecting someone?" Umiling siya sa kin at inakay na yung babae.

"Hindi. Wala." Sagot niya.

"Baby girl, anong name mo?" Yumi asked her.

Sabay-sabay kaming lumalakad tatlo, Yumi's in the middle. Nilingon ko yung dalawang lalaki. Mga nahirpaang tumayo saka kumaripas ng takbo palayo. Tsk tsk.

Can someone remind me not to hurt nor make Yumi angry?

"Karen po. Ikaw Ate ganda?"

"Yumi. Bakit ba mag-isa ka lang naglalakad dito?"

"Naubusan na po kasi ako ng pamasahe dahil may project akong binili. Nga pala kuya Pogi, ano name mo?"

"Dane." Simpleng saad ko.

"Ay Ate Yumi.. Ang suplado ng boyfriend mo."

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Yumi na tumingin din pala sa kin. We both looked back at her.

"Hindi ko siya boyfriend!/I am not her boyfriend!" We said in unison.

Continue lendo

Você também vai gostar

10.9K 379 69
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
781 50 11
This is the story about the Farmers daughter and a Millionaire daughter, nor they met when they was a children saving each other in the danger and Fa...
1.2M 24K 56
just for fun
39.3K 1.2K 77
Compilation of Vhoice stories.