CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (...

By fedejik

53.9M 758K 54.3K

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki ma... More

Synopsis & Author's Note
Beginning
Chapter 1.1.2
Chapter 1.2.2
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.3
Chapter 3.2.3
Chapter 3.3.3
Chapter 4.1.3
Chapter 4.2.3
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.2
Chapter 6.2.2
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.5
Chapter 8.2.5
Chapter 8.3.5
Chapter 8.4.5
Chapter 8.5.5
Chapter 9.1.4
Chapter 9.2.4
Chapter 9.3.4
Chapter 9.4.4
Chapter 10.1.4
Chapter 10.2.4
Chapter 10.3.4
Chapter 10.4.4
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4
Chapter 12.1.3
Chapter 12.2.3
Chapter 12.3.3
Chapter 13.1.2
Chapter 13.2.2
Chapter 14.1.4
Chapter 14.2.4
Chapter 14.3.4
Chapter 14.4.4
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Author's Note
Chapter 21.1.2
Chapter 21.2.2
Chapter 22.1.5
Chapter 22.2.5
Chapter 22.3.5
Chapter 22.4.5
Chapter 22.5.5
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Author's Note
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.2
Chapter 24.2.2
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.4
Chapter 26.3.4
Chapter 26.4.4
Chapter 27.1.4
Chapter 27.2.4
Chapter 27.3.4
Chapter 27.4.4
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
JorTy Readers
Epilogue
Special Greene Chapter
Special Announcement
Special Greene Chapter & TV Movie @ TV5

Chapter 4.3.3

760K 9.9K 436
By fedejik

#LoveBegins

#TotohanangJorTyHanNaIto

********

CHAPTER 4.3.3

JORDAN's POV (Continuation)

       

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba all of a sudden ay affected ako sa ginagawa ni Tyrone? Kanina pa niya ka-table 'yung babaeng 'yun na grabe ang pangha-harass na ginagawa sa kanya, pero parang wala lang? Ang landi talaga! Nakakainis!

"I thought boyfriend mo 'yun? E, bakit nakikipaglampungan sa iba?" Shit! Hindi ko inaasahan na makikita ko pa rin itong matandang lalaking 'to rito. Ang dami nang nangyari ngayong araw! Gusto ko nang magpahinga!

Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niya at umirap lang.

"Madami pa po akong ginagawa. Wala po kayong karapatang panghimasukan ang buhay ko," inis na sabi ko at nilagpasan siya. Sarap pukpukin ng bote! Nakakainis!

"Just be with me tonight and we'll have a good time." Gumapang ang daliri niya sa kahabaan ng aking braso pataas! Agad akong kinilabutan sa ginawa niya!

"Don't touch me, Sir. Hindi po parte ng trabaho ko ang magpahawak sa inyo. So, if you'll excuse me," mataray na sabi ko at mabilis siyang tinalikuran. Parang narinig ko pa siyang natawa, pero hindi ko na nilingon. Wala akong panahon!

Tulad nang dati, one o'clock early morning na ako nakalabas ng bar. Pakiramdam ko ay pagud na pagod ako sa dami ng tao ngayon. Pero at the same time, pabor din naman sa akin kasi nakarami ako ng tip.

Hindi ko na nakita si Ty sa dating kinakaupuan niya. Nagtake home siguro ng babae sa condo niya. Naiisip ko pa lang ay naiinis na ako! E, bakit nga ba naiinis ako, huh?! Ano ba talagang nangyayari, Jorge?

Paglabas ko ng bar ay ganoon na lang ang gulat ko nang makita si Tyrone na nakasandal sa hood ng kanyang kotse. Ako ba ang hinihintay niya?

Nag-aalangan man akong lumapit ay wala akong nagawa dahil sa akin nakadirekta ang titig niya.

"Let's go. I'm sleepy," bungad pa niya. Wala ako sa sariling lumingon sa aking likuran dahil baka kasunod ko lang 'yung babaeng kalampungan niya kanina.

"What are you doing?" kunot-noo pa niyang tanong. Ang init naman ng ulo? Dahil ba hindi niya naikama 'yung girl?

"Are you sure wala kang hinihintay?" sarkastiko ko pang tanong. Fine. Naiirita pa rin ako sa kanya! Hindi ko pa rin makalimutan kung papaano siya makipaghalikan d'un sa babae! Ang halay lang!

"I am waiting for you. Sino pa bang hihintayin ko rito?!" masungit pang sagot niya. Ang init talaga ng ulo! Salubong na salubong din ang kilay niya!

"Nasaan na 'yung babae mo kanina?"

"I don't give a damn, okay? Just get inside the fucking car!" utos pa niya sa mataas na boses dahilan para mapaigtad ako sa gulat.

"Ano bang problema mo?!" Hindi ko na rin naiwasan ang magtaas ng boses. Akala mo kasi kung sino umasta! Nakakabwisit!

"Now. Jordan." Madiin pang sabi niya at igting ang kanyang panga.

"Magta-taxi na lang ako!" Agad ko siyang nilagpasan pero nahapit niya ako kaagad sa baywang at buong lakas na ipinasok sa sasakyan. Tangna! Paano niya nagawa 'yun?!

Nakita ko siyang umikot at sumakay sa driver's seat. Ano ba talagang problema niya?! Bakit bigla-bigla siyang nagalit?!

"Hindi ka na papasok sa bar na 'yan, starting tomorrow!"

"At sino ka naman para sundin ko?!" Umismid ako at umirap nang kuntodo sa kanya.

"Seatbelt, please," seryoso pa ring utos niya sabay paharurot nang mabilis! Putcha! Gusto na ba niyang mamatay?! Idadamay pa talaga ako!

"Tangna, Ty! Ano bang problema mo?!" inis pang sabi ko. Nakakagalit talaga itong lalaking 'to!

"That old man is hitting on you again! You just can't let anyone touch you, Jordan!"

"I did not let him touch me!" Jusko, napapa-English na naman tuloy ako sa inis! Biglang tumatama ang grammar ko kapag naiinis ako!

"I saw you let him!" Bahagya pa siyang sumulyap sa akin! Nafru-frustrate ba siya? Bakit gan'un ang mukha niya? Was he jealous?

"Para sa info mo, mister! Ikaw 'tong nakikipaglampungan na lang bigla sa babaeng ni hindi mo nakikilala! Nakakadiri ka!"

"Oh, really? Ano namang pakialam mo d'un?"

"So, parehas lang tayo! Wala ka rin dapat pakialam sa akin!" buwelta pabalik ko sa kanya.

"Lalaki ako, Jordan! Kaya kong protektahan ang sarili ko! E, ikaw? Mare-rape ka kung hindi ka mag-iingat!"

"My God, Ty! Kung hindi ka nakita n'ung matandang 'yun na nakikipaglampungan sa iba, hindi niya iisipin na lapitan pa ako ulit!" irritable pa ring sabi ko. Tama bang sinabi ko 'yun?

"Hindi ako ang lumapit. 'Yung babae!"

"Oh, yeah, kasabihan nga namang palay na ang lumalapit hindi mo pa tutukain?! Jusko! Excuses ng playboy na kagaya mo!"

Natahimik na lang siya sa mga huling sinabi ko. Napatikhim siya at napailing. Buti naman at marunong ka ring tamaan, gago ka!

"Sandali! Hindi ito ang daan pauwi sa condo ni Cary!" pigil ko pa sabay hawak sa kanyang braso. Mabilis ko ring pinasadahan nang tingin ang aming dinadaanan para kumpirmahin.

"You'll stay with me at my condo for the meantime," matabang pang aniya.

"Huh? Bakit?" Mataman ko siyang tinitigan habang ang buong atensyon niya ay nasa daan.

"Kasama niya ngayon 'yung German boyfriend niya sa condo."

"Si Maximilian Werner?"

"Yes," tipid na sagot niya. Medyo mababa na rin ang boses niya kumpara kanina.

"Magkakilala kami. Hindi ko na kailangan mag-stay pa sa condo mo," masungit pa ring sagot ko.

"They might get kinky there, Jordan. Believe me you don't want to witness that."

"Hindi gagawin ni Cary 'yun habang nand'un ako."

"He phoned me a while ago and he told me na doon ka muna sa condo ko for the meantime."

"Sinabi niya 'yun?!" That dirty gay!

"Why don't you call him?" seryoso pa ring sabi niya. Of course, bakit naman siya magsisinungaling sa ganoong bagay. Lagot sa akin ang malanding bakla na 'yun! "But I suggest that you do that tomorrow because you might hear soft moans and screams," nangingiti pang sabi niya at mapang-uyam na sumulyap sa akin.

Napanganga lang ako sa kanyang mga sinabi lalo pa nga't parang nai-imagine ko ang mga sinabi niya. At kahit na wala pa akong karanasan sa gan'un ay alam ko naman ang tinutukoy niyang ingay na 'yun!

"Bastos ka talaga..." Alam kong namumula ako at pilit ko na lang ikinubli ang mukha ko.

Napaismid lang siya sa sinabi ko, pero wala naman nang sinabi.

Saglit lang din naman ay nakarating na kami sa condo na tinutuluyan niya. Pero ano pa nga bang aasahan ko? Anak siya ni Sebastian Greene kaya natural lang na sa de kalidad na condominium siya tumuloy or baka nga pag-aari pa ng pamilya nila. Jusko, nakakalula sa taas ang building nila!

"Pag-aari ninyo ang building na 'to?" Hindi ko na rin napigil ang magtanong. Kasalukuyan kaming sakay ng elevator papunta sa top floor.

"Nope." Bahagya pa siyang umiling. "My Dad is a control freak. At kapag sa building pa niya ako tumuloy, wala na akong laya gawin ang mga gusto ko." Nakasandal lang siya sa metal handrails habang matamang nakatitig sa akin. Gosh, ang gwapo niya talaga. Paano ko ba naisip na bading ang lokong 'to kung buong pagkatao niya ay sumisigaw na lalaking-lalaki siya. At kahit boses pa lang niya, sobrang sensual na.

"He's one handsome freak then," halos pabulong na sabi ko. Naiisip ko pa lang ang intimate moment nila ni Tita Ady, kinikilig ako!

"You're crushing to my Dad, aren't you?" Huh? Ang talas naman nang pandinig nito.

"Crush lang. Masama?" Umirap ako at ngumuso.

Umiling lang siya sa akin at hindi naman na nagsalita. Nang magbukas ang elevator sa top floor ay halos hindi na ako makahinga sa nakikita ng mga mata ko. Carpeted ang buong area at mukhang kanya lang ang top floor?! Seriously?!

Inilabas niya ang card key at ini-swipe lang niya para magbukas. Agad na bumungad ang expansive na condo unit. The walls are all painted white. Sobrang linis tingnan! Walang masyadong mga gamit pero super classy pa rin nang dating. May black leather sofa sa tapat n'ung floor to ceiling glass walls, overlooking sa view ng city! May bar counter na connected sa sosyal niyang kitchen at dining area. Parang ang bago pa rin naman ng kitchen at hindi pa masyadong nagagamit. Limang pinto ang nakikita ko. I wonder kung nasaan ang bed niya?

"Help yourself. May iba't-ibang klaseng juice sa fridge." Itinuro pa niya ang silver refrigerator na malapit sa bar counter. Nagtanggal siya ng suot na polo shirt at tangna, hubad baro na naman siya! Ang yummy ng abs... putcha!

"Hindi na. Gusto ko na lang magpahinga." Nag-iwas ako nang tingin at sobrang tempting tingnan ng katawan niya. Sobrang define ng mga muscles at nagkakasala ang mga mata ko nang wala sa oras!

"Come, I'll show you your room," kaswal namang sabi niya at wala ako sa sariling sumunod. May dalawang pinto na tapatan at doon kami sa isang pinto sa kanan pumasok. Okay, ang daming beds. Tatlong bed ang laman ng kwarto na 'yun. Mukhang pambisita talaga niya. May pagkalaki-laking flat t.v. rin na ewan ko lang kung ilang inches. Parang sinehan lang ang peg, a! May sofa din at pagkagara-garang comfort room. Takte! pang mayaman talaga! Halos palibutan din nang magagandang kurtina ang buong kwarto. At kahit mayaman si Cary, wala pa ring sinabi sa condo niya!

"Ang ganda naman dito..." Parang gusto kong mailang sa katotohanang napakalayo nang agwat namin ni Tyrone. At malayung-malayo ang ilusyon ko na nagseselos siya kanina. Siguro nga, concern lang siya sa akin. Mas maraming magagandang babae ang nagkakandarapa sa kanya na kaparehas nang estado niya sa buhay. At sa totoo lang, hindi ko malaman kung bakit parang may kurot sa puso ko sa isiping iyon.

"Nasa katapat lang na pinto ang room ko. If you need anything just call me."

"Wala akong pamalit na damit."

"Hmm..." Bahagya pa siyang napaisip. "May ilang gamit si Kirsten dito. Wait." Lumapit siya sa sobrang laking closet at binuksan iyon. Halos empty ang laman noon pero tama siya, may gamit na pambabae nga d'un. I wonder kung kay Kirsten nga lahat 'yun or sa mga babae niya. "This one would fit, I supposed." Inihagis niya sa akin ang mga damit.

"Thanks..." Tipid akong ngumiti. Kanina lang ang init ng ulo niya pero ngayon naman maaliwalas na. Pabagu-bago rin ng utak itong kolokoy na 'to, e. Tss...

"Good night." Noon na siya tumalikod. Nagkaroon tuloy ako nang pagkakataong pagmasdan ang mga muscles niya sa likod. Kaunting galaw lang niya ay nagpe-flex iyon.

"G-good night..." Ako na rin ang kusang umiwas sa magandang tanawing iyon. Juskoo! ang pervert ko na nga yata!

Pagkalabas niya ng pinto ay agad na rin akong nagpunta sa banyo para mag-quick shower. Hindi kasi puwede na hindi man lang ako mag-shower dahil feeling ko nakadikit sa katawan ko ang amoy ng alak at sigarilyo sa bar. Siguro nga ay tama siya, baka nga mas mainam na maghanap ako nang ibang trabaho. Maganda nga sana ang suweldo ko roon, pero masama naman sa kalusugan ko ang trabahong iyon. Bahala na nga! Hindi ko rin naman alam kung saang trabaho pa ako pupuwede. Sabi nila may suwerte sa taong nagsisikap nang husto sa buhay pero parang hindi naman totoo dahil kahit pa magpakasubsob ako ay wala pa ring nangyayaring maganda sa akin. Putikan pa rin ang tinatapakan ko.

Tyrone

I actually don't know what's going on with me. Yeah, I am pissed. Really pissed... Nakita ko kasi si Jordan kanina na kausap 'yung matandang lalaki na nag-stalk sa kanya sa bar the other day and I felt really disappointed na pumayag siyang pahawak sa gagong 'yun! I knew that I am not in the position to feel this way, I just thought she'll ask for my help, but she didn't.

Nakahiga na ako sa bed, but my mind is wandering to the other door. Fuck,Tyrone! Just sleep will you?! Argh! This is not good... not good... Ty... This kind of feeling is really new to me. Awa lang 'to. Awa lang.

"Ty..." Ugh, shit! Pati ba naman boses niya naririnig ko pa rin?! "Ty, tulog ka na?" Huh? Gising pa siya?! Binuksan ko ang lamp shade sa side table at sinilip ang oras. It's 2:30 a.m!

"Come in..." Ano na naman kaya ang problema ng babaeng 'to?!

Dahan-dahang nagbukas ang pinto at bahagya pa akong napaiwas sa liwanag na nanggaling sa labas.

"Hindi ako makatulog..." Huh?! Ano raw?! "Patabi naman, o."

"My God, Jordan! You still think I'm gay, aren't you?!"

"Huh? H-hindi..." Bahagya pa siyang umiling. "S-sorry, hindi kasi ako makatulog..."

Damn Jordan! Lalo mo lang ginugulo ang utak ko! Do you know that?!

"S-sige, kung ayaw mo o—"

"Come here." I don't know if this was even the right thing to do.

Kagat-labi lang siyang tumango at kinabig ang pinto pasara. Bahagya na ulit nagdilim ang kwarto at tanging ilaw na lang ng lamp shade ang makikita sa loob. Umusad ako nang bahagya para bigyan siya ng space na hihigan niya. If Cary was here, he'll definitely freak out and he wouldn't believe na wala akong ginagawang kahalayan sa pinsan niya.

"Thanks," bulong pa niya. Saglit ko siyang sinulyapan at isang beses na tumango. Tinalikuran ko siya at ipinikit ko na ang aking mga mata. Surprisingly, parang nakaramdam na rin ako nang antok.

Continue Reading

You'll Also Like

21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
30K 475 44
Si bianca coleen lincoln ay simpleng babae lamang natural ang kanyang ganda kaya't marami ding nakakapansin nito. Lagi syang active sa social media...
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...