Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 17

198 7 0
By PollyNomial

CHAPTER 17 — Pumili


Hindi na ako nagpahatid kay Conrad hanggang sa bahay. Isinakay na lang niya ako sa tricycle na maghahatid sa akin sa kabilang subdivision. Hindi pa nga niya ako magawang pakawalan niyon.

I was laughing at him the whole time. Nakalingkis siya sa akin at ayaw akong bitawan. It feels like we are really together. Iyon bang magkasintahan na kahit wala namang kaming napag-usapan tungkol doon. We had an understanding. But when he asked me to come back to him, I couldn't say anything. Hindi niya ako pinilit na magsalita. I cannot promise him anything because I'm not sure of what will happen in the future. All I can give is my honest love for him.

Hindi ko inakalang magiging madali lang sa aking sabihin ang aking nararamdaman kay Conrad. When he confessed that he's in love with me, I didn't think twice at all. Sinabi ko rin agad sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Which was something so fulfilling for me. Siguro kung hindi ako nagsalita, baka magsisi ako. Kaya naman hindi na ako nanghinayang pa na umamin sa kaniya.

Later that night, I received a message from him. Para akong batang nakatanggap ng isang napakagandang laruan na matagal ko nang gusto at inasam. Ganoon ang tuwang dulot nito sa akin.

Conrad:

I miss you already. I love you.

Ang simpleng message na iyon ang kasama ko hanggang sa panaginip. Nagawa nitong burahin ang kasalukuyang hinanakit sa aking dibdib. I know it won't last long. But as long as I have Conrad with me, I know that I could bear it all.

Kaya naman ginawa ko ang aking planong pakikipag-usap kay daddy kinabukasan. I slept early so that I would wake up the next day earlier than dad. Hinanda ko ang aking sarili. I wanted to be calm once I talk to him. Ngunit hindi ko itatago sa kaniya ang sakit na naramdaman ko. I just want to listen to him first before I will tell my own pain because of what he did.

Sa hapag kainan ay nakiusap ako kay manang na umalis muna kapag dumating na si dad. Ako na ang mag-aasikaso mamaya. I want this conversation to be private. This is only between me and my father.

"Good morning, princess," ani dad nang makita akong nakaupo sa hapag kainan.

Ngumiti ako. "Good morning, dad," I said for the first time after weeks of not talking to him properly.

Umupo siya at nagsimulang paglagyan ang sarili ng pagkain. Ganoon din ang ginawa ko. Luminga siya sa paligid at mukhang napansin na niyang walang ibang tao bukod sa amin.

"Namalengke po si manang," sabi ko upang punan ang pagtataka niya.

Tumango siya. "How's your enrollment? Hindi ako nakauwi ng maaga kagabi dahil maraming kailangan asikasuhin sa trabaho," aniya na para bang wala lang ang pag-uwi niyang ng gabi.

Tumikhim ako. I do not know if I should believe on what he said. Matagal na niyang dahilan ang pagiging abala sa trabaho. Years ago, there are times when I would have dinner alone because he's still at work. I wonder if he was telling the truth before and if he was telling the truth now.

Naramdaman ko ang pag-iinit sa aking mga mata. I admired my father my whole life. Siya ang kasama ko nang lumalaki at nagkakaisip ako. I am closer to him than my mother. I was a daddy's girl. Kaya sobrang hirap sa akin ang sitwasyon ngayon.

"Dad," usal ko.

"Hm?" tanong niya habang kumakain.

Hindi pa ako nagsisimula sa pagkain. Napansin na yata niya iyon dahil nakatingin siya sa aking plato.

"May kailangan tayong pag-usapan, dad," bulalas ko.

Narinig ko ang paglapag niya ng mga kubiyertos. Now, he's attention was all on me. "What is it? May problema ba sa enrollment mo?"

He asked, maybe thinking that I was talking about my enrollment since he asked about it.

Inilingan ko iyon nang malaman niyang hindi tungkol doon ang sasabihin ko.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Two weeks ago, kasama ko po si Conrad sa isang mall," panimula ko.

Nagtaas siya ng kilay. Ang kaniyang atensyon ay nasa akin pa rin. It's like he didn't really know what's going on and he was curious.

"We were about to enter a restaurant when..." nag-iwas ako ng tingin at kinagat ang aking labi. Paulit-ulit na bumalik sa isip ko ang nakita. "I saw you," halos bulong na lamang iyon.

I turned to him. Puno ng gulat ang kaniyang ekspresyon. I nodded my head as if understanding something. So it was true. If his reaction was like this, then what Conrad and I saw was real. I know it's real, though. I'm not dreaming when I felt how the pain in my chest killed me that day. But I'm still wishing that someday, I would wake up from this nightimare and everything will be okay.

"Elaine. That was..." dad tried to say but I interrupted him.

"I think you already know what I was talking about, dad. Ayoko na sanang balikan ang mga nakita ko noon. Hindi ang eksenang iyon ang gusto kong pag-usapan," bulalas ko sa kalmadong tono kahit na pinupunit na naman ang mga parte sa puso ko.

Kumuyom ang kamay ni daddy sa ibabaw ng mesa. No, I won't ask him to explain. I don't need him to explain. Isa lang naman ang gusto kong malaman.

"I already told mom what I saw," there was coldness in my voice. Hindi ko maiwasan. Naaalala ko kung paano umiyak si mommy nang ikwento ko sa kaniya ang nakita. "She decided on some things..."

Tiningnan ko siya. Tahimik lamang siya. Sa aking isip ay nanlalamig ako. He was guilty. He knew he was wrong. And nothing can change the fact that he cheated on us.

"Uuwi ako sa states. I already have a ticket. I did not enroll for the next school year. Next week ay lilipad na ako patungong L.A."

"Anak, magpapaliwanag ako—"

Umiling ako kaya naman tumigil siya. Kitang kita ko ang luhang dumaloy galing sa mga mata niya. It didn't do anything to lessen the pain that I was feeling. He really should be guilty. At kahit pa nagsisisi siya sa nagawa, hindi niyon maaalis ang sakit na dinulot niya sa amin ni mommy.

"Isa lang ang gusto kong malaman, dad." Tinitigan ko nang maigi ang kaniyang mga mata.

I want to know the truth in his eyes. Ang sabi nila, kung gusto mo raw malaman kung totoo o hindi ang sinasabi ng isang tao, all you have to do is to look at the person's eyes. I have done that so many times to Conrad. At hindi ako niloko ng mga nakita ko. I hope it would work to dad.

"Ayokong maghiwalay kayo ni mommy." Nanginig at umalon ang boses ko. "Kahit na galit na galit ako at isinusumpa ko na kayo dahil sa ginawa niyo, I still don't want you to separate. Gusto kong malaman kung sakaling papipiliin kita ngayon, sinong pipiliin mo? Pumili ka, dad. Ang babae mo o kami?"

Parang may tumarak na kutsilyo sa dibdib ko nang itanong iyon kay daddy. Ni hindi sumagi sa isip ko noon na darating kami sa puntong ito. I thought we were happy. Well, somehow we were happy. Kahit na wala si mommy, alam kong nagmamahalan ang pamilya namin. Until recently, it changed my thinking of the things between our family.

Siguro kaya gustong pumunta ni daddy sa Amerika noong bata pa ako ay para makasama si mommy. I witnessed how he tried to convince mom to stop working so that we could be together again. Maaari kaming magsama sa iisang bubong. But mom's work required her presence all the time. Kaya nagkulang siya sa amin ni daddy.

Siguro kaya rin pinili ni dad na umuwi ng Pilipinas. Naramdaman na niyang hindi masaya ang kalagayan namin sa ibang bansa. Gayung wala naman si mommy sa tabi namin. Para rin kaming nasa Pilipinas. Wala ring pinagkaiba dahil hindi rin namin siya nakikita.

I suddenly wondered if I have been contributing to his decisions somehow. Dahil gustong gusto kong tumira rito, nagkaroon ng paraan si daddy na kumbinsihin noon si mom. And since we have already started a new life here, with dad's business and with my school, it was easier to convince mom that we should just stay here. Kaya naman nagkalakas din ng loob si daddy na lokohin kami.

Ilang gabi kong inisip kung paano iyon nagawa ni dad. Anong mga dahilan niya? Dahil ba nagkulang si mommy sa kaniya? Dahil ba hindi na siya masaya? Ako ba ay may kasalanan din dito? Did I forget to remind him that he has a wife, my mother, that he needs to be loyal with? Did I also contribute something for him to cheat on my mother?

Kaya naman galit na galit ako. Dahil hindi ko matanggap na ako rin ay may kasalanan dito. If mom would get mad at me, I will accept her anger. I will ask for her forgiveness.

I will do this for her.

Kitang kita ko ang pagsisisi ni daddy. Nakikita ko sa kaniyang mga mata na alam niyang mali ang ginawa niya. But he didn't speak. Wala siyang ginawa kundi tingnan lang din ako sa mga mata, tila roon niya ipinapahiwatig ang paghingi niya ng tawad.

I didn't understand. I needed words.

Kinuha ni daddy ang kamay ko. Nanginig ako at gusto kong kumawala sa kaniya. But he held tight on it.

"Patawarin mo ako, anak!" bulalas ni daddy.

I cried. I cried like the first time I saw him with another woman. I cried like it's been happening again. The day when I realized what he did to us. The day when I told mom about it. The pain that I felt was still so fresh and it's still ruining me.

Umiling ako. "Kung mayroong nangangailangan ng tawad mo daddy, it's mom." Halos walang emosyon ang aking boses. Kung mayroon man ay panlalamig lamang iyon para kay daddy.

Bumitiw ako sa kaniya. I quickly stood up and ran to my room. Doon ay ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko para sa taong mahal na mahal ko.

Wala akong nakuhang sagot kay daddy. Sobra akong nasasaktan dahil hindi siya nakasagot agad. If he loves us, he'd answer immediately. He'd choose us! Pero wala! Ni hindi naging sapat ang emosyong nakita ko sa mga mata niya.

Nagkulong lamang ako sa kwarto at sa sobrang pag-iyak ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. May bahid nang alaala akong nakikita mula sa aking panaginip ngunit sobrang malabo na iyon at hindi ko matandaan. Whatever it was, it left a tear in my eyes. Pagdilat ko ay pinunasan ko agad iyon. Bumangon ako at unang hinagilap ang orasan. It was past 3 o'clock in the afternoon.

Inayos ko ang magulong buhok habang tumatayo sa kama. Hindi ako sigurado kung umalis ba si daddy ngayon. Kung sakaling nasa baba siya ay iiwas na lang ako.

Paglabas sa kwarto ay naramdaman ko agad ang kaniyang presensya. He was in his room. I can hear him talking to his phone. Lumapit ako patungo sa kaniyang pinto. I hate doing this but I placed my ear against door. Is he talking to his woman?

Nakakunot ang aking noo at mariing nakinig kay daddy. When I heard him sobbing, I already knew that it's mom his talking to. Natutop ko ang aking bibig. Narinig ko ang pagmamakaawa niya kay mom. Some words where not clear but I can hear him saying sorry to her. Paulit ulit na paghingi niya ng tawad kay mommy. I also heard my name. Pero wala akong naintindihan sa mga kasunod niyon.

Idiniin ko pa ang aking sarili sa pinto. Mahinahon ang pakikipag-usap ni daddy ngunit maririnig doon ang hinagpis at pagmamakaawa. Nang mas igihan ko pa ang pakikinig ay may ilan akong naintindihan.

"Sasamahan ko si Elaine..." tumigil siya sa pagsasalita. Siguro ay may sinasabi si mommy.

"No! Please don't do that. I beg you, Clarissa. Huwag mong ilayo sa akin ang anak natin," aniyang puno ng pagmamakaawa.

Bumilis ang paghinga ko. Alam kong dadating sa ganitong desisyon si mommy. Sa mga naunang bilin pa lang niya sa akin ay ganoon na ang nais niya. Pinauuwi niya ako sa states at ayaw niyang ipaalam ko kay daddy ang mga nalaman ko. Maybe she was already planning to take me away from my father. At hindi ko siya masisisi roon.

Hindi ko na pinakinggan ang mga sumunod pa nilang usapan. Kung ano mang maging desisyon nila ay apektado ako ngunit wala akong magagawa. All I want right now is to see my mother. Iyon lang ang nais ko.

Bumalik ako sa aking kwarto at doon nagmukmok. I checked my phone and it had three messages, all from Conrad. Binuksan ko isa isa ang mga iyon.

In the first message, he said 'good morning'. Sa pangalawa ay nagtatanong siya tungkol sa lagay ko. At ang pangatlo ay tinanong naman niya kung kinausap ko na si daddy.

I replied to his questions. Naging simple lang ang sagot ko para ipaalam sa kaniyang nakausap ko na si daddy.

Wala pang isang minuto ay nakatanggap na ako ng reply mula sa kaniya.

Conrad:

How are you feeling? Ayos ka lang ba diyan? Papayagan ka ba kung lalabas ka muna?

Isang ngiti ang lumitaw sa aking labi dahil sa mga tanong niya.

Ako:

Ayos lang ako. Nag-uusap sila ni mommy ngayon. I'm sorry, ayoko munang umalis dito sa bahay. Siguradong kakausapin ako ni daddy pagkatapos niyang makipag-usap kay mom.

Conrad:

Alright. Basta tawagan o i-text mo lang ako kung kailangan mo ng kausap. Kung kailangan mo ako, nandito lang ako. Kami ni Celine.

Hindi na ako tinext pa ni Conrad pagkatapos niyon. Nanatili lamang ako sa aking kwarto at walang ibang ginawa kundi mag-isip isip.

Ilang sandali pa ay may kumakatok na sa aking pinto. Madalas ay bubuksan agad iyon ni daddy ngunit ngayon ay mukhang naghihintay siya ng sagot ko.

"Pasok po," utas ko.

Agad iyong binuksan ni daddy. He looked terrible. Kagagaling lang niya sa pag-iyak ayon sa nakikita ko sa kaniyang mga mata. His hair was also a mess.

"Anak," aniyang pabulong lamang. Tila nag-iingat na baka masaktan ako ng boses niya.

I came to a point when I can't even bear hearing him. Kaya hindi ko siya masisisi kung ito ang paraan niya ng pakikipag-usap sa akin.

"I heard you talking to mom." Hindi ako makatingin sa kaniya.

Marahan siyang naglakad patungo sa aking kama. Naupo siya roon, sapat lang ang layo sa akin.

"Kukunin ka niya sa akin, anak," wika niya.

Nanlamig ang mga kamay ko. Nanlilisik ang aking mga mata nang tapunan ko siya ng tingin.

"What do you expect? Na matutuwa si mommy sa ginawa mo? At hahayaan niyang nandito pa rin ako kasama mo?" Masakit sa aking makipag-usap ng walang galang sa kaniya pero iyon ang nararamdaman ko ngayon.

Nag-iwas ng tingin si dad. Ikinuyom niya ang mga kamay na nasa kaniyang tuhod. "Mali ang ginawa ko, anak. Nahihiya akong humarap sa'yo ngayon dahil sa pagkakamali ko. Pero sana naman pag-isipan mo muna. Sa susunod na linggo ka na aalis?"

Lalong nagpupuyos ang aking puso. Lalong namumuo ang galit doon para kay dad. Is it so hard for him? Kanina ay pinapili ko siya. Anong gusto niyang mangyari ngayon? Ang nandito lang ako sa kaniya at manatili kami sa Pilipinas? He has a choice! Pwede niya kaming piliin ni mommy at hindi na kami maghihiwalay.

"I never imagined that this would happen, dad," halos walang boses kong sabi. "Hindi natin kailangang maghiwa-hiwalay kung pipiliin mo kami. Pero ano? Ang babae mo ang pipiliin mo?"

"Of course not! Elaine, anak, kayo ang pinipili ko!"

"Then why do you still need to ask me to stay with you? Sa tingin mo papayag pa rin si mom na tumira tayo rito gayung may babae ka naman pala bukod sa kaniya?" puno ng hinanakit na wika ko.

"Titigilan ko na ito. Kakausapin ko si..."

"Leave me alone." Hindi ko na siya pinatapos. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at sinubsob ang aking mukha sa ibabaw ng aking mga tuhod. 

Continue Reading

You'll Also Like

665K 13.7K 22
Boss Series #1 Book 1 KENT JULIAN: Her Boss' Number One Rule Kent Julian Soriano went back to the Philippines to take over his father's company. Mana...
163K 4.4K 47
Art. Roses. Sweets. One Direction. Paris. And a baby. These are the things Cassidy Mendez are in love with since she experienced a traumatic heart br...
1.3K 82 19
It was summer when I got lost in the middle of nowhere-a paradise. Then, my eyes fixated to a girl who's sitting on a wooden rocking chair; in a fai...
36.9K 1.4K 43
(COMPLETED) The impulsive Sydelle Alona Alazora is the only heiress of both Saavedra and Alazora clan. She is supposed to be a respected, honored, an...