Una, bakit ba ako nagmamadali? Simple lang, he's Red Davion, at nakakahiya kung paghintayin sya.
Hingal na hingal ako nang makarating sa town hall— hindi kalayuan sa pwesto kung nasaan kami kanina. Actually, hindi naman iyon sobrang layo kaya't hapong-hapo ako. Ang totoo nyan at kulang ako sa exercise (i-spend daw ba ang buong bakasyon sa harap ng computer) at dahil na rin ginamit ko yata ang pinakamabilis kong takbo kaya ganito na lamang ako kapagod.
At dahil nga nagbago ang distansya ng bawat building dito, ang dating malapit na simbahan sa amin ay mistulang isang kilometro ang layo ngayon dulot na 'rin ng pagluwag ng pwesto kung saan nasa gitna ang fountain, at bukod na rin sa tinuturo nitong mapa na ang town hall ay ang sirang simbahan ngayon (na panigurado'y aayusin para muling gumanda), sa paligid nito ay nagsisimula na ring magsitayuan ng kung ano-anong stalls ang iba para sa kanilang hanapbuhay— na kinakailangan sa pamamagitan kung paano makasurvive dito.
Then I suddenly wondered. Bakit biglang nawala si Machina? Ngunit mabilis na kumontra ang pangalawang bahagi ng aking isipan. Of course, hindi mawawala si Machina. Sa ngayo'y hindi man namin nakikita, ngunit paniguradong nasa tabi-tabi lang namin.
Muli ay ibinalik ko ang atensyon ko sa aking pakay. Inililibot ko ang aking paningin sa paligid nang maramdaman ko ang pagdating ng presensya nang mula sa kung sino. I thought it was Red, but disappointed when I saw Weston.
“Disappointed?” He asked like he knew what I am thinking. Umiling na lang ako dito ngunit napansin kong wala ang iba naming kasama kanina. And it was like he read my mind because he suddenly answered my question. “Looking some house where we could stay.” At napangiwi ako sa aking narinig. Sadyang hindi lang magandang pakinggan kahit wala namang mali, bukod sa pagiging nag iisa kong babae sa kanila.
Hindi na lang ako nagkumento sa sinabi nito at iniwas ang tingin sa kanya. Hindi kalayuan, ay tumama ang atensyon ko sa isang pamilyar na estraktura ng katawan— lalo na ang kanyang buhok. And based on his outfit, he chose a warrior, too.
“Red!” Sigaw ko at mabilis na tumakbo sa kanya. Unti-unti itong humarap sa akin at halos mahulog nanaman ako sa ngiti nya! Pero syempre joke lang 'yon. “Kuya!” Sigaw kong muli.
I saw him laughed from our distance. I saw him combed his black medium length hair to his back as he boyishly smirked at me. Ang maliit nitong mata ay mistulang lumiit dahil sa pagngiti nito, na lalong nagpakita ng mahahaba nitong pilikmata na bumagay sa makapal nitong kilay.
Right. His looks were the first one I noticed, but it's his personality that made me stay.
“Hah! Naabutan kita!” Malakas kong sabi dito na ikinahalakhak nya.
“Bunso.” He shook his head, nangingiti pa rin. “I was planning to wait you here.” Tumingin sya sa likod at tinanguan ang nakabuntot sa akin, bago ibinalik ang atensyon sa akin. “May guild kana ba?”
Umiling ako. “Dustine said huwag muna, e. Ikaw ba?” Tanong ko sa kanya at napatingin sa tinitignan nya kanina. “Ano 'yan? Orbs?”
“Yeah, orbs. Pampalakas daw 'to ng sandata.” Kumuha sya ng isa at tinignan iyon sandali, bago bumaling sa akin. “Considering your question, wala pa.” And because of what I've heard, mabilis akong napatingin sa kanya gamit ang nanlalaki kong mata (na puno ng pagsusumamo, syempre!).
“Kuya! Sama ka samin!” I placed both of my hand like I'm praying while using my innocent-yet-cute face on him. “Please? Baka may mangyaring masama sa akin—” But Weston cut me off.
“Walang mangyayaring masama sayo.” Humarap ako sa kanya at mistulang naging tigre dahil sa sama ng tinging ibinaling ko dito na wala lamang sa kanya, bago ibinalik ang tingin sa aking harapan at mistulang naging anghel.
“Kuya?” Sumimangot ako para may dagdag effect. He laughed.
“Bunso. I can do this alone.” Bumagsak ang balikat ko at napayuko dahil sa aking narinig. So, walang pag asa?
“But because you're here, why not?” Mabilis pa sa alas singkong napaangat ang tingin ko sa kanya at nakitang nakangisi ito habang nakatingin bago ibinaling ang tingin sa aking likod. “Pwede pa ba 'ko, pare?” I know he's asking Weston but in behalf of him…
“Of course!” Masigla kong sigaw at tumingin— este sinamaan ng tingin si Weston.
Weston shrugged, “You heard her.” Which Red just laughed.
***
Sa totoo nyan ay naging magkaibigan rin naman sila Dustine at Red dahil sa akin. May time kasi na naglalaro kami ni Dustine at inaya ko si Red, at simula n'on, lagi na nyang tinatanong kung sasali ba sa'min si Red dahil magaling nga ito. You know, typical players. Hahanap sila ng malakas na kasama which is katulad nilang malakas rin para tataas sila. In my case, binubuhat lang naman nila 'ko.
“Totoo bang nakakapagpalakas 'to ng weapon?” Wika ko habang nakatingin sa kulay dilaw na orb na nakasuksok sa espada ni Red. Right, I forgot to mention, he's a dual-welder. Nasa likod nya nakasabit ang dalawang espada nya at nakapa-ekis iyon, at dahil nasa tabi nya ako, ay kitang-kita ko iyon.
“Narinig ko lang. Dahil kapag walang ganito, ang mga ordinaryong sandata ay mabilis na masisira lalo na kung malakas ang kalaban. You know, monsters like minotaurs who have thick armors, and ordinary weapons can't handle them so here exists.” Wika nito at pinakita ang bag nito na may nakalagay na maraming kulay dilaw na orbs 'din.
Red said he'll give it to others— talking about Dustine and the rest. Nagulat nga ako kanina at binigyan nito si Weston na walang salitang tinanggap ng isa. Pero ako naman ay hindi binigyan. Psh.
I look at Weston for confirmation, in which he nods, meaning it's true.
“By the way, bunso, what did you choose? Bakit wala ka manlang kaarmor-armor sa katawan?” He asked which is true. Bukod sa kulay brown kong coat ay wala nang nadagdag.
“I don't know kuya. Nag error kasi numg pipili na 'ko.” Wala lang sa akin ang pagpapaliwanag ko na 'yon, pero pakiramdam ko'y malaki ang impact sa kanila dahil sabay silang napahinto.
“Nag error?” Weston asked, suddenly interested which confused me. Sa totoo kasi nyan ay kadalasan ay wala itong pakialam sa mga bagay-bagay. Pero kahit gayon ay maaasahan ito lalo na in terms of pakikinig.
But to answer his question, I nodded.
“Bunso patingin ng impormasyon tungkol sayo.” Red said, looking confused, which is as same as Weston… pero mas matindi sa'kin, ah!
Kahit naguguluhan ay binuksan ko ang info. Then I clicked identity kasi doon naman talaga nanggagaling ang katanungan nila (which is ano 'yung nakuha ko), at parehong kumunot ang noo nang mabasa ang salitang nababasa lang. “Nephilim?” Sabay nilang tanong.
Tumango ako. “Nephilim. Hindi ko nga alam eh, biglang nagclick yung demon at angel. Alam nyo naman 'yung paborito kong characters tuwing may nilalaro tayo.” Wika ko at bumungisngis. “Tara na. Baka naghihintay na sila.” Wika ko at tumalikod.
Nagsimula na 'kong maglakad ngunit hindi ko maramdaman ang presensya nilang sumusunod kaya humarap ako sa kanila, at doon ay napansin kong may pinag uusapan sila na hindi ko marinig dahil may kalayuan ako, ngunit base sa ekspresyon nila ay seryoso ang pinag uusapan nila. I can't help but to feel scared because… I know it's about me. Ngunit pilit ko itong itinatago.
Instead, I smile widely. “Mga kuya ko, tara na!” At mabilis na tumalikod. Ngunit saktong pagtalikod ko ay ang pagkabura ng ngiti ko, kasabay ng mabilis na pagkabog ng aking dibdib.
I know this is serious.
***
“Explain.”
Nakangiti at inosentang bumaling ako sa nagsalita, kay Dustine, na nasa bandang kanang bahagi ng couch kung saan sila may nahanap na matutuluyan.
He said their money suddenly changed into something in which are bronze, silver and gold. Ang gold raw ay ang pinakamataas na halaga dito, habang ang bronze ay ang pinakamababa. At gamit ang pinagsama-sama nilang pera ay nakabili sila ng isang maliit na bahay na biglaan na lang daw tumubo sa kung saan. Iyon 'rin ang napansin ko kanina. Biglaang nagkakaroon ng bahay ang mga dating wala at pakiramdam ko'y bumalik ako sa medieval timea dahil sa ayos ng mga ito.
“Explain what?” Painosente kong tanong, nakangiti pa 'rin, kahit na deep inside ay gusto kong sumabog dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Pinasadahan ko sila ng tingin at nakitang napakalalalim ng kanilang mga iniisip.
“Paanong nag error? May ginawa ka ba bago 'yon?” Dustine asked again. Sumimangot ako. Sana hindi ko nalang binanggit kila West kung ganito lang din naman ang mangyayari.
“Wala po. Basta bigla nalang nag error.” Nakasimangot kong sabi.
“Alam mong kaunting error lang ay maaari kang mapahamak.” Marky said. Ang masiyahin nitong mukha ay nakakunot ang noo ngayon.
Halatang halata ang pamomroblema nila base lamang sa kanilang ekspresyon. Kahit kay Red na ngayo'y nasa likod, nag iisa, at mukhang malalim ang iniisip at paniguradong tungkol rin sa akin dahil sa dalas ng pagtingin nito sa aking pwesto habang nakakunot ang noo.
Hindi na lamang ako sumagot. I heard Stanley sighed. “Aalamin natin kung anong nangyari sa kanya, pero sa ngayon, hindi sya dapat lumaban nang walang kaarmas-armas.” Sabi nito at sumimangot. “Magpalit ka ng palda! Masyadong maikli!” Dagdag nya habang nakatingin sa binti ko na parang kaaway nya iyon.
Mabilis namula ang aking pisngi at tinakpan iyon gamit ang aking kamay ngunit inosente ko syang tinignan. “Eto ang kinalabasan pagkatapos ng error na 'yon.” Nakasimangot kong sabi.
“Nephilim ba talaga?” Kayne asked. Tumango ako at pinakita muli sa kanila ang info na nakalagay sa hologram na nawawala kapag nagkatagal at hindi ginamit. “Wait… ano yung kasunod?” Dagdag nyang tanong na inilingan ko dahil hindi ko alam.
“Sa ngayon tarang market. May pera pa ba kayo?” Dustine asked, which all of them shook their heads. Humarap sya sa akin. “Ikaw?”
Pinakita ko ang coins kong nasa bulsa kanina pa. “I think sapatos lang ang mabibili nito.” Wika ko at tumingin sa aking black shoes na may takong pang nakakatakot dahil sa nipis.
Dustine sighed. “Let's see then. Tara na.” Dahil sa sinabi nito ay sabay-sabay na nagsikilos ang iba. Napangiti ako habang pinapanood ito, lalo na nang makita ang mga orbs na ngayo'y nakasabit sa kanilamg sandata.
They said dark orbs are the strongest, especially the dark red ones. Sa ngayo'y light muna ang meron kami at kapag nakarami kami ng pera ay bibili ulit kami. Isa pa, ang allowance lang kasi ang pera na dala namin ngayon. Ang allowance na naging medieval coins. Sorry na, hindi ko alam ang tawag, eh!
Muli ay nabaling ang atensyon ko sa kanilang sabay-sabay naglalakad palabas. Tumayo ako at sumunod sa kanila.
Maybe I'm still lucky, because I have unbiological brothers like them.
To be continued...