Back in 1763

Bởi midoriroGreen

136K 4.9K 926

Sa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni ACILEGNA STAR VILLANUEVA ay napagpasiyahan niyang magbakasyon mun... Xem Thêm

x
Bakasyon
Rafael A.P
Panaginip
Ang pagkikita
Yaya?
Polavieja-mansion
Dating Kasintahan
Hawak kamay
Ngiti
Bipolar
Painting
Dare to kiss him
His other side!
Radleigh Polavieja
Fuck You
Nagsisimula na
Still Radleigh
kapahamakan
Ang Pagtakas
Ang Habulan Sa Gubat (1)
Ang Habulan sa Gubat (2)
Nagseselos
Isla
X
Isang Pangako
Buwan
Pagbabalik sa Kasalukuyan
Back in 1763
Pag-amin
Singsing
Kakampi
Pagsisisi
Plaza Ortiz
Parusa
Bangka
Adios Mi Amor
Art Exhibition

Don Gustavo El Domingo

2.8K 112 23
Bởi midoriroGreen

Napaigik ako ng maramdaman ko ang sumasakit kong mga paa at kamay.

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata.

Blurred!

Bulag na ba ako? Or baka naman naduling lang!

Muntikan na akong mataranta dahil sa mga pinag-iisip ko.

Napahinga ako ng malalim ng luminaw na ang aking paningin.

Pero agad din akong napanunot noo dahil naramdaman ko ulit ang hapdi sa aking mga paa, kamay at pati na rin ang aking balikat. Pero mas kumikirot ang aking mukha dahil sa mag-asawang sampal na ibinigay sa akin ni Osting.

Napatingin ako sa aking mga paa.

Kaya naman pala!

Nakatali lang naman ako ng mahigpit na mahigpit sa isang upuang gawa sa kahoy!

My gash! Ano ako baboy o aso na kailangang itali!

Atsaka ano bang ginagawa ko dito!

Gusto kong sumigaw dahil sa inis. Sino ba ang mga bobita o bobitong nagtali sa akin dito?

Ang masaklap pa dun, nakabusal pa ang bibig ko.

Paking tape! Mabuti sana kung tape ang ginamit pero hindi eh.

Maruming tela na kinuha lang ata kung saan.

Buset!

"Hmmppp. Prrrrrrrppt.." langya.
Para naman akong baliw dito . Ang hirap palang magsalita kapag may nakatakip sa bibig.

Tss. Natural, nabusalan nga diba?

Hayy , kung pwede lang kutusan ang utak kong sarcastic.

Sinubukan kong gumalaw at halos mapasigaw ako ( Kung pwede lang sana) sa tuwa dahil kayang-kaya ko pa lang buhatin ang upuang pinaggaposan sa akin.

Kaya lang medyo mabigat ito ah.
Pero keri lang.

Ang problema ko lang ay sobrang higpit ng pagkakatali sa akin kaya kahit maitayo ko ang upuang kahoy na ito ay mga 2 seconds lang.

Hayys kainis.

Teka nga lang . Bakit nga ba ako nandito sa masikip na kwartong ito? Sinong may gawa nito? At sinong kasama kong napunta dito???

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang nangyari kanina or baka kahapon!

Diko naman kasi alam kung anong oras na ngayon eh.

Pero isa lang ang nasisiguro ko!

Nanganganib ako at si Meldina!

Susko po...

May dumukot sa akin at kay Meldina ng nasa lawa kami ng Nagsabatan.

Well, in the first place, ako lang ata sana ang balak kunin ng dalawang lalaking iyon pero dahil natipuhan ng manyak na may mahabang buhok si Melody ay dinakip din ito!

Oh my God! Nasaan si Meldina??

Baka kung ano na ang ginawa nila sa kaniya?

Kinakabahan ako dahil una sa lahat,hindi ko alam kung sino ang mastermind sa pagdukot na ito sa amin. Pangalawa ay naalala ko si Radleigh! Hindi niya alam kung saan kami nagpunta..

Pero nasabi naman siguro ng mga lalaking kasama naming nagpunta sa gubat , right? Or baka nakapagsumbong na sina Mang Delfin at Kanor na may kumuha sa amin? O baka nasabi na ni Minerva na nagpunta kami sa gubat at baka nag-aalala na iyon sa akin at hahanapin niya ako?

Pero asa pa ako..

Nalungkot ako ng maisip ko na baka walang pakialam si Radleigh sa akin at baka nga masaya na iyon na wala na ako sa hacienda niya.

Tsss. Erase ! Dapat ay positive lang ako lagi. Fighting!

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto sa maliit na kwartong kinalalagyan ko.

Nanliit ang mga mata ko para kilatisin ang mga taong pumasok.

Kinabahan ako dahil mukhang kasama nila ang taong pasimuno ng lahat ng ito!

Tatlo silang lahat.

Isang matandang lalaki ang nasa gitna. Mataba siya at may mataba ding tabako na nasa bibig niya.

Pss, feeling astig ang hinayupak ah.
Siya siguro ang leader kasi mukhang bihis mayaman siya.

Ang galing ng logic ko no?

Pero ano naman kayang kailangan ng matabang , matandang ,mayaman, at mukhang hindi mamamayan ng Pilipinas na ito sa isang magandang mamamayan ng Pilipinas na katulad ko?

Nalito ako doon ah!

Pero seriously talaga, mukha siyang kastila or siguro kastila talaga ito eh.

Tapos iyong mga kasama naman niya sa magkabilang gilid ay isang babae at isang lalaki na parehong nasa early 30s .

Iyong babae ay alam kong Pilipina. Morena siya at hindi katangkaran pero maganda din katulad ko. Chos!

Iyong isang lalaki naman at mukhang half-half.

Half tao at half kapre! Joke lang, ang sama ko huhu.

Pero aminin, mas masama sila.

Balik sa topic, iyong lalaking half-half ay sobrang tangkad na medyo maputi. Medyo lang po. Pero alam kong isa siyang Pilipino rin. Hindi ko lang alam kung bakit ang tangkad niya.
Siguro ay may lahi talaga .

Pero wala na akong pakialam sa lahi nila,ang gusto ko ay makaalis na dito kasama si Meldina . Pronto!

"Ola!" Nakangising bati ng matandang mataba sa akin. Inalis niya pa ang tabako niya at binugahan ako ng usok.

"Olahin mo mukha mo ,pangit!" Gusto ko sanang isigaw sa mukha niyang mataba pero may hadlang eh. Nakabusal ako. Malas!

Kaya ang tangi kong nagawa ay umubo na parang kambing. Pero iyong pinakamagandang kambing naman.

Hayy, I look pathetic na siguro dito huhu.

Tatawa-tawa kasi iyong dalawang alalay niya sa gilid.

Aba! Anong nakakatawa ha? Kainis tong sina bansot at half-half ah.

" Blah, blah, blah..." Ang daming sinabi ng matandang mataba na ito sa dalawa habang itinuturo ako pero wala akong magets kahit isa.

Gumamit kasi siya ng wikang Espanyol.

Napairap na lang ako sa kawalan.

Naging alerto ako ng lumapit sa akin ang babaeng bansot.

May kinuha siyang gunting sa kaniyang likuran at ........

Nak ng pating! Guguntingin ba ako nito?

Not my pretty face , puleaseee?

Nanigas ako ng inilapit niya ang gunting sa akin, partikular sa aking bibig.

O my gash, di ko pa nasasabi kay Radleigh na pinapatawad ko na siya at mahal na mahal ko siya ! Tapos guguntingin lang ako ? Huhu

Ay ang OA ko, ginunting lang naman pala niya iyong maruming tela sa aking bibig.

What!!!!!! Ano!!? Pero dapat nag-iingat pa rin siya no. What if masugatan ako because of her carelessness? Duh.

Napahinga ako ng malalim ng tuluyan ng maalis iyong tela.

Napadura kaagad ako sa sahig.

Yucky , Chucky, kadiri kaya iyon.

Inirapan ko iyong bansot na babae at hindi nag-abalang pasalamatan siya .

Para ano pa?
Tss

Abat, ang babaita, inirapan din ako. Naghahanap ata ng away.

" Walang modong nilalang, hindi naman kagandahan. " Binulong pa talaga niya eh narinig ko naman.

Kaasar, tapos iyong matandang mataba naman ay nakangisi sa akin.
Actually dalawa sila nung half-half na nakangisi.

Pero kung akala niyo ay astig na ngisi hindi, nakakatakot po siya.

Napabaling Kay half-half ang aking atensyon ng magsalita siya.

" Ang sabi ng Don kanina ay maganda ka daw , maputi at mukhang sariwa."
Habang sinasabi niya iyon ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa , at dinilaan pa niya labi niya.

Muntikan na akong masuka.

Gross!

At anong mukhang sariwa? Ano ako karne , gulay o prutas??

" O ano naman ngayon kung maganda ako, maputi at m-mukhang fresh?" Masama ang tingin ko sa kanilang tatlo. Kinakabahan kasi talaga ako eh,mukhang may masama silang balak.

Napakunot ang noo nilang lahat sa huling sinabi ko.

"Press?" Sabay-sabay pa nilang sinabi.

"Mga tanga. Hahaha hahaha" Grabe , sobrang dami kong tawa. Akala mo kung sino silang mga kontrabida sa palabas pero hindi naman pala alam ang salitang fresh.

Ay sabagay, panahon to ng mga kastila. Napatikhim ako at napatigil sa pagtawa. Di iyon nakakaganda.

Itinaas ko ang aking noo. Kahit nakatali pa rin ako at nakaupo sa upuang kahoy ay malaki pa rin ang kumpiyansa ko sa aking sarili.

Magpapakilala ako sa tatlong ito baka matakot sila sa akin. Evil smile hehe.

" Makinig kayo ." Pagsisimula ko. At siyempre dahil amazing ako,nakikinig nga sila.

" Ako si Binibining Acilegna Star Villanueva, ang pinakafresh sa lahat ng fresh. And I thank you!" With matching beautiful eyes pa ang drama ko dito.

Nakanganga silang tatlo. O ha?

Pero nagulat ako ng biglang nagalit iyong matabang matandang lalaki. Itinapon niya iyong tabako niya at inapak-apakan saka siya sumigaw.

Galit na galit siya as in at mukhang dahil sa akin.

May sinabi siya habang nakaturo ang kamay sa akin.

My gawd , anong nagawa ko sa matandang ito? Hindi niya ba matanggap na mas fresh ako sa kaniya?

Pero imposibleng naintindihan niya iyon eh English kaya iyon.

Trinaslate naman ito ng half-half sa akin.

" Ang sabi ng Don ay isa kang walang kwentang nilalang. Dapat sa iyo ay pugutan ng ulo . Wala kang karapang magsalita ng ibang lenggwahe sa kaniyang mansiyon, maliban na lang kung ito ay wika dito sa bansang ito o wikang Espanyol . Mapaparusahan ka DAW." Nanlilisik din ang mata ng half-half habang nagtratranslate.

" Edi wow. Mansiyon ba ito eh bakit ang liit ng silid na pinaglagyan niyo sa fresh na katulad ko?" Ngumisi pa ako sa kanila kahit natakot ako dun sa sinabi niyang pugutan ng ulo.

" Abat, lapastangan ka talaga!" Hindi ko napaghandaan ang pagsuntok ng babaeng bansot sa aking mukha. Naasar ata sa ngisi ko.

Muntikan ng matumba ang silyang kinauupuan ko at nanlalabo ang paningin ko sa impact ng suntok ng impakta.

Makawala lang ako dito, lagot kang babae ka grrr.

" Sumusobra na kayo ah, ang sakit na ng mukha ko dah-" Napatigil ako sa pagbulyaw ng may malamig na bagay na dumikit sa aking leeg.

Balisong!?

" Hablar y seras muerto..." Malademonyong sabi ng matandang mataba.

Ano daw?

" Magsalita ka pa daw kung gusto mo ng mamatay." Nakangising pagtratranslate ni half-half.

Ay iyon pala.... What! Pati ba naman pagsasalita ay bawal.

Gusto ko pa naman sanang itanong kung bakit nila ako dinukot. At pucha, ang sakit talaga ng face ko. Alam kong mukha na akong panda dito. Dalawang sampal at isang suntok na natatanggap ko ah. Hindi ko makakalimutan tong mga nanakit sa akin. Grrrr

Nakahinga ako ng maluwag ng inalis na ng matandang mataba ang nakatutok sa aking leeg.

Pero nagsalita ulit siya sa wikang Espanyol. Tapos parang may binanggit siyang pangalan. At parang hacienda Polavieja din ang nabanggit niya. Ay ewan.

" Ahem ahem." Napatikhim muna si half-half bago sinabi ang kahulugan ng sinabi ng matanda.

" Siya daw pala si Don Gustavo El Domingo, ang iyong mapapangasawa kung hindi tutuparin ng lalaking may-ari sa hacienda Polavieja ang kasunduan. Paalam na daw muna sa ngayon binibini."

Hindi ako nakapagsalita sa aking narinig.
Mapapangasawa? Nino? Ni tandang tabachoy?

No!!!!

Kinilabutan ako ng hawakan ni tanda na ang pangalan pala ay Don Gustavo El Domingo ang aking mukha.

Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya bago inalis ang magaspang niyang kamay sa mukha ko.

I swear, wala lang tong mga tali sa kamay at paa ko, kanina ko pa to pinatulog ng suntok at sipa.

" Hindi ako magpapakasal sa iyong lamang-lupa ka." Diretso kong tinitigan sa mata ang matanda.

Ipinaliwanag naman ito ng half-half niyang translator.

Umusok ang ilong ng matanda. Tapos ngumisi ulit. Kita ko ang maitim niyang gilagid.

May sinabi ang matandang Don na nakapapatahimik sa akin bago sila umalis ng mga tauhan niya.

" Vamos a ver si que Polavieja nino puede o se ahorrarle." -Don Gustavo

" Tignan natin kung kaya kang iligtas o gugustuhin ka nga bang iligtas ng lalaking Polavieja na iyon", iyon ang sinabi ng Don." Ani Half-half na translator.

Napapikit ako ng maisara na ang pintuan.

Kaya niya akong iligtas alam ko iyon. Si Radleigh pa ba ang mamaliitin ko ang kakayahan?

Pero ang tanong , gusto naman kaya niya akong iligtas?

AN
# where na u Radleigh?

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

Bride of Alfonso Bởi Binibining Mia

Tiểu Thuyết Lịch Sử

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...