My Guardian Devil

By iamsograce

11.4K 183 39

He is the man who has good looks, oozing with sex appeal, came from upper class... almost perfect, but with d... More

Prologue
Chapter 1 -- I See Fire
Chapter 2 -- Eye Of The Tiger
Chapter 3 -- A piece of cake
Chapter 4 -- Pretty Boy
Chapter 5 -- Punishment
Chapter 6 -- Saved By The Angel
Chapter 7 -- The Date Wrecker
Chapter 8 -- Fearless
Chapter 9 -- The Devil's Hug
Chapter 10 -- Sleeping On A Lion's Den
Chapter 11 -- The Devil And The Angel
Chapter 12 -- Runaway
Chapter 13 -- Brannigan
Chapter 14 -- Truculent attitude
Chapter 15 -- The Menace
Chapter 16 -- A Song For The Brokenhearted
Chapter 17 -- The Call
Chapter 18 -- The Preparation
Chapter 19 -- A Dark Masquerade Ball Part I
Chapter 20 -- A Dark Masquerade Ball Part II
Chapter 21 - Enticement
Chapter 22 - The Game Between Love And Death
Chapter 23 -- Music Box
Chapter 24 -- Start Of Something New
Chapter 25 -- Status: Its Complicated
Chapter 26 -- Confessions Of A Broken Heart
Chapter 27 -- The Cry Of A Pleading Heart
Chapter 28 -- Stealing Kisses
Chapter 29 -- Reality Is Better Than Dream
Chapter 30 -- Green-Eyed Monster
Chapter 31 -- Love And Hate
Chapter 32 -- When Fire Meet Gasoline
Chapter 33 -- Everyone's Anguish
Chapter 34 -- Whisphering Stained Heart
Chapter 35 -- Harmonizing Relationships
Chapter 36 -- Let The Flames Begin
Chapter 37 -- The Dagger In You
Chapter 38 -- An Acrimonious Tiff
Chapter 40 -- Burning Lights
Chapter 41 -- Days Of Melancholy
Chapter 42 -- New Horizon
Chapter 43 -- Moments Between Intensities
Chapter 44 -- Still Into You
Chapter 45 - The Intoxicated Truth
Chapter 46 -- Cold Blood, Warm Heart
Chapter 47 -- A Mealymouthed Felicity

Chapter 39 -- Breaking Fences

90 2 0
By iamsograce



Chapter 39 -- Breaking Fences


Ang tatlong standee ni Brylle ang tila bantay ni Helaena sa kanyang kwarto kapag natutulog siya. Nilagay niya ang mga ito sa may bandang paanan ng kanyang kama para ang mga ito ang una niyang makita pagmulat ng kanyang mga mata sa umaga at ang mga ito rin ang sasalubong sa kanya pagpasok sa kanyang kwarto.


Tila maganda ang tulog kagabi ni Helaena at nakangiti pa siya habang nakapikit pa at nag uunat-unat nang umagang 'yon. Pagdilat ng kanyang mga mata ay nakita niya agad ang tatlong standee ni Brylle.


"Magandang umaga, Brylle na masungit." Bungad na sabi niya sa mga ito na akala mo naman ay tao ang binabati niya at anumang oras ay sasagutin siya ng mga ito.


Umupo siya mula sa pagkaka higa at linipat niya ang tingin niya sa nakangiting standee ni Brylle. Napasimangot siya. "Huwag ka ngang ngumiti-ngiti diyan at may kasalanan kapa sa'kin." Sabay pusto ng kamao niya sa ere na para bang susuntukin ang standee.


Nadako naman ang tingin niya sa galit na standee ni Brylle. "Kung galit ka mas galit ako. Ilang araw kana ngang nasa Singapore tapos pag uwi mo dito hindi mo pa'ko pinuntahan?" Tumayo naman siya mula sa pagkaka upo at napameywang. "Ano'ng klaseng boyfriend ka? Alam mo bang super na miss kita? Hindi mo alam 'yon kasi may ibang babae kang kas---"



"Why don't you say it straight to my face rather than venting out with those lifeless papers?" Biglang sabi ni Brylle na nakaupo sa may gilid ng kwarto ni Helaena.


"Aaahhh..." Biglang sabi ni Helaena nang marinig at makita si Brylle sa loob ng kanyang kwarto. Napahawak siya sa bed sheet at biglang napa upo sa sahig.


"Ang tagal mong magising. Alam mo bang halos trenta minutos na'kong nakaupo dito nang walang ginagawa kundi hintayin kang bumangon?" Pang aasar na sabi ni Brylle.


"Ikaw." Sabay duro kay Brylle. "A-anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?" Sabay tayo.


Nang mapansin ni Helaena na nakatitig lang si Brylle sa kanya at pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Tsaka lang niya na realize na nakapantulog pala siya. Naka pajama siya sa ibaba at isang manipis na spaghetti strap naman ang suot niya sa pang itaas at wala siyang suot na bra. Napa hablot siya sa kanyang unan at pinantakip niya sa kanyang katawan.



"That's nonsense. I already saw your bod--"  Biglang binato sa kanya ni Helaena ang isang unan kaya napatigil siya sa pagsasalita.



"One wrong word and you're dead. I swear."


"Already heard that a thousand times." Ani Brylle.



"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto ko? Tsaka sinong nagpapasok sa'yo dito? Baka gusto mong isumbong kita kina Mama at Papa?" Pagbabanta ni Helaena.


"Tss!" Singhal ni Brylle at napatayo siya at pinagmasdan naman ang kabuuan ng kwarto ni Helaena. "Ang Mama mo ang nagpapasok sa'kin dito. Sabi ko sa kanya babalik nalang ako pag gising kana but she insisted that I should wait here... inside your room." Sabay tititg diyo.


"May topak talaga ang Mama ko. Ayaw daw munang may mangyari sa'min ni Brylle pero pinapasok naman niya dito sa kwarto ko. Tss!" Halos pabulong na sabi ni Helaena.



"Bakit hindi mo pa itapon ang mga 'to?" Na ang tinutukoy ni Brylle ay ang mga standee niya.



"Sira kaba? Sabi mo sila ang magbabantay sa'kin kapag wala ka, tapos ngayon pinapatapon mo? Ang labo mo." Inis na sagot ni Helaena.



"Ang sabihin mo, ini-imagine mo sila kapag mag isa ka lang dito sa kwarto mo."



"Stop it! You're so gross. I won't do that. Never. Pwede ba, Brylle? Lumabas kana nga dito. Galit pa rin ako sa'yo."



Biglang linapitan ni Brylle si Helaena at tinitigan kaya lalong napahigpit ang hawak ni Helaena sa unan na nagtatakip sa kanyang katawan.



"Hindi porket sinabi ni Mama na pwede kang pumunta dito eh gagawin mo na. Kwarto ko parin ito at hindi sa kanya."


Hindi pinapansin ni Brylle ang mga sinasabi ni Helaena sa kanya at nakatitig parin siya dito.


"A-ano bang problema mo?"



Nang hindi sumagot si Brylle ay bigla-bigla niya itong tinulak para makadaan siya. Nakaharang kasi ito sa harapan niya.



"Huwag kang aalis diyan sa kinatatayuan mo. Huwag kang lalapit dito at huwag kang magtatangkang pasukin ako dito sa loob ng CR." Pagbabanta ni Helaena tsaka na siya pumasok sa loob ng banyo.



Agad na nag suot ng bra si Helaena at nagpalit ng tshirt. Sinabay na din niya ang pag tu-toothbrush at pagkatapos ay nag mouth wash pa.


Paglabas niya ng banyo ay hindi nga natinag si Brylle sa kanyang kinatatayuan at nakatitig pa rin ito sa kanya.



"So, sa tingin mo hahalikan kita kaya ka nag toothbrush?"



"Oh my god! Brylle. Lahat ng tao nag tu-toothbrush pagkagising nila ng umaga. Hindi mo ba ginagawa 'yon? Duh!" Sabay irap dito.



Hindi pinansin ni Brylle ang sinabing 'yon ni Helaena at linapitan na naman niya ito. Palapit ng palapit hanggang sa humahakbang na paatras itong kaharap niya.


"A-ano bang binabalak mo? Huwag ka ngang lumapit, kung hindi sisigaw ako."


Walang ka ano-ano'y bigla nalang niyakap ni Brylle si Helaena nang mahigpit. Kaya napatigil sa kakadaldal itong si Helaena.



Ilang sandaling natahimik ang dalawa at kapwa lang nakayakap sa isa't-isa. Napapangiti tuloy ang kaninang madaldal at nakasimangot na si Helaena.



"Na miss kita... sobra." Mahinang sabi ni Brylle kay Helaena habang magkayakap silang dalawa.


Hindi maitago nitong si Helaena ang kanyang kilig sa narinig. Halos lumundag ang puso niya sa kanyang dibdib at lumipad ang mga tenga niya sa saya. Pakiramdam niya namula ang mga pisngi niya at kusang ngumingiti ang kanyang mga labi. "Finally, you broke your fences." Na ang pinpatungkulan ay ang bakod na hinarang ni Brylle sa pagitan nila nang mag away sila.


Tila napawi ang lahat ng inis at galit na nararamdaman ni Helaena ngayong nakakulong siya sa mga bisig ni Brylle. Gusto niya sa ganitong posisyon. Gusto niyang lagi siyang nilalambing at pinaparamdam ni Brylle ang pagmamahal niya dito.



Ilang sandali pa at kapwa na sila lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala. Gano'n nalang ang pagka mangha ni Helaena sa nakita. Dahil puno na ng Christmas decorations ang kanilang bahay. Sa pagkaka tanda niya kagabi ay wala pa ang mga ito. Naka ayos na din ang isang malaking Christmas tree doon at napansin niyang may malalaking regalo na din ang nasa ibaba nito.



Nadatnan nila sa sala ang Mama at Papa ni Helaena kasama ang kapatid nito.



"Mama, Papa, kelan niyo pa inayos ang mga 'to? Wala pang ganito kagabi ah."



"Pag gising din namin ganito na ang ayos ng bahay, anak." Sagot ng Papa ni Helaena.


"Nadatnan nalang namin sa sala itong si Haven at Brylle kanina na siya palang nag utos na i-decorate ang bahay natin sa isang bihasa." Ani Mama ni Helaena.



Napatingin si Helaena sa boyfriend. "Bakit mo ginawa 'yon?"


"Ano bang klaseng tanong yan, anak? Dapat nagpapa salamat ka sa kanya imbes na kinukuwestyon mo siya." Sabi naman ng Mama ni Helaena.


"You're welcome." Nakangising sabi ni Brylle kay Helaena kahit na hindi pa 'to nagpapa salamat sa kanya.


"Ikaw na naman ang kinampihan. Tss!" Inis na halos pabulong na sabi ni Helaena.


"Nag bigay din ng regalo si Kuya Brylle." Sabay turo sa mga regalo sa ilalim ng Christmas Tree. "Astig ka talaga, Kuya Brylle."



"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon." Ani Helaena. "Sinusuhulan mo na naman ang Pamilya ko at sinasanay sa mga binibigay mo." Naiinis na sabi ni Helaena na pabulong lang at baka mapagalitan na naman siya ng kanyang Mama 'pag narinig siya nito.



"Masaya ako sa ginawa ko at gusto ko masaya din kayo kaya ginawa ko ang mga ito."



"Maraming salamat talaga, iho. Hulog ka talaga ng langit sa'min." Papuri naman ng Mama ni Helaena.


"Baka hulog ng demonyo." Pabulong na pang-aasar ni Helaena sa boyfriend.


"Ang sweet mo talaga, Helaena." Balik asar nitong si Brylle.



"O siya, maupo na muna kayo dito at ipag hahanda ko kayo ng almusal." Sabay tayo ng Mama ni Helaena mula sa pagkaka upo. "Tara na at tulungan niyo'kong dalawa." Utos nito sa asawa niya at kay Haven.


Pag alis nila ay agad na tinitigan ni Helaena si Brylle.


"Don't start with me, Helaena. Aren't you happy that I did this? I'm such a sweet boyfriend, right?" Natuon ang tingin niya sa mga regalo sa ilalim ng Christma Tree. "By the way, yung pinaka maliit na regalo ang sa'yo. Well, anyways, may pangalan naman pala ang mga 'yan. Buksan niyo ang mga 'yan sa Christmas eve, ha?"


"Hoy, Brylle Lauren Samaniego, hindi porket ginawa mo ang mga 'to eh pagbibigyan na kita sa mga kasalanan mo."


"O akala ko ba napawi na ang kasalanan ko sa'yo kaninang nilambing kita? Bakit ngayon umuusok na naman yang ilong mo?"


"Wala akong sinabing gano'n."



"At isa pa, ang tanging kasalanan ko lang sa'yo ay hindi ko agad nasabi na umuwi na kami galing Singapore. Wala ng iba."


"Aba, bigla mo atang nakalimutan si Olivia Hammilton?" Maarteng sabi niya sa pangalan nito.


"Huwag mong gawing big deal si Liv. Walang kaming ginagawang masama. Marumi lang talaga 'yang utak mo."



"Marumi? Hello? Nilalandi mo kaya siya sa harapan ko. Ano'ng gusto mong isipin ko nun? Eh kung ako kaya ang makipag usap ng gano'n sa ibang lalake? For sure, magagalit ka. Nilalapitan nga lang ako ng ibang lalake, nagiging halimaw kana. What more ku---"


Bigla nalang hinalikan ni Brylle si Helaena kaya natigil ito sa kanyang mahabang litanya. Namilog ang mga mata nito sa halik ni Brylle at namula na naman ang kanyang mga pisngi. Pati tibok ng kanyang puso bumilis.


"Now I know how to make you shut up." Mahinang sabi ni Brylle sa tenga ni Helaena na parang nilalandi ito sabay ngisi.


"Y-you perv! Do it again and I'll--"


"Kiss you again." Mabilis na sabi ni Brylle.


"Hindi mo ba naisip na nandito ang Pamilya ko at baka nakita nila ang ginawa mo?"



"So? Walang masama do'n. I'm yours and you're mine."



"Still doesn't give you the liscence to kiss me inside our house with my Parents. Tsaka tigilan mo nga ako sa mga ganyang linyahan mo. Di uubra sa'kin yan."


Patuloy parin sila sa pag aasaran na dalawa hanggang sa bumigay na din si Helaena at napaamo na siya ni Brylle.


Ilang sandali pa at inihahanda na ni Helaena at ang kanyang Mama ang agahan. Sa labas nila napag pasyahang mag agahan. Nilabas nila ang kanilang lamesa at mga upuan at nag set-up na ng mga pagkain.


"Mama, may kasalanan kapa sa'kin." Ani Helaena sa kanyang Mama.


"Pa'no naman ako nagka kasalanan sa'yo, aber?" Nakapameywang na sabi ng Mama ni Helaena.


"Bakit mo pinapasok si Brylle sa loob ng kwarto ko? Akala ko ba gusto mo kasal muna? Bakit bigla-bigla pinagtulakan niyo siya sa loob ng kwarto ko habang natutulog pa'ko?" Inis na sumbat ni Helaena sa kanyang Mama. "Ang labo mo talaga, Ma."


"O bakit? May ginawa ba siyang masama sa'yo, gayong arte-arte ka ng ganyan?"


"Syempre wala."


"Tignan mo na? Ma respeto siya. Kaya malaki ang tiwala ko sa batang 'yon."


"Tss! Kung alam niyo lang may nangyari na nga sa'min." Halos pabulong na sabi ni Helaena.


"Ano'ng sabi mo?"


"Sabi ko po kukunin ko lang yung tinimplang juice ni Papa nang makapag agahan na tayo."


"Mabuti pa nga at sigurado akong gutom na si Brylle."


"Si Brylle pa talaga ang inaalala at hindi ako." Inis na sabi ni Helaena tsaka na siya pumasok sa loob ng bahay.


Kanina pa pala naka tingin sa kanila sina Brylle at Haven at si Helaena itong pinag uusapan nila. Nakaupo sila sa kawayan na upuan na ginawa ng Papa nina Helaena sa ilalim ng puno.



"Kuya Brylle, seryoso kana ba talaga sa Ate ko?"


"Bakit mo naman naitanong yan?"


"Kasi nakita kita nung isang araw may kasama kang magandang blonde na babae. Lumabas kayo sa Empire Palace Building at sabay pang sumakay sa sasakyan mo."



Biglang inalala ni Brylle ang araw na 'yon. Si Liv ang tinutukoy ni Haven na kasama niyang lumabas sa kanilang kumpanya.


"Huwag kang mag alala, mahal ko ang Ate mo. Kaibigan ko lang si Liv, alam 'yon ni Helaena."


"Kahit lagi kaming nag aaway ni Ate, kahit na lagi ko siyang binabara, mahal na mahal ko 'yon. Kaya huwag mo siyang lolokohin, kung hindi kami ang makakalaban mo." Pabirong banta ni Haven.


Natawa lang si Brylle sa banta ni Haven.


"Seryoso ako sa sinabi ko, Kuya Brylle. Nakikita mo 'tong gitara ko?" Sabay kuha sa  acoustic guitar niya na nakalapag sa may gilid ng upuan. "Ihahampas ko talaga sa'yo 'to kapag umiyak si Ate nang dahil sa'yo."


"Ganyan ka pala ka brutal. Nagmana ka pala sa Ate mo. Kasi brutal din 'yon."


"Hindi mo pa nakikita si Mama pag nagalit.  Kapag 'yon nagalit, magtatago na kami ni Ate. Mas brutal si Mama sa'min."



Napapatawa tuloy si Brylle. "Oohh.. I see. Now I know, kung kanino kayo nagmana ni Helaena. Mala Gabriella Silang pala si Mama mo."


"Hoy, kayong dalawa diyan, tara na at kakain na." Biglang sulpot ni Helaena na galing sa loob ng bahay, dala dala ang isang pitchel ng juice.


"Ayan na si Miss Sungit." Pabulong na sabi ni Haven. "Tara na, Kuya Brylle." Tumayo na siya at paalis.


Tinitigan ni Helaena itong si Brylle na di natitinag sa kanyang kinauupuan. "At ano pang ginagawa mo diyan? Don't tell me, gusto mong dalhan pa kita ng pagkain diyan at subuan, kamahalan?" Painis pero pabirong sabi nito.


"If you say so, why not?"


"Huh! You wish!" Tsaka niya inisnab si Brylle at tinalikuran para umalis. "Bahala ka diyan." Pahabol pa na sabi nito.


Tumayo na din si Brylle at hinabol si Helaena sabay akbay dito. Tsaka siya tinititigan nito.


"What is that look for? Don't tell me, pati akbay bawal na rin dito sa bahay niyo?"


"No. Ofcourse not." Sabay ngiti ni Helaena sa boyfriend.


Hindi pa man sila nakakadating sa hapag kainan sa labas ay biglang nag ring ang phone nitong si Brylle.


"O bakit? May problema ba?" Tanong ni Helaena nang tinignan siya agad ni Brylle pagkakita nito kung sinong tumatawag sa kanya. "Sino ba yan? Si Olivia?"


"Syempre hindi. Si Dad ang tumatawag. Mauna kana do'n, sasagutin ko lang ito."


Napa tango nalang si Helaena at sinunod ang boyfriend sa sinabi nito.


Lumayo ng konti si Brylle bago niya sinagot ang tawag ng kanyang Ama.


"Ano pa bang ginagawa ni Brylle do'n at hindi pa siya sumabay sa'yo dito?" Tanong ng Tatay ni Helaena sa kanya.


"Kausap lang ang Tatay niya. Bigla po kasing tumawag sa kanya."


"Pinapa uwi na siguro." Sabat ni Haven. Tsaka nila tinignan lahat ang seryosong si Brylle na kausap ang Tatay nito.


"Hayaan na ho natin siya. Pupunta din naman po siya dito pagkatapos niya." Sabay ayos sa mga ulam na niluto ng Nanay niya.


May nilutong hotdog, tocino, tuyo, isda, sinangag at mga itlog ang Mama ni Helaena. May kape pa at niluto ding pancakes.


"Mama bakit ngayon ka lang nagluto ng pancakes? Nung nagpapaluto ako sa'yo sabi mo sa susunod nalang." Maktol nitong si Haven.


"Ito na nga yung susunod." Sagot ng Mama nila. "Tsaka paborito ng Kuya Brylle mo yan. Madalang lang kumain ang Kuya Brylle mo dito, kaya pinag luto ko na siya"


"Aba, Mama, pa'no mo nalaman na paborito ni Brylle ang pancakes?" Takang tanong ni Helaena.


Nakangisi lang itong Mama nila.


"Hindi kaya stalker ka ni Kuya Brylle?" Pabirong sabi ni Haven.


"Oo nga, Ma. Mas madami kapang alam kay Brylle kesa sa'kin ah."


"Baka nga mas mahal niya pa si Brylle kesa sa'tin." Biglang sabi ng Papa nila.


"Uyyy.. si Papa nagseselos." Kantyaw na biro ni Haven.


Nakisali na din itong si Helaena sa pangangantyaw sa kanyang Papa, pati na din itong Mama nila. Sabay tawanan at biruan pa nilang lahat habang hinihintay nila si Brylle.



"Yes Dad. I--I understand." Sang ayon ni Brylle sa kung ano man ang sinabi sa kanya ng kanyang Ama sa kabilang linya. Sabay masid niya sa masayang Pamilya ni Helaena na nooy nag aasaran at nagbibiruan. "No. Ofcourse not. I won't turn my back on our plan." May pagka malungot na sabi nito. "Y--yes Dad. I know." Sabay buntong hininga sa mahabang litanya ng kanyang Dad. "Bye, Dad." Unti-unti na niyang binaba ang kanyang phone matapos kausapin ang kanyang Ama.


Ilang segundo din siyang natulala doon bago siya tawagin ni Helaena na kumain na, kaya pinuntahan na niya ang mga ito.


Masayang nakisalo si Brylle sa hapag kainan ng mga Madriaga at nakisali pa sa pagbibiruan nila. Bigla niyang nakalimutan ng mga sandaling iyon ang kung ano man ang pinag usapan ng kanilang Ama kanina. Basta masaya siya at magaan ang pakiramdam niya habang nakikisabay siyang mag tawanan at mag biruan sa mga ito.


"Hi. Magandang umaga po." Bati ni Helaena sa isang babaeng nakatayo sa harapan ng bahay nila na tila may hinahanap sa loob. May kukunin lang sana siya, habang sina Brylle ay kumakain pa, nang mapansin nga niya itong babaeng nakamasid sa bahay nila. "May kailangan po ka--"


Biglang natigilan sa pagsasalita si Helaena nang mapagtanto kung sino itong babae sa harapan niya. Inalis kasi nito ang kanyang sun glasses tsaka lang niya nakilala kung sino ito.


"Hi." Bati ni Mrs. Samaniego sa kanya na siya palang nakamasid sa kanilang bahay.


"M-Mrs. Samaniego." May utal pang pagkakilala ni Helaena. Hindi niya malilimutan ang mukha nito kahit na isang beses palang niya itong nakita sa personal. Ito ay noong sa Hospital kung saan halos nag agaw buhay itong si Brylle. Bukod do'n, ay sa tv na lang niya ito napapanood o nakikita.


"You must be.... Helaena Madriaga?" Pagkumpirma nito sa kaharap niya.


Marahang tumango si Helaena.


"I'm glad that I finally met you." Sabay yakap kay Helaena ng mahigpit na ikinagulat nito.


Hindi alam ni Helaena ang gagawin, kung yayakapin din ba niya ito o ano. Hanggang sa kumalas sa pagkakayakap si Mrs. Samaniego tsaka niya tinignan mula ulo hanggang paa ang kaharap.


"You're really gorgeous just like what Brylle told me."


"Sa-salamat po."


"The last time I saw you was at the Hospital, when Brylle was fighting for his life. That's why I haven't noticed you that much and I'm sorry for what had happened back then, I mean, for what my husband did to you. But now that you're in front of me, I can say that Brylle really made the right decision in choosing you."


Napapangiti si Helaena sa mga narinig. Hindi niya alam na ganito pala ka prangka ang Nanay ng kanyang boyfriend. Ni hindi siya makasingit dahil tuloy-tuloy ito sa pagsasalita.


"Sa-salamat po ulit. Pe-pero bakit po kayo nandito? May.... kailangan po ba kayo sa'kin?"

"I told Brylle that I want to meet you but it seems that you're both busy that's why you don't have time to meet me. Kaya ako na ang gumawa ng paraan para makilala ka." Ani Mrs. Samaniego sabay ngiti.


"Gustong gusto ko din po kayong makilala, Mrs. Samaniego."


"Call me Tita Cindy."

Tumango si Helaena at napangiti. "Si-sige po, Ti-Tita Cindy."


"Anyways, nasa'n si B—" Napatigil siya sa pagsasalita nang marinig ang malakas na halakhakan ng Pamilya ni Helaena kasama si Brylle sa may gilid ng bahay kaya napasilip at napatingin siya sa mga ito. "Ang saya ng anak ko." Napangiti siya sa tinuran na may halong lungkot din sa tono nito. "Ngayon ko pa lang siya nakitang ganito kasaya."


"Masaya din naman po siya kapag kasama niya kayo, lalo na ngayong magkasundo na sila ni Bryant."


Napailing si Mrs. Samaniego. "Hindi kasing saya nito. Nagniningning ang mga mata niya sa saya. Ang halakhak niya na ngayon ko lang narinig sa buong buhay ko. Nagiging totoo siya kapag kasama niya kayo. Alam mo namang hindi sila magkasundo ng kanyang Ama kaya hindi namin siya nakikitang ganito kasaya."


Tumango si Helaena sa huling sinabi ng kaharap. "A-alam ko po."


"Ang tanging hiling at panalangin ko lang sa buong buhay ko ay maging maayos na talaga ang Pamilya ko. Ang magkasundo na silang mag Ama."


"Wala naman pong imposible. Alam ko po mangyayari din po yang panalangin niyo."

Hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila ang pinag uusapan nilang si Brylle.

"Mom? What are you doing here?" Takang tanong ni Brylle sa kanyang Ina.


"Brylle hijo." Sabay beso sa kanyang anak. "Oh! I'm here to see your girlfriend." Diretsahang sabi nito sabay ngiti.


"Mom?"


"Ang tagal ko na kasi siyang gustong makilala. I already told you that. Kaya ako na ang gumawa ng paraan para makilala siya."

"Hindi lang palaging maganda ang timing, Mom, kaya hindi ko siya naipapakilala sa'yo."

"Its okay. But now is the right time. I'm glad I met her already. She's beautiful inside and out, I know."


Napapangiti tuloy si Helaena sa mga papuri ni Mrs. Samaniego. "Sa-salamat po."


"Now won't you introduce me to our future in-laws?" Na ang pinapatungkulan nito ay ang Pamilya ni Helaena.


At ilang sandali pa nga lang ay pinakilala na ni Helaena si Mrs. Samaniego sa kanyang Pamilya. Agad naman nilang nakasundo ito. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan ang Ina ni Brylle. Hindi ito maarte at matapobre tulad ng sa mga pelikula o teleseryeng napapanood sa tv na Ina ng bidang lalake o kaya babae.


Makikita din sa mga mata ni Mrs. Samaniego ang saya sa pakikihalubilo sa mga Madriaga. Nakagaanan na niya agad ng loob ang Parents ni Helaena lalo na at masaya silang kasama at tila walang problemang iniisip kahit na simple lang ang kanilang pamumuhay kaya lalo siyang humanga sa mga ito.


"Now I understand why you want to be with her always, to be with her Family as well." Ani Mrs. Samaniego sa kanyang anak na si Brylle habang pinagmamasdan nila ang mag-anak na inaayos ang mga dekorasyon sa sala nila.


"Kapag kasama ko sila nalilimutan ko ang problema ko sa bahay. Ang problema ko kay Dad. Dito may Pamilya ako."


"Nakakalungkot lang isipin na mas nararamdaman mong may Pamilya ka sa labas ng bahay natin. Na dapat ay kami 'yon." Malungkot na sabi nito. "Sana makita 'to ng Dad mo para marealize niya kung gaano kasaya at kabait ang Pamilya ni Helaena."


Napailing si Brylle. "Sarado na ang mga mata at puso ni Dad. Kahit kailan hindi na niya makikita ang kasiyahan na dulot ni Helaena sa'kin, kaya hindi na'ko aasang tatanggapin niya pa kami."


"I'm sorry, anak, dahil wala akong magawa para sa kasiyahan mo."


"Mom, its okay. I won't blame you for Dad's attitude."


Napatitig si Mrs. Samaniego sa kanyang anak.


"What now, Mom?"


"I'm glad you turn into who you are now. I'm glad that Helaena was a big part of that change. Please, don't turn again into monster that we all knew." Pakiusap nito sa kanyang anak.


Alam ni Brylle ang tinutukoy ng kanyang Ina. Ayaw niyang bumalik ang dating Brylle na barumbado at malaki ang galit sa mundo. "Pa'no pag... pag nawala sa'kin si Helaena?" Seryosong tanong ni Brylle.


Napaisip si Mrs. Samaniego sa tanong ng anak. "Bakit mo sinasabi yan? May problema ba?"


Nag iwas ng tingin si Brylle at naalala ang pag uusap nila ng kanilang Dad kanina. "Just forget about it."


"I'm sure naman walang mangyayari sa inyo ni Helaena, dahil po-protektahan ko na kayo laban sa Dad niyo kapag may ginawa siyang masama."


"I hope so, Mom. Sana nga may magawa ka kapag nangyari nga ang araw na 'yon."


"Bakit, Brylle? May binabalak ba ang Dad mo?"


Napailing si Brylle. "I-I don't know. We don't know his plans yet. You know him, he's the bigger monster. And one day we will be surprise once he put actions on his plans. And I'm afraid that Helaena will be the bigges target."


"We won't let that happen." Sabay hawak sa kamay ng kanyang anak at muling pinagmasdan ang masayang Pamilya ni Helaena.


Hindi na umimik si Brylle at tinitigan na lang din si Helaena. Hindi siya papayag na mawala ito sa kanya, pero pa'no mangyayari 'yon kung mas malakas at makapangyarihan ang kalaban nila? Na wala silang ideya kung ano pa ang mga binabalak ng nakakatandang Samaniego para mapaghiwalay lang silang dalawa.


———-

Continue Reading

You'll Also Like

34.1K 299 36
Three new girl students who are not expected to enter a big school, is it actually expected? But in this school, only rich students can enter this ki...
231K 15.1K 75
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1M 81.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
1.6M 71.2K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...