NIGHT BLOOD UNIVERSITY

By SELIEMBLADE

780K 39.9K 8.8K

[UNEDITED] Night Blood University is a place where death is nothing but a next deadly adventure. The Earth's... More

NBU
coup d'œil
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xli
xlii
xliii
xliv
xlv
xlvi
xlvii
xlviii
xlix
l
li
lii
Epilogue
Note
special chapter

xxviii

11.7K 845 264
By SELIEMBLADE

DEPEND ON ME


"So, you mean you don't have any idea how to freakin' go back to the camping site? Is that what you wanted to imply?" Kalmado pero handa nang pumatay na tanong ko habang nakatingin sa walang buhay na mukha ng Alpha na 'to. Kung wala lang siyang sakit e' baka kanina ko pa 'to sinakal.


He nonchalantly shook his head and right at that exact moment, I just wanna strangle him to death. Geez. Kung ganoon nga, bakit pa siya sumunod saakin e' wala rin naman pala siyang pakinabang sa bagay na 'to?


"Can you please just—go to hell?" Inirapan ko siya tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad.


Mag tatanghali na ngunit hanggang ngayon e' hindi parin kami nakakabalik sa camping site. Kanina pa kami palakad-lakad at kanina parin ako tanong ng tanong sa hinayupak na ito kung saan ba ang daan pabalik ngunit tanging pagkibit-balikat lang naman ang palagi niyang sinasagot sa'kin kaya naman gusto ko na talaga siyang ilibing ng buhay ngayon.


Sana pala hinayaan ko nalang mamatay kagabi ang bampira na 'to! Pinapataas niya lang ang presyon ko ngayon e'. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang systema ko na gustong-gusto ng pumatay ng isang bampira ngayon.



"Let's stop here." Saad ko tsaka padabog na naupo sa pinong damo na nadito sa tabi ng ilog ng Canaya dahil sa sobrang pagod. Wala rin namang mangyayari kahit pa buong araw kaming maglakad kaya mas mabuti pang umupo nalang kami dito at maghintay. Mukhang wala pa sa katinuan 'tong bampirang kasama ko ngayon e'. Hindi pa ata siya tuloyang magaling dahil. Tsk!


Kakalakad namin ay umabot na kami tabi ng ilog na 'to at sa tingin ko e' nasa kabilang parte na ata ito ng gubat na pinuntahan ko kagabi dahil medyo mababaw ang tubig sa parte na ito at medyo maingay din ang pag-agos.


"This forest is really annoying!" Bulong ko tsaka ako pagod na humiga sa ilalim ng punong kahoy kung saan ko naisipang tumigil. Hindi naman siya sumagot at seryuso lang ang mukha na sumandal sa punong katabi niya. Marami narin sigurong naligaw sa gubat na ito kagaya namin.


Napatingin ako sa tiyan ko ng marinig ko iyong tumunog. Gutom na ako! Kung bakit kasi hindi namin mahanap-hanap ang daan pabalik sa camping site e'. Wala rin naman akong dalang pagkain kaya naman ngayon e' umaangal na itong sekmura ko. Napabusangot nalang ako.


"What?" I was annoyed when I caught him staring at me.


"You're so noisy." Ipinikit ko nalang ang mga mata ko tsaka dahan-dahang bumuga ng hangin. Calm down Hyrreti! Calm down. Gutom na ako at pagod narin kaya naman wala na akong lakas na makipagtalo pa sa kaniya. Mas lalo lang nauubos ang natitirang lakas ko e'.


Dahil nga sa pagod ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Mas mabuti pang matulog nalang ako para makalimutan ko na itong pagreklamo ng tiyan ko dahil sa gutom. Agad din naman akong nakatulog dahil hindi din ako nakatulog ng maayos kagabi. Paano ba naman kasi ako makakatulog kung kailangan ko pang alagaan ang paniking kasama ko dahil sa taas ng lagnat niya?




Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ba akong nakatulog, naalimpungatan nalang kasi ako dahil sa maingay na nilalang na kanina ko pa naririnig na nagmumura. Kumunot ang noo dahil sa ingay ng isang 'to. Ano ba'ng problema niya at nang e-esturbo siya ng pagtulog? Iminulat ko ang mga mata ko ata nakitang wala na siya doon sa punong sinasandalan niya kanina.



"Damn it! I will drain this f*cking river to hell!" Rinig kong mura niyang muli.


Nilingon ko ang direksyon niya para sana bulyawan siya dahil sa ingay niya pero hindi ko na natuloy nang tuloyan ko na siyang makita. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang wala siyang pang itaas na damit habang nanghuhuli siya ng isda sa may tabi ng ilog. Napatakip ako ng mata tsaka ako umiwas ng tingin. Bakit walang damit pang itaas ang paniki na 'to?


Tumingin ulit ako sa kaniya but this time, I try not to look at his exposed body.


Tinignan ko ang mukha niya at muntik na akong matawa ng makita kong nag mukha na siyang angry bird ngayon dahil sa magkadugtong niyang kilay. Bakas din ang pagkayamot sa mukha niya dahil siguro hanggang ngayon e' wala parin siyang nahuli ni kahit isang isda. Siguro ay nagugutom narin ang bampira na 'to.


"Seriously, this river is pissing me off!" Yamot na bulalas niyang muli kaya naman tuloyan na akong nakatawa ng mahina dahilan para mabaling sa direksyon ko ang atensyon niya. Sinamaan niya ako ng tingin dahilan para mas lalo lang mag salpokan ang mga makakapal niyang kilay. Mas lalo lang tuloy natawa dahil sa mukha niya.


He pauses and stared at me with an unreadable emotion in his eyes kaya naman natigilan ako. Omo! Did I just laugh? Geez. Kaagad akong tumikhim at umiwas ng tingin sa kaniya.


Nagpatuloy lang naman siya sa panghuhuli niya ng isda kaya naman tahimik ko nalang siyang pinanuod. Natawa ako ulit ng bigla nalang siyang madulas sa batong inaapakan niya dahilan para bumagsak siya sa tubig na marahang dumadaloy ngayon sa ilog. Ang engot naman kasi e'. Napailing nalang ako at hinintay siya na umahon pero nangunot ang noo ko ng abotin na siya ng ilang minuto sa ilalim ng tubig e' hindi parin siya umaahon. Mukhang nalunod na ata ang mukong. Buti nga sa kaniya!




"Seriously, what is that guy doing?!" Tumayo ako mula sa kinauupoan ko tsaka ako naglakad papunta doon sa tabi ng ilog kung saan siya nahulog kanina. Isang minuto na kasi ang nakalipas at hindi parin siya umaahon. Don't tell me nalunod na talaga ang paniki na 'yon?


Sumilip ako sa ilalim ng tubig ngunit hindi ko mahagilap ni kahit anino niya.


"HOY PATAY KA NA BA?" Ay, ano ba namang klaseng tanong 'yon? At saka bakit ba kasi ako nagtatanong? As if namang may pakialam ako kung malunod nga talaga siya at mamatay.


'You haven't got the information that you need yet.' Saad ng magaling kong utak kaya naman napairap nalang ako. Yeah right, he can't die yet, not when I still don't get the information that I need from. Hinubad ko ang suot kung jacket pati narin ang sapatos ko para mas lalo akong makalapit doon sa banda ng ilog kung saan siya nahulog kanina.


"Patay na nga talaga siya?"


Kung ganoon, nasaan na kaya ang katawan ng nilalang na iyon kung nalunod nga siya? Sinundan ko ng tingin ang ilog. Posible kayang tinangay na siya ng agos? Nakakaawa naman siya kung pagkalunod lang sa mababaw na ilog ang dahilan ng pagkamatay niya. Siguradong ikakahiya siya ng angkan niya.


"Looking for me?"


"HOLY COW!" I squael ng bigla nalang may siraulong nilalang ang sumulpot sa tabi ko dahilan para madulas din ako at mahulog sa ilog. Damn it! Napaubo ako ng makaahon ako sa tubig. Sumama ang timpla ng mukha ko ng marinig ko ang pagtawa niya. Natigilan tuloy ako. He really looks different whenever he laughs or smiles. Para kasing nagiging ibang nilalang siya. Is this his other side? Akala ko puro kasungitan lang ang nakasaksak sa kaluluwa ng nilalang na 'to e'.


"Like the view?" Rinig kong saad nito. Napalalim na pala ng sobra ang iniisip ko at hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya. Sinamaan ko ulit siya ng tingin. Akala ko ba may sakit ang kutong lupa na 'to?


"Lunorin kita diyan e'!" Ngumisi lang naman siya. Napangiti ako ng makaisip ako ng magandang ideya. Akala ata ng mukong na 'to siya lang ang pweding mang-trip huh.


"Help me out!" Saad ko tsaka ko itinaas ang kamay ko para mahila niya ako pataas. Lumapit naman siya at inabot ang kamay ko and oops..that was a wrong move. I smirk at him bago ko hinila ang kamay niya dahilan para mahulog siya ulit sa tubig. And that's how the war between the two of us started.


"I will kill you bas—hdudhsh!" Sigaw ko ng hilahin niya ang pulsohan ko pababa sa tubig dahilan para hindi ko na matapos ang sinasabi ko.


Para kaming mga bata na nag-aaway ngayon. Never did I ever imagine na makikipag-asaran ako ng ganito sa isang nilalang at sa Alpha pa talaga ng impyernong eskwelahan na 'yon ah.





"Bakit mo kasi hinila ang pulsohan ko? Muntik na akong malunod!" Inis na saad ko habang parehas kaming nakaupo ngayon dito sa tabi ng ilog at nagpapatuyo ng mga damit naming nabasa.


"And why did you play pretend that you got drowned? Want a kiss huh?" Ngumis siya na ikinairap ko nalang.


"Wanna die instead?" Natawa lang naman siya. Baliw din talaga ang isang 'to e. Napailing nalang ako tsaka ko ibinaling ang paningin ko sa ilog na nasa harapan namin.


Ilang minuto din kaming natahimik bago ko napagpasyahan na tumayo na at maglakad papunta sa gubat para manguha ng pweding gawing panggatong mamaya.


"Where are you going?"


"Mangunguha ako ng pweding panggatong. I guess we need to spend the rest of the night in this forest again." Bored na tugon ko tsaka ko kinuha ang dagger na iniwan ko kanina sa ilalim ng punong tinulogan ko.


"Don't go too far or else." Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Hindi naman siya nakatingin saakin dahil seryuso na naman siyang nakatingin sa ilog ngayon. Nanghuhuli na naman kasi siya ng isda. Ewan ko nalang talaga kung may mahuli nga talagang isda ang bampira na'to.


"Or else what?" Binalingan niya ako ng tingin tsaka nginisihan.


"Or else I will turn this forbidden forest upside down just to find you."


Ano daw? Bumabanat ba ang isang 'to?


"Yeah, yeah! Good luck sa panghuhuli ng isda. Ewan ko lang kung may mahuli ka." Natatawang saad ko.


"It's for you anyway." Napahinto ako sa paghakbang dahil sa sinabi niya. So ang dahilan kung bakit siya nanghuhuli ng isda ay dahil saakin?


"Cause I don't wanna hear your groaning tummy." Ngumiti siya ng nakakaloko dahilan para mapairap nalang ulit ako.


"Yeah, whatever!" Saad ko nalang tsaka ako tumalikud at nagpatuloy na sa paglalakad. Lokong bampira 'yon ah. Kung ano-anong pinagsasabi e'. Napailing nalang ako tsaka ako pumasok sa bukana ng gubat.







Nang makapasok ako ay malamig na simoy ng hangin ulit ang sumalubong saakin. Nagsisimula na rin kasing dumilim kaya naman lumalamig na din ang ihip ng hangin. Naglakad-lakad na ako para maghanap ng mga kahoy na pweding gawing panggatong mamaya. Napailing ako ng bigla na namang pumasok sa isipan ko ang mga nangyari kagabi.


Luna? Hanggang ngayon ay hindi parin ako tinatantanan ng kuryusidad ko tungkol sa pangalan na iyon. Sino kayang Luna ang tinutukoy ng paniki na iyon na huwag siyang iwan? Hindi ko naman siya pweding tanungin dahil baka isipin pa niyang nakikialam ako sa buhay niya.


"Urgh—what the hell!" I groan nang masugatan ang kamay ko dahil sa matulis na dulo ng kahoy na nakuha ko kanina.


Bakit naman kasi napapalalim masyado ang pag-iisip ko e'. Tsk! Binitawan ko ang mga kahoy na nakuha ko tsaka ko tinignan ang sugat ko. Maliit lang naman pala. Kukunin ko na sana ulit iyong mga kahoy na napulot ko kanina ngunit hindi ko naituloy ng maramdaman ko ang presensya na iyon hindi kalayuan saakin. This kind of ominous presence, hindi ako pweding magkamali.


"A rogue vampire?" Marahil ay naamoy nito ang dugo ko.


Huhugotin ko na sana ang dagger na nakatago sa bulsa ng jacket ko ng bigla nalang may dumamba saakin dahilan para matumba ako at mapahiga sa lupa.


"Urgh!" Napailing ako habang pilit kong hinaharang sa leeg niya ang isang kahoy na napulot ko kanina.


"Damn it!" Mura ko ng maramdaman ko ang pagkirot sa bandang leeg ko na nasugatan na dahil sa matutulis niyang mga kuko.


Isang araw na akong hindi nakakakain kaya naman wala akong sapat na lakas ngayon para makipagpatayan pa sa baliw na bampira na 'to. Napadaing ulit ako ng dumaplis muli ang matulis niyang mga kuko sa pisnge ko dahilan para maramdaman ko ang dugo na dumaloy mula doon.


Sinamaan ko siya ng tingin. 'This vampire is pissing me off!'




"SALVATORE?!" I heard the Alpha called out pero hindi ko magawang sumagot dahil isang lingat ko lang ay sigurado akong mauubos na ng bampira na 'to ang dugo ko.


"WHAT THE HELL SALVATORE! WHERE ARE YOU?!" Rinig kong sigaw ulit ng paniki na 'yon. Ang ingay naman ng lintik na 'to eh. Kapag ako nakagat nitong kauri niya mumultohin ko talaga siya hanggang sa atakihin siya sa puso at mamatay. Tsk.


"SALVATORE? F*CK!" Dahil sa malakas na pagmura na na iyon ng magaling na Alpha ng Night Blood University ay pansamantalang nawala saakin ang atensyon ng bampira na 'to na nakadagan saakin ngayon dahilan para makahanap ako ng tiyempo at mabigyan siya ng isang malakas na suntok sa mukha. Napadaing naman siya sa sakit at bahagyang napalayo saakin kaya naman nagawa kong makatayo at makalayo din sa kaniya. Mabilis kong dinukot sa bulsa ko ang dagger na palagi ko namang dala tsaka ito itinutok sa direksyon niya. Punyet*ng bampirang 'to ah!


"Damn you, monster!" Sigaw ko dahil sa biglaang pag-ataki saakin ng halimaw na ito.


Napaubo ako dahil sa sakit nang sa isang iglap ay nakalapit na naman siya saakin. Hinawakan niya ang pulsohan ko tsaka ako ibinalibag sa punong hindi kalayoan saamin. Ramdam ko tuloy ang pagdaloy ng matinding sakit sa buong katawan ko dahil sa pagtama ng likud ko sa matigas na ugat nitong punong kahoy na 'to.


'Bakit ba ang hilig ng mga hinayupak na 'to na mangbalibag? Nakakarindi na sila ah!'


"Urgh!" I groan in pain when I felt the sharp nails of this rogue vampire that is now slowly sinking in the flesh in my neck. He's choking me to death. Geez. I can't breathe. Unti-unti na ding nanlalabo ang paningin ko. Don't tell me dito na ako mamamatay? Nagsisimula pa nga lang na umuusad ang misyon ko eh.



Akala ko ay mamatay na ako dahil lang sa simpling pagsakal saakin ng lintik na bampira na 'to pero kaagad akong nakahinga ng maluwag ng bigla nalang siyang maglaho na parang abo sa paningin ko kagaya ng tatlong rogue vampires na iyon kahapon habang nakatingin sila sa mata ng Alpha nayon.


So, he's here? Does he come to save me again? Napatingin muna ako sa pares ng kulay asul niyang mga mata na ngayon e' puno ng hindi ko mabasang mga emosyon bago ako tuloyang natumba sa lupa at habol ang hininga na napahawak sa dibdib ko. Damn! The rush of rage and hatred is eating my whole system again.


Napatingin ako sa kamay ko ng magsimula iyong manginig. My sedative--I need to have a shot of my sedative right now. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapag-inject ng pampakalma ko simula kagabi.


"Luna—hey! look at me!" Rinig kong saad niya.


Gusto ko sanang sundin ang utos niya kaso hindi ko magawa dahil sa sakit na lumulukop ngayon sa buong systema ko. Mas lalo lang tumitindi ang sakit kapag naririnig ko ang boses niya. He's a vampire and that doesn't help me out. His race slaughtered the life of my parents four years ago so tell me, how the hell can I calm down?


"Stay away from me, vampire!" Puno ng galit na saad ko. Damn, I really need my sedative right now. Kapag hindi ako nakapagturok no'n sa katawan ko ay siguradong hindi magiging maganda ang magiging kahihinatnan no'n.


Pinilit kong tumayo ngunit sa ikalawang pagkakataon ay natumba lang ulit ako. Hindi nga lang sa lupa kundi sa nilalang na'to na sinabihan kong lumayo sa'kin. "Damn that *sshole!" He cuss ng bumaling sa leeg ko ang mga mata niya. He scoops me up in the ground causing me to let out a harsh gasp.


'What is he doing?'


"Stay away from me—-


"You're giving me headache, woman." Seryusong saad niya. Hindi nalang ako tumugon.


Wala na akong lakas na makipagtalo pa sa kaniya at gusto ko nalang matulog at magpahinga ngayon nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng lakas na nawala saakin kanina. Pero hindi ko magawang pumikit at magpahinga man lang lalo na at alam ko na buhat-buhat ako ngayon nitong bampira na 'to. Sa lahat ng bampira sa impyerno na'to, sa kaniya ako dapat na mag-ingat ng husto.


Natigilan ako ng bumaba saakin ang paningin niya. He sighs before he turns his gaze away from me again.


"Close your eyes and take a rest. I'm not going to hurt you." Napailing ako.


How can I make sure that he will not take another sip of my blood? Baka mamaya niyan hindi na ako magising dahil naubos niya na pala kakainom ang dugo ko. Tsk.


"I'm letting you to be fragile so you can depend on me, Salvatore. Now be fragile and depend on me!" He mumbles. Those are the last words I heard before I drifted off to sleep. Fine! Just this once, I will try to depend on him.



[A/N:


I'm sending love and a big hug to the person who's reading this note right now. I am more than thankful that you have become a part of my two months' journey here in the Wattpad world. I love you 3000. Keep safe and God bless.]

Continue Reading

You'll Also Like

146K 5.3K 48
Seventeen Scenarios and more!
56M 989K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
7.7K 286 13
Colección de Tragedia 1 (El último Adán y Eva) A story of an Environmentalist and a sick girl.
1.8M 52.5K 84
Trouble wasn't unusual in Khali Vernon's life. Being the trouble herself she was penalized and was sent back to Tenebrés. This time she made up her m...