Two Hours More

By binibininghannah

2.9M 14.9K 2.1K

Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong mins... More

Two Hours More
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Thank YOU!
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Mumunting Note
Two Hours More - Eight
Two Hours More - Eight - Day 1 - 6
Two Hours More - Eight - Day 7- 10
Two Hours More - Eight - Day 14
Two Hours More - Nine - Day 32 - 53
Two Hours More - Nine - Day 55-60
Two Hours More - Nine
Two Hours More - Ten - Day 61 - 63
Two Hours More - Ten - Day 64-68
Two Hours More - Eleven - Day 71-74
Two Hours More - Eleven - Day 75
Two Hours More - Twelve - Day 76 - 86
Two Hours More - Twelve - Day 90
Hiro's Letter
Two Hours More - Thirteen
Two Hours More - Thirteen
Jam's Letter
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Dad
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Best friend
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Princess
Two Hours More
Marami pong Salamat!
UNTITLED.docx
Icarus
Published book, anyone?
THM Book 2
Facebook, Twitter, Tumblr, Weebly
RED.docx

Two Hours More - Eight - Day 15-30

30K 123 11
By binibininghannah

Hiro’s POV

Day 15 Sunday 6:14pm

Ilang lingo ko rin itong pinaghandaan. Nabingi na ang langit sa puso kong nagsusumigaw ng isang taimtim na panalangin.

Pumunta muli ako sa palasyo ng aking prinsesa. Handa na kong harapin ulit ang nakakatakot n’yang Daddy. Pero, katulad nga ng paminsang nangyayari noon, si Nay Mira na naman ang sumalubong sa akin. Wala na naman ang mag-ama. Nakain daw sa labas kasama pa si Miguel. Umuwi na naman akong bigo. Pero hindi sira ang pag-asa.

Day 19 Thursday

Hindi na naman ako makatulog. Naiisip ko kasi kung dapat pa bang inilalapit ko pa ang sarili ko sa kanya? Mukhang tama nga ang Daddy n’ya, magkakasakitan lang kami. Kung hindi ko na lang kasi ipinilit eh di sana, hindi kami ganito ka-attached na sa isa’t isa.

Ayokong maranasan kung ano mang naranasan ni Mommy noon. Ayokong matulad kay Mommy na sumabak sa isang sitwasyong hindi naman n’ya kailanman gugustuhin. Ayokong maranasan ang naranasan n’ya.

Nagkamali ba ako? Hindi ko rin naman nalaman na magkakaganito. Kung nagkamali man ako, wala akong babaguhin na kahit ano. Hindi ko alam kung selfishness ba ito, o sadyang minamahal ko lang talaga s’ya. Tama lang naman siguro na pinili kong makasama s’ya noon. Siguro ganito lang talaga ang nakasulat sa tadhana namin ngayon.

Day 21 Saturday

“Ihhhh… Magboyfriend sila ni Kuya Hiro!” Napatigil si Jam sa pagpa-piano nang bigla akong dumating sa koro.

“Naku, hindi no.” Kasabay nito ay ang gesture ng kamay n’ya para ipagduldulan sa mga bata na hindi talaga.

“Kayo talaga. Binibisita ko lang naman si Ate Jam e.” Malambing na pagkakasabi ko habang nakangiti. Natutuwa ako sa naririnig ko.

“Ang sweet!” Para pa rin silang kumakanta habang inaasar kami. Ang mga batang bumubuo ng children’s choir  ay lahat nanggaling sa mga batang tinuturuan ko. “May pink na rose pa s’ya!” Sigaw naman ng isang bata.

“Bagay ba kami?” Ngiting-ngiti pa ko sa pagkakatanong ko sa kanila no’n. Hind ko maiwasang hindi ngumiti at matuwa. Ganito na talaga kami ka-close ng mga batang ito.

“Hiro!” Nakita kong namumula na si Jam.

“Opo naman po! Kiss!” Napatingin s’ya sa paligid na parang tarantang-taranta. Siguro iniisip n’ya na baka may makarinig, sabihin ganitong bagay ang tinuturo n’ya, o namin, sa kanila! Tumingin ako sa kanya na natatawa-tawa pa.

“The kids have spoken, Princess.”

“Uyyyyyyy!” Parang musika sa tainga ang maliliit na boses nila. Ang lalaki ng mga ngiti ng batang lalaki. At ang mga batang babae naman ay ‘di magkandamayaw sa pagtili.

“Magtigil.” Nakikita ko na ang nagsusungit n’yang mukha. Ang cute n’ya kapag naiinis.

“Tama na nga.” Tatawa-tawa pa rin ako. “Namumula na tuloy si Ate Jam o. Hindi pwede ‘yong kiss, kayo talaga, ang babata nyo pa ih. Pag-aaral muna at syempre, si Lord, okay?”

“Yes Kuya!” sabay-sabay nilang sagot.

“Sayang naman.” Napatawa ako ng mahina nang narinig ko ang isa sa kanila na nagsabi n’yan.

Natapos ang practice nila ng mga bandang alas-tres ng hapon. Kitang-kita ko kanina sa mga mata ni Jam ang saya habang nagtuturo ng kanta sa mga bata. Courage. ‘Yan ang wala s’ya eh. Isa pa. Confidence. At masayang-masaya naman ako na ngayon, mukhang nakuha n’ya na ang mga ‘yon.

Nanatili muna kami sa koro para makapagpahinga matapos makaalis ng mga bata. Nandito nga pala si Miguel. Pagkadating ko kanina, nandito na s’ya. Sa tuwing nakikita ko s’ya, hindi ko alam kung bakit biglang umiinit ang ulo ko. At pagkakataon nga naman na sa mga pagkakataong ‘yon, lagi lang din s’yang mukhang mainit ang ulo.

Parehas kami ng course at dahil mas matanda ako sa kanya ng isang taon, palagay ko, graduating na s’ya. Sa tuwing nakakasalubong ko s’ya sa school noon, kahit best friend pa ‘yan ng babaeng mahal ko, hindi talaga kami nagpapansinan. Hindi kami naging malapit sa isa’t-isa. Pero sinubukan ko naman, isang beses nga lang. Nginitian ko s’ya noon pagkabanggit ko ng “Bro!” nang nakasalubong ko s’ya sa hallway, pero hindi man lang s’ya ngumiti. Tumango lang s’ya sa’kin habang ang mukha n’ya, walang emosyon.

Panong hindi sasama loob sa’kin n’yan, e gusto n’ya si Jam. Sa palagay ko naman. Kahit hindi n’ya pa sabihin o aminin kay Jam, halata naman. Mabilis namang makita ‘yon. Sigurado akong hindi ako nagkakamali doon. Kaya siguro ang init rin ng dugo ko sa kanya. Alam ko kasing interesado s’ya kay Jam at aaligid-aligid s’ya sa kanya.

Best friend. Best friend naman talaga s’ya ni Jam, pero s’ya, best friend lang ba ang tingin n’ya sa kanya? I doubt it.

Pero ganun pa man, alam ko naman sa sarili ko na kung may pagkakatiwalaan man ako kay Jam, s’ya ‘yon, sa totoo lang. Kung may makakapag-alaga man sa kanya ng maayos, alam kong s’ya ‘yon. Masasabi ko rin naman na, mabuti na rin pala at nandyan s’ya.

“Jam, nakaalis na daw si Papa sa bahay.”

“Oo nga, nag-text sa ‘kin.”

“So, saan ang lakad nyo?” Sabay tingin sa’kin. Anong gustong sabihin nito? Nakakalabas nga kami kapag wala s’ya, pero hindi sa lahat ng pagkakataong wala ang Dad n’ya ay naalis din kami.

“Wa---“ Natigilan ako nang nagsalita si Jam.

“Wala, Migs. Bakit?” Sagot n’ya na para bang nararamdaman na rin ang tensyon sa pagitan ng tinginan namin ng Miguel na ‘to.

“Papaalalahanan ko lang kasi sana na baka aalis kayo, e gabihin na naman kayo ng uwi.” Hindi man lang n’ya nilingon si Jam at diretso lang ang tingin sa’kin. Naikwento nga sa’kin ni Jam ang maliit nilang away na ‘yon. Magtigil Miguel. Magtigil.

“Migs naman. Di na nga mauulit ‘yon.”

Kainis ‘tong Miguel na ‘to. Pero hindi ko ‘yan papatulan. Selos lang ‘yan kaya s’ya nagkakaganyan.

Ilang sandali pa ay umalis na rin kami ng simbahan. Birthday daw ni Nay Mira kaya nagbilin sa dalawa na papuntahin ako sa bahay nila Jam. Hindi naman kami close ni Nay Mira, pero siguro, baka gusto n’ya lang pala kong makilala.

Papasok na kami sa bahay nila, habang si Miguel na ‘yon ay nauna nang nakapasok sa loob.

“Hiro, sorry kay Migs kanina.”

Napatawa ako. “Wala ‘yon Princess no. Alam ko naman bakit ‘yon nagkakaganon.”

“Hmm. Nag-aalala lang siguro talaga. Alam mo naman ‘yon.”

“I doubt it.”

“Ha? Bakit?”

“Wala naman.” The innocent Jam deserves a pinch on her cheeks.

Pagkatapos ng kainan at kwentuhan, naiwan kami ni Jam sa salas habang nagliligpit agad ng pinagkainan si Nay Mira, at si Miguel, bahala s’ya kung nasaan man s’ya.

Kahit papano, nakaramdam ako ng konting inggit sa mga nakikita kong pictures na naka-display. Buong buhay na ni Jam, si Miguel na ang kasama n’ya. I wonder if…

“S’ya ang firsts mo no?” Yes. I wonder if s’ya ang firsts ni Jam.

“Ha? Nagulat naman ako sa’yo!” Bigla na lang kasi akong nagsalita, e kanina pa kami tahimik.

“First holding hands… First hug… First crush…  F-first love.”

“B-bakit mo naman tinatanong ‘yan?” Labis-labis ang pagtataka n’ya. Halatang-halata sa expression ng mukha n’ya.

“Wala. E kasi, best friend mo na s’ya since birth e. Wala lang.” Buntong hininga lang ang sagot n’ya sa’kin. “‘Yong unang tatlong nasabi ko, sigurado ako do’n. E ‘yong huli?”

“Hiro, bakit mo ba naiisip ‘yan?” Natatawa-tawang tanong n’ya sa’kin. Nawiwirdohan siguro. “Pag best friend, best friend lang. Best friend nga e.”

“Hindi mo s’ya naging crush kahit kelan?”

“Hindi.”

“Love?”

“Hi --- Hindi nga.”

“E sino pala?”

“‘Yong?”

“‘Yong huli kong tanong.”

“Importante ba ‘yon?!”

“Aray!” Ibinato n’ya sa’kin ‘yong throw pillow na hawak n’ya. Mukhang ayaw n’ya ng topic na binuksan ko. Bakit ko nga ba kasi naiisipang itanong ang mga to sa kanya? “Pikon ka Princess ha!”

“Jam, may throw pillow pa dito.”

“Migs?!” sabi n’ya.

Gulat na gulat na napalingon kaming dalawa sa kanya, at alam kong iisa lang kami ng naiisip ngayon.--- kanina pa ba s’ya?

Day 22 Sunday 6:46pm

I watched as she slowly walks out their garden. Ang ganda n’ya talaga. Sulit ang pagod ko sa trabaho, dagdag pa ang pagod ko sa matagal na byahe bago pa ‘ko makapunta dito kasi makakasama ko naman s’ya.

“Bakit ganyan ka makatingin? Pangit ba?” Tsaka n’ya chineck ‘yong suot n’yang damit, naghahanap siguro ng pangit, wala naman.

“Pangit? Saan? Saan ang pangit?”

“Patawa ka!” And then she smiled. How cute her smile was. “Hiro, mga 8:30 makakauwi si Dad, ‘wag mong kakalimutan.”

Saglit lang kami nagkasama ni Jam. Thirty minutes ang layo ng bahay nila sa kinainan namin ng dinner, tapos kailangan ko pa s’yang maihatid pauwi bago mag 8:30. Pero kahit parang titigan ko na lang s’ya sa dinner namin, ayos na ayos na ‘ko. I really love her Dad when he has business trips.

Love is when you drive for a couple of hours to stay with the person you love for a couple of minutes.

Day 24 Tuesday

Mga ilang araw na lang pala, isang buwan na kaming ganito ni Jam. Ganitong ano? Hindi ko rin alam, basta kung ano mang tawag sa ganito, masaya na ko.

Mahal ko s’ya.

Mahal n’ya ko.

‘Yon lang naman siguro ang mahalaga sa ngayon, sa palagay ko.

Day 26 Thursday

Nagi-guilty na ko. Pero, God knows kung gano ko kagusto na makausap at makasama s’ya lagi. I wish she could forgive me. Kasi alam kong mali kung ipagpapatuloy ko pa ‘to.

Day 29 Sunday, at our town church

Nakita kong mag-isa si Jam na nakaupo kaya tinabihan ko s’ya.

“Hey there darling.” Sobra-sobrang pagngiti pa ginawa ko no’n. Napatawa naman s’ya.

“Ano?! Kasama ko si Dad, Hiro. Nagpa-park lang.”

“Ganon ba? Sayang naman. Dito na lang pala ko sa likod mo.” Pagkalipat ko, kinausap ko agad s’ya. “Princess, bakit ‘di ka nagtetext? Hindi rin kita matawagan.” Pabulong lang ang pagkakatanong ko sa kanya.

“Sira lang ‘yong phone ko Hiro. Mamaya, dala na ‘yon ni Migs. S’ya kasi ang nagpa-ayos.”

Nang communion na, nakita kong umalis ang Daddy ni Jam to answer a call. Nauna nang tumanggap si Jam ng communion, pagkabalik n’ya, tsaka naman ako. Natapos na ‘ko sa pagluhod, pero ang Daddy n’ya, wala pa rin. Maya-maya pa, napansin ko na lang na palapit na sa tabi ni Jam ang Daddy n’ya, nakabalik na pala s’ya at nakatanggap na rin ng communion. Yumuko ako para hindi n’ya ko mapansin. Nakaupo na s’ya, tapos ako nakayuko pa rin. After a minute or so, inangat ko lang ung ulo ko, nang napatingin ako sa kanya, nakatingin na rin pala s’ya.

Nakatingin lang. Hindi ko alam kung tama ba na nakipagtitigan ako o ano, pero ginawa ko pa rin. Maya-maya ay nginitian ko s’ya. “Good morning po, Tito,” buka lang ng bibig ko. Tumango lang s’ya pagkatapos ay inalis na ang tingin sa akin. Isang tingin na parang may gustong itanong. May gustong sabihin at may laman talaga ang tingin n’ya sa’kin. Ibang iba sa Mang Carlos na nakausap ko no’ng unang beses na pumunta ako sa kanila at nang sumunod pa.

Day 30 Monday

Babatiin ko ba s’ya ng ‘Happy monthsary’? ‘wag na lang siguro, patawa na ata masyado ‘yon.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.