Two Hours More - Five

35.1K 147 18
                                    

Hiro’s POV

Hindi naging maganda ang mga huling salitang narining ko mula sa kanya. Pagkasabi n’ya no’n, naging madilim na lang ‘yong nakita ko sa monitor. Sinara n’ya siguro ‘yong laptop sa sobrang inis sa’kin. Ngayon lang nagka-ganon sa’kin si Jam. Galit kaya s’ya?

Siguro.

Sino ba namang hindi maiinis, magagalit o magtatampo man lang sa ginawa ko? Ang ganda ganda ng pagkakangiti at bati n’ya sa’kin tapos ‘yong itsura ko parang wala lang.

Hindi ko naman kasi sinasadya e. Hindi ko naman kasi masisisi ang sarili ko kung nalulungkot akong isipin ‘yong mga bagay na ‘di ko dapat iniisip sa ngayon.

Pero masaya naman talaga ko. Masaya ko na kahit cyber celebration lang ang meron kami sa birthday ko. Masaya ko kasi nag-effort s’yang regaluhan ako. At masaya ko kasi naalala n’ya pa ‘yong sinabi ko sa kanya four months ago na paborito ko talagang pet ang mga hamster. Masaya ko. Masayang-masaya ko. Pero sa naisip kong ‘yong bagay na ‘yon, bigla akong dinalaw ng lungkot. Bakit ba kasi nakaisip pa ko ng kung ano no’ng moment na ‘yon? Ang dami-dami namang ibang oras.

Galit s’ya sa’kin. Hindi ko inakalang magagawa ko s’yang maging malungkot.

Quote:

Jam, salamat talaga sa gift mo. Anyway, pwede bang Madison na lang pangalan no’ng hamster? Sa’yo naman galing e. ‘Wag ka namang magalit oh. Please.

One hour after.

Jam, ‘wag ka namang magalit sige na. Hindi ako makakatulog n’yan. Please. Kahit isang reply lang.

 Two hours after.

Jam, I’m really sorry. Pero masaya talaga ko sa gift mo. Please, ‘wag ka namang magalit o. Mag-reply ka naman. Sagutin mo naman ‘yong tawag ko. Please…

Alam kong gising pa s’ya. Tinanong ko si Aira at Reema kung ka-text pa ba nila si Jam, sabi naman nila oo daw. Wala daw pating nababanggit tungkol sa kanina. Ibang bagay daw ang pinagkekwentuhan nila. Patuloy pa rin ang pagtetext ko sa kanya. Bahala na kung makulitan s’ya, pero ayokong matapos ang araw na to na magkaaway kami.

Three hours after.

11:39pm

Ito na ang pinakamasamang birthday ko kung papatak ang 12 ng hindi man lang kami nagkaka-ayos. Sana kausapin na ‘ko ni Jam.

11:46:11pm

Quote:

Hiro, you’re welcome! Hindi naman ako galit. Nalungkot lang, pero sabi mo naman, masaya ka, kaya ayos na ko. Sorry ang arte ko ha. Happy birthday ulit!

Sa wakas! Nang nag-reply s’ya, sobra-sobrang pasasalamat ko.

Quote:

Totoo ba ‘yan Jam? Hindi ka galit? Wow, thanks! Akala ko talaga galit ka na e. Jam, hindi naman pagkamaarte ‘yon no. Kasalanan ko naman talaga e. May naiisip lang talaga ko kanina, pero masaya talaga ko. I’m sorry Princess. Bati na tayo ha.

“Oo nga. Kung hindi mo lang birthday e...“ Napangiti ako sa text n’yang ‘yon.

“So dahil birthday ko, ibig sabihin, sasagutin mo ‘yong tawag ko?”

“Pasalamat ka talaga kasi birthday mo.”

Yes! So I dialled her number. Gusto kong marinig ang boses n’ya. 

Buti na lang pala talaga, birthday ko ngayon. Halos limang minuto pa lang kami nagkaka-usap pero sa kasamaang palad, naputol kaagad ‘yon. Palagay ko, ‘yon ay dahil sa Daddy n’ya.

“Baby, I love you.” I hope it's okay if I'll call her like that. Sabagay, hindi naman s’ya makakatanggi. Mananalo pa rin ang kakulitan ko na tawagin s’yang ganun.

“H-Hiro. Para kang ---“

“Madison, bakit gising ka pa?!”

My heart then skipped a bit. Kinakabahan ako para sa kanya. That's her Dad.

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon