Two Hours More - Eleven - Day 71-74

27K 112 13
                                    

Eleven

Hiro’s POV

Nangyari na ang hinihintay ko pero ikinakatakot ko din. At totoo nga, mas lalo tuloy akong nahihirapan. Ngayon pa…

Nang araw ng munting kasal namin, pakiramdam ko ako na ang pinakamaligayang tao. Wala ng hihigit pa do’n. Sapat na sapat na. Medyo nakakatawang isipin na ginawa ko ‘yon, pero, nakakalungkot din, na masaya. Kasi… Hanggang dun na lang ang lahat.

Tama na. Ayoko ng mag-isip pa.

Day 71 Saturday

Quote:

Iniwan mo ba phone mo, baby? Bakit ‘di ka nagrereply?

“Sorry Hiro ha. I’ll text you later.”

“Where are you? Busy ka ba?”

“Library. Nag-aayos lang para sa thesis ko. Busy? Medyo. Basta magtetext ako later. Ha?”

“Sinong kasama mo? ‘Di ka daw kasama nila Reema’t Aira.”

“Oo, nauna na kasi sila. Si Migs, Hiro.”

“You could have asked me to go with you there.”

“Nasa bahay na kasi s’ya no’ng paalis ako, kaya ‘yon. Sorry…”

Day 72 Sunday

1:32pm

“Bakit ngayon mo lang sinagot tawag ko? San ka ba?”

“Sa mall. Nag-CR na nga lang ako para masagot ko. Nagpaalam ako kanina ‘di ba? Pasensya na ---”

“So si Daddy mo pala kasama mo, ganon ba?”

“Hmm… Oo e. Sorry ha. Basta, mamaya, magtetext ako. Promise.”

“S’ya lang ba?” Hindi s’ya sumagot.

“Princess, s’ya lang ba?”

“Ha? E, k-kasama din namin si Migs, Hiro.”

4:19pm

“Baby, can we go out? Please. I haven’t seen you for a while.” Para naman akong nagmamakaawa nito. Pero namimiss ko na talaga s’ya.

“May dinner kasi kami nila Daddy mamaya. Sorry ha. Siguro, next time.” Napa-ngiwi na lang ako dahil sa pagkadismaya.

“Wrong timing pala ‘ko. Kayo lang ba ng Dad mo?”

“Jam, andyan ka pa ba?”

“Hmm. Oo. Sorry. Dito pa ko.”

And no, Hiro, We’ll be with Miguel. I knew it. Kaya nga hindi makasagot e. Miguel na naman. Talaga namang nakakairita ‘yang pangalan na ‘yan!

Day 73 Monday

“I’m hoping you’re not with Miguel right now. Baby naman…”

“Sorry! Birthday lang ng friend namin. I’ve already told you about this right? Hiro.. Nabawi naman ako pag ‘di na busy, ‘di ba?”

“Kahit na. Iba pa rin ‘yong feeling na nababalewala ako gawa n’ya. Tsaka saglit lang ‘yon kumpara sa time na ‘di mo kinakausap kasi kasama mo s’ya.”

“Babawi ako. Hmm.. Ngayong weekend ‘di ako pwede eh, next weekend! Promise, next Saturday, we can go out.”

“Tagal pa no’n… Pero sige.”

Am I being too dramatic? Or am I just expecting too much after what have happened at the church? Both, maybe. Nadi-disappoint ako na right after that day, e tsaka naman pilit na sumisingit sa eksena tong si Miguel, I must admit. Pagkakataon nga naman. Bakit ngayon pa? Nadidisappoint ako kasi umaasa talaga ko ng mas punong-puno ng pag-ibig na uri ng araw pagkatapos no’n, pero ang nangyari, madalang ko s’yang makausap ngayon. Bakit ngayon pa?

Bumabawi naman talaga s’ya kapag ‘di na s’ya busy, totoo ‘yon. Pero iba pa rin ‘yong pakiramdam na ganito. Na para bang ayos lang na iisantabi muna ko, tapos, ewan! Tapos, usually patulog na s’ya kaya saglit lang kami kung makapag-usap.

Nakakapagtampo rin. Naiintindihan ko naman na busy s’ya, tapos, talaga naman banned ang pangalan ko o kahit anong klaseng presensya ko basta sa Daddy n’ya, pero… Wala bang kahit konting… effort?

Day 74 Tuesday

Quote:

“Can I have even a spare of your time, Princess?”

“Baby miss na miss na talaga kita…”

“I’m sorry kung ang kulit ko. Pero please naman oh. Buong araw ka ng ‘di nagpaparamdam.”

 “Baby naman…”

Ano ba naman! Kung makakaalis lang ba ko sa kinahihimlayan kong kama, e nakagawa ko ng paraan makita ko man lang s’ya kahit saglit. Pambihirang buhay naman to, o! At magkaron talaga ko ng pagkakataon, babasagin ko ‘yang mukha ng Miguel na ‘yan!

“O, Hiro, napatawag ka?”

“Hey, Reema. Nakakatext mo ba si Jam? How is she?”

“Teka, magkaaway ba kayo?”

“Hindi. ‘Di kasi nagrereply. Maghapon na e. ‘Di ko rin matawagan.”

“Ha? E…”

Ah, Hiro, she’s with Miguel right now e, if I’m not mistaken. Com’n. Alam ko na ‘yan.

“Ah, Hiro, she’s with Miguel right now e, if I’m not mistaken.” Sus, sabi ko na e. “Siguro, nalowbat lang ‘yong phone? Alam mo naman ‘yong phone n’ya, antique na, ‘di ba? By the time na nakapag-charge na s’ya, sigurado naman ako na ikaw ang unang itetext nun eh.”

Maghapong lowbat? Nasan ba sila? Bundok?

Miguel, ang sarap basagin ng mukha mo.

At ikaw naman Jam, dapat sa’yo… Nako! Ano ba ko sa palagay n’ya, bato? Walang pakiramdam? Hindi lang naman ngayon nangyari na pumapapel si Miguel na ‘yan sa’min e. Talaga namang iritang-irita na ko sa taong ‘yan noon pa man. Ano naman kayang akala n’yang nararamdaman ko everytime na nababanggit ‘yang pangalan ng Miguel na ‘yan, wala? Naiintindihan ko naman na mag-best friend sila. Kuha ko naman ‘yon. Ang hindi ko lang makuha, bakit sobra-sobrang oras naman n’ya ay nasa lalaking ‘yon na? Oo, hindi n’ya ko boyfriend, kuha ko ‘yon lalo! Pero kahit na. Alam n’ya dapat ‘yong mga ganon kahit ba hindi kami, at least ganito kami, kung ano mang ganito, pambihira!

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now