Two Hours More - Twelve - Day 76 - 86

26.8K 122 16
                                    

Twelve


Jam’s POV

Day 85 Saturday, 11:16 am

Nasa study table ko lang ako at plano ko sana na gumawa ng mga requirements ko, pati na rin thesis. Pero nanatiling plano lang ‘yon dahil hindi naman ako makakagawa ng schoolworks kung ang isip ko ay wala naman sa schoolworks kundi nasa isang tao. Kanina pa kong umaga nandito pero wala pa rin akong nagagawa kahit ano.

Naalala ko ‘yong sinabi ko kay Hiro na lalabas kami ngayon bilang pagbawi ko kasi busy ako noong nakaraang araw. Sana naman pumunta pa rin s’ya kahit na nag-away kami.

"6, 7, 8, 9, 10..." Gamit ko ang daliri ko sa pagbibilang. Buntong hininga na lang ang naging tugon ko sa bilang ko sabay isinubsob ang mukha ko sa mesa ko. "Miss na miss na miss na kita!"

First day.

Quote:

"Hiro, sorry talaga kahapon.. Alam kong hindi excuse na nagulat lang ako, o ano, dahil wala naman talaga kong dahilan para sabihin sa’yo ‘yon. Please, mag-usap naman tayo."

Second day.

"Manang Josie, andyan po ba si Hiro? Pakisabi naman po, nandito si Jam. Friend n’ya po ako." Sa kwentuhan kasi namin ni Hiro ay nababanggit n’ya din minsan ang kasambahay nila kaya alam ko ang pangalan n’ya kahit ngayon pa lang ako nakapunta rito.

"Ay oo neng, kilala kita. Di ba ikaw ‘yong nililigawan n’ya? Wala kasi sila Hiro at si Harry e. Kahapon pa sila wala."

"Ganon po ba? Nasan daw po?"

"Hindi kaya hinahanap ka na ng Daddy mo? Medyo madilim na o, alas sais trenta na pala. Si Hiro na lang ang tanungin mo." At para bang may tinatago si Manang na nagmamadaling pumasok na sa gate. Tinatanong ko lang naman kung nasan sila Hiro at Tito Harry a.

Totoong medyo pagabi na nga nang pumunta ako kila Hiro dahil galing ako sa school noon. Dumaan lang ako bago makauwi. Para tuloy nag-aalala ako. Nasan sila Hiro?

Third day.

Quote:

"’Pag ba tinanong ka kung nasan ka, sasabihin mo? Ayaw kasi sabihin ni Manang Josie e. Pumunta kasi ako sa inyo to say sorry. Please Hiro, sorry na talaga."

Gusto ko sanang dumaan sa bahay nila ulit pero katulad nga ng sinabi ko noon kay Hiro, hindi ako pwede ngayong araw na ito. Sabi kasi ni Dad, uuwi muna kami sa probinsya n’ya para bisitahin ang mga kamag-anak n’ya doon.

Fourth day.

Quote:

"May dalawang tickets ako for the school play tomorrow. Can you come? I won't watch it without you.. Hiro sagutin mo naman ang tawag ko."

Fifth day.

Quote:

"You ‘didn't come. Sabagay may next time pa naman.

PS: Kahit isang reply lang, please."

Ngayon nararamdaman ko na ang nararamdaman n’ya. Ang hirap masanay na nandyan lagi para sa’yo ang isang tao. Kapag hindi mo sila maramdaman, para kang isang sirang sasakyan na hindi makatakbo. Walang buhay.

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now