Jam's Letter

27.7K 150 23
                                    

My Hiro,

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nakakasama na kita ngayon. Noon, akala ko pangarap na lang kita, pero mali pala ako. Oo. Noon.

Nakakatuwa. Akala ko sa libro at pelikula lang nangyayari ‘yong isang malaking pagkakataon na ‘yong crush mo at ikaw magkakatagpo ng landas. Akalain ko ba naman na mangyayari pala ‘yon sa tunay na buhay? Parang sa’kin. Parang satin.

Nakakahiyang aminin, pero alam mo ba? Crush na kita mula no’ng una kitang nakita na sobrang saya sa ginagawa mong pagtuturo sa mga bata. Sobra-sobra kong hinahangaan ang kagustuhan mong maglingkod. Ang bawat pagkakataong makikita kita noon ay parang langit. Tapos, biglang isang araw, nagtagpo na nga ang landas natin. Akala ko noon, ‘yon na ang katapusan ng kwento kahit hindi pa naman talaga ito nagsisimula. Pero hindi pala. Mali na naman ako. Dahil ‘yon palang pala talaga ang simula ng lahat-lahat.

Nagpapasalamat ako sa Maykapal na hinayaan n’ya kong makapunta sa simbahan noong araw na nagkita tayo. Ang kasalan na ‘yon ang naging dahilan kung bakit ang storya natin ay nabigyan ng simula. Naaalala ko pa nga kung panong lumutang ako sa hangin nang una mong banggitin sa’kin ang pangalan ko. Kahit siguro habangbuhay na paulit-ulitin sa’kin ang araw na ‘yon, hinding hindi ako magsasawa.

Hiro salamat ha. Kasi unang-una naging mabuti ka sa’kin. Hindi mo ko pinabayaan. At lagi ka lang nandyan. Salamat sa pagmamahal mo. Salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin at sa pagkatao ko. Salamat sa pagpapaalam sa’kin na hindi lahat ng pangako napapako, dahil may mga taong handang patunayan na totoo ang mga ito. Parang ikaw. Salamat sa bawat ngiting pininta mo sa labi ko; sa bawat kinang ng mga mata ko; sa bawat paru-paro sa tiyan ko; at sa bawat pagbuga ng pag-ibig ng puso ko. Salamat kasi pinaramdam mo sa’kin ang mahika ng pag-ibig. Salamat kasi tinuruan mo ko kung paano magmahal. Kung paano magtiwala. Kung paanong hindi matakot. At kung paano ito ipaglaban. Ikaw, ang first love ko Hiro. At wala akong pinagsisisihan doon.

Oo Hiro. Wala na ang takot sa puso ko. Ipinaglaban kita sa Daddy ko. Sinabi ko na ang lahat ng nararamdaman ko para sa’yo. At oo, pwede ng maging tayo. Oo, Hiro. Tayo na.

Gusto ko pang gumawa ng maraming alaala kasama ka. Makakagawa tayo ng magandang libro sa lahat ng magandang alaalang mabubuo natin. Mahal mo ko, mahal kita. Isang storya ng tunay na pag-ibig. Isang storya ng dalawang pusong nagmamahalan. Habangbuhay, ako ang prinsesa mo. At ikaw, mananatiling prinsipe ko.

Mahal na mahal kita. Ngayon ko lang naramdaman to sa buong buhay ko.

Mahal na mahal kita Hiro. Noon ko pang gustong-gustong sabihin sa’yo ‘to. Sa’yo lang ako, pangako. Sa’yong-sayo.

Mahal na mahal kita at ‘wag mo sanang kakalimutan ‘yan.

 

Your Princess, Jam

Dahil dito, pakiramdam ko ay mas lalo pa akong nahirapang iwan s’ya. May mga bagay na ngayon ko lang nalaman. Ako pla ang first love n’ya? Naaalala ko pa na inaasar ko s’ya noon na si Miguel ‘yon. Ako pala ang first, tapos iiwan ko pa s’ya? Sa mga bagay na ipinagpapasalamat n’ya sa akin, lahat ‘yon ay kaligayahan ko namang magawa para sa kanya. Katulad n’ya ay nagpapasalamat din ako sa lahat ng naidulot n’ya sa buhay ko.

“Ang prinsesa ko…” Hindi ko maiwasang hindi maluha.

Ang mga kaibigan ko.

Si Tito Carlos at Miguel.

Si Mommy.

Si Niko.

Si Daddy.

Si Jam. Ang mala-anghel n’yang mukha, ang mga ngiti n’ya, ang kabusilakan ng kalooban n’ya.

Lahat.

I thank you Lord for this life you lent me. And now, I’m coming home.

Kayo na po ang bahala kay Dad at kay Jam, ang prinsesa ko.

Hindi ko na po kaya.

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon