Two Hours More - Six

33.9K 166 22
                                    

Hiro’s POV

“Bro, ano bang ibig sabihin kapag kahit pagkaluma-lumang text ng isang tao ay tinatabi mo pa sa inbox mo?”

Malalim ang pinaghuhugutan ko ng tanong ko na to. Nang huli kasi kaming nagkita ni Jam, naiwan n’ya ‘yong cellphone n’ya sa kotse ko. Kinailangan ko pang bumalik no’n kahit isang oras na ang layo ko sa school nila. At syempre, nang mga panahong na sa’kin pa ‘yon, inexplore ko lang ng konti. Maswerte ako dahil walang lock code ang kahit ano sa phone n’ya.

“Ikaw bro, ibabalik ko sa’yo ‘yong tanong mo. Kung ano man ‘yong sagot mo, ‘yon na rin ang sagot sa bumabagabag sa’yo.”

“Kasi naman bro, ‘yong kauna-unahang text ko sa kanya, nakita ko pa sa inbox n’ya. E ‘yong unang text n’ya rin sa’kin nasa inbox ko pa e. Tingnan mo nga, hindi na nga ko nagpalit ng cellphone mula noon, ‘wag lang mawalay sa’kin tong unang text n’ya. Ano ‘yon?”

Ngumisi lang tong best friend ko. “Alam mo, kung gusto mong malaman, you better ask her, okay?”

“Bro, sa tingin mo ba? You know, could that mean…“

He shrugged his shoulders and just said, “Bro, ask her!”

“Pero sabi ko sa kanya, hindi ko s’ya kukulitin about this.”

“Pero mahigit isang taon ka nang nanliligaw sa kanya. Although it has been, what, eight months ago since that ‘missing P.S. thing’? Pero, naman you were courting her since March ‘diba? Nag-‘missing P.S. thing’ ka lang naman para i-confirm nga kamo sa kanya?”

“Oo, March talaga. Ginawa ko lang ‘yong ‘missing P.S. thing’ na sinasabi mo para nga alam n’ya na. Advice sa’kin ‘yong ng mga kaibigan n’ya e. Sinasabi daw kasi ni Jam na hindi naman daw ako nanliligaw sa kanya.”

“That’s what I’m talking about. So, I guess, it’s okay na itatanong mo ‘yon sa kanya. Ito rin ‘yong first time, ‘di ba? So hindi pangungulit ‘yon. You have all the rights to know the answer, bro.”

That same night, hindi na ko makatulog dahil sa sinabi ni Niko. I may have all the rights to know about that, pero pano kung ma-turn off s’ya kung tanungin ko s’ya tungkol dun? Isa pa, inaabot ako ng hiya. At ang pinakamasama sa lahat, paano pala kung busted ako?

Dahil dito sumasakit na naman ang ulo ko. Girls sometimes can really be a pain in the neck, but with Jam, she’s the kind of pain in the neck that I’d always want to endure even until forever.

For more than a year, hindi naman ako nawala para sa kanya. Kahit pa hindi naman ako sigurado sa nararamdaman n’ya para sa’kin, I simply took the risk. Yes, more than a year. Niligawan ko s’ya kahit bawal pa. At kahit hindi nagsasabi sa kanya kung pwede ba o hindi. Mas gusto ko sana na sa bahay nila, pero ayaw n’ya kong papuntahin talaga pag tinatanong ko s’ya kung ayos lang ba. Sinunod ko na lang, baka s’ya pa ang mapasama kapag pinagpilitan ko pa. Baka s’ya pa ang pagalitan ng Daddy n’ya and all the like at ayoko namang mangyari ‘yon. Sa ngayon nga, sa palagay ko, wala s’yang alam tungkol sa pagpunta ko sa bahay nila. Hindi lang ‘yong unang pagpunta ko; nasundan pa kasi ‘yon. Wala naman kasing kinekwento si Jam, Aira or Reema na nabanggit ‘yon ng Dad ni Jam sa kanya kaya naisip ko na hindi s’ya pinagalitan, kaya inulit ko. Pero kahit isa don, hindi alam ni Jam. It’s either wala ang Daddy n’ya, or nando’n s’ya tapos pandidilatan n’ya na naman ako ng mata, ganon lagi ang nangyayari. Basta ako nagpapakatao. Alam ko namang ginawa ko pa rin ‘yong part ko.

Ngayon, napapaisip tuloy ako. Mahal n’ya din kaya ako? Handa ba kong malaman kung hindi? Anong mangyayari sa’min kung oo?

Masasabi ko bang mahal n’ya ko kung iba ang kislap ng mga mata n’ya kapag kasama ko s’ya? Kung iba ang ngiti n’ya kapag ako ang kausap n’ya? O kapag nagba-blush s’ya kapag nilalambing ko s’ya? Mahal n’ya ba ko kung nasa inbox n’ya pa rin ang kauna-unahang message ko sa kanya? Kung nag-aalala s’ya lagi para sa’kin? Kung nakikita kong masaya s’ya pag nasa tabi n’ya ko? Kung nalulungkot s’ya pag naiisip na mawawala ako?

Ganitong ganito ako sa kanya. Mahal ko s’ya. She acts the same. Mahal n’ya din kaya ako?

I guess I’ll never know kung hindi ko itatanong sa kanya. I’m ready.

[a/n: sa chapter ito na-realize ko nung isang linggo na dapat pala, "cellphone" o "telepono" ang title ng librong ito. haha. wala lang. salamat pala sa patuloy na nagbabasa nito. God bless you all!]

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon