Almost (Sequel of LWLYB)

By LigayangManok

56.5K 1.4K 122

Sabi ko hanggang book 2 lang pero nagandahan ako sa plot na biglang pumasok sa utak ko. So here's the sequel... More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
Alyssa Michelle
6
7
8
9
Mark
Truth
Threats
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26

27

1.6K 33 34
By LigayangManok


CHAPTER 27:

DEN'S POV

"Kuya, you know I just can't leave my wife. Nahihirapan lang ako at nag aalala kaya tumawag ako." Wika ko sa telepono

Kasalukuyan kong kausap si kuya Leo, nag aalala ako matapos ang nangyari kay mommy. Baka kasi sila naman ang puntiryahin ng tauhan ni JV, mahirap na at malayo sila sa amin. "We are fine, ang sakin lang naman Dennise ay give yourself and the children a break. I am sure na gusto din ni Alyssa na mailayo ang mga anak ninyo sa gulo. Mommy is worried about you and the children."

I sighed. He is trying to convince me na pumuntang America at sa kanila muna tumira kasama ang mga bata. I know he has a point, mas maayos at mas ligtas ang mga bata kung naroon sila pero hindi ko naman pwedeng iwan ang asawa ko lala na at wala pang hatol sa kaso niya. "I'll think about it, kuya. At isa pa, mommy is in danger now. Hanggang ngayon ay hindi pa din nagiging stable ang lagay niya. "

I heard him sign on the other side of the line. "Okay but atleast consider my request. Tatawagan ka na lang ni mommy bukas. Take care okay? Just call me anytime. I love you."

Napangiti ako sa winika niya "I love you too, kuya. And please take care of ypurself and mom."

Binaba ko na ang linya at natingin sa kawalan. Iniisip ko ang sinabi ni Kuya. I am really torn. Kung pupunta man dun ang mga bata ang gusto ko ay kasama ako, pero hindi ko naman maiwan ang asawa ko dito.

"You seemed so drowned with your thought. Here, I prepared you a yema cake." Pinanood ko si mommy na ilapag ang cake na dala niya

Pagkatapos ay tumingin siya sakin at ngumiti saka hinawakan ang mga kamay ko. "What bothers you, sweetheart?"

Tinitigan ko ang mommy ko. Isa din sila ni Dad at Jess ang pinoproblema ko. Hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa din nila mapatawad sila kuya Leo. Naiintindihan ko pero sa lagay namin ngayon ay hindi na namin kailangan pa ang hidwaan "Kuya Leo told me to stay with them in America."

Unti unting nawala ang ngiti sa mukha ni mommy at napabitaw siya sa hawak niya sa kamay ko. Nakatingin siyang seryoso sa akin kaya napabuntong hininga ako naiyuko ang ulo "Ang sabi niya ay mas magiging ligtas ang mga bata doon and Mom, I guess Kuya.."

"You consider his opinion?" Natigilan ako sa tanong ni mommy

Tinitigan ko siya sa mata at nakikita ko ang galit doon saka ako unti unting tumango.

"Den, your Dad can provide you and the children the protection you need. Hindi niyo kailangan mangibang bansa para doon." Bakas sa boses niya ang pagtatampo

Hinawakan ko ang kamay niya. "Mmy.."

"I know you are old enough to decide for your family but no Den, you are not going anywhere far from us especially if youre with those people."

"Mmy matagal na iyon. Hindi.."

Natigil ako when I heard her chuckled, pero ang tawa na puno ng lungkot, matunog pero bakas na bakas ang paghihinakit "Ang limang taon ay hindi biro, Dennise. I was at the verge of dying. Naniwala ako for five long years na wala na ang panganay ko. It was so hard. It was hard that I cant even put it in words. Tapos ano? Malalaman ko na itinago ka nila para lamang mapunan ang pangungulila nila? Nanakawan nila kami ng anak para lamang maging kumpleto sila?"

Natigilan ako noong pumiyok ang Mommy ko at halos durugin ang puso ko noong makitang umiiyak siya. Humarap siya sa akin at tipid na ngumiti kahit na lumuluha siya, hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita, anak. A big part of me died noong nawala ka sa amin. I know na ayaw mo ng gulo sa pamilya but I am sorry, honey. Hindi ko pa talaga kaya. You know that Ive been quiet about this issue pero hindi ko kayang mawalay ka samin ulit tapos sila pa ang kasama mo. Patawarin mo ako dahil ganito ang nararamdaman ko, anak. I am just scared that I might not have you back this time."

She kissed me on the forehead pagkatapos ay iniwan ako sa sala.  "Mommy.."

Hindi ko namalayan na naiyak na rin pala ako. Agad kong pinahid iyon at napabuntong hininga. Totoo ang sinabi ni mommy, hindi siya kailanman nagsalita tungkol sa bagay na iyon at hindi ko alam na ganito pala kahirap sa kaniya ang lahat. Mahirap na mahati sa dalawang pamilya. Nang marinig kong mag ring ang cellphone ko ay agad kong pinahid ang luha ko.

Si Fille. "Yes Fille?"

"Den, si tita.."

Agad akong napatayo noong narinig ko ang sjnabi niya "A..anong nangyari? What happened Fille?"

Hindi ko mapangalanan ang kaba na nararamdaman ko.

"She is awake, Den. Tita is awake."

Nasapo ko ang bibig ko at napaupo sa balita. Hindi magkamayaw ang puso ko sa tuwa. "P..papunta na ko."

Ibinaba ko na ang tawag atsaka nagmamadaling kinuha ang susi ng kotse nang maabutan ako ni Mich "Mom whats with the sudden rush?" Nagtataka na tanong niya

I emotionally smiled at her "Momsie is awake, baby."

"Really? Can I go with you?"

Tumango ako atsaka sabay kaming pumuntang ospital. Hindi ko mapigilang maluha sa tuwa. Hindi na ko makapag antay na maibilita ito kay Alyssa. Paniguradong matutuwa siya ng sobra.

Hindi nagtagal ay narating na din namin ang ospital. Halos takbuhin ko ang ICU at nang marating ko iyon ay sinalubong kami nila Fille ng yakap at ngiti. Saktong lumabas na ang doktor mula sa ICU. Agad akong lumapit sa kaniya at sumunod naman ang mga kasama ko, pare pareho kaming umaasa ng magandang balita.

"H..how is she, Doc?" Kinakabahang tanong ko

Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko at nakita kong si Mich iyon. I smiled at her at pinisil ko ang kamay niya. Muli akong tumitig sa doktor.

"May heart disease ba ang pasyente?" Tanong niya

Agad nawala ang ngiti ko dahil sa naging tanong niya "May naging komplikasyon ba sa puso niya?"

Ngumiti samin ang doktor "I am just asking dahil nag increase ang heart rate niya. Which is better dahil nitong nakaraan halos matigil na ang tibok nito. Wr checked her vital signs and her WBC improved. Nagising na siya but we need to make her sleep again. She is ready to undergo an operation. Ayos lang ba kung this day gawin iyon?"

Naluha ako noong marinig ko iyon kay doktora. Parang sobrang laking tinik ang nabunot sa akin. Nayakap ako ni Mich mula sa gilid ko. Ngumiti ako kay doktora at nagpasalamat "Yes please, doc. Gawin niyo po ang lahat para maisalba siya."

"We will."

Iniwan na niya kami at nagyakapan kami. Alam namin na hindi pa tapos dahil hindi pa natatanggal ang bala pero ang malamang nagiging stable na ang lagay ni mommy ay nagbibigay sakin ng pag asa.

"Mom we should tell this to pops." Nakangiting wika sakin ni Mich

I caressed her cheek and smiled at her  "Yes we will."

Nagpaalam kami saglit kayna Fille para puntahan si Alyssa. Kinakabahan pa din ako dahil hindi ko alam kung humupa na ba ang galit niya. Alam kong sinisisi niya ako at labis kong pinapanalangin na nadala lamang siya ng emosyon. Nag take out kami ni Mich ng pagkain at dinala iyon kay Aly.

Inaantay namin siya sa waiting area at agad na tumayo si Mich at maging ako nang makita siya. Lumapit sa kaniya si Mich at niyakap siya. Niyakap niya pabalik ang anak namin at hinalikan sa pisngi. Nagtama ang paningin namin at pilit akong ngumiti sa kaniya tsaka umupo na kami.

"Pops we brought foods. Di na namin nadala si Britt, tulog eh." Wika ni Mich habang inaayos ang pinamili namin

Tumitig ako kay Alyssa at ngumiti sa kaniya "Mom will undergo an operation later. She is doing well babe."

Emosyonal siyang tumitig sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng mesa at emosyonal na hinalikan iyon. "Patawarin mo ko, babe. Hindi ko sinasadya ang inasta ko kahapon."

"Babe, it's fine. Ang mahalaga ay ayos na si mommy."

Kumain kaming tatlo at napuno namin ang buong lugar ng tawanan. It has been awhile simula nang makita ko ang mga ngiti at tawang iyon sa mukha ng anak at asawa ko. Sayang lang at wala dito si Britt.

"Pops, mom, I have a surprise for you." Nakangiting sabi samin ni Mich

Nagkatinginan kami ni Alyssa at takang tumingin kay Mich "Ano naman iyon, Michelle? May boyfriend ka na ba?" Nagulat kami ng anak ko sa naging tanong ni Alyssa

"What?!" Gulat akong tanong kay Alyssa

Agad na umiling samin si Mich at aligagang itinanggi ang sinabi ng kaniyang pops "What? Hindi, pops. Of course not."

Nakahinga naman ako ng maluwag matapos niyang sabihin iyon. Hindi pa ata ako handa na makitang magka boyfriend ang oanganay ko. Nginisihan ako ni Alyssa "Pinakaba ko lang ang mommy mo, sweetheart. She is cute when she's so nervous." Tumatawang aniya

Kumuha ako ng fries at inihagis iyon sa mukha ni Alyssa at sapul. Nginusuan niya ako habang ang anak namin ay tumatawa.

"Oh, mom is so onpoint."

"Babe naman..."

"That's what you get for teasing me, phenom."

Nag asaran lang kami ng nag asaran hanggang sa tapos na ang oras ng bisita. And speaking of Mich's news, sumali siya sa varsity ng volleyball. At natutuwa kami ng labis sa desisyon niya at lalo pa akong natuwa nang sabihin niyang pareho sila ng posisyon ng pops niya. Tumayo na kaming tatlo at agad na nagyakapan ang magpops.

"Take care of yourself, pops okay? Dont involve yourself in any fights here. And always wait for us to bring you foods." Pagpapaala ng panganay namin sa kaniya habang magkayakap sila.

Nagkatinginan kami ni Alyssa at halos haplusin ang puso ko noong makita ang maganda niyang ngiti. Hinalikan niya sa noo ang anak namin "Opo, boss. Alagaan mo ang sarili mo. Always study hard. Ikaw na muna ang bahala sa mommy at kapatid mo ate ha? No boyfriend muna, aatakihin kami ng mommy mo sa puso eh."

"Pops naman."

Ginulo ni Alyssa ang buhok ng anak namin. Lumapit ako sa kaniya upang yumakap "I'll miss you again, mommy."

"Dont worry. Mailalabas ka namin dito."

She kissed me on my lips at nakita kong napa iwas ng tingin si Mich kaya natawa na lang kami. At halos humagalpak ako ng muli niya akong yakapin ng mahigpit. "10 seconds."

Hinayaan ko siyang yakapin ako at yakapin siya. That was the best 10 seconds of my life. Hinalikan niya muli ako "I love you so much and the kids. Kiss Britt for me and mag iingat kayo sa pag uwi."

"I love you too."

Matapos ang mahabang paalamanan ay umalis na kami, bago ako lumabas ng waiting area ay lumingon muli ako sa kaniya. Nakangiti siyang kumaway sakin at kinindatan pa ako at saka nag ala mcdo ss ulo niya at bumulong ng 'i love you.'

Nag flying kiss ako at nakita kong natigilan siya at namula. Tatawa tawa akong tinitigan siya habang umiiling.

"Mom lets go." Bumalik lang ako sa katinuan noong tawagin ako ng anak ko.

"Oh, coming."

Sumunod na ako sa kaniya at hinfi mawala sa labi ko ang ngiti hanggang sa matapos ang araw. So far, ito na ang pinaka magandang araw para sa akin. Dahil sa mga pangyayari ay hindi na namin ngumiti ng ganon katotoo at tumawa na halos wala ng bukas. Kanina ay pakiramdam ko bumalik ang pamilya ko, ang dating sigla nito. Nag uumapaw ang saya sa puso ko at nagdadasal akong sana ay hindi matapos ang kasiyahang iyon. Sana ay magtuloy tuloy na.

Bago maipikit ang mata ay nakangiti siyang inimaginr ang mukha ng asawa.

'I love you so much, phenom.





***

AUTHOR'S NOTE:

Wazzuppppp! Me is back. Pasensya na po sa sobrang tagal ng hindi pag aupdate. Pero dahil sa bakasyon na at dahil hindi kayo nagsasawang sumuporta sa istroyang ito, I decided to continue it. Kudos kay ate na nagmessage pa mismo sa akin sa messenger para sabihing mag aantay kayo para sa update ko. Maraming maraming salamat pooooo. Thank you po talagaaaaaa. Ang update po nito ay baka 3 days ang oagitan. May story din po kasi akong ginagawa na nasa process pa ng brain storming. Unfortunately di na siya connected sa Alyden. Pero sana suportahan niyo. Tatapusin ko kuna ito bago yonn. Atsaka I'm also thinking about editing the Eternal love and LWLMB. Para naman mas maintindihan ng readers ang story at alam kong madaming flaws don. Pero hindi pa din sure since busy ngaaaaaa. Gusto ko din sana magtanong kung sino ang gusto niyong gawan ko ng story pa sa ALE. Ayon lang, but I suggest na sana boy anx girl na. Para naman realistic na tayo. Ayonn, salamat uleeeeeet. Lavs ko kayo lahaaaat.

If ever na you want to suggest plots and events feel free to comment it down there. Ayon, thank you ulit readers.

Thenkyeee
"Dont let the circumstances change you, change the circumstance by just being you." Labsssss!

Continue Reading

You'll Also Like

24.2K 1.6K 33
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
8K 259 16
AshMatt fanfic
11K 623 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
49.7K 2.1K 46
Status: COMPLETED Liking Kenji Suson was the best thing that ever happened to the then highschool girl Trisha's mundane life, that's why she was det...