KERES ACADEMY

By Blue_BJAE

70.9K 2K 227

Keres Academy, is an exclusive school for the heirs of mafia, gangster and assassin. A school were killing is... More

MAIN CHARACTERS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34

CHAPTER 14

1.6K 54 7
By Blue_BJAE

Zizy POV

Matapos gamutin ng nurse si Hazel ay dumiretso agad kami sa field para roon kumain ng lunch. Hindi naman na kinailangan pa ni Hazel na magstay sa clinic dahil hindi naman malala ang sugat na natamo niya, konting daplis lang kaya nilinis lang at nilagyan ng bandage.

"Hindi pa nga nawawala yung mga pasa mo at bruises mo, nadagdagan na naman!" sarkastikong wika ni Aeyesha habang nakatingin kay Hazel.

"Okay lang, maganda pa rin naman ako," sagot nito kaya binatukan siya ni Aeyesha.

Naglakad kami ngayon sa field papunta sa malaking puno kung saan hinalikan ako ni Kera. Nasa harap namin sila Aeyesha at Hazel na naghaharutan, pilit na ginagantihan ni Hazel si Aeyesha sa ginawang pagbatok nito sa kaniya pero hindi niya magawa dahil magaling umilag ang gaga. Katabi ko naman si Vynx na kanina pa tahimik at hindi ako pinapansin o kinikibo. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants niya habang nakatingin sa lupa na para bang may malalim na iniisip.

"May problema ba?" tanong ko dito na nagpaangat sa ulo niya. Ilang niya kong tinignan.

"Wala," maikling sagot nito. Huminto ako sa paglalakad, akala ko hihinto rin si Vynx pero nagpatuloy lang siyang nakasunod kila Hazel at Aeyesha kaya wala akong nagawa kundi maglakad na lang ulit. Gusto ko sana siyang kausapin pero parang galit siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit? Or kung may nagawa ba 'ko sa kaniya.

"Zizy, saan ba 'yon? Bilisan mo nagugutom na ko," tawag sa akin ni Aeyesha habang hinihimas ang tiyan niya. Nahuli kasi ako sa kanila maglakad, sinadya ko talaga 'yon para hindi makasabay si Vynx dahil alam kong kailangan niya ng time para makapag-isip at mapag-isa, kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman ko.

Binilisan ko ang lakad ko papunta sa malaking puno, may bleacher sa ilalim nito at may duyan na gawa sa sako na nakatali sa sanga sa taas ng puno, maganda ang pagkakatrimed ng bermuda grass, marami ring iba't ibang uri ng bulaklak ang nakapalibot dito gaya na lamang ng rose, gumamela, tulips, orchids at iba pa na nagpaganda pa sa lugar, hindi ito masyadong kita dahil sa nagtataasang damo na nakapalibot dito pero makikita mo mula dito ang Keres Academy.

"Wow, ang ganda!" rinig kong usal ni Hazel habang nililibot ang tingin sa lugar.

Umupo ako sa ilalim ng puno, kung saan ako umupo n'ong unang araw na pumunta ko dito. Hinayaan ko lang sila na libutin ang lugar. Tumabi sa akin si Vynx, habang si Aeyesha at Hazel naman ay naglakad papunta sa duyan. Hinanap ng mata ko si Kera, tumingala ako upang tignan kung naroon ba siya sa itaas pero hindi ko siya makita.

Asan kaya 'yon? Teka, bakit ko ba siya hinahanap tsk!

"Zhionne, sorry." Napatingin ako kay Vynx ng magsalita ito. Hindi siya nakatingin sa akin, nakatulala siya sa bulaklak na nasa harapan namin pero ramdam ko ang sinsiridad niya sa paghingi niya ng paumanhin.

"For what?" tanong ko dito. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng sorry sa akin. If kung tungkol 'yon sa hindi niya ginawang pagpansin sa akin ay ayos lang sa akin pero gusto ko malaman ang rason niya.

"Sa hindi ko pagpansin sa'yo," sagot niya. Napahawak siya sa buhok niya at napakamot dito na para bang nahihiya siya sa ginagawa niya.

"Bakit ba hindi mo 'ko pinapansin kanina?" seryosong tanong sa kaniya na ikinabuntong hininga niya.

Sinimulan ko ng ilagay 'yong baon namin ni Aeyesha sa sahig,

"I don't know," kibit-balikat na sagot niya.

"If you have a problem Vynx, you can tell me," wika ko at hinawakan ko ang balikat niya at pinisil iyon. Tinignan ko siya sa mga mata niya at nginitian. Hinawakan niya ang kamay ko at nagulat ako ng halikan niya 'yon. Malakas na hangin ang dumampi sa balat ko, hinawi ni Vynx ang buhok ko sa mukha, hinawakan niya ang pisngi ko at dahan-dahang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Don't mind me, Zhionne." malambing na wika nito habang nakatingin sa mga mata ko. Agad kong binawi ang kamay ko sa kaniya at tumayo. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, pinagpapawisan din ang buong katawan ko.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Nanlalamig din ang kamay at paa ko kahit na pinagpapawisan ako.

Hindi ko nagawang tignan si Vynx dahil naakwardan ako sa ginawa niya kahit simpleng halik lang 'yon sa kamay.

"T-tawagin k-ko muna sila Aeyesha at Hazel," nauutal kong wika sa kaniya. Hindi ko na siya ginawang tignan at iniwan ko na lang siya roon.

Wala ako sa sariling naglakad papunta sa dulong part nitong field kung nasaan naroon sila Aeyesha at Hazel na nagseselfie.

"Do you enjoy that?" Nagulat ako ng sumulpot sa harapan ko si Kera, nagtatangis bagang siyang nakatingin sa akin na animoy may nagawa akong mali sa kaniya.

"What do you mean?" clueless na tanong ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako.

"Akala ko inosente ka, malandi ka rin pala!" wika nito sa malalim na boses. Nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya kaya nasampal ko siya ng sobrang lakas. Nakita kong napahawak siya sa gilid ng labi niya at may nakita akong dugong nang galing doon.

"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan!" sigaw ko sa kaniya, hindi ko namalayang unti-unti ng tumulo ang luha ko sa aking mata. Sobrang sakit ng nararamdaman ko parang pinupunit ang puso ko dahil sa sinabi ni Kera, hindi ko alam kung anong kinakagalit niya, bakit niya nagawang sabihin sa akin ang bagay na 'yon eh wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama.

"Ano nangyayari dito?" Lumapit sa akin si Vynx ng makita niyang umiiyak ako kaya agad kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. Tinignan niya ko sa mga mata ko at siya mismo nagpunas ng luha ko.

"Huwag kang maki-alam dito!" banta ni Kera habang nakatingin ng masama kay Vynx, galit na galit pa rin ang itsura niya na akala mo papatay ng tao. Lumapit siya kay Vynx, nakita kong may binulong siya rito pero hindi ko narinig 'yon dahil sa sobrang hina. Binasa ko ang reaksyon ni Vynx, kita kong nagulat siya at parang galit na tinignan si Kera.

"Anong gina-" Hindi na naituloy ni Vynx ang sasabihan niya ng bigla siyang suntukin ni Kera sa mukha na ikinasubsob niya sa lupa. Akmang lalapit pa si Kera kay Vynx ng pigilan ko siya.

"Ano ba Kera, ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kaniya.

"Mind your own fucking business!" aniya.

"Wow ha, hindi ba dapat ako ang magsabi niyan sayo?" Tinaasan ko siya ng kilay, "Mind your own fucking business," panggagaya ko sa sinabi niya. Parang natauhan naman siya sa sinabi ko, iniwas niya ang tingin sa akin at nagwalk out.

Lumapit ako kay Vynx, hawak-hawak niya ang gilid ng labi niyang nagdudugo.

"Are you alright?" tanong ko sa kaniya. Inilabas ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ko ang dumudugo niyang labi.

"I'm good," maikling sagot niya. Inagaw niya sa akin ang panyo at siya na nagpunas sa dugo niya. "Nawalan na ko ng ganang kumain," dugtong niya bago 'ko iniwan at umalis.

Taka kong tinignan ang likod niya habang palayo sa akin hanggang sa nawala siya sa paningin ko. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa binulong sa kaniya na Kera pero hindi ko magawa dahil may parte sa akin na ayaw malaman 'yon.

Pinuntahan ko sila Aeye at Hazel, nagtanong sila kung nasaan si Vynx, sinabi ko na lang na nauna na dahil may kailangan pang gawin. Kumain na lang kami ng mabilisan at bumalik sa room agad dahil malapit na matapos ang lunch time.

-----

Nandito ako sa room ngayon, hapon na at malapit na mag-uwian.  Hindi na dapat ako papasok pero may mahalagang announcement daw si Sir Drevin, ang aming adviser, kanina pa namin siya hinihintay pero hanggang ngayon ay wala pa siya dahil sa meeting na inatendan niya. Wala pa rin si Vynx sa upuan niya hindi ko alam kung nasaan siya habang si Kera naman ay kausap si Zhian at Fritz.

Inilibot ko ang mata ko sa room, katabi ko si Kera habang sa harapan ko naman sina Hazel at Mikhail habang sa likod ko ay si Vynx at Conrad. Sa kabilang side naman nakaupo sila Fritz at Zhian na kalane lang namin habang si Aeyesha at Hazel naman ay sa pinakalikuran sa kabilang side. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sila Conrad at Mikhail, wala kaming balita sa kanila. Tinanong na na namin ang office of the admin ukol sa kanila pero hindi nila kami sinasagot. Sobrang nag-aalala na 'ko sa kanila sa ilang araw kong pananatili dito ay walang araw na hindi ko sila na isip dahil alam ko ako ang dahilan kung bakit sila nasa hospital ngayon. Sana naman makabalik na sila.

"Aeyesha, bumalik ka na nga sa upuan mo! Tignan mo si Zhake o walang kausap," rinig kong usal ni Hazel habang tinutulak-tulak si Aeyesha.

"Ayoko nga, kahit nman kausapin ko 'yan hindi rin ako pagpansin," malungkot na sagot ni Aeyesha at nangalumbaba.

Napatingin ako sa kinaroroonan ni Zhake, siya lang mag-isa sa dulo. Nakasalpak ang headset niya sa kaniyang tenga habang tulala na nakatingin kay Zhian na busy sa pakikipag-usap kay Fritz at Kera. Gusto ko sanang lapitan siya kaso alam kong ipagtatabuyan niya lang ako. Sobrang laki ng pinagbago ni Zhake, she's not like that before. Tahimik siyang tao pero kapag kinausap mo siya ay nagiging madaldal siya, madalas siyang kabiruan ni Aeyesha at hindi yata nabubuo ang araw niya ng hindi kami nakaka-usap pero ngayon ay nagagawa niya na kaming tiisin, maski ako ay ayaw niyang kausapin at para bang ayaw niya ng dumikit sa akin. Gusto kong malaman kung bakit, gusto ko siyang tanungin kung ano nangyari, gusto kong sabihin sa kaniya na nandito lang kami ni Aeyesha para sa kaniya kagaya ng dati pero hindi ko magawa dahil pilit niyang nilalayo ang sarili niya. Malakas ang loob ko na dahil kay Zhian 'yon.

Sunod-sunod na buntong hininga ang ginawa ko dahil baka maiyak na naman ako, mababaw lang pa naman yung luha ko.

"Ang tagal naman!" iritang usal ni Aeyesha. Tumingin siya sa aming dalawa ni Hazel at ngumiti, "Tara sa cafeteria!"

"Buang ka ba? May mahalagang announcement si sir!" sagot ni Hazel at binatukan si Aeyesha. Nakatingin lang ako sa kanila habang nakangiti, ayokong makisali sa pagtatalo nila dahil baka pagumpugin ko lang silang dalawa.

"Mas buang ka, hindi mo ba narinig mamaya pang ala-singko darating si Sir Drevin!" Binatukan pabalik ni Aeyesha si Hazel at nagbatukan na silang dalawa.

"Pareho lang kayong buang! Tara na nagugutom na 'ko!" awat ko sa kanila. Agad silang dalawa tumayo at inayos ang kanilang gulo-gulong buhok, ng matapos sila ay naglakad na kami papuntang cafeteria.

Habang naglalakad kami ay may narinig akong umiiyak kaya agad 'yon hinanap ng mata ko at nakita ko si Monxa, gutay-gutay ang damit niya habang may mga kalmot ang mukha at braso niya. Napapalibutan siya ng mga babae na kung hindi ako nagkakamali ay galing sa section Yellow Phoenix.

"Stupid crazy bitch!" nanggagalaiting sigaw ng isang babaeng nangangapal ang make-up sa mukha. Akmang sasampalin niya si Monxa ng hawakan ko ang kamay niya.

"What do you think you are doing? Ugly bitch!" taas kilay na usal ko habang nakatingin sa kaniya. Sobrang sama ng tingin niya sa akin, pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya pero mas lalo ko lang hinigpitan 'yon. Nakita kong lalapit sana sa akin ang mga alalay niya pero naharangan na sila ni Hazel at Aeyesha.

"Argh! Bitawan mo nga ko!" Akmang sisipain niya ko ng isa niyang paa pero nasalagan ko 'yon ng kamay ko. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya hanggang sa napadaing na siya sa sakit. Napatingin ako kay Monxa na nanghihina na dala ng nangyari sa kaniya.

"Bakit niyo ba tinutulungan ang baliw na 'yan," aniya habang hinihilot yung wrist niya.

"She's not crazy, you are the crazy here bitch!" usal ko. Nakita kong naglapitan na sa amin ang mga estudyante at pinalibutan kami para makiisyoso.

"What did you say?! I'm not crazy paki-elamera bitch!" she giggled.

"No, you're crazy demon bitch!" I raised my chin over her head and I raised my eyebrow.

"Fuck you!" Dali-dali siyang lumapit sa akin at hinila ang buhok ko. Hindi ako nagpatalo, hinila ko din ang buhok niya at sinabunutan ko siya. Pero nabitawan ko 'yon dahil may humatak sa damit ko dahilan para masira ang butones ng uniform ko. Nilingon ko ito at nakita ko ang chickalalay niya na hawak-hawak na ni Aeyeaeye ang buhok. Buti nalang at may sando ako. Nakasabunot parin sa'kin si baliw. Halos mapunit yung anit ko dahil sa pagkakasabunot niya. Masakit pero tiniis ko. Hindi ako sana'y makipag sabunutan mana pa kung suntukan.

Humanap ako ng tyempo at hinatak ko din ang damit niya. Natanggal din ang mga butones ng uniform niya at tumambad sa mga kaklase ko ang bra niyang kulay pink na may tatak ni Patrick. Narinig ko ang hiyawan ng mga kaklase kong lalaki dahil sa nakikita nila ngayon. Yung mga babae naman ay nagtatawanan. Na ikinais lalo ni Patrick undies girl.

Mga bastos talaga 'tong mga hayop na 'to, pero shit Patrick? What the heck, little kiddy son of bitch!

Nakasabunot pa rin sa akin si Patrick undies girl sa akin. Sobrang gigil na gigil na siya ngayon. Pilit niya kong inihihiga sa semento pero hindi niya magawa dahil mas malakas ako sa kaniya. Nang sobrang sakit na ng dulot ng sabunot niya sa akin ay bumuwelo ako at sinuntok ko ang tiyan niya. Napabitaw siya sa pagkakasabunot saakin. Natumba siya habang hawak hawak yung tiyan niya. Namimilipit siya sa sakit. Tinignan ko yung mga chickalalay niya mga bagsak narin.

"Tsk, you deserved that bitch!" sigaw ko sa kanila at pinagsisipa ko silang tatlo.

Ba't ba lagi na lang kaming napapaaway punyeta, kanina lang nadaplisan si Hazel tapos ngayon naman may nakaaway ulit kami punyeta may balat ata sa pwet ang isa sa amin!

Tinignan ko si Aeyesha at Hazel na sobrang lapad ng ngiti sa akin na para bang nasiyahan sila sa ginawa nilang pambubugbog sa dalawang chikalalay ni Patrick undies girl. Nag alisan naman na yung mga kaklase kong malibog at mga chismakers. Hinayaan lang nila yung mga mukhang espasol doon na nakahiga at namimilipit sa sakit.

Nilapitan namin si Monxa, sobrang nanghihina siya habang umiiyak.

"Shh, Monxa tahan na. Hindi ka na nila guguluhin." Pagpapatahan ko sa kaniya, niyakap ko siya at hinimas ko ang likod niya.

I'm not good at comforting people but I hope she will become better in this.

"Are you okay?" bulong ko sa kaniya. Nasa likod ko ang dalawa, hinahaplos nila ang ulo ni Monxa.

"Gusto kong mapag-isa," tulalang wika ni Monxa. Binitawan ko ang pagkakayakap ko sa kaniya at tumayo, hinarap ko ang dalawa na nagtataka dahil hindi nila narinig ang bulungan session namin ni Monxa.

"Let's go," aya ko sa kanila. Sumunod naman ang dalawa at naunang naglakad sa akin pabalik ng room. Tinignan ko si Monxa nakaupo lang siya sa sahig, nakatutula pero ramdam ko ang galit na nararamdaman niya pero pinipigilan niya 'yon. Pinagmasdan ko pa siya bago maglakad, para siyang baliw na ngumingiti, tumatawa at umiiyak.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganyan. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa trauma sa nangyari or dahil may problema talaga siya sa pag-iisip gaya ng sinasabi ni Patrick undies girl.

But one thing I know for sure about her, she's not normal.

-----

A/N: Enjoy reading!

<Don't forget to Vote, Comment, and Share. Thank you!>

Continue Reading

You'll Also Like

7M 236K 50
Erityian Tribes Series, Book ļ¼ƒ4 || Taking spying to an extraordinary level.
20.4M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
3.6M 160K 102
#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ā‹˜ ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ āˆ— ā‹…ā—ˆā‹… āˆ— ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ ā‹™ Everything was natural until an unknown virus emerges in their...
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...