When Love Goes Wrong (Book 1...

By frappiness

729K 10.2K 537

Leigh Scarlett Alegre has everything she needed. Materyal na bagay, pera, at edukasyon. Naging marangya ang b... More

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 39

10.1K 152 10
By frappiness

Kabanata 39

Niloloko mo ko

 

Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa amin. Nawalan naman ako ng lakas na tumayo at tuluyan na akong nabato sa kinauupuan ko. Nakita niya. Nalaman na niya. “Oh my God!” she gasped. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang binibigay niya sa akin ngayon. Hindi ko alam kung nagulat ba siya o natuwa? Hindi ko alam!

Lumapit siya sa pwesto namin ni Benj. Si Benj, hindi kay Maggie nakatingin kung hindi sa akin. He’s still in shocked because of my sudden reaction. Oh my God, sa pagtulak ko hata sa kanya. Damn.

“You guys are…” her lips parted when she ran out of words. She swallows and continues, “Are together?” humarap si Benj sa kanya. I wanted to speak. Gusto kong tumanggi pero natatakot ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. “I mean, kayo?” she added.

Lumapit naman si Benj kay Maggie. “I think we need to talk,” agad na sabi ni Benj kay Maggie. Hinila na niya agad ito sa kwarto niya at mag-uusap hata sila. Habang ako nakatingin lang sa kanila hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

Damn, dalawa na ang nakakaalam. Una si Chico na hindi ko alam kung anong balak niyang gawin. At ito si Maggie, ano ng gagawin ko? Sign na ba ‘to?! Na tapusin? Na tigilan na ‘to? Damn! Ano ba ‘tong iniisip ko?! Hindi mawala ang pangamba ko kahit nawala na kanina. Hindi ko na alam. Baka tama ang kambal ko? Baka ako mali? DAMN.

Napahilamos ako ng mukha at napatayo. Kailangan kong mag-isip ng gagawin. Kailangan hatang magpalusot na. Ano namang sinasabi ni Benj kay Maggie? Aaminin niya ba? Sasabihin niya ‘yung totoo? Yung lahat ng sa amin? ‘Yung sitwasyon ko? Anong magiging reaksyon ni Maggie? Kakamuhian niya ba ako? ANO NA?!

Gusto ko ng sabunutan ang sarili ko sa sobrang inis at sa dami ng tanong na pumapasok sa isipan ko. Nilulunod ako ng tanong at posibilidad na mangyari. Ayoko na. Ayoko ng ganito. Gusto ko normal lang ako. Normal lang at kumikilos ng naayon. Ayoko nito.

Sa nangyayari ngayon, madali na akong magbago ng isip…madali na akong magduda…madali na akong sumuko kahit ayoko. At ngayon ang tanging naiisip ko umuwi ng bahay at sundin kung anong sinabi ni Chico sa akin. Iyon, iyon lang ang naiisip ko ngayon. Chico’s right, I’m selfish. I only love myself. Gusto ko lang masunod kung anong gusto ko.

“I need to go. I need to get out of here. I need to,” napakagat ako ng daliri. Naglakad na ako papunta sa pinto. Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng unit ni Benj. Hindi ko alam kung paano ako nakalakad. Wala ako sa isip ko. Wala. Hindi ko alam kung tumatakbo ba ako. Hindi ko alam.

Nanginginig ang buong katawan ko. Oh my God, pakiramdam ko babagsak na ang tuhod ko sa sobrang nginig. “Scarlett!” someone shouted my name. I ignored. I walk again. “Scar! Will you stop?!” and someone hugged me. “I wish you would just stay here…with me.” Humigpit ang yakap niya sa akin. “Mababaliw na hata ako. Just don’t run, Scar. Just don’t, please,”

“Benj, we should sto—“

“Don’t, please. Don’t,” my lips press.

“This is wrong. Magpapakasal na ako—“

“Don’t, please. Don’t say anything,” lalong humigpit ang yakap niya. Benj is begging to me. At hindi ko deserve ito. Kumalas siya ng yakap at kinuha ang kamay ko. Hinila niya ako pabalik ng unit niya at si Maggie nakaupo sa sofa. Hindi siya nagbibigay sa akin ng kahit anong emosyon. I get it, ayaw niya. Ayaw niya rin sa ginagawa namin ni Benj. Ayaw niya.

“Kuya—“

“Shut up,” ani Benj. Maggie shocked.

Hinila na ako ni Benj sa kwarto niya at pinaupo sa kama. Kinuha niya ang upuan sa may table niya at hinarap sa akin. Napalagay na lang ako ng kamay sa tuhod ko habang nakaupo. Damn, ano ‘tong ginagawa ko?  Hindi ako makatingin sa kanya.

“Tell me what to do. Just tell me what you want, Scar. Huwag ka lang umalis,” hindi pa rin ako makatingin. Ramdam ko ang kamay ni Benj sa kamay ko. “Just don’t run. Just don’t give up. Sabihin mo lang kung anong gusto mo, gagawin ko. I give you everything I am, Scar. Just tell me, please,” lalong humigpit ang hawak niya sa akin. “Sabihin mo lang kung anong kulang sa akin, aayusin ko.”

“Benj…” hindi ko alam kung paano dudugtungan ito. Pinaraan ni Benj ang kamay niya sa balikat ko hanggang sa makarating ito sa pisngi ko at naiangat niya ang ulo ko. Umiling ako sa kanya. “Si Maggie, ayaw niya?”

Napabuntong hininga si Benj. Damn, syempre ayaw niya.  “She’s my sister. And it will be safe, Scar. Safe,” pinunasan niya ang luha ko. Hanggang kailan kaya ‘yung safe na sinasabi ni Benj? Kapag nalaman na ng lahat?

“No…no…” napailing ulit ako.

Benj breathed, “Okay. Hindi sa ayaw ni Maggie. Ayaw lang niya na masama ako sa gulo,” damn, ako kasi ang gulo. Kakambal ko na ang gulo sa kahit anong gawi. “Kaya please, don’t run away from me. Huwag,”

“Sorry,” I swallow. Nararamdaman ko na naman ang luha ko. “Sorry,” Chico’s right again. Benj is selfless. Hindi na siya minsan nagbibigay sa sarili niya. “Sorry,” I said.

“Sshh,” napapikit ako ng halikan ni Benj ang noo ko. Para bang may kung ano roon at napanatag ako ng sobra…na napakalma ang nangingig kong sistema sa takot. “Hindi na lalagpas sa dalawa ang makakaalam nito, pangako.” Napatango ako. Oo hindi na lalagpas sa dalawa. Hanggang dito na lang.

And I look at Benj. His jaw is tightened. His eyes are on fire. At ramdam na ramdam ko na tensyon siya dahil sa mabigat na paghinga niya. I want to hold him. Para hindi na siya mangamba kahit hindi niya pinapakita sa akin. Nanginginig kong hinawakan ang mukha niya.

“I love you, Scar.” Napapikit siya pagkasabi nito. But I just kiss him.

**

Una akong nagising kaysa kay Benj. Napatingin ako sa orasan sa dinding. Nine na ng gabi. Kailangan ko ng umuwi dahil hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa bahay. Sabi ni Benj iuuwi niya rin ako pero ayoko siyang gisingin. Ang payapa ng mukha niya sobra sa pagtulog. Hindi ko akalain na siya pa ang magmamakaawa pa rin sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hawakan niya ang pisngi niya.

Benj. “Benj,” bigla ko naalis ang kamay ko sa pisngi niya dahil bigla siyang dumilat. Kumurba agad ang labi niya at bigla niya akong nilapit sa kanya. Rinig na rinig ko ang tikbo ng puso niya dahil sa pagyakap niya sa akin.

“What time is it?” he asked.

“Nine,” I said immediately when I feel his hand on my waist.

“Can you stay longer?” and I feel his hand on my thigh. Damn. “Can you give me a minute to hold you?” pinaraan niya ng kamay ang bewang ko pataas sa balikat ko hanggang sa paglaruan na niya ang buhok ko. At nilayo niya ako sa kanya at hinarap.  “I hope and pray for the two of us to stay longer,” said Benj. Pinaraan niya ang kama niya sa leeg ko hanggang sa mapunta ito sa pisngi ko. “Can you stay with me when everything goes wrong?” kinabahan ako sa tanong niya at alam kong dinig na dinig niya ang hindi kalmadong tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung anong sagot ang dapat ibigay ko sa kanya.

“KUYA! IT’S 9:15 NA!” Bigla akong napatayo sa sumigaw at kumatok sa pinto. Ganun din si Benj at ngayon ko lang nanguya sa isip ko na nakahubad pala siya. I mean, shirtless. Nakatalikod siya sa akin at kitang kita ko kung gaano kaganda at kaperpekto ang likod niya paano pa kaya ‘yung harap. Holy SHIT. Kita ko rin ang pag-flexang muscle niya sa pagbukas ng cabinet at pagkuha ng damit. Damn, eyes. Damn, Scar! Umiwas ka nga!

“Kuya!” Maggie shouted again. “Papasok na ako!” at pumasok nga si Maggie. Sa akin agad siya dumiretso. “Hi,” she smiled at me. At hindi ko naman alam ang gagawin ko. Kanina lang, hindi ko siya makuhang ngitian pero ano ‘to?

Umupo siya agad sa tabi ko, “Sorry,” ngumuso siya sa akin. Ang cute ni Maggie. “Sorry talaga,” napangiti ako sa kanya bigla siyang nabuhayan sa ngiti ko.

“Sorry din,” ngumiti na siya sa sinabi ko.

“Basta sorry!” lumawak pa ang ngiti niya. Lumapit ang mukha niya sa akin. “Kamusta? Kamusta tulog niyong dalawa?” napalunok ako sa sinabi niya. Napalayo agad ako ng mukha. I felt the rush of blood going to my face. Nakakatakot ang ngisi ni Maggie sa akin na parang may ginawa talaga kami ni Benj. Siniko siko pa niya ako. At pilit na pilit na tumili.

“MAGS!” parehas kaming napatalon ni Maggie sa sigaw na iyon. Si Benj. Nakatingin ng diretso sa amin. Nakakunot na nakatingin kay Maggie. Nag-peace sign naman si Maggie at nagtatakbo palabas ng kwarto.

Gusto kong pumikit dahil masyadong magnet ang katawan ni Benj at nadedestino na lang basta-basta ang tingin ko sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin niya sinusuot ang shirt niya kaya nadidistract ako masyado. Kaya imbes na siya ang pagtuunan ko ng pansin ay inayos ko na lang ang sarili ko. Sinuklay ang buhok gamit ang kamay ko. Pinagpag kunwari ang damit kahit walang dumi.

HINDI PA BA KAMI UUWI?

Bumibigat ang paghinga ko sa paglapit niya sa akin. Nakakahilo ang presensya ni Benj sa akin. Jusko po! Hindi ko na alam kung paano lumunok. Shit. “Pwedeng suotin mo na ‘yan?” and I swallow. Inangat ko kaunti ang ulo ko para makita ang reaksyon niya.

Medyo napanguso si Benj sa akin, “Bakit?” nanunuya siyang tumingin sa akin. Goodness! Tinatanong pa ba ‘yun?! Unti-unti siyang lumapit sa akin. Nakalagay lang sa balikat niya ang shirt. Goodness, penge hangin kahit konti!

“Para…para makauwi na ako,” nanginig ang pang-ibabang labi ko sa pagsagot. Tumango siya sa akin.

“Scar, can I ask you?”

Woo, penge hangin. Napalunok ako, “oo.”

“Do I look good…attractive to you?“ HOLY SHIT. Saan ba nakuha ni Benj ang tanong na ‘to? Nanunuya na naman ang tingin niya kaya napaiwas ako. “Yes? No? Do I need to change—“

“YES,” HOLY CHEESE. Napapikit ako ng mariin. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na siya. Ramdam ko na lang ang hininga niya sa noo ko. Dumilat ako at sa dibdib niya agad dumiretso. Mabilis na bumaba taas ang dibdib niya dahil sa pagtawa sa akin…dahil sa biglaan at obvious kong sagot sa kanya. Kainis, syempre ang gwapo niya, ang sexy niya. Wala na dapat ihingi pa sa kanya.

“Kay. Tawa pa,” umirap ako sa kanya. “Kay.” Umirap ulit ako. Hindi naman siya tumigil sa pagtawa. Goodness.

“Namiss ko ang pag-irap mo. Dati pinangarap kong irapan mo ko dahil naiinggit ako sa pag-irap mo kay Sebastian,” I swallow hard. “Nainggit ako sa kanya dahil ‘yung pag-irap mo na ‘yun binigyan mo na siya ng atensyon. At ang atensyon mo ang pangarap ko,” Jusko. Kung gusto niyang irapan ko siya, sabihin niya lang. “But damn, I have you,” nilagay niya ang kamay niya sa balikat ko. “Akin ka na. Teritoryo na kita. And I’m sorry to you, Scar. I don’t like you to share with anyone else,” lumapit ang mukha niya sa tenga ko, “My tireless love is selfish about you,” and he kissed my right cheek.

Speechless. Nakakatuyo ng lalamunan si Benj. Nakakawala sa sarili.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagpahila na lang ako sa  kanya hanggang sa makalabas kami. Pagkalabas namin ng building, may humarap na kotse sa amin. Bumaba mula sa driver seat si Maggie. She waves at us. Pagkatapos sumakay na ulit siya sa loob ng kotse sa passenger seat. Pinagbuksan ako ni Benj ng pinto at pumasok na ako kaagad. Ganon din siya.

Hindi naging tahimik ang byahe dahil kay Maggie. Panay kwento niya kasi ng kung ano tungkol kay Benj. At doon ko rin nalaman na dapat aalis silang dalawa para pumunta sa magulang nila. Syempre, nakonsensya ako kasi nawalan si Benj ng oras sa magulang niya. Bigla akong natahimik. Ewan ko, nakakonsensya.

Malapit na kami sa village nang maramdaman ko ang kamay ni Benj sa akin. Tumingin ako at saktong napatingin siya sa akin habang nagmamaneho. He mouthed something like ‘love you’. Apat na beses ko ng naririnig sa kanya ‘to pero hindi ko alam kung paano dudugtungan.

Ngumiti na lang ako sa kanya at pagngiti ko huminto na ang kotse. Nagkatinginan na kaming dalawa dahil nasa tapat na ako ng bahay.

“Okay guys! Gonna close my eyes! You guys kiss na!” ani Maggie. Napalunok ako. Napahawak na lang ako sa pisngi ko. Namula rin sandali ang pisngi ni Benj at tinignan ng masama si Maggie. Nagkibit balikat lang siya. Pero bumaba na lang si Benj kaya bumaba na rin ako. Pumunta agad ako sa pwesto niya.

“Bye,” sabi ko agad.

“Bye,” aniya. Ngumiti siya sa akin kaya napalapit pa ako sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumingkayad at bigyan siya ng halik.

“Bye,” I said. Tinulak ko na siya sa kotse at pinagbuksan ng pinto. I wave at Maggie. At ganun din kay Benj. Agad na pinatakbo ni Benj ang kotse. Sinundan ko na lang ng tingin hanggang sa mawala sa paningin ko.

Pero may isang imahe ang unti-unting nagiging malinaw sa akin. May isang taong papalapit sa akin ngayon. At hindi na napigilan ng puso ko ang kumabog ng sobrang bilis. Unti-unting naging malinaw kung sino ‘yung taong papalapit sa akin. And I feel my world stop.

“Yuan,” napaatras ako.

Yuan is furiously glaring at me. He grabs my arms immediately. Galit na galit siyang hilain ako papalapit sa kanya, “NILOLOKO MO KO!” ang sakit ng pagkakahawak ni Yuan sa akin, “YOU’RE A WHORE!”

And my world crashed.

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 612 5
Five years ago, Serenity Gonzales married the French man, Etienne Cartier, in Paris, France. They weren't even friends. They met at a party and after...
357K 12.5K 37
When men cheat, they cheat for sex. But when a woman cheats, it's something more. Because unlike men, women cheat for love, and affection. (Published...
93.8K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
516K 7K 20
SG: 1st A childhood friendship leads to a childish promised. From a childhood love to a nasty heartache. Can their love be enough? Ms.Therapeautic ©