They Meet Again (COMPLETED)

By nrizyap

611K 6.9K 1.2K

"I badly need to find him. I really want to see him again" - Kate Blanco. "I freakin' despise her. I never... More

ABOUT THE STORY
CHAPTER 1
CHAPTER 2 (part 1)
CHAPTER 2 (part 2)
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (part 1)
CHAPTER 8 (part 2)
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17 (part 1)
CHAPTER 17 (part 2)
CHAPTER 18 (part 1)
CHAPTER 18 (part 2)
CHAPTER 19 (part 1)
CHAPTER 19 (part 2)
CHAPTER 20 (part 1)
CHAPTER 20 (part 2)
CHAPTER 21
CHAPTER 22 (part 1)
CHAPTER 22 (part 2)
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 (part 1)
CHAPTER 30 (part 2)
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39 (part 1)
CHAPTER 39 (part 2)
CHAPTER 40
EPILOGUE
HEADS UP!
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
HOW IT ALL STARTED
Teasers

CHAPTER 32

8.8K 109 35
By nrizyap

Warning: Medyo SPG (slight lang naman. Haha!)

Comments please? :)





Kate


Isang linggo na kami ni Dylan dito sa Boracay. Hindi ba dapat masaya ako ngayon dahil magkasama pa rin kami? Parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Kahit na sabihin pang tourist destination ito at isa itong lugar kung saan nagbabakasyon ang mga tao, hindi ko pa rin alam kung bakasyon pa nga ba ang maitatawag sa ginagawa namin.


Pakiramdam ko kasi, isa na itong exile. Hindi ko na rin kasi alam kung masaya pa kami sa ganito lalo na't napipilitan lang kaming manatili dito dahil nga sa sinabi nila mommy at daddy.


Sinusubukan naman naming kalimutan na muna ang mga problema at pinipilit din naming maging masaya. Pero pakiramdam ko, pinipilit na lang din naming paniwalain ang mga sarili namin na masaya pa kami sa lugar na ito kahit sa totoo lang, nahihirapan na rin kaming pareho sa ganitong sitwasyon.


Noong una, masaya ako tuwing nakikita ko ang dagat. Pero ngayon, pakiramdam ko wala na akong kalayaan tuwing nakikita ko ang dagat. Lalo lang kasing pinapaalala nito sa amin na parang wala kaming kalayaan.


Nandito lang ako sa hotel room ko habang nakaupo sa kama at naglilipat-lipat ng channel sa tv. Sinusubukan ko lang libangin ang sarili ko habang nandito ako.


Kahit kasi internet, hindi rin namin puwedeng gamitin dahil mas madali daw kaming ma-track gamit iyon. Wala rin naman akong gustong channel. Kahit na ano kasi ang gawin ko, hindi ko rin naiiintindihan ang pinapanood ko. Mas iniisip ko pa kasi ang problema.


"Kate?"


Pagtingin ko, nasa tabi ko na pala si Dylan. Hindi ko man lang siya napansin o narinig na pumasok. Masyado yatang malalim ang iniisip ko kanina.


"Hi. Kanina ka pa ba diyan? Sorry" sabi ko sabay patay ng tv.


"Kararating ko lang. Nagpa-room service na lang ako. Sabi mo kasi, ayaw mo munang bumaba para kumain" sabi naman niya.


"Okay" matipid ko namang sagot.


Ilang sandali lang, narinig naming may kumatok sa pinto. Tumayo si Dylan para tignan kung sino iyon. Pagkatapos niyon, binuksan niya ang pinto at ipinasok naman ng isang empleyado ng hotel nila ang mga pagkain.


"Sir Dylan, Ma'am Kate, ito na po 'yung food niyo" sabi niya sa amin habang nakangiti. "Thank you" sabi naman namin at lumabas na rin siya.


Kumain na rin naman kami ni Dylan. Pagkatapos kumain, nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin. Pagkatapos ng ilang segundo, naisipan na rin niyang magsalita.


"Iniisip mo na naman ba ang tungkol doon?" tanong niya sa akin. "I can't help it" sagot ko naman sa kanya.


Napansin ko namang na-disappoint siya sa sinagot ko.


"Kate, ilang beses na nating napag-usapan ang tungkol doon" sabi naman niya.


"Nasasakal na ako, Dylan. Pakiramdam ko, nakakulong ako dito sa lugar na ito" malungkot kong sabi sa kanya.


"What do you want me to do?" tanong niya sa akin.


"Uwi na tayo" sagot ko naman sa kanya.


"Hindi pa puwede. Wala pang sinasabi ang parents mo" striktong sabi niya.


"Ayaw ko na dito" bigla ko na lang nasabi sa kanya.


Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin sa kanya iyon. Napansin kong na-frustrate siya sa sinabi ko.


"Kate, ginagawa ko naman ang lahat. I'm trying really hard to make things easier for us. Bakit ba hindi ka na lang maki-cooperate?" sabi niya sa akin.


Naramdaman kong may tumulong luha mula sa mata ko.


"Kasi alam kong kahit ano pang gawin natin, pareho lang din tayong mahihirapan sa ganito" sabi ko sa kanya sabay punas ng luha ko.


Narinig ko siyang tumawa out of frustration.


"So, ano? Ako na lang palagi ang kailangang mag-adjust sa ganito? Ganun ba 'yun, Kate?!"

Bigla na lang niya akong pinagtaasan ng boses. Ito ang kauna-unahang beses na nakita't narinig ko siya nang ganito.


"H-Hindi naman sa ganun. Ayaw ko lang 'yung ganitong pareho tayong nahihirapan dahil lang sa isang sitwasyon na pareho naman nating hindi ginusto" pagpapaliwanag ko naman sa kanya habang tuloy-tuloy nang tumulo ang mga luha ko.


Bigla na lang siyang napapikit habang hawak ang ulo niya. Halatang pinapakalma niya ang sarili niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko na tuloy bawiin ang mga sinabi ko kanina.


Nakakaramdam ako ng takot. Takot na baka tuluyan na siyang magalit sa akin. Bigla na lang siyang tumayo at tumalikod. Paglabas niya ng room ko, isinara pa niya nang malakas ang pinto na ikinagulat ko naman.


Sinusubukan ko rin namang mag-adjust. Pero kahit anong gawin ko, naiisip at naiisip ko pa rin ang problema. Napakahirap. Ayaw ko na ng ganito.


Dylan


Ilang oras na ang lumipas pero kahit anong subok kong ipikit ang mga mata ko, hindi pa rin ako makatulog dito sa hotel room ko. Parang nakikita ko pa rin si Kate na umiiyak dahil sa biglaan kong pagtaas ng boses sa kanya kanina. Masyado nga yatang nangibabaw ang galit at disappointment ko.


Alam ko namang pareho kaming nahihirapan sa ganito. Pero ginagawa ko lang lahat ng makakaya ko para huwag hayaang mangyari ang ikinakatakot ko. Oras na umuwi kasi kami, baka mapilitan siyang iwan ako nang dahil sa mommy ng Aki na iyon. Kapag nangyari iyon, baka ikamatay ko.


Pero ang tanga ko. Nakita ko siyang umiyak sa harapan ko dahil sa akin. Ako mismo ang dahilan kung bakit umiyak siya. Ang sakit isipin. Napakabigat sa pakiramdam. Ito rin ang dahilan para hindi ako makatulog.


Ano kayang ginagawa ni Kate ngayon? Natutulog na kaya siya? Tinignan ko ang oras sa side table ko. 12 am na pala.


Bigla na lang akong bumangon sa kama at lumabas ng kuwarto. Pagdating ko naman sa tapat ng room ni Kate, sandali kong itinapat ang tenga ko sa pinto niya. Kahit mahina, naririnig ko pa rin siyang umiiyak. Gising pa nga siya. Kasalanan ko ito.


Marahan kong kinatok ang pinto niya at narinig ko rin namang tumayo siya mula sa kama niya. Pagbukas niya ng pinto, nakita kong namumugto ang mga mata niya.


Isasara na sana ulit niya ang pinto pero pinigilan ko ito. Dahil doon, tumalikod lang siya at dumiretsong umupo sa kama niya. Pumasok ako at sinundan siya. Dahil nakatalikod siya mula sa akin at nakaupo sa kabilang side ng kama, sa kabila naman ako umupo.


"Kate, I'm sorry. Mag-usap tayo" sabi ko sa kanya.


"Puwede bang huwag muna ngayon? Medyo wala akong ganang makipag-usap ngayon" sagot niya. Halata sa boses niyang umiiyak pa rin siya habang nakatalikod sa akin.


"Kahit pakinggan mo na lang ako. 'Yun lang ang hiling ko" pagmamakaawa ko naman sa kanya.


Natahimik siya kaya naman lumipat ako sa tabi niya. Sinimulan ko na ang mga dapat kong sabihin.


"Kate, sorry. Kaya ko lang naman ginagawa ang lahat, kasi gusto kong maging masaya lang tayo habang magkasama tayo dito. Natatakot lang din akong baka hindi ka na bumalik sa akin sa oras na umuwi tayo doon. I love you too much. Hindi kita kayang pakawalan nang ganun-ganun na lang" pagpapaliwanag ko naman sa kanya habang nakakaramdam pa rin ako ng magkahalong lungkot at takot.


Pinunasan niya ang luha niya at tumingin naman siya sa akin.


"Hindi ko gagawin 'yun. Kahit pa pilitin nila akong tumira sa States, hindi ko pa rin gagawin 'yun. Hindi kita kayang iwan kasi mahal kita." Huminto siya sandali pero ipinagpatuloy din niya ang sinasabi niya pagkatapos ng ilang segundo.


"Tignan mo nga oh. Kahit nagalit ka pa sa akin at iniwan mo pa ako kanina, hindi ko naman tinanggal itong engagement ring." Ipinakita naman niya sa akin ang kaliwang kamay niya kung saan nakasuot ang diamond ring at black titanium ring.


Gumaan ang pakiramdam ko. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin naman siya sa akin. Ibig sabihin, naayos na naman namin ang isang problema as a couple. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya. Pagkatapos ng ilang segundo, biglang nag-iba ang pakiramdam ko.


"Kate, mahal mo ba talaga ako?" tanong ko sa kanya.


"Oo naman. Mahal na mahal" sagot niya sa akin.


Tinitigan ko siya sa mga mata niya na para bang humihingi ng permiso. Bago pa man ako magkaroon ng pag-aalangan, hinalikan ko na siya ulit at ibinaba ko ito sa leeg niya. I suddenly felt the urge to mark my own territory.

Continue Reading

You'll Also Like

152K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.4M 23.3K 35
[COMPLETE] Hea Ianna Varez a strong woman, but before her life become misserable, but despite of all things happen to her life, she find someone na a...
26.9K 703 36
Chrisshane, Justine and their friends are already in college. They will now face a new set of challenges that will change their lives. MY ESCORT IS...