My Guardian

Von AnonymousLove000

712 71 18

Sa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para... Mehr

I [revise]
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII

XII

16 3 0
Von AnonymousLove000

Aya's POV

"What happened here?" Di ako dumilat pero alam kong boses ni Ethan yun.

Pano napadpad dito yan eh nasa practice sila?

"May nambato. Ginagawa mo dito bro?"

"They texted us. Inutusan nila kong pumunta dito sa clinic."

"Eh nasan si Ela?"

"She'll come here. Nagpaalam lang sa mentor. The others will come here too."

Sinimulan na kong gamutin ni Ethan. Buti pala sanay 'to noh?

"AYA!!" Yung boses na yun. Sinasabi ko na nga ba.

"Napakaingay mo Mika." Rinig kong sabi mi Vince.

"Wala kang pakielam. Concern ako sa kaibigan ko." Sabi ni Mika. "Kasi naman Aya matuto kang umiwas. Lapitin ka din minsan ng disgrasya eh noh? Nakilala mo ba yung mukha nung nambato sa'yo? Sabihin mo sa kin at ng maresbakan na. Aba di pwedeng ginaganyan ka lang."

"Tigil nga Mika. Ikaw naman Aya sana binato mo din pabalik. Hina mo eh. Dapat nga magtanda talaga sila dahil sa ugali nilang yun." Dugtong ni Yumi.

"Napaka-amazona niyo naman." Sabi ni Dane.

"Di kasi ikaw yung binato!" Sabay sabi nung dalawa.

"Wow naman! Kayo din ba yung binato?" Singit ni Vince.

"Hindi. Pero kaibigan namin." Sagot ni Mika.

"Ibaba mo na nga ako. Sa lagay ng paa ko, pasalamat ka at di kita masisipa sa sikmura." Sabi ni Yumi.

"Bro paki-gamot na din yung paa ni Yumi." Si Dane yun.

"Why?" Tanong ni Ethan.

"May paltos. She can't walk properly."

"Hay naku, puro kayo disgrasya." Naiisip kong may pailing epek pa si Mika ngayon.

"Kahiya naman sa puno ng kamalasan." Pagpaparinig ni Vince.

"Wow ah, kailan ako minalas?"

"Kaw ba? Ikaw ba yung nawarak yung gulong ng motor? Ikaw ba yung natapilok kanina habang nagpa-practice? Ikaw ba yung nabuwal kanina kasi naka-heels na nga ng mataas talon pa ng talon. Ikaw ba?"

"Kita mo! Eh nangyari sa kin lahat yan eh!"

"Oh edi ikaw nga yung minamalas."

"Para kayong bata."

"Uy Ela!" Tawag nila.

Binendahan ni Ethan yung noo ko. Pinilit kong idilat yung mata kasi medyo okay naman na.

"Salamat." Tinignan lang niya ko at tumango tapos lumipat na kay Yumi na naka-upo sa katabing kama ko.

"Okay ka na?" Tanong ni Ela.

"Medyo." Sagot ko.

"Lika Ela, hanapin natin yung nambato kay Aya. Tuturuan ki lang ng leksyon!" Warfreak na sabi ni Mika.

"No need. I already talk to them." Singit ni Andrei.

"Ano bang motibo nun at binato ka?" Tanong ni Yumi na ginagamot ni Ethan.

"Anyare naman diyan?" Tanong ni Ela.

"She's injured. Napwersa masyado yung paa niya. Natapilok ba siya?" Tanong ni Ethan na kay Dane humarap.

Kita mo 'to! Ako tinanguan lang, di nagsalita. Si Ela kinakausap. Tapos imbis na si Yumi tanungin kay Dane pa.

"Hindi yata siya gaanong marunong sa mataas na heels. When she first wore those heels namali siya ng step kaya bumaling yung paa niya."

"Di niyo ko sinagot. Tingin niyo ano motibo nung nambato na yun?" Tanong ulit ni Yumi.

Nagkibit-balikat sila Andrei, Dane at Vince. Si Ethan tinignan lang siya. Ako may ideya. Nagkatinginan kaming apat na babae.

"Tama. Dahil sa kanila." Sabi ni Mika.

"I agree." Sagot ko.

"Hayyy naku.." Humawak pa sa noo si Mika at umiling-iling.

"Teka nga. Ano bang sinasabi niyo? Anong dahil sa kanila? Sinong sila?" Naguguluhang tanong ni Vince.

"Tinginan lang naintindihan niyo na agad? Galing ah. Pero sino yung mga tinutukoy niyo?" Dugtong ni Andrei.

"May telepathic powers ba kayo?" Tanong ni Dane.

"Kayo." Si Ela yung sumagot.

Nakita kong tumayo na si Ethan. Tapos na niya yata gamutin si Yumi.

"Us?" Tanong ni Ethan.

Tinignan siya ni Ela.

"Oo kayo. Sikat kayo sa eskwelahan na 'to. Pinapalabas na magpinsan tayo para di kami i-bully ng mga tao dito. Oo nababawasan yung gagawa nun. Pero may mga magtatangka lalo na kung hindi namin kayo kasama."

"Pero kasama kami ni Aya kanina." Sabi ni Andrei.

"Nasa likod niyo ko diba? Nakakuha sila ng chance non. Medyo malayo din ang agwat niyo sa kin. Di niyo nga ako napapansin eh. Kung di ako napasigaw kanina, malamang nakarating kayo sa stage na hindi alam na nabato ako." Paliwanag ko.

"Sana kasi ginagawa niyo din ng maayos yung utos sa inyo." Napatingin kami kay Mika.

"Wala naman kasi kaming obli--"

"Wala nga." Pagputol niya sa sasabihin ni Vince. "Pero bilang mga taga-alaga niyo man lang diba? Kayong apat yung may alam ng eskwelahan na 'to, kayo may alam ng mga ugali ng estudyante dito. Kayo yung nakakaalam kung anong kaya nilang gawin sa min lalo na at nakakalapit at nakakadikit kami sa inyo. At higit sa lahat, kayo lang yung may kayang kontrolin at pagbawalan sila dahil iniidolo kayo dito. Pero ano? Hindi niyo magawa kasi ayaw niyo sa min. Ano bang gusto niyo? Mapuruhan pa kami? Ganyan ba kagagaspang ang ugali niyo?"

"Bakit nga ba?" Nakayukong sabi ni Yumi. "Oo sige na. Ayaw niyo na sa min. Pero hindi niyo kasi naiintindihan. Sno din ba nagsabing gusto naming alagaan kayo? Hindi din naman namin ginusto 'to pero kailangan. Sa ngayon di niyo maiintindihan, pero dadating yung panahon na baka lumuhod pa kayo sa harap namin bilang pasasalamat. Kayang kaya namin labanan yung mga nanga-api sa min dito. Pero hindi pwede. Bawal. Wala naman kasi sa katwiran. Bakit kami lalaban kung wala naman dapat ipaglaban? Kaya nga kami pinabantayan sa inyo ng magulang niyo. Sana kahit yun lang magawa niyo. Wag niyo namang hayaang may mabugbog o maospital pa sa ming apat bago kayo kumilos."

Pumikit ako. Tapos tinignan ko sila. Nakayuko yung tatlo pero si Ethan walang emosyon lang na nakatingin sa min.

"Kayong apat.." Napa-angat yung ulo nila at napatingin sa kin. "Kayo din naman yung may kasalanan. Kayo yung dahilan kung bakit hindi namin kasama yung nanay at tatay namin. Kayo yung dahilan kung bakit nakabuntot kami sa inyo. Kayo yung may kasalanan kung bakit kami nagkakaganito. Kayo yung dahilan kung bakit nakatira kami ngayon sa inyo. Lahat ng nangyayari sa buhay niyo, na nakadamay kami, kagagawan niyo."

"T-teka lang.." May sasabihin sana si Andrei pero naputol yun nung magsalita si Ethan.

"Then stop. If you are tired then stop. Magulang namin ang humiling na bantayan niyo kami. Not us. Whatever your reasons are for taking care of us, stop. There is someone, who want to kill us. I know. If they want it, then let them. Hindi niyo hawak ang buhay namin."

Natulala ako. Sa ilang linggong pinagsamahan namin. Ito na yung pinaka-mahabang nasabi niya.

"Hindi nga." This time si Ela na yung humarap kay Ethan. "Magulang niyo ang humiling nito. Kaya hindi namin 'to ginagawa para sa inyo. Ang mga mommy niyo, naisip niyo ba kung anong mararamdaman nila oras na mawala kayo? Hindi pa kayo magulang kaya wala kayong alam. Magpasalamat nga kayo kasi may mga magulang pa kayo na handang pumrotekta sa inyo. Pero kami? Lahat kami ampon. Hindi namin alam kung paano patulugin ng totoong nanay namin, hindi namin alan yung pakiramdam ng yakap ng isang totoong ama. Wala kaming alam kung may kapatid ba kaming handa din kaming ipagtanggol o aalagaan namin. Sana maisio niyo din yung mga taong nada pigid niyo. Hahayaan niyo na lang mamatay kayo? Ikaw Ethan, tingin mo yan din gusto ng mga kaibigan mo?"

Tinignan ni Ela yung tatlo at lahat sila nakatingin lang din kay Ela at Ethan na di makatingin ng diretso kay Ela.

"Sana alam mo yang sinasabi mo. Napakasel---"

"You don't understand everythi---"

"Hindi mo din naiintindihan!" Sagot ni Ela.

Natahimik sila pareho. Magkatitigan lang. Yumuko sandali si Ela, umiwas naman ng tingin si Ethan. Tapos nagtinginan ulit sila.

"Walang patutungu---"

Nanlaki ang mata ko. O baka nga hindi lang ako. Lahat yata kami dito.

Nabalik ako sa katinuan nung hinawakan ni Ethan ang pulsuhan ni Ela at hinila siya palabas.

"A-anong... B-bakit. Pano.." Hindi din makapagsalita ng maayos si Mika.

"Let's go. Don't use your motorcycle anymore. Sa kin ka na sasabay lagi." Napalingon ako kala Dane. Inalalayan lang ni Dane si Yumi. Iika-ikang lumakad si Yumi kasi nakataas yung isa niya paa.

Nasa may pinto na sila nung binuhat ni Dane si Yumi. Quota na yung babae na yan ah.

"Tss. Come on. Wag ka na din magmo-motor. You'll be with me all the time starting tomorrow." Kay Vince naman ako napatingin.

Gaano katagal magsi-sink in kay Mika yung nangyari? Hanggang ngayon tulala pa din eh.

"Hey Mika." Tawag ni Vince.

"H-huh?"

"I said let's go. Madilim na." Tumayo silang dalawa at sabay naglakad palabas ng clinic.

"Aray!"

"Wag kasing tumulala. Puro ka talaga kamalasan." Sabi ni Vince na umupo sa harap ni Mika patalikod.

"A-ano bang ginagawa mo."

"Angkas na. Laki-laki ng pinto di pa nakita. Mapango ka sana."

Napangiti na lang ako. Hindi lang pinapakita ni Vince pero may pakielam naman siya kay Mika eh.

Pinasan ni Vince si Mika at lumakad na paalis.

"Ayos na yung ulo mo?" Tanong ni Andrei sa kin.

Tumango ako.

"Sorry, nabato ka pa tuloy." Sabi niya.

"Okay lang. Tara na." Bumaba ako sa kama at muntik pa mabuwal, nahawakan ni Andrei yung bewang ko kaya di ako bumagsak.

"Kaya mong---"

"Oo. Walang magu-uwi ng motor ko. Nabato lang ako sa ulo, pero kaya kong magdrive." Sabi ko.

Tumayo ako ng maayos at kinuha yung bag ko tapos naglakad na palabas kasunod siya.

Nauna akong makarating sa parking kaya sumakay na ko sa motor ko. Napatingin ako sa mga katabing motor nung akin. Nandito pa din yung kala Yumi, Mika at Ela. Lumingon ako sa gawing naka-park yung kotse ng mga lalaki. Wala na dun yung kay Vince at Dane. Si Andrei pasakay pa lang pero yung kay Ethan nandun pa.

"Hindi ba nila iu-uwi yung mga 'to?" Tanong ko.

Umiling ako at pinaandar na yung motor ko. Baka may uutusan sila Vince para kunin yan.

Pinaandar ko na yung motor ko. Nakalayo na ko sa school nung mapansin kong may sumusunod sa kin. Hmm... Kay Andrei yung sasakyan. Bakit niya ba ko sinusundan?

May nakita akong mini playground malapit sa bahay kaya binaling ko dun yung motor ko at tama nga, sinusundan nga niya ko kasi bumaling din siya.

Bumaba ako at hinintay siyang bumaba. Hininto niya sa gilid ng motor ko yung sasakyan niya.

Naglakad ako papunta sa may swing at naupo dun. Pinagpagan ko muna bago umupo, pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko na siya sa harap ko kaya napapitlag ako ng konti.

"Bakit ka sumusunod?" Tanong ko.

"Sorry.."

Yumi's POV

Binuhat na naman niya ko. Nakatulala lang ako habang lumalakad siya.

Di pa nagsi-sink in sa kin yung ginawa ni Ethan. Totoo ba yun?

"It's true. Para namang sa'yo ginawa yun." Sabi niya.

"Huh?"

"Next time wag mong sinasabi yung nasa isip mo, mamaya personal na yan."

Napatakip ako sa bibig ko. Totoo? Nasabi ko na? Sabagay, mannerism naming apat yun minsan kapag na-carried away.

"Bakit.." Di ko matuloy yug tanong. Di ko kasi alam kung pano itatanong.

"I don't know either. It's his first time doing that in front of us. O baka ngayon nga lang niya ginawa."

"Pero magpin---"

"Yes, sa isip ng ibang tao, pero hindi natin. They aren't blood related."

"Kahit na.."

"Shut up okay?"

Tumahimik ako. Kung ako nga gulat na gulat.. Pano pa kaya si Ela?

Nagulat ako nung isakay niya ko sa kotse niya.

"Teka kaya ko mag---"

"Injured ka. I don't trust you, I can't let you drive. Ipapakuha ko na lang. At wag mo ng gagamitin yan kasi bukas sa kin ka na sasabay."

Tumango na lang ako at yumuko. Pakiramdam ko nagiging protective siya. May point ba yung sinabi ko kanina, I mean namin at napaisip sila?

Baka narealize nila na may part din naman sila dito kaya nagiging protective sila.

Nagdrive si Dane hanggang sa bahay. Binuhat niya ulit ako pero this time nagpababa na ko. Nakakahiya na eh.

"Ibaba mo na ko. Kaya ko naman."

"Bahala ka." Binaba nga niya ko. Humawak muna ko sa braso niya bilang suporta.

Lumakad ako ng dahan dahan pero pa-hop kasi nakataas yung isa kong paa. Tinitingkayad ko minsan kapag nangangawit na ko.

Ngayon ako nagsisi na sa taas yung kwarto ko. Tinignan ko yung hagdan. Paano ako aakyat?

"YAHHH!" Sigaw ko nung may bumuhat sa kin na parang sako. Kaharap ko yung likod niya.

Palo lang ako ng palo sa kanya hanggang sa iupo niya ko sa isang kama. Inikot ko yung paningin ko. Teka, di ko kwarto 'to, hindi din kanya.

Nakita ko uung isang cabinet na pamilyar kaya bigla kong naalala.

Ito yung kwarto kung saan niya ko nahuli dati na hinahanao yung diamond pero nagpalusot ako na holen yug hinahanap ko!

"Bakit dito mo ko dinala?"

"I'm sorry.."

Mika's POV

Pumasan ako sa kanya. Engot ko naman kasi eh. Kaharap ko na yung pinto, binangga ko pa. Sakit tuloy ng mukha ko.

Feeling ko naubos ang energy ko kanina, dinagdagan pa ni Ethan kaya napadukdok ako sa balikat ni Vin--- teka. Balikat ni Vince?

"Arghh. Pagod na nga talaga ko." Inangat ko yung ulo ko at pinigilang dumukdok sa kanya. Yoko nga, bakit ako dudukdok? Di kami close noh?

Sa hina ng enerhiya ko ngayon, parang tinamad ako magdrive. Pero dahil walang magu-uwi non, magda-drive pa din ako.

"Uy teka lang. Andun yung motor ko." Turo ko sa kabilang parkingan.

"No. I'll take you home. Ipapakuha ko na lang yan."

Tinignan ko yung katabing kotse niya. Wala na yung kay Dane. Yung kanilang tatlo na lang nandito.

"Teka lang. Naunang umalis sila Ethan diba? Bakit nandito pa yung kanya?" Tanong ko.

Baka ginamit nila yung kay Ela. Tumingin ako sa kabila at saktong apat yung nandun. Ahh, baka sinabay ni Dane si Yumi. Pero nandun din yung kay Ela.

"Baka hindi pa sila umaalis ng school." Baka nga.

Sinakay niya ko sa sasakyan niya. Umayos ako at tumagilid tapos pumikit. Nanlalata ako. Ubos energy ang maging warfreak. Kanina pa ko sermon ng sermon. Ano role ko dito? Nanay nila? Pambihira.

"Tapos gusto pa niya magdrive?" Tanong yata ni Vince sa sarili niya.

Napadiin yung pikit ko nung naramdaman kong malapit siya. Yung hininga nga niya humahangin sa buhok ko.

Naramdaman ko yung pagkawit ng seatbelt. Ahhh, yun lang pala. Kala ko kung ano na. Si Ethan kasi eh. Kung ano-ano ginagawa kay Ela.

Naidlip yata ako kasi pagdilat ko, pinapasok na niya sa garahe yung sasakyan niya.

Umayos ako ng upo at nag-ayos ng sarili, pinunasan ko pa yung bibig ko kasi baka mamaya may laway pa, kadugyutan ko naman.

Buti na lang wala. Nagsuklay lang ako ng buhok gamit yung mga daliri ko tapos bumaba na ko ng sasakyan.

"Huy!" Nasabi ko nung hilahin niya ko bigla.

Naglalakad lang siya pero hindi papasok ng bahay. Papunta dun sa Garden nila nung inakala kong multo siya. Umupo kami sa bench na inupuan namin dati.

"Bakit tayo nandito?"

"For me to apologize.."

Ela's POV

Napalingon ako sa pinagdalhan niya sa kin. Ngayon lang ako naka-adjust sa ginawa niya kanina.

Napakunot noo ako. Puro fence kasi yung bakod kaya parang pader lang siya sa labas, pero kapag pumasok ka, bakod pala siya. Umikot ako para tignan yung lugar.

May isang puno sa gitna at may nakaikot na upuan don. Puro bermuda grass yung lupa kaya pwede upuan, pwera na lang kung maputik. Pader na yung nasa bandang dulo at may landscape dun. Puro bulaklak na malapit ng mabulok.

"This is our hidden place." Tumingin ako sa kanya na nakaupo sa upuan at nakasandal sa puno.

"Hidden place? Bakit?" Tanong ko.

"To be honest, I hate living like this. Chasing by girls, hearing them screaming loudly. Nakakabingi. That's why we requested this place to our parents. In case those people chase us again, we have a place to hide in."

"Ahhhh.. Kayo lang nila Andrei, Vince at Dane ang nakakaalam nito bukod sa mga magulang niyo?"

Tumango siya.

"This is out of the school ground."

"Edi kapag tumatambay kayo dito cutting na yon."

"We only go here every dismissal. Hindi naman kasi kami pwedeng umabsent. Pinagbawalan na din sila ng parents namin na guluhin kami. Pero kapag uwian na, unahan sila papunta s amin kaya tumatakbo kami dito."

"Bakit di na lang kayo umuwi agad?" Tanong ko.

"We aren't secured. Tinted ang mga sasakyan namin kaya iniisip nilang nasa loob kami non. Madilim na kung umalis yung iba kaya gabi na kami nakakauwi ng bahay."

"Eh bakit ngayon?" Ang chismosa ko na ah.

"Now is different. You girls came. The four of you became their target, that's why I am always with you. I didn't know that those three are kinda stupid to just let your friends get hurt."

Tinitigan ko siya. Sobrang seryoso lang siya habang nakapikit. Infairness improving ang speech niya ah. Humahaba na.

"Bakit..." Lumunok muna ako. "Bakit mo ko hinalikan? At bakit dinala mo ko dito?"

Napaatras ako ng konti nung tumingin siya sa kin. Arghh. Kinabahan yata ako. Yung tibok ng puso ko ang bilis.

"To shut you up. And to apologize..."

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

228K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
186K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
114K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
121K 4.5K 43
Is it worth it to invest feeling to someone who never appreciate your existence? On-going