The Chronicles of Ametista (P...

Por sinvalore

7.5K 329 129

How far will you go just to succeed in your mission? When everything else falls apart, to whom will you hold... Más

The Chronicles of Ametista
Simula
Black Sheep
Blue Energy
Dark Tactics
Black Magic
Scarlet Energy
Violet Energy
Codes
BSGDP
Places
B
Eyeglasses
Logic
Controlled
Lenses
Try
Hell One
You Wish
Back Off
Annoying
Hidden Desire
Wait
Hope
Adore
Family
Dark Man
No Choice
Sikaro
Any Sense
Green Metallic Ball
Hardest
Hitched
Bitch
No One
Goodbye
Kadiri
Hindi Makakalimutan
Babaeng Pula
Alas
Kahinaan
Ruffa
Death
Senyales
Alamin
In
Ingat
Traydor
Matter
Torn in Between
Nasty Scar
Risk
Worthless
Higanti
Pangako
Care
Katapusan
Prayoridad
Bangkay
Katmon
Hangal
Oo
Pinapahamak
Paano
Abot-Kamay
Dito
Daan
Group 1: Cozenage
Group 2: Chimera
Group 3: Everlasting
Group 4: Bewitchery
Group 5: Death
One Down
Two downs
Three Downs
The Magic Paper
Note

Nakatakas

34 2 1
Por sinvalore

Naidistribute ni Arlan ang mga contact lens sa kaniyang mga kaklase. Sinuot naman nila ito saka pinagmasdan.

"'Yong range nito ay 24 hours lang. Kapag lalagpas sa 24, masusunog 'yong mga mata niyo." Paalala ni Arlan.

"Ha? Grabe naman 'yon." Mahinahong reklamo ni Rychelle.

"Kaya nga." Segunda ni Sheika. "It means kapag 24 hours and 1 second, masusunog na ang mata mo?"

"Hindi pa." Sagot ni Arlan. "One second is equal to 0.00001 intensity of heat. Multiply it by 3,600, 'di ba malaki laki na rin 'yon?"

"Oo kaso," si Jhenrish.

"Tama si Arlan." Si Rica. "3,600 seconds equal one minute. Ilang minuto ba ang 24 hours?"

"Kompyutin niyo." Si Micha.

"Basta 'yon na 'yon." Si Angelika, trying to brush off the topic. She hates Math. Ayaw niyang pag-usapan ang numero dahil nahihilo lang siya.

"Basta," si Arlan. "Huwag niyo nalang kalimutan."

"Wala ka bang alarm clock in case na makalimutan namin?" Tanong ni Trixie. May punto naman siya. Kailangan nila ng alarm clock or something na magpapaalala sa kanila.

Hinarap ni Arlan ang kaniyang hologram at may binuksan na folder.

"Thirteen minutes and twenty seconds." Aniya.

"Ano 'yon?" Takhang tanong ni Daniel.

"13 minutes and 36 seconds na mula nang naiconnect ang contact lens sa hologram ko. May 23 hours, 47 minutes and 17 seconds left para matanggal ang CL sa mata."

"CL means contact lens." Paliwanag ni Jhenrish nang natunugan niyang may magtatanong kung ano ang ibig sabihin ng CL.

"Ah..." bulalas ng marami na parang ngayon lang nila naintindihan ang lahat.

"'Di bale, sa hologram ko, may ididisplay akong mapa." Panimula ni Arlan. Kahit na 'di na tignan ng Ametisa ang screen ng hologram ng binata ay alam na nila kung anong meron dito dahil nga sa suot nilang kagamitan.

Pinakita ni Arlan ang mapa ng buong Teresa sa kulay na pula. Kapag i-zoom in ito, makikitang may kabahayan, palayan, simbahan, paaralan at iba pa. Kapag naman i-click ang isang istraktura, magzozoom in ito at makikita ang kabuuan ng gusali. Left click of the mouse ay para sa location, right click ay para makita kung ano ang nasa loob.

"Anong gagawin natin diyan?" Tanong ni Luise.

"Makikita natin sa mga ito ang blue energy." Sagot ni Arlan.

"Blue energy." Bulong ni Ayessa sabay tango tango.

"Pero paano kung magkakahiwa-hiwalay tayo?" Tanong ni Abrielle.

"Kaya nga." Segunda ni Micha. "'Di ba mahirap 'yon?"

Nahinga ng malalim si Arlan.

"Kaya nga isang lens sa isang tao kasi 'yong matang may lens, guide lang 'yon ng mapa."

"'Yon na nga." Singit ni Angelika. "Kung ikaw lang ang gagamit ng hologram at isa lang din ang makikita namin, paano mapabilis ang paghahanap ng magic paper?"

Nagpoker face si Arlan dahil all this time, 'di pala siya naintindihan ng kaniyang mga kaklase.

"Ganito..." panimula niya't napahinga siya ng malalim. "Magsisilbing gabay 'yong map dito. Hahatiin ko kayo sa apat o limang grupo. Bawat lider sa inyo ay bibigyan ko ng hologram. 'Wag kayong mag-alala, automatic ng nakaprogram ang lens sa kahit na anong hologram. At madali na nating matukoy kung nasaan ang magic paper."

"B-Basta ikaw na bahala, Arlan." Si Carla. "Ikaw ang mas nakakaalam. Kung 'di man tayo magtatagumpay, change plan."

"Oo nga, Arlan." Si Ayessa. "Sure naman akong mapagtagumpayan natin 'to."

Sa wakas, nagkakaisa rin ang Ametista. Iyon naman talaga ang katuturan ng ganitong pagsubok. Hinahamon ang bawat isa na makipag-isa at maging responsableng indibiduwal upang mapagtagumpayan ang plano.

Sa kabilang dako, sa kampo ni Kreg, gabi na nga at kailangan ng pakainin ng bihag. Wala silang kaalam alam na ang bihag ay malaya na.

"Pakainin niyo na siya ng balat ng kalabaw at bulate ng unggoy. Dalhan niyo na rin siya ng mainom, katas ng pinigang ampalayang dahon." Utos ni Kreg sa kaniyang aliping babae. Nagbigay pugay naman ang babae saka umalis sa harap ng pinuno na ngayo'y nakaismid.

"Ikaw nalang ang alas ko ngayon, tao. Kailangan kita laban sa Ametista." Aniya at nagngiting tagumpay. Maraming bagay ang naglalaro sa kaniyang isip. Mata sa mata, ngipin sa ngipin.

Inihanda ng alipin ang pagkaing inutos ng nakatataas. Natatakam siya sa amoy ng pagkain. Nakaramdam siya bigla ng gutom. Ang kaniyang hinahandang pagkain ay ang paborito niya pang kainin.

Maingat niyang iniayos ang lagayan ng pagkain sa isang tray at pagkatapos ay sinimulan na niyang tahakin ang daan papunta sa silid ng bihag. Nang nasa tamang pinto na siya ay agad niyang kinuha ang susi mula sa kaniyang bulsa at ipinasok ito sa isang kandado. Pero nang napansin niya ang pagiging bukas nito, halo halong emosyon ang naglalaro sa kaniyang dibdib. At sa sobrang tuliro ay nabitawan niya ang tray saka dali daling pinasok ang loob.

At sa kasamaang palad, wala na ang katawan ng bihag. Nagkalat ang kadena sa sahig at tila may bakas pang mahika ang buong kuwarto.

"Patay!" Bulalas niya. "Nawawala ang bihag! Katapusan ko na!"

Dali dali siyang lumabas ng silid upang ipabalita sa pinuno na nawawala ang bihag.

Nakatakas siya! Pero paano? Tanong niya sa kaniyang isip. Doble ang tahip ng kaniyang puso. Malilintikan siya ngayon ni Kreg. Iba pa naman magalit ang may dugong bughaw.

"Mahal na pinuno! Mahal na pinuno!" Tawag niya habang tumatakbo papunta sa kung saan si Kreg na ngayo'y napatayo sa gulat.

"Ismara! Ano na naman ba ito?!" Galit na sigaw ni Kreg at nag-angat ng palad. May itim na usok ang lumabas mula rito.

"Patawad, mahal na pinuno, ngunit nawawala po ang bihag."

Lumawak ang kaniyang mga mata.

"Ano?! Paano nangyari iyon?!" Gulat niyang tanong. Binaba niya ang kaniyang kamay at hinawaka ang mahabang bestida upang makalad ng maayos. Nilagpasan niya si Ismara at sumunod naman ito sa kaniya.

Tunay ngang nawawala ang bihag. Nakatakas siya. Paano na iyan? Malilintikan siya kay Marianne.

"Cierpienie!"  ("Kamalasan!")

"N-Nakita ko lang pong ganiyan na, pinuno." Paliwanag ni Ismara na halatang kabadong kabado. "H-hindi ko po alam kung bakit nakatakas ang bihag." Dagdag pa nito.

"Halughugin ang buong kampo. Nakatitiyak akong hindi pa siya nakakalayo. Kung kailangan niyong gumamit ng kapangyarihan, gawin ninyo." Matigas nitong utos.

"O-opo, pinuno." Sagot nito at dali daling lumabas ng kuwarto. Natatakot siya na baka pagbintangan siya ng pinuno. Hinding hindi niya magagawa iyon.

Napatingin si Kreg sa kadena at ganoon na lamang ang pagkunot ng kaniyang noo nang may napansin siya.

"Pinasok kami ng isang traydor." Usal nito sa magkadikit ang ngipin. Nagtatangis ang kaniyang panga. Kilala niya. Kilala niya kung sino ang traydor. At hindi na siya magtataka pa kung bakit niya nagawa iyon. Malamang ay isa siyang Ametista. Hahamakin ang lahat, mahanap lamang ang magic paper.

Seguir leyendo

También te gustarán

20.9K 775 18
(Dark Fantasy Series #2) Brief Synopsis of Demi: Isang panibagong misteryo ang haharapin ni Demi nang natanggap niya ang isang sobre mula kay Keith...
11.2M 505K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #02 â—¢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
10M 497K 80
â—¤ SEMIDEUS SAGA #04 â—¢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
8.2K 347 18
(Dark Fantasy Series #3) Brief Synopsis of Charles: Walang ideya si Charles kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanyang kakambal na si Keith matap...