The Unmarried Billionaire (Da...

By CovertSolace

652K 28.5K 6K

We met when we were a child. His dad is my dad's friend. I like him because he is too stubborn, but cool. Yet... More

T.U.B
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
chapter 10 snippet
Chapter 10
chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
teaser for the succeeding chapters
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Thank you!
Epilogue
Special Chapter

Chapter 22

11.4K 511 198
By CovertSolace

Auster's pov

Buong araw kaming nagkulong sa loob ng malaking bahay na ito na pinagawa ni Uji.

Sabi niya dati raw na pagmamay-ari ng amusment park ang lupang kinatitirikan ng bahay na ito. Then nalugi nga daw kasi mejo malayo na ito sa city.

Nasa balkonahe kami ngayon at ninanamnam ang ihip ng malamig na hangin.

"Do you like it?"

"I love it." nakangiti kong tugon habang pinagmamasdan ang siudad sa ibaba.

Niyakap ako nito ng mahigpit at isinandal ang baba nya sa aking balikat.

Napapikit nalang ako at dinadama ang hangin sa aking pisngi habang yakap yakap niya.

"Bakit mo ito ginagawa Uji?" tanong ko dito ng nakapikit.

"What do you mean?" balik tanong nya habang marahang hinahalikan ang aking leeg.

"Bakit kelangan mong bumili ng bagong bahay? Don't get me wrong ah, maganda ang bahay, sobra pa sa aking pinapangarap. Pero diba ok naman na tayo sa condo mo?" paglilinaw ko sa tanong ko.

Sandali itong napahinto sa paghalik sa aking leeg kaya hinarap ko sya.

"Dahil ba ayaw ako ng papa mo? Oh... Dahil dun titira yung babaeng kasama nya?" halos pumiyok ako ng sabihin ko ang hulung kataga. Hindi ko alam kung bakit ba tila uncomfortable ako na isiping magsasama ang babaeng yun at si Uji sa iisang bahay.

"It will never happen. Hinding hindi ko hahayang mapalapit ulit ang babaeng yun sa akin. She has torn me apart when my life is in its happiest moments. I have gave her everything, but she just wasted it all. Kaya naman wala na syang puwang pa sa buhay ko." seryoso nyang saad habang direktang nakatingin sa aking mga mata. Nalulunod talaga ako sa mga titig ni Uji sa akin.

"Besides, I already have you. Ikaw ang kumokumpleto sa buhay ko Bau. You are my life now, Tiara was just a part of my miserable past and I love living my life in the present." ngumiti ito sabay haplos sa aking magkabilang mukha.

Unti-unti nitong inilapit ang kanyang mukha at kasabay ng haplos ng hangin ay amg pagsugpong ng aming mga labi.

It was so pure and passionate. Sobrang sarap ng kanyang halik at dinadala ako nito sa alapaap.

Humiwalay ito ng halik at halos habulin ko pa ang labi nya dahil nakukulangan pako sa ilang minuto na naming halikan.

"I made this house for us. For you. Matagal ko nang pinapagawa ito. And I told myself that, in here,will I let the person I love most, to live the rest of their lives with me. Kaya nga nung nakita kitang muli, alam kong ikaw ang nakatakdang makasama ko sa bahay na ito." nakangiti nyang saad at ginawaran ulit ako ng isang halik sa labi.

Wala na akong iba pang nagawa kundi ang ngumiti sa kilig. Idinikit ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at inamoy ko ang bango ng kanyang katawan.

"Salamat at nakilala kita, hindi man maganda ang ating muling pagkikita, pero kakaibang saya ang dinala mo sa buhay ko. Mahal na mahal kita Uji." nakapikit kong bigkas. Dinaramdam ko lahat ng mga binigkas kong salita. Lahat ng iyon ay galing sa puso ko. Mahal na mahal ko na ang taong kayakap ko ngayon.

"I like what I just heard right now." saad nya matapos nyang iangat ang aking mukha.

"And it is arousing me at some point." ngiting aso nyang saad sabay halil sakin na tila nasasabik.

Unti-unti akong nadadarang muli sa halik nya at sa di ko namalayang pangyayari ay nakapatong na ako sa kanya na hubo't hubad sa may rest chair dito sa balkonahe ng bahay.

Hapong hapo ako matapos naming makaraos na dalawa. Napahiga ako sa kanyang matipunong dibdib habang pareho kaming habol ang aming hininga.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng kanyang puso sa likod ng pawisan nyang balat. Kahit pa may kalamigan ang hangin ay tila nagiging kumot ng aking hubad na katawan ang kanyang init. Niyakap nya ako at hinahaplos ang aking buhok.

"I love you Uji." bulong ko sa kanya at ginawaran ako nito ng halik sa ulo. At tuluyan na akong ginapi ng pagod.

.....

Nang mga sumunod na araw ay kinuha na ni Uji ang mga gamit ko sa condo upang ihatid sa bahay.

At tila ba kami tunay nang mag-asawa na nagmamahalan at nabubuhay sa iisang bubong.

Gaya padin nung nasa condo pa kami ay inaasikaso ko si Uji bago pumasok sa opisina kasabay narin ng pagpasok ko sa eskwela.

At gaya rin ng dati ay nangungulit padin itong si Chryo. Minsan nakukulitan na din ako sa kanya. Oo gwapo sya pero hindi ako naattract talaga sa mga gaya nyang boy next door. Ibang iba padin ang dating ni Uji sa akin. Ibang klaseng pananakam ang dala ng kanyang kabuohan sa akin.

Ryuuji is just simply gorgeous in all aspect.

Sa mga sumunod pang araw ay mas lalo akong sumaya sa piling ni Uji sa iisang bubong.

Parang isa itong dream come true. Ang makasama ang mahal mo at pagsilbihan sya habang pinagsasaluhan nyo ang mainit na pagmamahalan.

Hindi ko inakalang aabot ako sa puntong ito ng buhay ko. Kontento na ako sa nangyayari sa buhay ko.

Ngunit minsan talaga ang akala nating masayang buhay ay isang huwad palang kasiyahan.

Higit dalawang buwan na kaming magkasama ni Uji sa bahay at sa mga nakaraan ay wala kaming naging problema. Patuloy lang kami sa nakagawian buhay namin.

Hanggang sa isang araw ang dumating. Isang araw na tila ba pinagmulan ng katapusan sa aking kasiyahan.

Gaya nang dati ay inayos ko ang mga gamit nya at pinaghanda sya ng agahan. Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain at kasabay narin si manong vlad at manong thrace na syang sumusundo at naghahatid saming dalawa.

Masayang kwentuhan lang ang naganap hanggang sa matapos kaming kumain at nagpaalam na sa isat isa para pumasok.

Napakagaan lang ng araw ko ngayon at tila ba alam ng katawan ko na wala akong poproblemahin sa araw na ito.

"Chry, tingin mo ano kaya magandang ihanda para sa monthsary?" tanong ko sa kaharap ko ngayon na busy sa pagbabasa ng libro na di naman related sa lecture namin.

"Pano mo nagagawa yan?" Biglang tanong nya matapos ibaling ang tingin sa akin.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Balik-tanong ko dito. Mejo naguluhan ako sa sinabi nya.

Huminga ito ng malalim at saka ako tinitigan sa aking mga mata.

"Paano mo nagagawang tanongin ako sa mga bagay na gagawin mo para sa isang unggoy kung sa akin ko naman gustong gawin mo ang mga bagay na yun?" Paliwanag nya na mas lalong nagpagulo sa utak ko.

"Di ko gets." Ang nasagot ko nalang.

"Please Au wag ka mag pacute I can't resist it." Paarte nitong saad na akala mo napuwing lang dahil may patakip takip pa ng kamay sa mata.

Napairap nalang ako sa ginawa nito.

"Seriously Au, wag naman sana ako ang tanungin mo dahil may feelings ako sayo and kung magsasuggest ako ng mga yun gusto ko gawin mo yun sakin hindi sa unggoy mong manliligaw." Mejo may lungkot sa boses nito.

Napahinga nalang ako ng malalim. Ewan ko ba sa adik na toh kung bakit bigla bigla nalang syang naghayag ng bararamdaman sa akin. Pero tama naman sya di sya ang tamang taong tatanungin ko sa mga bagay na masadaktan sya kaya tumahimik nalang ako at nag isip ng mga pwede kong gawin manaya.

Nang mag-uwian na ay nagpasya akong magpasundo nalang kay manong sa may grocery store dahil bibili pa ako ng mga ihahanda para mamaya.

Saktong pagdating ni manong Vlad ay natapos din ako sa aking pamimili. Agad na kaming umiwi dahil excited ako sa ihahanda ko para sa monthsary namin ni Uji. Usually 11pm pa ang uwi ni nya lately dahil naging sobrang busy na nya kaya marami pa akong oras dahil alas kwatro pa lang naman ng hapon.

Papasok na sana ako ng bahay nang mapansin ko ang isang matandang babae na tila nakamasid sa labas ng fence. Nacurious ako at naghanda ng pera dahi marahil ay pulubi itong manghihingi ng konteng barya base sa suot nito.

"Magandang hapon poh lola. May hinahanap po ba kayo?" Ang bungad ko dito ng makalapit ako.

Nakita king ngumiti ito sa akin at sinuklian ko din ito ng ngiti.

"Mabuti kang bata ijo, nakikita ko sa awra mo ang kabutihan. Pero ang bahay na yan ang magdadal ng kalungkutan sa buhay mo." Saad nito na hindi ko maintindihan.

"Nako ho, lola di nyo poh alam kung anong klaseng saya ang idinulot ng bahay na ito sa buhay ko kaya imposible yang sinasabi nyo lola." Nakangiti kong saad sa kanya.

Nakita kong lumungkot ang ngiti nya.

"Nawa ay magpakatatag ka. Paparito nako at napadaan lang ako sa dating lugar kung san ako nagtatrabaho." Nangiti itong muli at umalis na.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ng matanda at pumasok na sa bahay upang maghanda.

Decorate doon decorate dito. Tadtad doon luto dito ang ginawa ko hanggang mag gabi. Sobrang pagod ko pero sobrang fulfilling ng makita ko ang outcome ang aking pagod. Dati nung sa resto pa ako nagtatrabaho ay nagdedecorate din kami para sa mga vip na nagrerequest na rentahan ang resto.

Napangiti nalang ako at napahinga ng malalim. Hinanda ko ang bath tub namin at lumusong matapos ko malagyan ng bath oils.

Matapos kong maglinis ng katawan ay saktong alas onse na ng gabi. Nakahanda na ang aming candle lit dinner table. Nakadim na din ang lights. Si Uji nalang ang hinihintay ko. Nakangiti kong pinagmasdan ang mga hinanda at paniguradong magugustuhan ito ni Uji dahil lahat ng ito ay paborito nya.

Pumunta ako ng sala at ngumiti ulit sa mga decor na ginawa ko. Mga pictures namin na idinikit ko sa may pahabang creep paper at idinikit ko sa ceiling. Nagmistulang umuulan ng memories ang dating dahil sa mga pictures namin na pumuno sa buong sala.

Umupo muna ako sa sofa habang pinagmamasdan ang ginawa ko. Last month kasi dinala ako ni Uji sa isang mamahaling resto at hotel. Sobrang ganda talaga kaya naenjoy ko ng sobra ang monthsary namin. Kaya naman oras na para ako naman ang bumawi sa kanya.

"Sana sapat na itong mga toh para kay Uji." Ang naibulong ko nalang sa sarili ko habang nakabgiting pinagmamasdan ang mga dekorasyon sa ceiling. Nakadim lang yung lights kaya ramdam ko yung ambiance ng paligid kaya naman sana talaga magustuhan ni Uji ang lahat ng efforts ko.

Ilang minuto nalang at darating na si Uji kaya inihanda ko na ang buong sala. Pinatugtog ko na din ang piano cover ng vmga paboritong music nya para mas gumanda pa ang mood ng buong bahay.

Halos isang oras na akong nakaupo sa sofa pero wala parin Ryuuji na dumarating. Inisip ko nalang na marahil ay nastuck lang ito sa traffic kaya ganun.

"Bau, Bau. Mahal na mahal kita." Malambing na boses ni Ryuuji ang naririnig ko at tila ba hinahalikan ako.

Nang ibinuka ko ang mga mata ko ay liwanag nang sikat ng araw ang sumalubong sa aking paningin.

Hindi ko namalayang umaga na pala at magdamag akong nakatulog sa sofa. At kagaya kagabi ay walang Uji ang dumating.

Nanatili ang mga pagkain sa kanilang kinalalagyan at walang naiba. Ang tanging nagiba lang sa hinanda ko ay ang upos nang kandila na nakalagay sa isang ceramic mould.

Tinignan ko ang cp ko at walang ni isang text na dumating mula sa kanya. Para akong tangang ngumingiti habang lumuluha at isa isang inayos ang mga hinanda kong pagkain kagabi.

"Nako masyado lang ata busy yun kaya di na nakauwi." Kausap ko sa sarili ko.

"Pero sana kahit man lang text or tawag ginawa nya para hindi ako napuyat kakahintay sa pag-uwi nya." Tuluyan na nga akong humagulhol. Mejo maarte ako sa moment ko ngayon, pero kasi ineexpect ko talagang masusurprise ko sya kasi pinaghirapan ko naman ang lahat ng ginawa ko. Ano ba naman yung magtext syang di sya uuwi para sana kumain nalang ako kagabi ng mag-isa.

Matapos kong mailigpit lahat ng ginawa ko kagabi ay naligo muna ako at kinalma ang sarili. Naghire ako ng uber para pumunta ng condo ni Uji. Baka kasi napano na sya ehh kahit naman papano ay nag-aalala ako sa kanya.

Nang makaakyat na ang elevator ay bigla na lamang itong hinarang ng floor kung saan ang pad ni manong Thrace.

Bumungad ito ng bumukas ang pinto ng elevator.

"Manong bakit mo poh ako hinarang? Bibisitahin ko lang si Uji, di kasi sya umuwi kagabi eh." Direktang tanong ko dito.

"Au, tingin ko hindi ngayon ang tamang panahon. Mas maigi siguro kung hintayin mo nalang sya sa bahay nyo." Seryosong saad nito.

"Ipapahatid kita kay Vlad pauwi." Dagdag nito na akma nang papasok ng elevator. Pero pinigilan ko ang tuluyan nyang pagpasok at tinitigan sya sa mata.

Alam kong ramdam nya ang lungkot sa mga mata ko. Mariin din itong tumitig sa akin at kita ko ang simpatya sa mga titig nya.

"Manong please poh. Gusto kong makita si Uji ngayon." Pagsusumamo ko dito.

Napahinga ito ng malalim at di na tumuloy sa pagpasok, bagkus ay pinindot nya ang ok button para umakyat ang elevator sa floor ng pad ni Uji.

Hindi ko alam kung bakit tila ba iba ang aking pakiramdam. Nasa harap na ako ng pinto ng pad at iniaabot na ng kamay ko ang door bell ng pad ni Uji.

Parang may pumupigil sa akin na kung anong pwersa at hindi ko magawang pindutin ang doorbell. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Siguro dala ito ng kakaibang reaksyon ni manong kanina ng makita ako.

Ano ba ang meron ngayon dito sa loob ng condo at bakit ayaw ni manong na tumuloy ako? At anong dahilan kung bakit di man lang nakauwi si Uji sa monthsary namin?

Limang beses kong pinindot ang doorbell nang bumukas ito at tumambad sa paningin ko ang isang babaeng nakaling sleeve polo na tatlo lang ang nabubutones. Kita ko pa ang panty nito at halos mabungaran ko narin pati ang hinaharap nya dahil sa di maayos na pagsuot ng damit. Ang babaeng ito na di ko inaasahang makikita ko ngayon. Ang babaeng pilit ipinapakasal kay Uji ng tatay nya.

"Uji, bakit?" Ang halos bulong kong tanong sa hangin.



Itutuloy....

------------------------

Ayan sana naman mapatawan nyo na ako nyan mejo hinabaan ko ng konte. Konte lang naman lols.

Soar high!!!

Continue Reading

You'll Also Like

133K 6.1K 75
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
3.2K 162 38
Naranasan mo bang ma-inlove? sa kaibigan mo? naranasan mo bang masaktan? yung tipong araw araw kang iiyak. mapapasabi ka na lang na "only love can h...
50K 3K 44
The Runaway Billionaire Written and Owned by IthinkJaimenlove Date Started: January 29, 2022 Date Finish: [DESCRIPTION] "You're the answer I was lon...