Getting Back Together

By shyhen

9.9K 306 56

Sequel of Be My Man. More

Getting Back Together
Prologue
Chapter 1: Bat siya pa
Chapter 2: Leave
Chapter 3: Iba na siya
Chapter 4. It will be okay?
Chapter 5. Forget Him
Chapter 6. I don't love her.
Chapter 7. Heard
Chapter 8. My Life
Chapter 9. Curious.
Chapter 11. Disneyland!
Chapter 12. Eisa Cruz
Chapter 13. Find out.
Chapter 14. Promise.
Chapter 15. Mio.
Chapter 16. Finally.
Chapter 17. Possessive.
Chapter 18. Vacation
Chapter 19. Change.
Chapter 20. Life
Chapter 21. Hug and Kisses.
Chapter 22. It's the right thing.
Chapter 23. Last Kiss.
Chapter 24. Letting Go.
Chapter 25: Revelation
Chapter 26: Mio Zayn Rivera I
Chapter 26: Mio Zayn Rivera II
Chapter 27. Again.
Chapter 28: London.
Chapter 29: Ignite.
Chapter 30: Deem.

Chapter 10. Pregnant

356 12 1
By shyhen

| A L T H E A |


Alas kwatro palang ng madaling araw ng bigla akong magising dahil sa malakas na kalabog sa labas. Pinipilit kong wag pansinin ang mga iyon hanggang sa nakakarinig na ako ng pag hikbi. Tumayo ako at lumapit sa aking pintuan dinikit ko ang tainga ko sa pinto para mas lalo kong marinig.


"I'm Sorry"


Parang kilala ko ang boses na 'yun, hindi ako pwedeng magkamali. Binuksan ko agad ang pinto and as expected si Mio nga.

Nakaupo siya at nakasandal siya sa pader. Hindi niya ata napansin ang pagbukas ko ng pinto. 


"Kasalanan ko ang lahat Althea."


Kumunot ang noo ko sa aking narinig. Ano ba ang mga pinagsasabi niya.


 "Mio okay ka lang ba?"


Tinignan ko ang kanyang mukha at may nakita akong luha galing sa mata niya. Anong nangyari bat siya umiiyak? Tinignan niya ako ng matagal gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Gusto kong yakapin siya pero hindi ko rin magawa. Sobrang dami kong gustong itanong pero kahit isa wala man lang akong maitanong.

Nakaamoy ako ng alak at sigurado akong galing kay Mio 'yun. Paniguradong may problema siya kaya siya nagkakaganyan.


"Kung maibabalik lang sana ang lahat." Muli nanaman niyang sabi. Bumibilis ang pagtibok ng puso. 


Tinulungan ko siyang makatayo at ngayon pantay na kami. Nagtagal ang aming tinginan ng ilang minuto pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa kwarto niya.

Nadagdagan nanaman ang mga gusto kong itanong sa kanya.

Bumalik ako sa loob at naupo sa kama. Hawak hawak ko ang phone ko. Ang dami kong text message galing kay Kervin pati na rin kay Kuya Jarvis pati na rin pala missed call. Huminga ako ng malalim bago humiga. Panigurado hindi na ako makakatulog nito.

Ang dami na palang nangyari hindi ko akalain na magiging ganito. Ilang buwan na rin pala simula ng magulo ang relasyon namin ni Mio pati ang relasyon nila dad at tito stephen. Saan ba talaga nagsimula ang lahat? Naguguluhan pa rin talaga ako. Ang alam ko lang ay ang pag sisisi nila sa amin. 

Hindi ko maisip kung bakit naapektuhan ang relasyon namin  ni Mio. Kung bakit kailangan naming maghiwalay at lumayo sa isa't isa. Mahal naman namin ang isa't isa kaya ko naman ipaglaban siya.

Pero ako pala ang hindi niya naipaglaban. Sumuko siya agad at hinayaang masira kami ng ganito. Lalo pang nagpagulo sa isipan ko kung bakit galit na galit siya sa akin noon tapos ngayon ay humihingi siya ng sorry.

At ang pagkakaalam ko sila ni Aliah. Pero bat ayaw niyang mag usap sila.

Ang gulo mo Mio. Sobrang gulo mo. Umikot ako sa kama ko at tinignan ang pictue frame namin nila dad. Napangiti ako dahil ang saya namin kita sa aming mga mata na wala kaming iniisip na problema ibang iba ngayon.


"Promise pag uwi ko okay na lahat dad. Magiging okay na ang pangalan natin. Magiging masaya na ulit tayo tulad ng dati. Hindi na masisira ang family natin. Hindi na ako magagalit at magtatampo sa inyo"


Tumayo ako para kunin ang laptop ko. Inopen ko ang mga nakasave na files ni dad. Ipapakita ko lahat ito kay Tito Stephen. Ipapakita kong hindi kami ang dahilan.

Hindi, hindi na ako magsasayang ng oras. Bat kailangan pang pag uwi ko kung pwede ko namang isend sa kanya. Great!


---

"Oy!" Tawag ko kay Adrian. Lumapit ako sa kanya at nakangiti naman siya. Napag usapan kasi namin na susunduin niya ako ngayon at sabay kaming papsok sa work.


"Kanina ka pa?" Muli kong sabi. Tinignan niya ang suot niyang casio na relo.


"Isang oras na siguro akong naghihintay." Sabi niya. Tinulak ko siya atsaka sabay kaming tumawa. 


"Halika ka na nga." Sabi niya. 


Binuksan niya ang pintuan at tinulungan akong makapasok sa kotse niya.


 "Thanks." 


Hindi nagtagal ang byahe hindi naman kasi matraffic tulad ng Pilipinas. Ito talaga ang maganda sa States saka pati na rin ang weather malamig. Pero syempre the best pa rin talaga ang Pilipinas. Dahil masaya. Bigla ko tuloy na miss sila daddy. Gusto ko ng umuwi.


Papasok na sana kami ng building ng bigla akong huminto sa paglalakad dahil narinig ko ang pangalan kong sinigaw niya. Nilingon ko siya. 


"Pwede ba tayong mag usap?" 


"Anong kailangan mo sa kanya?" Bago pa man ako maksagot ay inuhan ako ni Adrian.


"I need to tell you something Althea. Please."


Tinignan ko si Adrian at sinenyasan na mauna na siya. 


"May meeting kami ngayon, wala akong oras para makipag usap sayo." 


"Alam ko sira na ako sayo Althea pero I want you to know na maghihintay ako para makapag usap tayo. Please." 


Hindi ko alam kong anong kailangan ni Aliah sa akin bat kailangan niya akong kausapin. Pero mas lalong hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako pumayag na mag usap kami. Nagbigay ako ng oras at lugar kung san kami magkikita. 

Bahala na Althea.

Pumasok ako ng building at muntik na akong mapasigaw dahil ay Adrian. Paano ba namang hindi eh nang gulat siya. Tinignan ako ng guard at tinatawanan ako. Humanda ka talaga sa akin Adrian. 

"Are you okay Ma'am? " Yung boses ng guard halatang nagpipigil ng tawa. Hindi ako sumagot, tinignan ko si Adrian na naglalakad na palayo.

Tumakbo ako para mahabol siya. Nung nahablot ko ang braso niya ay kinurot ko siya at piningot.

"Araaaaaaaaaay!"

Akala mo ha. Yan ang napapala ng makukulit na bata.

"Bye" Sabi ko at iniwanan siya. Nagpunta na ako sa office para maihanda ang mga power point.

Pagdating ko sa loob ay unang hinanap ng mata ko si Mio pero wala pa pala siya. Kahit si Mr. Bruce ay wala pa rin. Iilan pa lang kaming andito inayos ko na ang dapat ayusin at isaksak ang dapat isaksak para pagdating nila ay handa na ang lahat, kami pa naman ni Mio ang mauunang mag present.

Pagtapos ay umupo muna ako. Hinanap ko ang phone ko sa bag pero wala. Oo nga pala naiwanan ko ito sa kama ko. Hay naku Althea sa lahat ba naman ng maiiwanan. Sinara ko ang bag ko at kasabay nun ang pagdating nila Mio dito. Tumayo kami lahat para batiin si Mr. Bruce.

"You can seat down." He said.

Tumabi sa akin si Mio at nginitian ako ganoon na rin naman ang ginawa ko. 

"Are you ready?" sabi niya.

"Of course." I replied.

Tumayo kaming dalawa at sinimulan ang maikling presentation. Kahit wala kaming practice ni Mio ay nagagawa namin ito ng maayos. Alam naman na kasi namin ang mga ito. Nakikita ko sa labi ni Mr. Bruce ang ngiti. Tingin ko ay nagugustuhan niya ang presentation namin. 

"We are ready for your comments and suggestion Sir, Ma'am" Sabi ko.

Nagtaas ng kamay si Mr. Bruce kaya hinayaan namin siya magsalita.

"I'm so happy to what you have done. It's so interesting. I love it" Tinaas ni Mr. Bruce ang kaniyang thumb. Dahilan ngayon ng pag ngiti ko.

Inakbayan ako ni Mio na ikinagulat ko. "Congrtas" Bulong niya.

"Ha? Congrats sa atin" Sagot ko.

Hindi yata tama itong nararamdaman ko. Dapat nawawala na ito. Dapat kinakalimutan ko na siya ngayon. Lumayo ako ng kaunti sa kanya pagkatapos ay umupo na ako. Hinyaan ko siyang mag ayos ng laptop ko.


"Althea tara sabay na tayo kumain." 

"I'm sorry Mio, may pupuntahan kasi ako ngayon."

Mas maganda ng umiwas kaysa masaktan nanaman ulit. Mas maganda ng lumayo para makalimutan siya. Mas maganda na yung ganito.

"Samahan na kita?" Napapikit ako ng mariin. "Mio--"

"Althea please hayaan mo naman akong bumawi sayo." Binawi ko ang kamay ko mula kay Mio. Ang gulo. 

"Wala kang dapat gawin Mio. Hindi tayo in good terms diba saka hindi ko naiintindihan kung bakit bigla kang nagkakaganyan. Pinaglalaruan mo ba ako?"

"No hindi kita pinaglalaruan Althea. Ipapaliwanag ko sayo lahat pag uwi natin ng Plipinas."

Noong ako ba ang gustong magpaliwanag sa kanya noon pinakinggan niya ba ako? Pinagtabuyan niya ako noon ni ayaw niya nga akong makita at makausap. Ang gulo mo talaga Mio.

"Excuse me Ma'am." Sabi ng guard. "Yes?" Sagot ko.

May tinuro siya sa labas at nakita ko si Aliah. Ngayong oras nga pala kami mag uusap.

"I need to go." 

Hindi ko na hinintay sumagot si Mio dahil umalis na ako agad. Sumasakit ang ulo ko sa kanya.

--

Hindi ko makain ng maayos ang pagkain sa harap ko. Hindi ko talaga maisip kong bakit ako pumayag na mag usap kami nitong si Aliah wala naman kaming dapat pag usapan. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari eh.  Bat mo ba ginagawa sa akin to Aliah.

Nasa harap ko si Aliah tulad ko hindi rin siya makatingin sa akin. Umubo ako para masira ang ganitong atmosphere. Bago ako magsalita ay iniinom ko ang tubig na nasa harapan ko.

" Aliah anong kailangan mo?" Sabi ko.

Yumuko siya at hindi tumitingin sa akin. Kinakabahan ako bakit ganito. 

"Althea nakikiusap ako sayo kausapin  mo si Mio Please. Sabihin mo mag usap kami." 

Diretso kaming nakatingin sa isa't isa. Naluluha ang kaniyang mata. A-ano ang dapat sabihin ko? Hindi ko alam kung bakit kailangan kong madamay sa kanilang dalawa.

"Sa tingin ko hindi ako ang dapat hingan mo ng tulong." I said. Tama naman diba bat ako ang hihingian niya ng ganyan.

"Im sorry Aliah pero hindi talaga kita matutulungan." 

Kinuha ko ang bag ko at tumayo na hindi na dapat ako pumayag makipag usap sa kanya.

"Althea I'm pregnant."

Pagkarinig ko nun bigla akong napahinto at humarap ako sa kanya. Parehas kaming nakatayo at nakatingin sa isa't isa. Nanlalamig ang kamay ko. Hindi ako magalaw hindi ko magawang mag salita. 

Hindi ako makahinga.

"Buntis ako."

Stop it! Ayoko ng marinig ng kahit ano mula sa kanya. Buntis siya? At paniguradong si Mio.

Bakit? Bat sobrang nasasaktan ako. Hindi dapat mabuntis si Aliah.



Itutuloy. . . .

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...