My Tag Boyfriend (Season 1)

By OppaAnja

41.3M 686K 172K

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng b... More

My Tag Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
A/N: MTB First Monthsary Celebration 02-02-14
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Ako Puso mo Lyrics
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Special Chapter)
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Author's Note
My Tag Boyfriend Book

Chapter 55

405K 8.3K 2K
By OppaAnja

Chapter 55

Sitti's P.O.V

[Sitti Sandoval — feeling great]

Nakangiti kong clinick yung post para ishare ang status ko sa Facebook.

Bakit ako masaya? Wala lang. Kasi naayos na lahat ng conflict sa buhay ko ngayon.

Friends na kami ni Margaret, nanahimik na yung mga fan girls ni Kaizer at balik Facebook na ulit ang buhay ko ngayon.

Ilang araw na din akong hindi nakakapagbukas ng Facebook ko magmula nang umuwi ako galing retreat house kaya medyo naninibago ako ngayong nakapagpost na ako ng status ko. Mukha ngang inaagiw na yung Facebook ko sa tagal ng last post ko eh!

Tahimik lang ang buhay ko noon. Gaya nito! Facebook-Facebook na lang! Naging magulo na ang lahat magmula na ma-wrong tag ko ang pangalan ng sikat na lalaki sa school namin. Dumami yung issue sa buhay ko. Nandyan yung tungkol kay Kaizer, si Margaret, yung mga fan girls ni Kaizer at iba pa!

Alam nyo yun? Wala na nga akong social life inalisan pa nila ako ng karapatan mag-Facebook nitong nakaraan?! Nakakainis di ba?!

Dagdag mo pa yung mga paper works sa school.

Ito ang nakakainis minsan after ng tour eh! Tatambakan ka ng mga assignments at research ng mga Professors! Tsk! Hashtag fieldtrip problems!

Napabalik ko yung lumilipad kong utak sa harap ng monitor ng computer ko nang maglabas iyon ng popping sound. May natanggap akong bagong notification.

[Kaizer Buenavista liked your post.]

Nanlaki yung mata ko nang makita ko na ni-like ni Kaizer yung post ko.

Hindi si Kaizer na Kaizer ah? Kundi si Kaizer na fictional character. Yung kapartner ko sa story na ino-OP ko? OP means operator nga pala para sa mga hindi pa nakakaalam.

Mabilis kong hinanap yung pangalan nya sa mga online friends ko at clinick ang name nya nang makita ko sabay type ng message ko sa chatbox.

[Kumusta ka na? Pasensya na pala hindi ako nakapagpaalam noong nakaraan na aalis kami. Hindi tuloy kita na-inform. May mga na-miss ba ako?]

Nakita ko sa chatbox nya na nagtatype sya ng irereply sa akin. At ilang sandali pa nga ay nakapagreply na sya sa akin.

[Maliban sa mga bagong updates sa story, sa tingin ko naman wala na.]

Magrereply pa lang sana ako ng pasasalamat nang bigla na naman syang nagmessage sa akin.

[Pero ako may na-miss...]

Napakunot-noo ako sa sinend nya sa akin saka nagsimula na namang magreply sa kanya.

[Huh? Anong na-miss mo? Umalis ka din ba? Hala! Lagot tayo kay author nito! Nagiging pabaya na tayo sa pag-o-OP natin! Siguro dapat magsorry tayo kay Ate mamaya. Online ba sya ngayon?]

Medyo natagalan yung pagrereply sa akin ng OP ni Kaizer FC.

[Haha! Hindi naman magagalit si Ate. Maiintindihan ka noon! Saka hindi naman ano yung na-miss ko eh kundi sino...]

[Huh? Di kita naiintindihan. Sino bang na-miss mo?]

[Ikaw.]

Nabitin sa ere yung mga daliri ko sa tapat ng keyboard ng PC ko habang titig na titig ako doon sa last na message nya sa akin.

Ako? Na-miss ako ng OP ni Kaizer?

Bakit?!

[Joke ba 'to?]

[Mukha ba akong nagjojoke?] reply nya agad.

[Paano ko malalaman na mukha kang nagjojoke kung di ko naman nakikita yung mukha mo?] sagot ko sabay lagay ng nalilito na emoticon.

Na-seenzoned ng OP ni Kaizer yung last message ko sa kanya na kinahinga ko ng maluwag.

"Sabi na! Joke lang yun eh!"

Mininimize ko na yung chatbox nya saka ako tumingin sa news feed ko at nakibalita sa mga post ng mga friends ko sa FB.

Bakit kaya ganoon sa Facebook ano? Nauuso yung profile picture na pa-collage? Nagtataka ako kung bakit? Dapat na ba akong magpalit ng picture ko at makiuso sa kanila?

Saka pansin ko din, uso mga parinig sa Facebook ano? Gaya nung mga post na may kinalaman sa crush, lovelife at kung ano-ano pang bagay na may kinalaman sa love.

Ito pa nakakatawa sa Facebook minsan. Uso yung mga post napangteleserye! Yung may mga post na halos ikwento na nila yung buhay nila sa Facebook?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iiscan ng mga post ng mga schoolmate ko sa newsfeed ko nang bigla ulit tumunog yung PC ko saka nagkaroon ng red number one yung chatbox ni Kaizer OP.

"Akala ko tinulugan na nya ako..." sabi ko sa sarili ko saka binuksan ulit yung chatbox.

Kumunot ulit yung noo ko nang makita ko na pinadalhan nya ako ng audio message.

Alam nyo yun? Yung magrerecord ka ng sasabihin mo tapos isesend mo sa ka-chat mo? Kaya lang nagagawa lang yan kapag nakamobile ka eh!

Sinuot ko yung headphone ng computer ko saka ko plinay yung message ng OP ni Kaizer sa akin.

[See you soon Felicity Sandoval.]

Ilang sandali ding naghang yung utak ko sa narinig ko.

Wala sa sarili ko na inalis ko yung headphone sa tenga ko saka ako napatitig ulit sa chatbox namin ni Kaizer FC.

Bakit nya sinabi iyon? Para saan iyon? Saka ano daw? See you soon?!

Ilan lang yan sa mga tanong na gumugulo sa utak ko.

Nung matauhan na ako, mabilis akong nagtype ng message sa kanya.

Alam nyo matagal na akong nahihiwagaan sa OP ni Kaizer FC eh! Naaalala nyo ba yung panahon na sabi nya pupunta daw sya doon sa Mister and Miss Eastton contest pero hindi naman sya nagpakita sa akin? Yung sinabi nya na isasayaw nya daw ako pero wala namang Kaizer OP ang nagkipagsayaw sa akin maliban kanila MM, Kaizer at Kris?

'Kung ganoon, isa talaga sa kanila yung nag-o-OP kay Kaizer FC?!' sa isip ko.

Madiin yung pagkakapindot ko sa enter saka lumabas yung message ko para sa OP ni Kaizer sa chatbox namin.

[Sino ka ba talaga? Kilala mo ba ako? Anong pangalan mo? Taga-Eastton ka din ba? Saka paano mo nalaman yung buong pangalan ko? Sitti lang naman nakalagay sa Facebook ko ah! Saka ano yung ibig sabihin ng "See you soon" mo? Ibig sabihin ba nito makikipagkita ka sa akin? Pwede ba iyon? Allowed ba sa mga OP na makipagkita sa isa't-isa ng walang paalam sa author?]

Madami pa sana ako gustong itanong sa kanya kaya lang hanggang dyan lang nakaya ng mga daliri ko.

Sobrang titig na titig talaga ako doon sa chatbox namin. Na para bang kapag kumurap ako, mamimiss ko yung mga magiging sagot nya sa mga tanong ko.

Saka inaabangan ko din kung hanggang saan tatagal yung Kaizer is typing... na nakalagay sa chatbox eh!

Gusto ko talaga sya makilala. Gusto ko syang makita. Saka gusto ko ding makumpirma yung hinala ko na kung isa nga sya doon sa tatlo.

Pero napapaisip din ako. Paano nga kaya kung yung OP ni Kaizer FC ay isa kanila Kris, MM at Kaizer? Paano nga kaya kung nasa tabi ko lang yung OP ni Kaizer? Ano kayang magiging reaksyon ko kapag nakilala ko sya? Ano kayang magiging reaksyon nya? Saka bakit sya nagtatago sa akin? Ano bang meron?

Ang daming tanong sa utak ko. Kasing dami ng tanong sa mga assignment ko na hindi ko pa nagagawa kasi na-distract ako ng pagpi-Facebook ko. Hashtag estudyante problems!

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang tumunog na yung PC ko saka ko nakita yung reply sa akin ni Kaizer FC OP.

[May photoshoot ka pa bukas di ba? Matulog ka na. Baka hindi maganda maging itsura mo bukas kapag nagpuyat ka.]

"Photoshoot?" takang ulit ko sa sarili ko.

Paano nya nalaman iyon? Ako nga di ko alam na may photoshoot eh! Saan nya nalaman iyon?

Parang may bombilya na umilaw sa ibabaw ng ulo ko nang maisip ko yung posibleng sagot sa sinabi sa akin ng OP ni Kaizer saka ako nagreply ng sagot ko sa kanya.

[Ah! Siguro nagpapalusot ka lang sa akin kaya di mo ako sinasagot ano?]

Nakita ko na nagtatype na sya ng irereply sa akin saka lumabas yung message nya sa akin.

[Good night, Sitti. See you soon.]

Iyon lang yung huling sinabi nya saka hindi na nagreply pa ulit.

Muli na namang dumami yung tanong sa utak ko.

At habang nag-iisip ako ng sagot sa tanong ko, aksidente akong napatingin sa lower right corner ng monitor ng PC ko.

"10:00 PM NA!"

Sandali ko munang inalis sa utak ko yung mga tanong ko sa OP ni Kaizer at saka nagsimulang puntahan si Pareng Google at nagsimula ng magresearch para sa assignment ko.

'Note to self. Wag mag-oopen ng Facebook kapag hindi pa tapos ang assignment!'

Kahit na nagreresearch ako ng assignment ko, hindi ko pa din maiwasan na isipin kung sino ba talaga yung OP ni Kaizer FC.

Saka kung talaga ngang kilala nya ako, bakit hindi pa sya nagpapakilala sa akin? Saka bakit lagi syang pabugtong magkipag-usap sa akin? Saka para saan yung audio message? Trip nya lang? At bakit nagkakaganito sya ngayon? Dati naman tahimik lang sya ah!

Dati naman kapag nag-usap kami, tungkol lang sa bagong chapter ng binabasa at pinagbibidahan naming story ang topic. Tapos minsan nagkukumustahan din kami pero minsan lang talaga!

Pero mula yata nung na-wrong tag ako kay Kaizer, naging matanong na sya, lagi na akong kinukumusta at lagi na syang nakikipagchat sa akin.

Napasinghap ako nang may maisip ako.

"Hindi kaya...hindi kaya si Kaizer talaga ang OP ni Kaizer?!"

Nanlaki mata ko doon sa naisip ko pero maya-maya iniling ko din yung ulo ko.

"Ay hindi! Hindi sya iyon! Hindi nga yun laging nag-oopen ng Facebook eh! Hindi ko sya nararamdaman sa Facebook. Saka kahit na magaling syang magbitaw ng mga salita gaya ng mga author sa Wattpad, tingin ko naman hindi sya nagwawattpad."

Napapatango ako sa mga sinabi ko. "Tama. Hindi sya iyon!"

Si Kaizer? Mag-o-OP?!

"Imposible!"

***

"HUH?! PHOTOSHOOT?!"

"Pwede ba loser wag ka ngang sumisigaw?! Nababasag eardrums ko sa'yo!"

Hindi ko na lang pinansin si Margaret saka nagfocus doon sa sinabi ni Patty na may photoshoot daw kami.

Alam nyo ba? Magmula ng maging kaibigan ko si Margaret, parang nasanay na ako sa mga pinagsasabi nya. Saka parang pakiramdam ko medyo nagkaroon na ako ng tiwala sa sarili ko. O baka lakas yun? Ah basta! Parang ganoon! Nakakahawa yung strong personality ni Margaret kaya parang minsan pakiramdam ko nagiging strong din ako kapag natatabi ako sa kanya.

Kasi alam nyo kahit na nakakaintimidate yung personality ni Margaret, mukha naman syang okay. Okay, malidta nga sya, hindi pa din nawawala yung pangbubully nya doon sa iba at madami pa din syang ginagawang masama. Pero kapag malapit ka sa kanya, hindi ka nya gagalawin...parang ganoon.

Alam nyo yun? Parang palihim na pinapahalagahan ni Margaret yung pagkakaibigan namin? Kaya kahit inis na inis na sya sa akin minsan hindi na nya ako sinasaktan gaya ng dati.

"Wag mo ngang tinatawag-tawag ng ganyan yung girlfriend ko!"

"Bakit? Totoo namang loser sya ah?! Saka totoo namang nakakabasag sa eardrums ko yung boses nya!"

Pumagitna ako kay Kaizer at kay Margaret nang magsimula na silang magsagutan.

Obvious naman siguro na hindi gusto ni Kaizer si Margaret dahil nga doon sa ginagawa nya sa akin noon. Si Margaret naman...well, sa tingin ko inis na din sya kay Kaizer ngayon.

Mukhang tuluyan na ngang nalipat kay Kaizer yung galit nya para sa akin.

"Di ba nasabi ko na sa'yo kahapon na may photoshoot kayo ngayon para sa advertisement ng school natin for the upcoming semester?"

Napatingin ako kay Patty. "Huh? Wala akong natatandaan."

"Ano ka ba Sitti! May sinabi kaya ako sa'yo!" sabi ni Patty sabay pout ng labi nya sa akin.

Grabe! Ang cute nya!

Bakit ba ang unfair ng mundo? Si Margaret, kahit maldita, maganda. Si Patty, president na ng mga clubs at orgs, laging madaming ginagawa at inaasikaso pero cute pa din.

Ako, puro Facebook na nga lang ginagawa ko sa buhay ko pero hindi pa din ako gumaganda.

Ay mali! Hindi pala talaga ako maganda.

Nakakainis! Bakit ba ako nadidikitan ng mga magagandang nilalang?! Si Sunako Nakahara ba ako? Yamato Nadeshiko ba 'to? Nasaan si Kyohei?! Ilabas nyo si Kyohei!

"Pwede ba magquit?" tanong ko kay Patty sabay palihim na hinahakbang yung paa ko palayo sa lugar namin sa tapat ng student organization office.

Tatakas ako! Hindi ako pupunta sa photshoot-photoshoot na iyon!

Pero, bago pa ako makaikot at makatakbo para makatakas, bigla na lang tumabi sa tabi ko si Kaizer sabay inakbay nya sa akin yung isang braso nya.

"Pasensyahan na lang TG pero ginawa din namin 'to noon kaya gagawin mo din." sabi ni Kaizer saka mas hinigpitan yung hawak nya sa balikat ko nang sinubukan ko ulit tumakas. "At isa pa, unfair kung kami lang kukunan tapos ikaw hindi? Kaya sasama ka sa amin."

"Ayoko! Sa inyo pwede kasi magaganda kayo! Eh paano naman ako? Wag nyo naman akong ipahiya sa buong school!"

"Ang O.A mo naman loser! Parang pipicturan ka lang naman!"

"Sino bang nagsabing panget ka, TG?" kunot-noong sabi ni Kaizer sabay harap doon kay Margaret. "Hoy! Di ba sinabi ko ng wag mong tatawaging loser ang—"

Nilagay ko yung isang kamay ko sa tapat ng bibig ni Kaizer para manahimik sya ng hindi na sila ulit magsagutan ni Margaret at nang ako naman ang makipag-usap kay Margaret ngayon.

"Wala akong alam sa photoshoot-photoshoot na yan. Ni hindi nga ako maganda eh! Kaya bakit ako yung ilalagay sa poster?!"

Ganito kasi yan, yung nanalong Mister and Miss Eastton University noong nakaraang competition ang magiging cover girl and cover boy para sa poster advertisements ng school para sa susunod na semester. Alam nyo na? Pang-akit sa mga estudyante?

Ang sabi pa sa akin ni Patty kanina pagdating na pagdating ko, gagawan din daw kami ng hindi medyo malaking billboard sa may bayan para mas madami daw yung makakakita sa amin at mahihikayat na mag-enroll sa Eastton.

At ito pa! May commercial pa daw kaming gagawin ni MM! Lalabas kami sa TV!

Oo. Si MM. Sya yung kasama ko doon. Di ba sya yung nanalong Mister Eastton?

At iyon ang problema ko. Ayoko ko na pinipicturan ko, lalo na ang kukuhanan para sa TV commercial! Magselpie pwede pa! Pero yung kukuanan ako? Ayoko!

Naiinis nga ako kapag class picture at ID picture day nung highschool pa lang ako eh! Alam nyo yun? Yung mga camera sa school may magic! Yung tipong nag-ayos ka ng maganda para maganda yung picture mo sa ID at class picture pero pagtingin mo ang panget pa din ng itsura mo sa picture.

Eh ano pa kaya kung panget yung pipicturan nila gaya ko?! Ano na lang mangyayari sa school namin? Walang ng mag-eenroll! At hindi kahika-hikayat yung mukha ko para piliin nila yung Eastton dahil lang sa nakita nila mukha ko sa mga posters.

"Well it's your fault dahil inagawa mo sa akin ang crown ko."

Bigla kong naiyakap sa bewang ni Kaizer ang mga braso ko nang balak nyang sugurin si Margaret dahil doon sa pagtataray na naman nya sa akin.

Kaya lang mukhang wrong move pala yung nagawa ko kasi parehas kaming natigilan ni Kaizer sa ginawa kong pagyakap sa kanya...IN PUBLIC! Sa harap ni Patty at Margaret pa!

Mabilis kong inalis yung pagkakayakap ng mga braso ko sa bewang nya at tumalikod sa direksyon nya. Ganoon din yung ginawa nya. Tapos biglang namula yung mukha ko sa sobrang kahihiyan. Tingin ko yung kanya din. Ah ewan! Basta nakakahiya ako!

Niyakap ko si Kaizer Buenavista sa harapan ng mga kaibigan namin?!

NIYAKAP KO SYA?!

"Uy!!!"

Mas lalong namula yung mukha ko nang tuksuhin kami ni Patty.

"PDA couples are so annoying!"

Napatingin ako kay Margaret nang bigla syang magsalita sabay flip ng buhok nya na tumama pa sa mukha ko at saka sya nagcat walk exit.

"Teka lang Margaret!"

Tinawag ko yung pangalan nya para mag-explain sana na hindi ko sinasadya yung pagyakap kay Kaizer at hindi ko plinano iyon at syempre para linisin ang pangalan ko at maalis sa PDA couple list nito kaya lang nakaalis na sya ng hindi man lang lumilingon sa akin.

"Hayaan mo na sya Sitti." sabi sa akin ni Patty habang nakasunod ito ng tingin kay Margaret. "Una syang kukuhanan sa gym kaya umalis na sya. Ayaw ni Margaret na nalilate sa mga appointment."

"Paano mo nalaman yun?"

"Ano ka ba! Sa tinagal-tagal ko ba naman sa org at sa tagal kong nakikita si Margaret, napapansin ko di naman yung mga ginagawa nya paminsan-minsan."

"Ah..." sabi ko na lang saka umikot paharap sa katabi ko.

Kaya lang nakalimutan ko, na hindi ko nga pala dapat gawin iyon kasi kakayakap ko lang sa kanya kanina. Bigla na naman tuloy namula yung mukha ko nang maalala ko yung kakapalan na ginawa ko.

'Eh bakit ka ba nahihiya?! Boyfriend mo naman sya eh! Libre yakap dyan!'

Alam nyo, minsan naiisip ko na para na akong si Kyoko Mogami ng Skip Beat. May little devil voice sa loob ng utak ko na mahilig may side comment kahit hindi naman sya kinakausap.

"A-Alis na din ako."

Nagulat ako nang biglang magsalita si Kaizer sabay dumaan sa harap ko.

Napansin ko pa yung pag-alis nya ng kamay nya sa tapat ng bibig nya saka yung pag-aayos nya doon sa bangs nya.

Teka? Namumula din yung mukha ni Kaizer?!

Nung akala ko aalis na sya, bigla syang huminto sa harapan ko saka nya pinatong yung isang kamay nya sa ulo ko at marahang ginulo yung buhok ko.

"Kahit na hindi ka maging maganda sa advertisement poster ng school, okay lang. Kahit walang tumingin sa mga pictures mo, ako..." sabi nya saka binaba nya yung ulo nya para magkatapat yung mga mukha namin. "Ako ang titingin sa mga pictures mo."

Matapos guluhin ulit ni Kaizer yung buhok ko, umalis na sya at iniwan kaming dalawa ni Patty.

At magmula ng umalis din si Kaizer sa harapan ko, mas lalong namula yung mukha ko at umalis sa katawang lupa ko yung kaluluwa ko sa sobrang gulat sa sinabi nya at sa kilig na din.

"Sitti! Huy! Sitti! Ayos ka lang?"

Winawagayway ni Patty yung kamay nya sa harapan ng mukha ko pero wala doon ang atensyon ko kundi nasa ginawa at sinabi ni Kaizer.

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko ng maramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko doon.

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, kapag inalis ko yung kamay ko sa tapat ng dibdib ko, pakiramdam ko bigla na lang tatalon palabas ng dibdib ko yung puso ko.

"Masama na 'to..." sabi ko sa sarili ko.

"Huh? Anong masama?" takang sabi ni Patty sabay hawak sa mukha ko. "Hala! Ang init ng mukha mo Sitti! Okay ka lang ba?!"

"Masama na talaga 'to..." sabi ko ulit sa sarili ko habang nakatingin pa din ako sa kawalan at habang hawak ko pa din yung dibdib ko.

Mukhang sobrang in love na yata ako kay Kaizer Buenavista.

Mukhang na-overdose na ako sa pinaka sikat na lalaki sa school namin.

Nung bumalik na sa katawan ko yung kaluluwa ko, inayos ko yung sarili ko at marahang tinapik-tapik yung mukha ko para mabawasan yung pagbubuhol-buhol ng brain nerves ko.

Nung okay na ako, bigla akong natigilan nang may maalala ko sa naging usapan namin ng OP ni Kaizer FC kagabi.

[May photoshoot ka pa bukas di ba? Matulog ka na. Baka hindi maganda maging itsura mo bukas kapag nagpuyat ka.]

Tama sya! Tama yung sinabi nyang may photoshoot nga kami ngayon!

'Pero paano nya nalaman ang tungkol dito?'

Bahagyang nanlaki yung mata ko nang maisip ko yung nag-iisang posibleng sagot.

"Nandito nga sya. Nandito sya sa Eastton!"

At isa nga sya kanila MM, Kris at Kaizer.

Pero...sino sa kanilang tatlo ang OP ni Kaizer?

Sino?

A/N: Hello TAGGERS! Maraming salamat sa patuloy na suporta sa My Tag Boyfriend. Malapit na tayong mag-10 million! Yehet! Keep on supporting My Tag Boyfriend huh? Support nyo din other story ni otor. Kekeke. Saka do not forget to comment ah? You know naman how I love reading your comments kaya sana lagi kayong magcocomment okay?

Nga pala, sabi ko last chapter na may selosan sa Chapter na ito. Well, sorry to tell you guys. Nalipat sya sa next chapter. LOL! Sarreh okay? Sarreh! *insert Cheon Song Yi voice here*

Anyway, sino nga kaya yung OP ni Kaizer FC (fictional character) ano? Pasensya na guys pero hindi ko sya pwedeng ireveal agad kasi...isa sya sa mga twist. Yung kung sino ba yung OP ni Kaizer FC. But malalaman nyo din kung sino sya someday. May ibang hula na tama pero hindi ko pwedeng ipinpoint kung sino mga iyon. Mwahaha!

LEAVE COMMENTS! Mwah! Love love you TAGGERS! AJA! FIGHTHING!

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 11.5K 11
"So, it's you and me again, huh, Jet?" Akala ni Jet naka-get over na siya kay Zoe. Halos kalahating taon din ang lumipas bago niya itong mulin...
628 222 75
An Epistolary | Completed Keisha WP always hiding something she is not vocal person who well confess her feelings or her displeasure to her family. U...
623K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.
1.6M 11.2K 9
Gaano mo kamahal ang boyfriend or girlfriend mo? Or kung sinoman 'yang pinagpapantasyahan mo? Ako simple lang. I made a list of my favorite character...