Knight's Sweet Vow COMPLETED...

By PHR_Novels

646K 11.8K 198

Knight's Sweet Vow By Victoria Amor "Nawalan ng kakayahang magmahal ang puso ko mula nang mawala ka." Si Th... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 4

22.6K 395 11
By PHR_Novels


"SI ARQ ba 'yong kasama n'yo nina Pam at Trini sa library kanina?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Theo kay Miliza habang nagmamaneho ito.

Pauwi na sila nang hapong iyon. Nakapuwesto si Miliza sa backseat habang nasa passenger's seat naman si Ate Lia. Tulad ng madalas mangyari kapag isinasabay sila ni Theo sa kotse nito pauwi, nakikipagkuwentuhan ito sa kanya na parang hindi nag-e-exist ang ate niya sa tabi nito. Kaya siguro tinatamad si Theo na kausapin ito ay dahil likas na tahimik ito at tipid magsalita.

Ikinuwento niya sa mga ito ang nangyari sa "date" nila ni Santi noong Sabado at ang pag-e-effort nito na baguhin ang hitsura nito.

"Crush mo ba siya?" tanong ng Ate Lia niya sa kanya.

Minsan ay hindi niya maintindihan kung bakit pabor ito na marami siyang crush. "'Yong substitute teacher namin kanina sa Math ang bagong crush ko!" nakangising sagot niya. "Grabe! Ang guwapo niya at ang galing pa niya sa numbers!" Weakness niya ang Math kaya plus pogi points sa kanya ang lalaking magaling doon.

"Natural! Teacher siya, eh," tila naaasar na sabi ni Theo. "Alangan namang tatanga-tanga siya sa subject na itinuturo niya."

Inirapan niya ito. "Kahit kailan talaga, lagi mong pinapatay ang kilig moments ko."

Mula noong nagsimula siyang magka-crush sa iba—lingid kay Theo na ito ang ultimate crush niya—ay wala na itong ginawa kundi laitin ang mga crush niya. Pulos negatibo ang nakikita nito sa mga iyon. Madali pa naman siyang maapektuhan ng negatibong opinyon nito kaya mabilis mawala ang crush niya sa mga iyon.

"Bakit hindi na lang si Arq ang bigyan mo ng pansin, Zhang? Kung nag-iba siya ng looks dahil sa 'yo, may ibig sabihin 'yon," sabi ni Ate Lia.

Nakakunot ang noong tiningnan niya ito. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Bumaling ito kay Theo. "Itanong mo kay Theo, lalaki siya kaya alam niya ang ibig kong sabihin."

Tiningnan niya si Theo. Nagkibit-balikat lang ito. Pakiramdam niya ay nagkukunwari lang ito na hindi nito naiintindihan ang punto ni Ate Lia. Sa ibang araw na lang niya ito kukulitin.

"Kailan natin gagawin 'yong project natin?" pag-iiba ni Ate Lia sa usapan. Nakatingin ito kay Theo.

"Ako na lang ang gagawa n'on," sagot ni Theo. "Pag-usapan na lang natin 'yong part mo sa report 'pag natapos ko na 'yong project."

"Sure ka? Ayaw mong tulungan kita? Puwede naman akong pumunta sa bahay n'yo—"

"It's okay, Lia. Kayang-kaya ko na 'yon."

"Okay," tila napipilitang sang-ayon ng stepsister niya. Sa nakikita niya, mukhang gustong-gusto nito na tumulong sa paggawa ng project ng mga ito.

Kunsabagay, sa tuwina ay mabait si Theo sa ate niya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na ito ang gumawa ng project tuwing nagkakasama ang mga ito sa iisang grupo.

Ngunit pagdating sa kanya ay harsh ito. Tuwing hihingin niya ang tulong nito sa paggawa ng project niya o hihingin niya ang opinyon nito tungkol sa assignment niya ay hindi ito pumapayag na wala siyang gagawin. Hindi siya tutulungan nito hangga't hindi siya pumupunta sa bahay nito. Kailangan niya itong samahan at tulungan habang ginagawa nila ang project niya. Madalas ay sinasadya nito na tagalan ang paggawa. Kapag ganoon ay sa bahay na ng mga ito siya nagdi-dinner, pagkatapos ay inihahatid siya nito pauwi. At habang-daan ay nagkukuwentuhan sila at kung minsan ay naghahabulan pa nga sa kalsada, lalo na kapag maliwanag ang buwan.

"May project din ako," sabi niya. "Mga essay tungkol sa mahahalagang tao, kasama ang isang athlete sa school natin—"

"Ako na lang ang interview-hin mo," maagap na prisinta ni Theo. Proud na proud ang ngiti nito. Kasama kasi ito sa ipinagmamalaking basketball team ng eskuwelahan nila.

Inirapan niya ito. "Ayoko nga. Ang gusto kong interview-hin ay isang humble na athlete." Ang totoo ay humble ito pero kung siya ang mag-i-interview rito ay siguradong pulos kayabangan ang mapapala niya rito. Maiinis lang siya. "May napili na 'ko. Si Drio, 'yong chess player na classmate n'yo."

"Si Drio? Hindi papayag 'yon," tila siguradong-sigurado na sabi nito.

"At bakit hindi?"

"Busy siya," sagot nito.

000B3

Continue Reading

You'll Also Like

33.7K 1K 17
"Ang hirap sa iyo, Rustico, ayaw mo pang umamin. May gusto ka rin naman sa akin, nagpapakipot ka pa!" Masuwerte si Bianca sa buhay. Nakukuha niya ang...
708K 25.1K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
49.3K 903 22
[FIRST PUBLISHED BY LIFEBOOKS WITH TITLE: HELLO THERE MY MR ANSWERED PRAYER] Hero material. Iyon ang unang pumasok sa isip ni Sophia nang makita niya...
167K 5.6K 70
Harper Andaya-Worst nightmare ko ang mag-perform onstage. Kaya tinanggihan ko ang pangungulit ni Sef-marketing executive ng TMG kung saan songwriter...