My Guardian Devil

By iamsograce

11.4K 183 39

He is the man who has good looks, oozing with sex appeal, came from upper class... almost perfect, but with d... More

Prologue
Chapter 1 -- I See Fire
Chapter 2 -- Eye Of The Tiger
Chapter 3 -- A piece of cake
Chapter 4 -- Pretty Boy
Chapter 5 -- Punishment
Chapter 6 -- Saved By The Angel
Chapter 7 -- The Date Wrecker
Chapter 8 -- Fearless
Chapter 9 -- The Devil's Hug
Chapter 10 -- Sleeping On A Lion's Den
Chapter 11 -- The Devil And The Angel
Chapter 12 -- Runaway
Chapter 13 -- Brannigan
Chapter 14 -- Truculent attitude
Chapter 15 -- The Menace
Chapter 16 -- A Song For The Brokenhearted
Chapter 17 -- The Call
Chapter 18 -- The Preparation
Chapter 19 -- A Dark Masquerade Ball Part I
Chapter 20 -- A Dark Masquerade Ball Part II
Chapter 21 - Enticement
Chapter 22 - The Game Between Love And Death
Chapter 23 -- Music Box
Chapter 24 -- Start Of Something New
Chapter 25 -- Status: Its Complicated
Chapter 26 -- Confessions Of A Broken Heart
Chapter 27 -- The Cry Of A Pleading Heart
Chapter 28 -- Stealing Kisses
Chapter 29 -- Reality Is Better Than Dream
Chapter 30 -- Green-Eyed Monster
Chapter 31 -- Love And Hate
Chapter 32 -- When Fire Meet Gasoline
Chapter 33 -- Everyone's Anguish
Chapter 34 -- Whisphering Stained Heart
Chapter 35 -- Harmonizing Relationships
Chapter 36 -- Let The Flames Begin
Chapter 37 -- The Dagger In You
Chapter 39 -- Breaking Fences
Chapter 40 -- Burning Lights
Chapter 41 -- Days Of Melancholy
Chapter 42 -- New Horizon
Chapter 43 -- Moments Between Intensities
Chapter 44 -- Still Into You
Chapter 45 - The Intoxicated Truth
Chapter 46 -- Cold Blood, Warm Heart
Chapter 47 -- A Mealymouthed Felicity

Chapter 38 -- An Acrimonious Tiff

75 1 0
By iamsograce


Chapter 38 -- An Acrimonious Tiff

"Hello, Helaena?" Paunang sabi ni Cahli nang sa wakas ay sagutin na din ng kaibigan ang kanyang tawag.


"Cahli, napatawag ka?"


"Nasa'n kaba? Ano bang ginagawa mo? Kanina pa kita tinatawagan ah." Inis na sabi nito.


"Ay, galit agad?" Sabi ng nagbibirong si Helaena. "Nasa kalagitnaan ako ng interview kaninang tumatawag ka. Alanganaman sagutin ko, diba?"


"Interview for?"


"Nasa Makati ako ngayon. Nag a-apply ng trabaho. Alam mo naman ang sitwasyon ko at ng Pamilya ko."

"Ewan ko sa'yo. Sabi ko naman sa'yo pwedeng pwede ka namang mag apply sa kumpanya nami diba? Ayaw mo naman."


"Ilang beses ko din bang sasabihin sa'yo na, okay lang ako. Kaya ko. Ayokong isipin ng iba na kaya lang ako nakapasok sa trabaho dahil kaibigan ko ang anak ng may-ari nito."


"Shame on you and your pride and your ego. Tss!"


"Cahli, kung sesermonan mo lang ako, pwede ba mamaya nalang? Lilibutin ko pa lahat ng kumpanya dito sa Makati hangga't matanggap ako sa trabaho."


"Oopps! Wait. Don't hang up yet." Pigil ni Cahli sa kaibigan. "The main reason why I called you is because of Brylle."


"What about him?"


"Hindi kapa ba niya tinatawagan o pinupuntahan?"


Hindi sumagot sa Helaena at nag-isip saglit.


"The way I see it, mukhang hindi pa nga. Nasa Pilipinas na siya, sila ng Pamilya niya. My Dad told me so. How did I know? Well, because he had an early breakfast meeting with Tito Lorenzo."


"Baka naman ang Daddy lang niya ang umuwi."


"Nakita din ni Dad sina Brylle, Bryant and si Tita Cindy sa restaurant where they had their meeting. Nasa Pilipinas na sila kahapon pa."


Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Helaena. Hindi niya maipaliwanag ang mararamdaman sa mga narinig. Bakit hindi siya tinawagan ni Brylle na nakauwi na pala sila ng Pilipinas.


"Its been already five days since they left for Singapore. Diba ang sabi niya sa'yo three days lang sila do'n? Then why he didn't called you? May problema ba kayo ni Brylle?"


Ayaw mag isip ng masama ni Helaena tungkol kay Brylle hangga't hindi niya ito nakaka usap.


"Uhm.. Maybe something came up, kaya-kaya hindi pa din niya'ko tinatawagan hanggang ngayon. Cahli, ayokong mag-isip ng masama tungkol kay Brylle."


"Then call him right away. You need to know what happened. You need to know his reasons. You need to--"


Hindi na ma absorb ni Helaena ang mga sinasabi pa ni Cahli kahit naririnig niya ito. Natigil siya sa paglalakad at napokus ang tingin niya sa isang restaurant at sa isang table nando'n si Brylle kasama sina Bryant, Venice at isang babae na hindi niya kilala. Seems they are having fun while they are having their lunch.


"Helaena, are you still there? Helaena?" Tawag ni Cahli sa kaibigan nang hindi na ito nagsasalita sa kabilang linya.


Hindi na nagsalita si Helaena kay Cahli at inend lang niya ang tawag nito. Hindi na kasi niya alam ang sasabihin o mararamdaman nang makita niya si Brylle. Magkatabi sina Brylle at yung magandang babaeng kasama nila. Sa tantya ni Helaena ay nasa early 20's din ito.


Tila napako si Helaena kanyang kinatatayuan at nakatitig lang sa glass wall ng restaurant kung saan kumakain sina Brylle. Simula kasi ng magpaalam si Brylle kay Helaena na papunta sila ng Singapore ay hindi na niya ito muling nakausap. Hindi na muling tumawag sa kanya si Brylle. Ni sa social media ay hindi na siya nito kinontak. Nagtaka man ay pinabayaan nalang ni Helaena dahil alam niyang kailangan munang mag focus ni Brylle sa kanyang Pamilya. Kailangan niyang mag enjoy kasama sila. Kaya maski siya ay hindi na muna niya ito inistorbo dahil alam naman niyang tatawagan agad siya ng boyfriend pag uwi ng mga ito sa Maynila. Pero tila nagkamali siya sa kanyang inakala.


Kung totoo mang kahapon pa umuwi sina Brylle ay bakit hindi siya nito tinawagan o pinuntahan man lang. At ngayon, makikita niya ang boyfriend sa isang restaurant kasama ang isang magandang babaeng hindi niya kilala at ngayon lang niya nakita.


Hindi alam ni Helaena kung papasok ba siya sa loob ng restaurant para kausapin ang boyfriend o ano. Nang napagpasyahan nalang niyang tawagan ito sa kanyang cellphone.


"Helaena?" Agad na bungad na sabi ni Brylle nang sa wakas ay sagutin na niya ito matapos itong mag ring ng ilang ulit. Alangan pa niya itong sagutin nung una.


"B-Brylle." She stuttered. Hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin dito. Nakatingin lang siya kay Brylle. Habang ang mga ito ay hindi pa siya napapansin.


"Helaena?" Tawag ulit ni Brylle nang matagal na hindi sumagot si Helaena.

"Na-nasa'n ka ngayon?" Diretsahang tanong ni Helaena. "Nasa Pilipinas kana ba?"


Bago pa sumagot si Helaena ay nakita na siya nina Brylle.

Ilang sandali pa at nag uusap na sina Helaena at Brylle sa labas ng restaurant at umupo sa may gilid ng fountain.


"Nasa Pilipinas kana pala hindi mo man lang nabanggit sa'kin." Tampong sabi ni Helaena.


"Madami lang kaming ginawa kaya--kaya nakalimutan ko ng sabihin sa'yo na nakauwi na kami."


"Ah, gano'n ba? Kumusta ang Family Affair niyo sa Singapore? Nag enjoy kaba?"



"Oo. Nag enjoy naman." Matipid na sagot ni Brylle.


"Halata naman. Hindi mo na kasi sinagot ang mga calls and messages ko sa'yo. So, I guess, you really enjoyed a lot."


"Tungkol do'n, kinuha kasi ni Mommy ang mga phones namin ni Bryant. And we weren't allowed to used internet. Gusto ni Mom na mag bond talaga kaming lahat. No distractions. And so we did."


"Naiintindihan ko. Masaya ako, kasi nakasama mo ang Pamilya mo na buo kayo. Na magka ayos na kayo ni Bryant."


Hindi sumagot si Brylle sa mga sinabing 'yon ni Helaena.


"Siya? Sino siya?" Turo ni Helaena sa babaeng kasama nina Brylle sa loob ng restaurant nang biglang napadako doon ang kanyang tingin.


"A friend. A Family friend. Olivia Hammilton."


"Olivia-- Hammilton?" Pag kumpirma ni Helaena sa narinig.


"Yeah. You probably don't know her nor seen her before. She lives in Singapore. Then she decided na sumama muna pauwi sa Pilipinas for vacation."


"So, sa inyo muna siya nakatira?"


"Why would you think na sa amin siya tumutuloy? Ofcourse, she has her own house here in Manila. Dito pa rin naman nakatira ang Parents niya."


"I see." Maikling sagot ni Helaena.


Ewan ba ni Helaena pero parang may kakaiba siyang nararamdaman. Parang may iba ngayon kay Brylle na hindi niya maintindihan kung ano.


"Teka, sa'n kaba galing?"


Biglang napa higpit ang hawak ni Helaena sa kanyang mga dalang requirements na nakalagay sa loob ng envelope.


"Uhm.. may--may pina print lang akong documents para kay, uhm, sa--sa kapatid ko. Kailangan daw niya sa School."


"You wanna come and join us for a meal?"


"Hindi na. Kayo na lang. Uuwi nalang ako."


"Ihahatid nalang kita sa inyo."


Sabay na silang tumayo nang biglang nag ring ang phone ni Brylle.


"Yes?" Sagot ni Brylle sa tumatawag sa kanya at napatingin siya sa direksyon ng restaurant kung nasaan sina Bryant. "I will just bring Helaena home, then I'll be back in bit."


Tumingin si Helaena sa direksyon ng restaurant at kitang kita niya na naka angat ang kamay ng babaeng pinangalanan ni Brylle na Olivia sa tenga nito. Hindi nga siya nagkakamali, ang blonde na babae sa loob ng resturant ang kausap ng kanyang boyfriend sa cellphone.


"This won't take long." Dagdag pa na sabi ni Brylle. "Just wait me there."


Bigla nalang inagaw ni Helaena ang cellphone ni Brylle sa kanya at inend ang call.


"Helaena? What do you think you're doing?"


"What do you think you're doing?" Balik na tanong ni Helaena. "Kasama mo'ko pero kausap mo ang babaeng 'yon na hindi ko naman kilala kung sino." Galit na sabi nito.


"Diba sabi ko naman sa'yo siya si Olivia? Kaibigan namin from Singapore."


"Wala akong pakialam kung Olivia man ang pangalan niya o kung kaibigan niyo man siya. Nandito ako sa tabi mo. Ako ang kausapin mo."


"Ano bang nangyayari sa'yo?"


Hindi sumagot si Helaena at magkasalubong ang kilay niya.


"Niyayaya kitang kumain kasama sila, para sana makilala mo din siya, ayaw mo naman."


"Oh my god! Brylle! You're simply flirting with her. Pa I'll be back, I'll be back in a bit ka pang nalalaman. Sana kinausap mo na lang siya pag alis ko nang hindi ko narinig ang simpleng paglalandian niyo."


"What the hell, Helaena?! Ano ba?" Galit na sabi ni Brylle. "Kakabalik ko pa lang from Singapore tapos ganyan ang dadatnan ko sa'yo? Aawayin mo lang ako?"


"You started it first."


"No! You started it first." Balik na sigaw ni Brylle. Halos lahat ng taong napapadaan doon ay nagtitinginan na sa kanila. "Mabuti pang hindi na lang kami bumalik."


"Hindi mo rin naman sasabihin sa'kin kahit na bumalik na kayo. Diba?" Galit na sigaw nito. "Bakit? Dahil may kasama ka? Kasama mo ang babaeng 'yon?" Sabay turo sa ere kung sa'n ang direksyon ng restaurant. "Kaya hindi mo pinaalam sa'kin na dumating na kayo? Hindi ko pa malalaman kung hindi ko kayo nakita."


"You're acting like a crazy jealous bitch."


"Because I am. Call it that way, I don't care. Yes, I'm jealous. Dahil siya ang kasama mo imbes na ako. Yes, I'm a bitch, 'cause I won't let that blonde get in my way."


"Alam mo? Kung ganyan ka lang din naman. Mabuti pang umuwi kana muna. Ipapahatid kita sa driver ko."


"No." Mariing tanggi nito. "Kaya kong umuwi ng mag isa. Hindi mo'ko kailangang ipahatid. Just go and be with that girl." Galit na taboy ni Helaena tsaka na niya tinalikuran si Brylle para sana umalis na sa lugar na 'yon.


"You know what? Fine." Ani Brylle. "Just go home and leave. Kung sa tingin mo hahabulin kita, nagkakamali ka." Tumalikod na rin siya at humakbang na palayo at hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ni Helaena.


Hindi maka hakbang si Helaena sa mga narinig mula kay Brylle. Napa balikwas siya ng tingin at tinanaw ang papasok na sa restaurant na si Brylle. Hindi niya namamalayang tumutulo na pala ang kanyang mga luha.


Hindi niya alam kung tama ba ang pagseselos niya o kung may dapat nga ba siyang ikaselos sa babaeng kasama ng kanyang boyfriend. Pero iba ang pakiramdam niya. Nang nakita palang niya ang babaeng 'yon ay may iba na.


"Anak, kumusta na kayo ni Brylle?" Biglaang tanong ng Mama ni Helaena habang nasa sala sila at nanonood ng tv.


"Bakit mo naman naitanong, Ma?"


"Matagal ko na kasi siyang hindi nakikita dito. Matagal kana niyang hindi dinadalaw ah."


"Dinadalaw niya'ko-- sa kwarto ko, lalo na kapag wala kayong lahat dito."


Bigla siyang binato ng throwpillow ng kanyang Nanay na ikinabigla niya.


"Aray ko naman, Ma."


"Huwag mo nga akong niloloko ng ganyan at baka sa susunod itong sofa na ang ibato ko sa'yo o kaya naman atakihin ako sa puso sa susunod na sasabihin mong bata ka."


"O, eh diba gusto niyo din naman na magkatuluyan kami ni Brylle? Na siya na ang maging asawa ko. Bakit ngayon, ganyan ang reaksyon mo?"


"Oo. Pero ang gusto ko maikasal muna kayo bago niyo gawin yang-- yang iniisip mo. Naintindihan mo ba'ko, ha Helaena?"


"Alam ko. Binibiro ko lang kayo."


"Ikaw talagang bata ka, puro ka
kalokohan. Sasabunutan kita diyan eh."


"Madami lang inaasikaso 'yon kaya hindi nag pupunta dito. Tsaka isa pa, nagkita naman kami pagdating niya galing Singapore last week."


"Last week pa 'yon, ano'ng petsa na? Nag away ba kayo? LQ? Gano'n?"


"Ma, ano ba? Kakapanood niyo ng Teleserye yan. Syempre sa'min nalang 'yon kung nag away man kami o hindi."


"Aba syempre kailangan ko ding malaman. Pa'no kung na depress ka sa pag aaway niyo o kaya bigla kang mag suicide kapag nag hiwalay kayo? Mabuti na 'yung may alam ako at ng hindi ako nabibigla sa mga nangyayari at para may karamay ka sa mga problema mo."


"Okay kami ni Brylle. Okay kana, Ma? Tsaka hindi ako magpapakamatay nang dahil lang sa kanya no? Gagong 'yon. Neknek niya."


Hinampas naman siya sa kamay ng kanyang Nanay na ikinabigla ulit niya.


"Bata ka, ayusin mo yang pananalita mo. Sabi ng ayokong nagmumura kayo."


"Hindi na nga lang ako mag sasalita nang hindi ka na i-stress diyan." At muli niyang tinuon ang pansin sa kanyang palabas na pinapanood.


"Sus! Kung okay nga kayo ni Kuya Brylle, eh bakit nakita ko siya kahapon may kasamang magandang babae?" Biglang sulpot na sabi ni Haven na galing sa kusina at may dalang juice at narinig pala niya ang pag uusap ng dalawa.


"Ano'ng sabi mo?" Tanong ni Helaena sa kapatid at baka nagkamali siya ng dinig.


Umupo si Haven sa sofa at tumabi sa kanyang Ate. "Palabas sila ng Empire Palace Building at sabay pa sumakay sa kotse ni Kuya Brylle. Ang ganda nung babaeng kasama niya. Matangkad, sexy, blonde ang buhok, parang may lahi. Half foreigner siguro." Ang Empire Palace Building ay pag mamay-ari nina Brylle na kumpanya ng kanyang Ama.


Hindi maaaring magkamali si Helaena. Si Olivia ang kasama ni Brylle na tinutukoy ng kanyang kapatid. Hindi niya makakalimutan ang itsura nito dahil pinakatitigan niya si Olivia nang makita niya ito sa restaurant.


Bigla na namang bumilis ang tibok ng kanyang puso at hindi niya maipaliwanag ang mararamdaman.


"Kilala mo ba 'yon, Ate?"


"Si--si Olivia 'yon. Kaibigan nila." May pagka malungkot na sabi ni Helaena.


"Kaibigan lang ba talaga?" Usisa ni Haven.


"Oo. Kaibigan niya lang 'yon. Huwag mo ngang pag isipan ng masama si Brylle. Mahal ako nun." Pilit na kumbinsi ni Helaena sa kapatid at maging sa sarili niya. Maski siya ayaw niyang mag isip ng masama tungkol dito.


Pero ilang araw na din ang lumilipas at hindi parin siya pinupuntahan o tinatawagan man lang ni Brylle magmula nang araw na mag away sila. Ayaw naman niyang siya ang unang makipag ayos dito dahil si Brylle naman ang may kasalanan.


"Bakit ako ang kailangang unang tumawag?" Inis na sabi ni Helaena sa kaibigang si Cahli. "Siya ang may kasalanan, siya ang kailangang tumawag o puntahan ako." Dagdag pa nito.


"Alam mo? Sa tingin ko ganyan din ang iniisip ni Brylle. Na kailangan ikaw ang unang mag reach out sa kanya. Kaya hanggang ngayon ay hindi kayo nagkaka ayos."


"Basta! Siya dapat ang mauuna. Hindi na nga niya sinabing nandito na sila sa Pilipinas tapos malalaman ko pang may kasama siyang babae. Tss!"


"Hindi kaba naniniwala sa kanya?"

Natigil sa paglalakad si Helaena at napa isip. Nasa mall sila ni Cahli ng mga oras na 'yon.


"Gusto kong maniwala pero naiinis ako sa nararamdaman ko. Tsaka nagka patong-patong na kasi ang mga problema ko. Problema ko sa kanya at sa Tatay niya, sa School, sa bahay. Kaya hindi ko na alam kung ano dapat ang una kong iisipin." Sabay buntong hininga.


"Speaking of School. Alam naba ni Brylle na na kick out ka sa Duncanville?"


"Wala siyang nababanggit. Tsaka ang huli naming pag-uusap eh nag away nga lang kami diba?"


"Nagpapa taasan lang kayo ng pareho ng pride. Nag hihintayan kung sino ang unang tatawag. At ikaw, bahala ka, baka sa ginagawa mong 'yan lalo mo lang siyang pinu-push dun sa babaeng sinasabi mo, kung talagang tama ang iniisip mo sa kanya."

Nakaramdam tuloy ng kaba itong si Helaena sa mga sinabi ni Cahli. Ayaw niyang isipin na gano'n nga ang mga mangyayari sa kanila ni Brylle. Na ipagpapalit siya nito dun sa babaeng nakita niya.


"Okay. All right. Let's just not talk about it for a while. I brought you here, kasi ayaw kitang magmukmok at mag drama sa bahay niyo. I want you to be happy."


"I am happy." Ano Helaena.


"Tusukin ko ng stilleto yang mata mo eh. Happy mo mukha mo." Pabirong sabi ni Cahli sa kaibigan. "Selos na selos ka nga dun sa babaeng sinasabi mo, tapos happy ka? Duh!"


"Okay. Fine. What do you want me to do here?"


"Let's buy more shoes and make-up." Ani Cahli na excited ng mag shopping.


Nakapamili ng iba't ibang klaseng sapatos itong si Cahli. Habang si Helaena ay wala pang binili kahit isa.


"Oh my god! I really love shoe shopping." Masayang sabi ni Cahli na noo'y ay palabas na sila sa Charles ang Keith na shop.


"Hindi naman masyadong halata. Eh halos binili mo na lahat ng klase ng sapatos sa bawat puntahan nating shoe shop eh."


"I really love shoes. Ikaw binibili kita, ayaw mo naman."


"Ano'ng gagawin ko sa madaming sapatos? Meron pa naman akong ginagamit no. Hindi ko kailangan ng madam---"


May nakabangga sa kanyang isang babae nang palabas na sila sa shop na ikinabigla nila pareho.

"Oh god!" Bulalas nung babaeng nakabangga kay Helaena. Natapon ang iniinom nitong starbucks coffee sa damit niya.


"Sorry, Miss." Paumanhin naman nitong si Helaena.


"No. Its fine. Its my fault. I didn't noticed you. I'm sorry."


Ganon na lamang ang gulat ni Helaena nang mapagsino itong babaeng kaharap niya. Ito ang babaeng kasama nina Brylle sa restaurant. Ang blonde na babae na may lahing foreigner. Ang babaeng pinangalanang Olivia ni Brylle.


Tama nga ang kapatid niyang si Haven. Maganda si Olivia. Ngayon lang niya napagatanto na mas maganda ito ng malapitan. Di hamak na mas matangkad ito sa kanya kaya medyo nakatingala siyang kinakausap ito. Maamo ang mukha nito na para bang hindi makabasag pinggan. Walang anumang bahid ng makeup pero maganda parin. Rosy cheek ito na may kaunting freckles na bumagay naman sa kanya at mamula mula ang labi.


"Do you have any coffee stained too? Baka tumalsik din sa'yo." Alalang sabi ni Olivia sabay suri sa damit ni Helaena.


"Ah.. uhm.. o-okay lang ako. Hindi... hindi ako natapunan. Ikaw.. ikaw 'tong nadumihan. Sorry, sorry talaga."


"No. Don't be sorry. Kasalanan ko naman. I was looking at my phone that's why I didn't noticed you. I'm sorry." Sabay ngiti kay Helaena.


"Ah.. o-okay. Okay fine."


Nginitian pa ni Olivia si Helaena bago ito naglakad palayo. Saka lang nilapitan ni Cahli ang kaibigan.



"She's mabait, ha." Puna ni Cahli sa kakaalis lang na si Olivia. "But, wait, why all of a sudden you stuttered? Something wrong?"


"That girl." Sabay turo ni Helaena sa ere. "She's Olivia. The girl I was telling you about."


"No way. Si blonde girl? Yung kaibigan ni Brylle?"


Tumango si Helaena. "Hindi ako makapaniwala na gano'n pala talaga siya kaganda sa malapitan."


"So? Mas maganda ka sa kanya. Kasi ikaw ang girlfriend ni Brylle. Pero in fair, she's really mabait."


"Maganda na nga, mabait pa." Malungkot na sabi ni Helaena.


"Hoy! Huwag ka ngang mag inarte at mag drama diyan. Wala kapa namang napapatunayan ah. Puro hinala kalang naman. Ah hindi, puro insecurities ka, nakita mo kasing mas matangakad, maganda ang babaeng kasama ni Brylle, kaya kung ano-ano'ng masamang pinag iisip mo diyan na hindi naman dapat."


Nakasimangot na tumango si Helaena. "I'm afraid to say you're right."


"Sa libo libong babaeng nagkakandarapa kay Brylle, ikaw ang pinili niya. And take note, halos kalahati ng mga 'yon, let's just say na mas maganda ng konting-konti sa'yo, but still sa'yo siya nahulog. Kaya huwag kang mag drama diyan, kung ayaw mong kainin kita ng buhay."



"Cannibal kana pala ngayon."



"Oo. Dahil sa'yo." Pabirong sabi pa ni Cahli. "Tara na nga at kumain nalang tayo nang mawala yang pagka dramatic actress mo." Tsaka na niya hinila ang kamay ng nakasimangot paring si Helaena.



-------

Continue Reading

You'll Also Like

523K 14.1K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
601K 38K 55
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
21.5K 1.1K 17
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...