Elemental Gunji-teki Academy

By MasayahingShana

614K 16.5K 854

15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A... More

Welcome Message
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Era 2 (Book 2)

Chapter to Era 2

12.4K 197 47
By MasayahingShana

ALTAIR

"Bakit mo ba ginawa iyon? Paano kung may nangyaring masama sayo? Paano kung hindi ka sinwerte? Paano kung lumala pa ang naging sitwasyon nang dahil sayo?" Sunod-sunod na tanong ng heneral sa akin.

Napayuko na lang ako habang nakaupo rito sa higaan ko.

Halos hindi mapakali na pabalik-balik sa paglalakad ang heneral sa silid.

Kanina pa niya ako pinapagalitan dahil sa ginawa kong pagpuslit na manatili sa EGA.

"Heneral, huwag na kayong masyadong magalit sa bagong commander ng Red Army," ani Commander Saori.

"Kaya nga natin ginawa ang plano na hindi ipaalam sa mga estudyante para masiguro ang kaligtasan nila pero ano? Heto't may nakalusot pa lang isa. Responsibilidad natin lahat ng mga estudyante. Bakit ba kasi hindi muna ini-double check ang lahat ng mga estudyante ng mga incharge na army?" Tila hindi narinig ng heneral si Commander Saori.

Gusto ko nang umiyak rito. Pero deserve ko rin naman ata na mapagalitan dahil lumabag ako sa kanila.

"Kalma, heneral. Kalma ka muna," pagpapakalma ni Commander Saori.

Narinig kong bumuntonghinga ang heneral.

"Alam niyo, heneral, kung hindi dahil kay Altair hindi mapapaatras ng basta-basta ang air force."

Huminto sa kakalakad ang heneral.

"Ilan sa mga army na nakakita, si Altair---I mean Commander Altair ang nakasugat sa lider ng Air Force na sumugod. Isang malaking sugat sa dibdib daw ang tinamo nito at mukhang malalim din. Dahil dun, bahagyang bumagal ang kilos ng leader nila. Naging weak point siya kaya siya ang naging punterya ng mga natitirang army. Sa takot ng mga kalaban, pinili nilang umatras lalo na't nalaman din naman nila na wala ang mga estudyante sa EGA," paliwanag ni Commander Saori.

Napatingin ako sa kanang pulso ko. Sinukat ko ang marka. Talagang 2 inches na.

Ilang sandaling natahimik ang buong silid. Hanggang sa si heneral na mismo ang bumasag sa katahimikan. "Altair Chancelor," tawag niya sa akin.

Umayos ako sa pagkakaupo at kinusot ang mata ko dahil medyo nanlalabo na ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha.

"Commander ka na. Huwag mo nang ulitin ang ginawa mo. Napakadelikado nang ginawa mo," mahinahong sabi ng heneral.

Tumango ako. "Opo. Pa-pasensiya na po. Hindi ko na po uulitin."

Huminga ng malalim ang heneral bago muling magsalita. "Pasensiya ka na kung napagtaasan kita ng boses kanina. Nagaalala lang ako para sa inyong lahat na mga estudyante."

"A-Ayos lang po," halos pabulong kong sabi. Parang gusto ko tuloy maiyak.

Biglang may kumatok sa pintuan at pinapasok ng heneral. Isang mula sa Gold Army na lalaki ang pumasok.

Nag-salute muna ito bago magsalita. "Narito na ang ilang commander at lieutenant para sa pagpupulong."

Tumango ang heneral. "Sige. Hintayin nila ako. Titingnan ko lang sandali ang ilang mga army na ginagamot din. Sabihin mo sa mga commander at lieutenant na patungkol sa mga representative at mga bagong commander ang pag-uusapan."

Tumango ang lalaking Gold Army at nagpaalam para umalis. Nagpaalam na rin ang heneral para puntahan niya sandali ang ibang army.

"Magpahinga ka lang muna. Nandoon ang lieutenant ninyo para siya lang muna ang bahala sa buong Red Army."

Tumango ako.

"Sasabihan ko na rin ang bantay rito na pwede nang pumasok at makabisita sayo ang mga kaibigan mo. May ilang estudyanteng pabalik-balik daw rito para makita ka pero pinaghigpit muna kasi namin na walang bisita para mas focus ang medication army na magamot lahat ng sugatan."

Baka sila Eunice na iyon.

"Salamat po, Commander Saori."

Ngumiti si commander. "Sige. Alis na ako. May meeting pa kami."

Nang naiwan akong mag-isa, humiga ako at inalala ang lahat ng nangyari.

Sa buong pangyayari, ang pinakatumatak sa isip ko ay ang mga nakita kong commander na bumagsak at hindi pinalad, ang mukha ni Jerson, at si Commander Shin.

Napaluha ako nang maalala ko kung paano siya natamaan ng spear ni Jerson at kung paano siya unti-unting pumikit.

Halos mapahagulgol ako nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko na maiyak. Nagbalik din ang alaala ko noong napatay din si papa. Parang naulit lang ang nangyari.

Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak. Nang tumagal, tumahan na ako.

Siguro ay makalipas ang sobra isang oras, may kumatok sa pinto. Pinapasok ko kung sino man iyon.

Nang bumukas ang pinto, nakita ko si Ryoran.

"Idol!" Aniya.

Papasok na sana siya nang biglang may tumulak sa kaniya.

"Altair!" Sigaw ni Eunice pagkapasok niya sa silid. Tumakbo siya patungo sa akin at yinakap ako ng mahigpit.

"Baliw kang babae ka! Ano bang pumasok diyan sa kukute mo para sumama sa labanan? Paano kung may nangyaring masama sayo dun?" Mabilis na mga tanong niya sa akin pagkakalas niya sa pagkakayakap sa akin. Pagkatapos ay naiyak siya.

Hindi ko alam sa sarili ko pero naiyak din ako. "Sorry. Heto na. Hindi ko na uulitin."

Hinampas niya ako ng palad niya sa braso ko. Pero hindi ganoon kasakit. "Talagang hindi mo dapat ulitin! Pinag-alala mo ako. Akala ko talaga nandito ka sa EAMC nung trinansfer tayo. Nakaakasar ka."

"Grabe ang pagkakatulak mo sa akin!" Biglang reklamo ni Ryoran na nakatayo na.

"Humaharang ka kasi," sagot ni Eunice.

"Bakit? Ikaw lang ba may gustong makita at makamusta si idol?"

"Teka. Idol ka ng Idol. Yan ba tawag mo kay Altair?"

"Oo. Bakit? May angal ka?"

"Oo! Ang jeje! Jejemon ka."

"Tse! Astig kaya."

"Astig para sayong jejemon!"

"Shh! Ayan na naman kayo. Huwag kayong mag-away. May mga army na ginagamot pa sa ibang silid," saway ko sa dalawa.

Nagpalitan ng masamang tingin ang dalawa. Hays. Itong dalawang 'to talaga.

Saka umupo si Ryoran sa upuan na nasa isang tabi habang si Eunice ay umupo sa tabi ko rito sa kama.

Kinumusta nila ako. Halos bawat sagot ko ay may kasamang sermon kay Eunice.

Sa gitna ng usapan namin, may kumatok sa pinto. Nang buksan ni Ryoran, bumungad sa amin ang dalawang Imperial. Paniguradong sila Lucas at Lucius.

"Aish. Bakit ka ba kasi nakikipagsabayan? Hindi tayo kasya sa pintuan," asar na sabi ng isa sa kanila nang halos magsabay silang pumasok sa pintuan. Siguro si Lucius 'to.

Hindi nagsalita ang isang Imperial at umatras na lang. Si Lucas yun for sure.

Pumasok ang Imperial na asar. "Ano? Papakamatay ka ba para pumunta sa laban? Ha?" Tanong niya sa akin.

"Lucius! Umayos ka," saway ni Lucas.

Umirap itong si Lucius. "Eh kasi... Nagalala tayo para sa kaniya."

"N-nagalala ka?" Lutang kong tanong sa kaniya.

Umirap lang siya.

Pangit ng ugali ha. Lucius na Lucius e. Parang lumala lang ugali.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Lucas nang lumapit siya sa akin.

"Medyo nanghihina pa ako. Pero ayos na ako. Ipapahinga ko lang daw ito," sagot ko.

Ngumiti si Lucas. "Mabuti kung ganun."

"Uy Agatha," rinig namin na sambit ni Ryoran.

Napalingon kami sa pintuan na nakabukas ngayon. Nakatayo roon si Agatha. Ngumiti siya sa akin.

Bigla kong naalala ang inasal niya noong manalo ako bilang representative.

Lumapit siya sa akin. "Mabuti't nakaligtas ka," aniya. "Kaya pala hindi kita nakita nung dumating na kami rito sa EAMC at nung moving up. Nagpaiwan ka pala sa EGA."

"Oo nga!" Sabat ni Ryoran. "Hinanap na nga kita sa hall doon sa moving up. Tapos nakita ko itong si Eunice. Tapos ayun. Doon na namin nalaman na wala ka nga rito sa EAMC. Eunice kasi! Hindi agad sinabi!"

"Oo na. Kasalanan ko kung kasalanan ko," asar na sabi ni Eunice. "Ikaw kasi, Altair, sabi mo susunod ka. Magsi-CR lang daw pero may plinaplano na palang hindi sumama."

"Sorry. Pasensiya na talaga," panghihingi ko ng tawad.

Hinawakan ni Agatha ang kanang kamay ko at tiningnan niya ang pulso ko kung saan makikita ang marka ko.

"Commander ka na," aniya at tumingin sa akin.

Pilit akong ngumiti. Medyo naguguluhan ako kay Agatha. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya noon sa arena.

Ipinakita ni Lucas ang marka niya.

"Nagbago rin ang marka mo?" Tanong ko nang makita ko ang marka niya.

Tumango siya.

Ipinakita rin ni Lucius ang marka niya. Ganoon din. Dalawang pulgada na rin ang haba ng marka niya.

"Nasawi sa labanan ang commander namin kaya awtomatikong nalipat na sa amin ang posisyon nila. Awtimatiko na rin na nagbago ang marka sa pulso namin," paliwanag ni Lucius.

Tumango si Lucas. "Tama ang sinabi niya."

Natahimik ako sandali. Naalala ko kung paano natalo at bumagsak sa labanan si Commander Kyo ng Opaque Army.

"Wala bang tubig dito? Nauhaw ako bigla e," Basag ni Ryoran sa katahimikan.

"Ah. Na-Naubos na ang tubig ko rito. Hindi pa pala nare-refill," sagot ko.

"Kukuha ako ng tubig. Nauuhaw rin ako e," ani Agatha.

"Sama ako," ani Ryoran.

"Hindi. Ako na lang. Dito lang kayo at kausapin si Altair. Para at least malibang siya at hindi niya isipin ang mga nangyari sa kaniya sa EGA," sabi ni Agatha.

"Okay. Sige. Tsaka baka may free snack sila, ikuha mo ako---tayo. Hehe." Umupo ulit si Ryoran.

"Sige." Nagpaalam si Agatha sa amin at saka siya lumabas.

Pagkaalis ni Agatha, agad akong tinanong nila Eunice at Lucas kung paano ako humantong sa pagpuslit na hindi sumama sa kanila nung gabi at kung paano ko nalaman ang totoong nangyayari.

Hindi ko na itinago pa ang lahat na nangyari mula nung araw nang manalo ako bilang representative. Ikenwento ko sa kanila lahat.

***

THIRD PERSON

Nagpresenta si Agatha na kukuha siya ng tubig. Lumabas na siya ng silid. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo sa pintuan, napahinto siya saglit.

Tila mabigat ang loob niya.

Napailing siya at huminga siya ng malalim. Saka siya tumuloy sa paglalakad.

*****

_________________________

End of Era 1

_________________________

Continue Reading

You'll Also Like

21.2M 787K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
4.8M 109K 40
Agatha Joan Montgomery is what you can call 'The Extraordinary'. She is not the typical rich girl with branded bags and clothes. She is the girl with...
20.5M 756K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
83.5K 3K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...