Back in 1763

By midoriroGreen

136K 4.9K 926

Sa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni ACILEGNA STAR VILLANUEVA ay napagpasiyahan niyang magbakasyon mun... More

x
Bakasyon
Rafael A.P
Panaginip
Ang pagkikita
Yaya?
Polavieja-mansion
Dating Kasintahan
Hawak kamay
Ngiti
Bipolar
Painting
Dare to kiss him
His other side!
Radleigh Polavieja
Fuck You
Still Radleigh
kapahamakan
Don Gustavo El Domingo
Ang Pagtakas
Ang Habulan Sa Gubat (1)
Ang Habulan sa Gubat (2)
Nagseselos
Isla
X
Isang Pangako
Buwan
Pagbabalik sa Kasalukuyan
Back in 1763
Pag-amin
Singsing
Kakampi
Pagsisisi
Plaza Ortiz
Parusa
Bangka
Adios Mi Amor
Art Exhibition

Nagsisimula na

3.6K 162 35
By midoriroGreen

Sa Maynila

"Como me estas haciendo?" ( Kumusta ang ipinapagawa ko sa iyo?"

Tanong ng isang matabang lalaki na naghihitit ng malaking tabako sa kaniyang kanang-kamay.

Ang matabang lalaki ay isang negosyanteng kastila na matalik na kaibigan ng gobernador heneral ng La Union.

Siya si Don Gustavo El Domingo at siya ang supplier ng opyo sa buong probinsiya ng La Union at sa lungsod ng Maynila.

Matagal na nitong gustong bilhin ang bahagi ng Hacienda Polavieja na tinatawag na " Nagsabatan."

Ang "Nagsabatan" ay isang lawa na karugtong ng dagat . Ito ay matatagpuan sa pinakasulok ng hacienda Polavieja .

Gusto itong bilhin ni Don Gustavo dahil pwede niyang padaanin ang mga bangka niya sa lawang ito na naglalaman ng  mga Opyo  paluwas sa Maynila ng walang nakakakitang ibang tao.

Umuugong na kasi ang bulong bulongan sa ibang parte ng La Union na may nagsusuplay daw ng Opyo sa lugar.

At mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng Opyo sa panahong ito at ang sino mang mahuhuli na nagbebenta, nagsusuplay at gumagamit ay papatawan ng parusang kamatayan.

Oo nga at matalik na kaibigan ni Don Gustavo ang gobernador heneral pero magkaiba sila ng ugali.

Kung si Don Gustavo ay sakim sa salapi at masama, ang gobernador heneral naman ay may prinsipyo at paninindigan sa kung ano ang tama.

" Opo Senyor, kaya lang ay ayaw talaga itong ibenta ni Senyor Polavieja." Magalang pero natatakot na sagot ng kanang kamay.

"Akala ko ba ay pumanaw na ang matandang Polavieja?" Nagtatakang tanong ng Kastilang negosyante. Matatas siyang magtagalog dahil matagal na siya dito sa Pilipinas.

"Opo Don Gustavo , pero naipalit ang kaniyang mga apo sa pamamahala at kasalukuyang iyong panganay ang namamahala.  Walang iba kundi si Don Rafael Amadeo Polavieja. Pero nagpunta daw po siya sa Espanya kaya naipalit ang kaniyang kakambal na siyang pinadalhan ko ng sulat noong nakaraan."
Mahabang paliwanag ng kanang kamay.

" At ang naipalit na ito ay tumanggi sa alok nating pagbili sa lawa ng "Nagsabatan?" Nakakuyom ang kamaong tanong ni Don Gustavo.

"Opo. Sa katunayan ay hindi lang po siya tumanggi, pinunit pa po niya ang sulat ."  Nakangiwing sagot ng kanang-kamay .

" Talagang ginagalit ako ng mga Polavieja na iyan. Una ay tinaggihan tayo ng matandang Polavieja  , tapos ngayon ay talagang pinunit pa ng apo niya ang sulat!!" Napasuntok sa mesa ang matanda. Maya-maya ay bigla itong ngumisi at napapitik sa hangin.

" Tala, ipagpatuloy mo ang paninilbihan sa mansiyon ng mga Polavieja at manmanan mong mabuti ang kahinaan ng bagong namamahala roon."  Sabi ng matanda na sobrang itim ng budhi at saka siya ngumisi ng malademonyo.

" Masusunod po."

Magalang na nagpaalam ang babae na nakatalukbong  pero bago siya umalis ay nagtanong muna si Don Gustavo.

"Ano pala ang pangalan ng pumunit sa sulat?"

Natigilan naman ang pinagtatanungan pero agad ding nakabawi.

"R-Radleigh Polavieja ."

Hacienda Polavieja

Acilegna POV

"Ano!!!!!?" Napasigaw ako sa gulat at tuwa ng malaman ko mula kay Meldina na bigla raw nag-iba ang ugali ni Radleigh .

"Huwag po kayong sumigaw Binibini." Kinakabahang sabi naman ng dalagita.

"Pero totoo ba talaga?" Masaya kong tanong.

"Opo, sa katunayan ay parang si...."
Medyo nag-aalangan na sabi nito at binitin  pa ako.
Tsk
"Parang si Senyor Rafael po ang nakausap ko kanina dahil sobrang lamig at seryoso ng tono ng boses niya." Pabulong na itinuloy ni Melody sa kaniyang sinasabi.
Napatakip naman ako ng bibig.

Kinakabahang naglakad ako paakyat sa hagdan upang puntahan sana ang kwarto ni Rafael o Radleigh ng biglang pigilan ako ni Melody.

"T-teka lang po Binibini, baka nagkakamali lang po ako." Kinakabahan niyang sinabi .

"Hindi. Hindi pwedeng magkamali ka sa iyong sinasabi dahil sabi mo nga ay biglang naging seryoso at malumanay ang boses ni Radleigh ng katokin mo siya sa kaniyang silid. Eh alam naman natin na kay Rafael lang ang ganoong tono ng boses diba?Kaya baka nagbalik na siya sa katauhan niyang si Rafael!" Matigas at may paninindigan kong sabi sa dalagita kaya natahimik ito.

"Bahala po kayo binibini." Sumusukong umatras ang dalagita at hinayaan na akong umakyak sa kwarto ni Radleigh .

Sana nga ay si Rafael na ulit siya para mas mabait na ang makakasama ko dito sa mansiyon.

Hindi ko alam pero parang may kumurot sa puso ko ng maisip ko na hindi ko na makikita si Radleigh.

Shit , imposibleng magkagusto ako sa dalawang katauhan ni Mr. Polavieja!

Hindi pa naman ako nababaliw di ba? At saka stick to one kaya ako .

Napatigil ako sa akma kong pagkatok sa pintuan ni Radleigh o Rafael ng makita ko si Minerva na masama ang tingin sa akin mula sa dulo ng pasilyo.

" Ano sa tingin mo ang gagawin mo sa loob ng silid niya?" Sobrang tigas ng pagkakasabi nito sa bawat salita.

Pero magpapatalo ba naman ako! No way!

" Baka maiyak ka kapag sinabi ko sa iyo ang gagawin ko sa kaniya ay este sa loob ng silid niya." Nanunuya ko namang sagot.

Kainis kasi eh, panira talaga siya ng moment. 

Di ko na siya nilingon at basta ko na lang pinihit ang seradura ng pinto.

Gusto kong mapahiyaw ng mabuksan ito.

Hindi pala kasi nakalock. Bigla akong pumasok sa loob at bago ko isarado ang pinto ay binelatan ko muna ang bruha.
Nakita  kong galit na galit siyang tumalikod.
Haha, buti nga sa  kaniya.

Napasandal ako sa pinto at napahinga ng maluwag. Sayang kasi iyong mabubuo sanang friendship namin ni Minerva, kung hindi lang sana siya bruha at mangkukulam sa sama ng ugali.

Haayyyyst!

"Ahmm!"

Napatalon ako sa gulat ng may tumikhim.

Unti-unti kong iniangat ang aking tingin para lang salubungin ng itim na itim na mga mata ni....

"Ra-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita ang Adonis sa harapan ko.

Wait? Is this Rafael or Radleigh?

Oo nga pala nagpunta ako dito sa kwartong ito dahil positibo ako na nagpalit na ng katauhan si Radleigh.

Sana nagbalik na siya sa pagiging Rafael.

Pero tanggap ko pa rin naman kahit anong katauhan niya.

Hindi ko alam kung bakit ko naisip iyon pero alam kong mula iyon say puso ko.

Pero kasi kung si Rafael na ulit siya ay mas makakausap ko siya  ng maayos. Pwede kong mahawakan ang kaniyang kamay (tsansing) ng hindi niya binibigyan ng malisya. Unlike kay Radleigh na super pervert.

" Ano ang sadya mo sa aking silid?" Seryosong tanong niya pero namumula ang kaniyang tainga.

Napasinghap ako dahil ganitong-ganito si Rafael.

"Binibini alam mo naman na hindi magandang tignan na pumapasok ang isang dilag na kagaya mo sa aking silid. Baka kung ano ang maisip nila sa labas." Mahaba nitong paliwanag samantalang ako ay natulala lang.

"R-RAFAEL i-ikaw na ba yan?" Hindi ko napigilang itanong.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng ngumiti siya.

My goodness that innocent smile.

I really miss it.

Naluluha ko siyang tinignan.
Naramdaman ko rin ang paghakbang ng aking mga paa.

Unti-unti akong lumalapit sa kinatatayuan ni Rafael .

Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

"Maaari ba kitang mayakap R-Rafael?" Kinapalan ko na ang mukha ko at tinanong muna siya.

May hiya pa naman ako no. Alangan namang basta-basta ko na lang siya yakapin.

Ngumiti siya sa akin pero nakakapagtakang hindi siya nagsasalita.

Ngumiti rin ako sa kaniya at akmang yayakapin na siya ng biglang naging malaking ngisi ang ngiti niyang mala-anghel kanina.

Napatakip ako ng bibig ng marealize ko ang isang bagay?

" R-Radleigh!!"
Kulang ang sabihing nagulat ako ng tumawa ng malakas ang Adonis este hudyo sa aking harapan.

Napahawak pa siya sa kaniyang tiyan dahil sa sobrang pagtawa niya.

Lalo akong naasar dahil bukod sa nalinlang niya ako na Rafael ang personality niya ngayon ay hindi ko rin alam ang tinatawanan niya.

"Tunay nga na may pagnanasa ka sa akin binibini."Hindi na siya natatawa pero nakaplaster pa rin ang malaking ngisi sa kaniyang mapupulang labi na kay sarap halikan---- ay este kay sarap suntukin.

Ano ba to!

" Rafael o Radleigh?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi ko pinatulan ang biro niya kanina.

Mukhang hindi rin niya naintindihan ang tinanong ko kaya inulit ko.

"Sino ka? Si Radleigh o si Rafael?" Maliwanag naman ang sagot eh. Pero gusto ko pa ring magtanong.

Hindi naman tatawa ng ganiyan si Rafael at lalong hindi niya ako aasarin ng ganiyan.

"Ano sa tingin mo? " Biglang sumeryoso ang gwapo niyang mukha.

Napalunok naman ako ng mapadako ang tingin ko sa labi niya.

Shitt ako ata ang pervert dito eh.

" Siyempre alam kong ikaw si Radleigh na pangit at masama ang budhi." Gusto kong ilayo ang tingin ko sa kaniyang mga labi dahil ayaw kong magkasala na naman.

Duh! Babae ako kaya dapat ako ang pinagnanasahan. Hindi dapat ako ang nakakaramdam ng pagnanasa sa isang lalaki.

"Alam mo naman palang ako si Radleigh ,nagtatanong ka pa. At anong pangit? " Bigla itong lumapit sa akin kaya nagulat ako.

"Ay pagnanasa lumayo ka sa akin!!" Napatakip ako ng bibig ng marealize ko kung ano ang sinabi ko.

" Pagnanasa?" Tanong ni Radleigh sa akin.

Namula ata lahat ng parte ng katawan ko sa tinanong niya.

" Kanino ka may pagnanasa binibini?" Pabulong na sabi niya . I can feel his hot breath on my left ear.

"H-hoy! Lumayo ka nga nga sa akin!" Hinawakan ko ang balikat niya para sana itulak siya pero biglang para akong nakuryente kaya imbes na itulak siya ay kumapit na lang ako sa balikat niyang matitigas.

Napasigaw ako ng bigla niya akong hapitin sa baywang.

What the heck! Bakit parang modern guy kung kumilos si Radleigh!

"A-anong ginagawa mo?" Halos hindi na ako makahinga sa kaba.

"May gusto lang akong tikman. At hindi ako pangit aking binibini..." Inosente siyang ngumiti pero ang mga mata niya ay nagsusumigaw ng kapilyohan.

"Hoy huwag mo ng it---- hmmmp." Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niyang sakupin ang mga labi ko.

O my g!

My first kiss sa personality ni Radleigh pero ito na ang pangatlong beses na nahalikan ako ng mga labing ito dahil iisang tao lang naman sila ni Rafael.

Hindi ako makagalaw dahil sa gulat sa ginawa ni Radleigh pero hinawakan niya ang batok ko at lalong idiniin palapit sa kaniyang katawan ang aking super innocent na body.

Biglang nag-iinit ang aking pakiramdam at ng gumalaw ang mga labi ni Radleigh ay sabay kaming napaungol.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakikipagtagisan ng halik sa kaniya.

Hindi ako marunong humalik pero katulad noong unang hinalikan niya ako ay siya na naman ang komontrol sa lahat.

Ako ang unang humalik sa kaniya noon sa personality niyang si Rafael pero bigla niya akong hinila pabalik at hinalikan. Nagulat ako dahil parang masyadong bihasa siya sa paghalik noon . Ngayon ay alam ko na ang dahilan.

Sa sobrang likot ba naman ng personality niyang ito na si Radleigh, siguradong masyado na siyang maraming nahalikan.

Dahil sa naisip ay bigla kong naitulak si Radleigh.

"Sandali binibini, anong problema?" Nagulat siya sa pagtulak ko sa kaniya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon upang ilayo ang mukha ko sa kaniya pero hindi naman niya ako pinakawalan. Nananatiling hawak niya ang baywang ko.

Bigla akong napaluha ng maisip ko na marami na siyang nahalikan na ibang babae. At siguro ay kasali rin ako sa mga babaeng pinaglalaruan niya.

"Mi amor, anong problema?Pakiusap huwag ka ng umiyak." Lalo akong napaiyak sa sobrang lambing ng boses niya .

Oh Radleigh or Rafael, bakit ako nagseselos ng ganito sa mga babae mo?

"Acilegna  , mi amor,sabihin mo kung ano ang problema ." Nahihirapang pakiusap ni Radleigh ng patuloy pa ring bumubuhos ang luha ko.

Pinunasan niya ang mga butil ng luha sa aking pisngi saka ako niyakap ng mahigpit.

" R-Radleigh.." mahinang bulong ko.

Lalong humigpit ang yakap niya sa akin saka mahina ring bumulong.

"Patawarin mo ako Mi Amor.." nagulat ako ng humingi siya sa akin ng tawad.

At ano daw Mi Amor?

Huhuhu, bakit biglang ang sweet ni Radleigh? Nakakainis na nakakainlove.  

Personality lang niya ang magkaiba pero ang puso niya ay alam kong iisa lang. It is a pure heart despite his facade.

Pero  hindi lahat ng  mga bagay na pinakagusto nating mangyari ay nasusunod. At iyon ang pinakamasakit sa lahat. Lalo na kung ang taong mahal na mahal mo ay hindi mo pwedeng makasama habang-buhay.

A/N

Thanks for reading and waiting for my update. I appreciate it po talaga.
Please vote and comment 😉😉
Arigato guzaimasu!

God bless u everyone.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...