Elemental Gunji-teki Academy

By MasayahingShana

614K 16.5K 854

15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A... More

Welcome Message
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter to Era 2
Era 2 (Book 2)

Chapter 64

5.5K 143 2
By MasayahingShana

ALTAIR

"Simulan natin ang pakitanggilas! Simulan natin sa Blue Army Division, the Alchemy section! Ang magiging judge ay ang commander at lieutenant ng Blue Army."

Naghiyawan at nagpalakpakan na ang mga manonood.

"Ang unang magtatanghal sa Blue Army Division ay si Roy Howard!"

Nakita ko ang isang lalaki na lumabas mula sa isang doorway na may nakasulat na Blue Army Division. Nakikita din siya sa mga hologram screen na nasa mga audience. May dala siyang... baril? Sandata niya ata yung baril.

Pagkarating niya sa sentro, may iginuhit siya na pabilog dun na malaki. Tapos may mga maliliit din na bilog. Tapos kung ano-ano pa.

Pagkatapos niyang magdrawing, lumabas siya sa bilog na kaniyang iginuhit at kinasa ang kanyang baril.

So, action scene ganun?

Nakita kung may binubulong siya sa baril at itinutok na niya ito sa gitna ng kanyang iginuhit na malaking bilog at saka na niya kinalabit ang trigger.

Pagkaputok ng baril, nagliwanag ang kanyang iginuhit sa sentro. Nakita ko na ipinitik niya ang kanyang mga daliri.

"Woah," halos sabay-sabay na reaction ng mga manonood. Dahil unti-unting nabuo sa loob ng nagliliwanag na guhit na bilog ang isang malaking rebulto ng aso.

"Oh? Aso talaga?" Rinig kong komento ni Xander. "Pero ang cool nun ha."

Nagawa niyang makagawa ng malaking rebulto? Wow. Ang astig ng Alchemy. Sana ganun na lang ang kakayahan ko para kung gusto ko, gagawa na lang ako bigla ng bahay---ay pwede ba yun?

Ipinitik ulit nung lalaki ang kanyang mga daliri at biglang naging apoy ang rebulto. Pagkahupa ng apoy, kasabay din ang pagkawala ng rebulto sa sentro at ng kanyang iginuhit.

May kinuha siya sa kaniyang bulsa. Isang white glove. Nang tumingin ako sa mga hologram, kitang-kita doon ang pagpokus sa glove na sinusuot ni Roy. Makikita na may nakaguhit sa likot ng palad nito na isang circle na halos kagaya sa iginuhit niya kanina sa arena.

Pagkatapos ay may binubulong siya. Mayamaya lang ay ipinitik niya ang kaniyang mga daliri kasabay nito ang biglang pagbalot ng tila itim na metal sa kaniya. Nabuo ito sa isang malaking itim na cube habang nasa loob siya.

Naging tahimik kaming lahat. Hindi namin siya makita.

Ilang sandali lang, tila na-disolve ang buong cube at nakita na namin ang loob. Nakatayo na si Roy sa isa sa mga tila pillars na gawa sa itim na metal. Nagpalakpakan ang mga manonood. Akala namin tapos na nang biglang nagkaroon ng mga spikes nag mga pillars.

"Woah. Pwedeng magamit na patibong ang ganiyan," komento ni Xander.

Mas lumakas ang palakpakan ng mga manonood lalo na ang Blue Army.

Naglaho ang mga ginawa ni Roy at saka siya nag-bow.

"Iyon ang ipinamalas ng ating unang kalahok mula sa Blue Army, si Roy Howard. Ngayon ay dederitso agad tayo sa pangalawang magpapakitanggilas!"

***

Matapos ang lahat sa Blue Army division, sumunod ang Chant Army division. Yun nga lang hindi ako makapag concentrate sa panonood dahil may ilang mula sa Chant Army division na kumanta at mukhang pampatulog ang kanilang kinanta. Minsan naman mula sa mala-lullaby bigla-biglang nagiging agresibo ang kanta to the point na parang naguguluhan kami. Pero ganun naman talaga ang point nila, paliwanag ng mga nagperform. If ever daw nasa totoong laban sila, parang ganoon ang gagawin nila.

Kung sa bagay, alam naman natin na ang Chant Army ay grupo ng mga boses ang kapangyarihan.

May isa pang mula sa Chant Army Division na kumanta din at nang akit ng isang lalaki na pumunta sa sentro. Tapos nung nakapunta na sa sentro yung lalaki, biglang sumigaw yung kalahok kaya tumilapon yung lalaki papunta sa mga manonood.

Sumunod naman ang Colorless Army division. Sa pagtatanghal nila, mukhang bagyo ang ginawa nila. Dahil nga sa hangin ang kapangyarihan nila, ilan sa kanila ay gumamit ng ipo-ipo.

May isa sa kanila na nagtanghal na halos liparin kaming lahat sa lakas ng hangin.

Sumunod sa Colorless Army Division ay ang Crystal Army division.

Isa sa kanilang top 5 ay si Sylvia de Esdeath. Yung babaeng kakaiba ang pagsusuot ng uniform. Hanggang sa pagtatanghal niya, ganoon pa rin ang way nang pagsusuot niya pero parang hindi naman siya sinita.

Naging mala-winter ang tema nilang lahat. Halos mabalot ng yelo ang arena ng dahil sa kanila.

Sumunod ang Cyan Army. As usual, mga holograms ang naging bida. Ang cool nga eh. Hindi siya gaano makapinsala gaya ng mga nauna na halos sirain ang arena.

Sumunod ang Gold Army Division. Ano nga ba ang maganda sa kanila? Aha! Yung mga gusto nilang sabihin ay pwede nilang idaan sa kapangyarihan nila. May isang nagtanghal sa kanila na hindi nagsalita pero ng gumamit siya ng kakayahan niya, naririnig namin ang kaniyang sinasabi through letters na ipinalalabas niya mula sa kanyang mga kamay niya. Nalilito kami nung una kung saan galing ang boses.

Yung isa nga sa kanila ay hindi pumunta sa gitna ng arena ngunit nakikita namin na may mga letrang lumilitaw sa gitna ng arena. Lumabas lang ang nagtatanghal nung tapos na siya.

Biro pa ni Kian, pwedeng gamiting panakot at umaktong multo ang division na iyon.

Next is Green Army division. And yep. Si Lucas ay isa sa top 5 nila.

Ang ginawa lang naman niya ay ginawa niyang gubat ang arena. Sa dami ba naman ng puno na biglang tumubo sa arena. Pero ang ikinagulat ko ay yung biglang may mga ugat na tumubo sa harap ko.

Sa una gusto kong sunogin. Kaso sabi nung lalaki na naglead sa amin dito, wag ko raw galawin. Parte pa raw ito sa pagtatanghal ni Lucas. Pagkatubo ng mga ugat, may isang rosas na pulang-pula ang nasa ibabaw nito. Tiningnan ko si Lucas mula sa sentro. Sumenyas lang siya na kunin ko daw yung rosas kaya ginawa ko naman.

Pagkakuha ko ng rosas, unti-unti nang nawala yung ugat. Nang tingnan ko ulit si Lucas, kumindat lang siya.

"Ayieee," halos sabay-sabay na react ng mga manonood pati na rin ang kaklase ko. Namalayan ko rin na nakikita na ako doon sa mga hologram screen.

"Ehem! May ligawan pang nagyayari~ Yiie! Luma-love life ang ating kalahok ha. Sana may magbigay rin ng rosas sa akin," ani ng emcee.

Aish! Kainis na Lucas! Nahihiya tuloy ako. At the same time, kinikilig. Pinipigilan ko na lang na mapangiti.

Sa mga sumunod na mga nagtanghal, mas lalong hindi na ako nakapag-concentrate. Masyado na akong nakatitig sa rosas na ibinigay ni Lucas.

Nagtanghal din ang Opaque Army division. Kasali dun si Lucius. Kaso di ko na napanood ng mabuti dahil occupied na isip ko ng mga iba't ibang thoughts.

Hanggang sa...

"Ang susunod na magtatanghal ay ang Red Army Division! The Fire Section! Ang ating magiging judges ay sina Commander Shin Yagami at Lieutenant Joaquin Santos."

Muli, dumagundong na naman ang buong arena. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Di ko alam kung maayos ba akong makapagtatanghal ngayon dahil sa kaba at isang linggo lang ang pagpagsasanay.

"Simulan na natin ang kanilang pagtatanghal! Simulan natin kay Kian!"

Agad na pumunta sa Kian sa gitna ng arena at nagtanghal.

Kinuha muna nung lalaki na naglead sa amin ang rosas mula sa akin para makapagtanghal na ako.

Pagkatapos ni Kian, sumunod si Xander, Danilo, at si Agatha.

Sa pagtatanghal ni Agatha, kabang-kaba na ako. Ang ginawa niya ay nagpakawala siya ng isang malaking fireball. Tapos ay ikinumpas niya ang kanyang mga kamay sa ere at unti-unting nagkaroon ng porma ang fireball. Unti-unti itong naging hugis ibon na lumilipad.

Nagpalakpakan ang mga manonood nang tuluyan itong lumipad palibot sa arena at unti-unting naglaho. Maging ako ay napahanga. Naging hugis ibon ang fireball kaya nagmukha itong buhay. Wow. Ang astig.

"Yun ang ating pang-apat na kalahok mula sa Red Army Division! Ngayon ay tunghayan naman natin ang ikalimang kalahok sa Red Army Division, si Altair Chancelor!"

Oh my! Halos lumabas na ang puso ko sa kaba! Pagkabalik ni Agatha, agad akong lumabas at pumunta sa sentro dala-dala ang katana ko.

Woah! Nakakalunod ang dami ng mga manonood. Nakita ko ang grupo ng Royal Army. Nakasuot kasi sila ng uniform nila. Gusto ko sana malaman kung saan banda si Lucia---erase, erase. Hindi ko siya iisipin. Kunwari di ko alam na nandito siya.

Nakita ko rin ang ibang army group. Makulay tingnan ang mga manonood dahil sa mga uniform ng army. Habang ang mga estudyante medyo kalat lang sila.

"ALTAIRRR!" Isang boses lalaki ang narinig kong sumigaw. Parang galit pa.

Nalingon ko kung saan sa tingin ko galing ang sigaw.

"GO, ALTAIRR!" Litaw na litaw ang boses niya.

'Ryoran?' Tanong ko sa isip ko dahil medyo nabobosesan ko. Pero hindi ako hundred percent sure.

Hindi ko siya makita. Nakakalula ang dami ng manonood e.

Nakita ko rin ang pwesto ng mga judges. Deritsong nakatingin sakin ang commander Shin at ang Lieutenant. Kasing edad lang ni papa ang bagong lieutenant.

"Are you ready, Altair Chancelor?"

Huminga muna ako ng malalim at saka tumango.

Biglang naging tahimik ang lahat na mas nagpakaba sakin. Aish! Kaya ko to! Kaya ko.

Hinga ng malalim. Okay.

Tinanggal ko ang cover ng katana ko at naglakad ako sa pinaka-gitna pa ng arena. Itinusok ko ang ipinakadulo ng aking katana at agad na kinuha. Naglikha iyon ng napakaliit na apoy na ipo-ipo.

"Shemay. Nagkamali ako," bulong ko sa sarili ko. Hindi kasi yun ganito eh. Kasi dapat ay naglikha ito ng liwanag na kulay kagaya ng apoy. Hindi dapat apoy ang nandiyan. Liwanag lang dapat.

Hindi talaga apoy ang itatanghal ko, kundi isang ilaw lang na magmumukha siyang apoy na pormang dragon. Kaso heto. Nagkamali ako.

Dahil sa nangyari, napalingon ako sa mga judges. Nararamdaman kong alam nila na nagkamali ako.

Nagsimulang magbulong-bulongan ang mga manonood dahil sa hindi na ako nag-proceed agad sa next step at tinitingnan lang sila.

Anong gagawin ko? Nagkamali ako. Mukhang di ko na alam kung papaano lulusotan to. At isa pa, mukhang di ko magagawag malusotan dahil hindi ako nakaka-concentrate.

Isip, isip, isip. Anong gagawin ko?

"Anong problema, Altair?"

Problema? Hindi ko na alam ang gagawin. Nagkamali ako.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. At walang ibang magawa kundi ang pakiramdaman ang paligid at ang sarili ko.

'Ah! Bahala na! Gagawa na lamang ako ng panibago. Pero pano ko yun gagawin? Eh walang pagsasanay?' naisip ko na lamang.

Muli kong iminulat ang aking mga mata. Lumalakas na ang bulungbulongan ng manonood. Nakita ko sa isang doorway si Lucas. Bakas ang pag-alala niya sakin. Ngumiti lang ako at muling itinuon ang pansin sa apoy na napakaliit na mistulang ipo-ipo ang porma.

Paano ko gagawin?

Nanginginig na mga kamay ko kaya napahigpit ako sa paghawak sa katana ko.

Aish. Gagawa-gawa na lang ako.

Nagipon ako ng sapat na hangin sa loob ko at dahan-dahan kong hinipan ang apoy. Napaatras na lang ako ng paunti-unti ng uniti-unti ding lumalaki ang apoy. Di ko inaasahan na lalaki ang apoy sa ginagawa ko. Akala ko kasi ay kakalat lang ang apoy.

Tuloy tuloy lang ako sa pagihip hanggang sa maubos na ang naipon kong hangin. Tumaas na ang apoy na kasingtaas ko lang. Nang itigil ko na ang pagihip, biglang lumakas pa ang apoy kaya napa-atras pa ako. Ang hindi ko inaasahan ay ang pananatili nito sa pormang ipo-ipo at masyadong malaki at mataas. Nakatingala na ang mga manonood.

Sunod kong naisipan ay magpakawala ng mga maliliit na fireball sa ere sa buong arena habang patuloy lang ang apoy na ipo-ipo. Hindi naman napapano ang fireball dahil nananatili lang itong nakalitaw sa ere.

Nang mapansin ko na marami na ng fireball, itinigil ko na rin ang pagpapakawala. Nakakapagod na rin kasi.

Nagisip ako kung ano pa ang gagawin ko. Naalala ko ang itinuro ni Ma'am Aurora sa amin tungkol sa chant. May naiisip ako ngayon. Try ko kung gumana. Tsaka, wala na akong paki kung magkamali pa ako dahil biglaan lang ito ngayon. Nagkamali na ako eh. Hindi na ako mananalo nito.

Dumistansya ako mula sa ipo-ipong apoy at itinutok ang aking katana doon.

"Let the tornado of fire turns into a dragon!" sigaw ko. Sa katunayan, di ko rin alam kung anong mangyayari! Hahaha. Nagi-experiment na ako rito.

Ilang segundo pa, unti-unting nagkakaroon ng bagong porma ng ipo-ipong apoy. Hanggang sa naging porma ito ng dragon na pahaba.

Pagkatapos ay ibinaba ko na ang katana. Namangha ako sa ginawa ko nang gumalaw ang apoy na dragon at nagputukan ang mga fireball na animo'y fireworks display.

Nagpalakpakan ang mga manonood at manghang-mangha sa ginawa ko.

Lumipad-lipad ang apoy na dragon palibot sa arena kasabay ng mala fireworks na putukan ng maliliit na fireball na pinakawalan ko kanina.

Manghang-mangha ako sa ginawa ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang nagyayari sa paligid. Di ko inaasahan ang ganito.

Rinig ko ang kasiyahan sa buong arena. Tuwang-tuwa ang lahat sa kanilang nakikita.

Napalingon ako kay Commander Shin. Pumapalakpak siya habang nakatingin sakin. Napangiti na lamang ako.

Napangiti na lamang ako ng labis ng makita ko ang lahat na tuwang-tuwa na nakikita nila. Sabi ko nga kanina, hindi ko inaasahan na magiging ganito ito.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

191K 5.6K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...
26.7K 847 43
In this world you have to be brave enough to accept that not everybody who fights with you survives the battle. Because in the end, it takes more tha...
191K 9.2K 85
Aerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal a...
84.5K 3K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...