Elemental Gunji-teki Academy

By MasayahingShana

613K 16.5K 854

15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A... More

Welcome Message
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter to Era 2
Era 2 (Book 2)

Chapter 60

6.2K 173 28
By MasayahingShana

ALTAIR

Kinabukasan...

"Hmm~ lalala~"

"Ang saya mo ata ngayon, Eunice. Anong meron?" Tanong ko sa kanya na naghahanda para sa pagpasok.

"Hindi naman. Medyo lang," nakangiti niyang sagot habang sinusuot sapatos niya. "Masaya lang ako kasi kasali ka na sa top 5 sa inyo. At makikita ko ulit crush ko."

"Teka. Diba may kine-kwento ka last week kaso natutulugan kita, ikwento mo na sa akin."

Tumayo siya. "Hala oo nga no. Hindi mo na ako matutulugan."

Napatawa ako.

"Ah. Mamaya na lang pagkauwi natin. Papasok na tayo e. Mabibitin lang kwento ko."

Tumango ako.

"Haay. Ang gwapo niya talaga. Ang kisig," aniya at napahawak pa sa magkabilang pisngi niya dahil sa kilig.

Napangiti lang ako at saka ko kinuha ang katana ko. "Tara na nga. Basta mamaya kwentohan mo ko."

Tumango siya habang nakangiti.

Lumabas na kami sa dorm at saka tumungo na papuntang trainee section.

"Altair!"

Halos sabay kaming napahinto at napalingon ni Eunice sa tumawag sa akin nang nasa Trainee section na kami. Si Ryoran.

"Oh. Ikaw pala, Ryoran. Morning," bati ko.

"Morning din." Nakangiti siya nung una ngunit nang madako ang mga tingin niya kay Eunice, biglang nawala ang ngiti niya.

Liningon ko si Eunice. Inirapan niya si Ryoran.

"Magkabati na nga k---" naputol ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Ryoran.

"Eh kasi itong kaibigan mo, crush ako."

Napa-"Ha?" ako agad.

"Hoy. Excuse me. Hindi nga kita type. Mahangin ka. Hambog ka. Pangit ka," ani Eunice.

"Palagi ka kasing galit sa akin."

"Alam mo na diba kung bakit ako galit sayo. Diba? Purely galit ako sayo. Nakakaasar presensiya mo."

"Palagi mo na lang ginagawa na palusot yan e."

"For your information, may crush akong iba. Kaya tigilan mo na 'yang pag-a-assume mo. Kadiri," nakapamewang na saad ni Eunice.

"Crush ka ba ng crush mo na yan?" Tanong ni Ryoran.

Medyo natagalan sumagot si Eunice. "Uhm... Hindi ko nga alam kung napapansin niya ako e," sagot niya at napaiwas ng tingin.

Napatawa si Ryoran. "Paalala ko sayo, wag ka nang umasa. Paniguradong hindi niya alam existence mo at paniguradong wala siyang pakialam sayo kung malaman niya man ang tungkol sayo."

"Tse! Grabe ka."

"Ako pa ngayon grabe. Ikaw nga itong nagsimula."

"Akong ako nagsimula?"

"Galit ka kasi palagi kahit hindi naman ikaw inaway ko noon."

"Imbes kasi na magpakabait ka para hindi na ako magalit, tinitumbasan mo ng pang-aasar."

"Bakit ako magpapakabait sayo? Sino ka ba ha? Baka isipin mo pa na may gusto ako sayo. Hindi kita type."

"Ay wow. Linya ko yan e. Hindi kita type. Pangit ugali mo. Pangit pa mukha mo."

"Pangit din ugali mo. Pangit din mukha mo."

"Pangit ka."

"Mas pangit ka."

Napakamot ako sa ulo ko habang nakikinig sa kanilang dalawa. Kung saan-saan napupunta usapan nila tapos babalik ulit sa laitan.

"Walang magkakagusto sayo," ani Eunice.

"Baka gusto mo ipakita ko sayo mga love letters na mga natanggap ko mula sa iba't ibang babae."

"Ay talaga? May love letters kang natatanggap?"

Tumango si Ryoran. "Aba syempre."

"Baka nga ikaw lang nagsulat tapos gawa-gawa mo lang mga pangalan. Then kunwari ibinigay sayo."

"Hindi ako ganun, hoy."

"Sa pagiging mahangin mo, walang magkakagusto sayo."

Naagaw ang atensiyon ko sa ilang guro na nakikita ko rito sa Trainee section. Mukhang papasok na sila sa kani-kanilang division.

"Tama na yan," saway ko sa dalawa na naglalaitan na naman. "Pumasok na tayo sa division natin. Nandito na ang mga guro. Baka malate pa tayo."

Nakinig naman silang dalawa sa akin.

Nagpaalam na sa akin si Eunice para tumungo na sa division niya at inirapan niya lang si Ryoran.

At saka kami sabay ni Ryoran na tumungo sa division namin.

Pagkarating namin, deritso na kami sa grupo namin. Kompleto na kaming top 5 at saktong dumating na si Ma'am Aurora.

"Nasabi ko na kahapon ang tungkol sa darating na Martes sa susunod na linggo, tama?"

Tumango kami.

"Lilinawin ko ngayon ang tungkol doon. Huling kompetisiyon niyo ang araw na iyan. Ibig sabihin, sa araw rin na iyan opisyal na  madedeklara ang bagong representatives ng bawat army group."

Nagtaas ng kamay si Danilo. "Bakit parang ang bilis naman ata ng pagkakaroon ng representative. Ang bilis matapos ng kompitesyon."

Napatango si Kian. "Opo, ma'am. Parang nagmamadali. Ganun."

Napabuntonghinga si ma'am. "Ito lang ang maisasagot ko riyan sa mga tanong niyo: napag-utusan lang kaming mga guro."

Naningkit lang halos ang mga mata naming lima. May parang gusto kami itanong kaso di namin alam kung papaano itatanong.

Napatawa si ma'am sa naging reaksyon namin. "Pfft. Kung may alam man ako, di ko pa rin sasabihin sa inyo. Basta napag-utusan lang kaming mga guro na i-train kayo at mag-arrange ng mga events na kailangan. Walang sinabi sa amin na sabihin sa inyo. Okay?"

Napabuntonghinga kami. Dismayado na wala kaming malalaman kung bakit nagkakaganito.

"Basta makinig lang kayo sa aming mga guro at gawin niyo kung ano ang makakaya niyo."

"Yes, ma'am."

"So, sa Martes ang huling laban niyo at gaganapin ito sa arena rito sa academy," pagpapatuloy ni ma'am.

"Wo-woah! May arena pala rito?" Halos sabay na tanong ni Xander at ni Agatha.

Tumango si ma'am. "Oo. Nasa dulo ito ng Trainee Section. Hindi rin iyon isinaad sa mapa niyo noon dahil akala namin ay hindi pa kakailanganin ng representative."

"Ay grabe. Ang laki pala talaga ng paaralan natin. Baka mamaya may underground din dito," komento ni Danilo.

"Sa arena mismo gaganapin ang inyong kompitesyon. Hindi lang kayo ang maglalaban laban. Nandoon din ang lahat na top 5 ng bawat division. Lahat ng estudyante at mga guro ay nandoon para mapanood kayong lahat na mga top 5. Ang mga magiging judge para sa kompitesyon ay ang mismong mga commanders."

Tahimik kaming nagkatinginan na top 5.

Shemay. Mga commander na mismo ang magiging judge? Tapos ano? Marami pang manonood sa amin. Shemay talaga.

Nai-iimagine ko na ngayon kung ano ang makikita ko sa arena: mga nakaupong estudaynte, guro, mga commanders at siguradong pati na rin ang ilang army ay nandon yan. Gosh. Nakakalula ngayon palang.

"Pero ang klase ng kompitesyon ninyo ay iba. Hindi kayo maglalaban-laban kagaya kahapon."

"Eh anong klaseng kompitesyon yan, ma'am?" Kabadong tanong ni Kian.

"Mapapakitanggilas kayo sa paggamit ng inyong kapangyarihan. At susukatin ng mga judges kung paano kayo ka-confident, kung gaano kayo ka-creative, at kung papaano niyo mamanipulahin ang mga sarili niyong kapangyarihan. Ito ang magiging indikasyon kung gaano niyo ginagamit ang kapangyarihan niyo bilang parte ng katawan ninyo at hindi yung tila nakabukod ang kapangyarihan sa katawan ninyo."

Napatango kami.

"Kaya ang training niyo simula ngayon ay nakadepende na sa kung ano ang gagawin ninyong pagtatanghal. Pero huwag kayong mag-alala. I-gu-guide ko pa rin naman kayo. Kaya ngayon, mag-warm up muna kayo."

***

Sa training namin ngayong araw, binigyan kami ng oras para magmuni-muni kung ano ang gagawin naming pagtatanghal.

Pagsapit ng hapon, magkakalayo kaming lima sa isa't isa para makapag-experimento kami ng sari-sarili naming posibleng itatanghal sa araw mg kompitesyon. Minsan gumagawa ako ng maliit na buhawing apoy dahil iyon ang naiisip ko sa ngayon tapos siguro ay mag-iisip pa ako ng pwedeng idagdag kong gagawin.

"Hmm. So, buhawing apoy ang naiisip mo huh," komento ni Ma'am Aurora.

Napahinto ako agad sa ginagawa ko at napatingala sa kaniya dahil nakaupo ako sa damuhan.

"Astig yan," pagpapatuloy niya.

Napakamot ako sa ulo ko. "Ah eh. Hindi pa ako sure about dito, ma'am. Pinag-iisipan ko pa kung ano ba talaga ang gagawin ko."

"Ah. Sige lang. May time pa naman."

Tumikhim si ma'am at saka humarap apat ko pang kaklase na nasa iba't ibang angle ng buong plaza ng division namin.

"Makinig kayong lahat," nilakasan ni ma'am ang boses niya. "Ang gagawin ninyo sa kompitesyon ay paniguradong mas malakas mag-consume ng lakas ninyo. Kaya dapat alam niyo ang kondisyon ninyo habang ginagawa niyo ang itatangghal ninyo."

Tumango kami bilang tugon.

***

Pauwi na ako ngayon sa dorm matapos ang training namin ngayong araw. Habang naglalakad pauwi, pinag-iisipan ko kung ano ba talaga gagawin ko para sa kompetisyon. Pero hindi ako maayos na nakakapag-isip dahil nakakapagod sa isip ang naging activity namin ngayong araw.

Binuksan ko agad ang pintuan ng dorm namin pagkatapat ko rito at saka pumasok.

"Altair? Altair!" Rinig kong tawag sa akin ni Eunice habang nagtatanggal ako ng sapatos.

"Oh?"

Patakbo siyang lumapit sa akin at saka yumakap.

"Oh. Bakit?" Alala kong tanong sa kaniya at napatingin ako sa paligid kung anong nangyari. Wala namang unusual dito.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.  "Eh kasi..." Halos nakanguso na siya at kita ko ang lungkot niya.

"Bakit nga? Anong nangyari?"

"Eh kasi... Si crush."

"Yung crush mo. Bakit? Anong meron?"

"Ano kasi..."

"Ano nga? Sabihin mo na."

"May girlfriend na siya huhu." At napayakap siya ulit sa akin.

Bigla akong nakahinga ng maluwag. Jusme. Akala ko kung ano nang nangyayari sa babaeng 'to.

"Nakita ko siya kanina na may kasamang girl. Nung una, akala ko kaklase niya lang. Tapos nakita ko na nagholding hands sila. Tapos yung way ng tinginan nila sa isa't isa. Tapos yung ngiti nila sa isa't isa. Tapo---"

Tinapik-tapik ko ang likod niya bilang pag-comfort. "Shh. Hayaan mo na lang. Hanap ka na lang bagong crush."

Kaso ngumawa lang siya na parang bata habang nakayakap sa akin.

Napapangiti ako at nalulungkot para kay Eunice. Hindi ko na tuloy alam kung ano ba talaga.

Haay Eunice.

Napailing na lang ako.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

26.7K 847 43
In this world you have to be brave enough to accept that not everybody who fights with you survives the battle. Because in the end, it takes more tha...
1.3M 59.8K 45
Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resu...
1.5M 61.4K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
18.1K 505 9
No matter how cruel the world is, you'll always feel safe in Daddy's arms. One thing to describe Zyrene Kate Dela Cruz' life is 'hell', she was aban...