My Handsome Katipunero

By JanelleRevaille

909K 38.1K 10.1K

[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMP... More

My Handsome Katipunero
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
ANTONIO HIDALGO
ANTONIO HIDALGO
WAKAS
Author's Note
Questions and Answers
Highest Rank Achieved
Special Chapter: Moon, Stars and Fireflies
Special Chapter: The Moth and the Flame
HAPPY INDEPENDENCE DAY!

KABANATA 40

13.4K 542 169
By JanelleRevaille

Pagkatapos ng pulong sa Tejeros, marami akong mga usap-usapang narinig mula sa mga tao rito sa Limbon. Nalaman kong pagkatapos ng pulong ay nanumpa pa rin si Aguinaldo bilang bagong presidente ng katipunan. I was really pissed off that time. That was so disrespectful. He was absent during the election and he proceeded in his oath-taking the next day? That just proves how dirty his intention is. If I met, I'll give him a good beating. I don't care if he's a president of the state, I don't care if he's considered a hero. For me, he's just a corrupted person who did Andres dirty.

Nalaman ko ring sinubukan niyang na kunin ang kooperasyon ni Andres but the supremo didn't gave in. He even issued a document that declares Aguinaldo as a traitor of the organization. He reorganized the supreme council. He assugned Emilio to lead the katipunan in Manila. Nakakalungkot lang dahil hindi pa siya masyadong nagtatagal dito ay kinakailangan na niyang umalis. Utos ito ni Andres at para din sa ikabubuti ng samahan. Kaya ngayon, eto kami at magpapaalam kay Emilio.

"Sigurado ka bang hindi mo dadaanan si Corazon para makapagpaalam?" tanong ni Santiago.

Napansin kong nagulat si Emilio sa tanong nito. Sino ba namang hindi? Hanggang ngayon may nararamdaman pa rin si Emilio para kay Corazon at alam yun ni Santiago. Kaya nakakagulat talaga na ang taong mahal ng taong mahal niya ay siya pang mag-aalok sa kanya na dalawin at magpaalam dito.

After Emilio composed himself, he gave Santiago a tight smile. "Hindi na muna."

"Sigurado ka? Pupunta kami ni Iska ngayon sa bayan, sumama ka na kaya samin?" alok ko.

Tumango si Santiago, "Oo nga. Dadaan ka naman sa bayan kaya mas mabuti na kong makakapagpaalam ka kay Corazon. Siguradong malulungkot iyon."

Napangiti na lamang si Emilio, "May magagawa pa ba ako?"

"Paano? Alis na tayo?" sabi ni Iska saka pinulot ang isang basket. Tumango ako saka ipinusod ang buhok. Bago ko pa man maisuot ang salakot na ipinahiram sakin ni Amor ay nakita ko si Antonio na palapit sa amin. Mukhang hindi katatapos lang ng pagpapatrolya nito.

Nang makalapit siya samin ay binati niya kami at agad na itinuon ang pansin sakin. "Ngayon na kayo bababa ng barrio?" tanong nito.

I nodded, "Para hindi kami gabihin sa pag-uwi."

"Maaari ko naman kayong samahan. Upang kahit papano'y makatulong ako kahit sa pagdala ng inyong pinamili," alok nito. "Saka, mas panatag ang loob ko kung masisiguro kong ligtas kayo," then his eyes shyly landed on me.

I blushed. Simple gestures but worth everything. Antonio's specialty, making my heart pound like crazy and sending the zoo inside my stomach.

"Kasama ba ako riyan, ginoong Antonio? O baka si Kristin lamang ang iyong tinutukoy?" Iska teased.

He ears flushed. Perhaps he didn't notice that he was too obvious. Napahimas nalang siya ng batok at di na napigilang ngumiti.

Natawa naman si Santiago at Emilio dahil sa kaibigan. Inakbayan ni Santiago si Antonio, "Alam mo, kaibigan, subukan ninyo ni Kristin na hindi magkasama kahit isang araw lamang. Dinaig niyo pa ang mag-asawa."

"Tama si ang ginoong Santiago, ginoong Antonio. Para kang isang nag-aalalang asawa," natatawang komento ni Iska.

Hinila na ni Santiago palayo si Antonio. "Alam kong mahal na mahal ninyo ang isa't isa ngunit masama sa isang relasyon ang palaging magkadikit," Santiago teased. He looked at me while walking, "Huwag kang mag-alala, Kristin. Ako na ang bahala sa iyong asawa."

Di ko na mapigilang kiligin. The thought of us being husband and wife, well, I know I'm not at the marrying age yet. And it never really did cross my mind. But, just the thought of me marrying the person I love, it'll be the most beautiful thing that ever happened to me. I looked at Antonio and noticed that he was looking at me while walking away. I smiled. But just meeting him was the most beautiful thing already.

"Halika na, Kristin. Huwag kang mag-alala. Sa tinging ibinibigay sayo ni Antonio, alam kong ikaw lang nilalaman ng kanyang puso," Iska said. Isinuot ko na ang salakot at binigyan ng ngiti si Antonio.

Isang malungkot na ngiti.

They say na kapag nahanap mo na ang taong mamahalin mo, you will think of your future together. But why can't I?

I'm not from here.

Napagdesisyunan namin ni Corazon na magkita sa harap ng isang simabahan malapit sa tinitirhan ni ginang Asuncion. Humiwalay agad sa amin ni Emilio si Iska nang makapasok kami sa bahay dahil kailangan daw niyang magmadali dahil maliban pamamalengke para sa kakainin mamayang hapunan ay ihahatid niya raw ang mga binurda ng kanyang ina para ibenta sa isang mercantile sa bayan. Hindi naman gaano kalayo mula sa pusod ng bayan ang simabahang tinutukoy ni Corazon kaya ilang minuto lang ay nakarating agad kami.

Nadatnan namin si Corazon na nakatayo sa entrada ng simbahan at halatang may hinihintay. She's not wearing her usual ragged clothes and her usual hairstyle. Nakapusod ang maitim at mahaba nitong buhok. A small flower ornament was used to keep her hair in place. She was wearing a more fancy collarless chemise with embroidered flowers on its bell-shaped sleeves. Her skirt was peach in color na pinatungan ng isang laced na tela. May hawak hawak din siyang itim na payong panagang sa tirik na sikat ng araw.

Nang dumapo ang tingin niya sa amin ay kumaway siya. Kumaway din ako pabalik at napatingin kay Emilio. Diretso itong nakatingin sa kinaroroonan ni Corazon at halatang mabighani sa ganda nito ngayon. Napangiti ako at tinapik ang balikat niya.

"Alam kong maganda, ngunit hindi pwedeng mabato ka riyan," I teased. He composed himself at ibinalik ang bossy nitong expresyon.

Nang makalapit kami kay Corazon ay agad ako nitong binati, "Magandang tanghali, Kristin!"

I gave her a tight smile and greeted her back, "Magandang tanghali din."

"Magandang tanghali, ginoong Emilio." bati nito sa katabi kong kanina pa natutulala sa babaeng kaharap namin ngayon. Iba talaga kapag tinamaan ang mga bayani ng pag-ibig. Hindi ko na napigilang mapangiti.

"Magandang tanghali rin, binibining Corazon."

"Narito ka na rin pala sa Yndang. Mabuti na lamang at ligtas kang nakalabas ng kalookan."

Tumango si Emilio, "Naging maingat naman ako. At sa tulong ng ilang mga kasamahan natin doon ay nagawa ko ang mga dapat kong gawin."

"Mabutin naman. Oo nga pala, kailan ka pa nakarating dito?"

Inalis ni Emilio ang tingin kay Corazon, "Ilang linggo na ang nakalipas mula nang makarating ako rito. Sa katunayan, narito ako upang magpaalam."

Corazon frowned, "Magpaalam? B-bakit?"

"Inatasan ako ng supremo na pamunuan ang hukbo sa Maynila," mahinang sagot ni Emilio. "Kaugnay pa rin ito sa ginawang pagtataksil ni Aguinaldo."

Bakas sa mukha ni Corazon ang lungkot. Hinigpitan niya ang hawak sa dalang payong. "G-ganoon ba?"

Ngumit si Emilio, "Paano ba iyan? Hinihintay ako ng aking mga tauhan sa kabilang bayan. Kinakailangan ko ng umalis." Inilahad nito ang kamay kay Corazon. Sandali muna niya itong tinignan bago tinanggap ang kamay ni Emilio. "Hanggang sa muli nating pagkikita," then he kissed the back of her hand.

Binitawan niya ito at humarap sakin, "Paalam, binibining Kristin."

Paalam...

And with that, he left us.

Pansamantala kaming natahimik ni Corazon at tinignan ang papaalis na si Emilio. I wanted to get to know him more. Emilio was a kind of guy that I would love to be friends with. He was intelligent, bright, serious. And he's loyal. He was a person clad in mystery. Nakakacurious. He was an underrated philippine national hero. I may not be fond of reading the history of this country, but books tells too little about the revolutionary hero Emilio Jacinto. But, me, I get the chance to know a lot about him.

And, I can say this now, I am honored.
"Nakakalungkot," narinig kong bigkas ni Corazon.

Nakakalungkot. Gusto kong kilalanin ang mga taong nakapaligid sakin, ang mga taong bumago at nagmahal sakin sa kabila ng mga kapintasan ko. I wanted to know them by showing them that I care for them a lot. But I can already feel it. I was slowly disappearing. Rafael came back from delivering Andres' message about the Acta de Tejeros with a letter from Aling Isay and Mang Nestor for Antonio. Nagtataka at gulong-gulo nitong ikinuwento ang pagkikita nila ni Aling Isay.

"Sinabi ko kay Aling Isay na may iniibig na sk Antonio. Tuwang-tuwa ito sa aking sinabi. Nais daw niyang makilala ang babaeng bumihag sa puso ng kanyang apo. Sinabihan ko siyang nakilala na niya ito at sinabi ko ang iyong pangalan, Kristin.

Nagtataka ako at naguguluhan. Hindi ba't sinabi ninyong kilala ko si Kristin ngunit baka hindi ko lamang naalala dahil hindi naman kami ganoon katagal na nagkasama? Ngunit, bakit hindi kilala ni Aling Isay si Kristin?  Hindi ba't bago ko pa man makasama si Kristin ay nakatira na siya sa inyo, Antonio? Hindi ko maintindihan ang nangyayari."

Aling Isay, and maybe Mang Nestor, had forgotten about me. My time here is getting shorter and shorter. Day by day someone's forgotten me.

"May mga panahon talaga na kailangan nating magpaalam pansamantala sa mga taong itinuring na nating pamilya. Nakakalungkot pero magkikita rin naman kayo," Corazon held my hand. "Nalulungkot man ako at agad na umalis si Emilio ngunit hindi ibig sabihin noon na hindi ko na tutuparin ang pangako ko sayo. Mamasyal pa rin tayo!" she said, trying to put up a cheerful expression.

Magkikitang muli? But the thing is, I won't see you again. I won't see anyone from this timeline again. Sa loob ng halos isang taon, naka-adjust na ako sa panahong ito. Nagkatagpo ng mga kaibigan sa lugar na hindi ko inaasahan. Nahanap ko ang sarili ko, nakaalis sa kadilimang dulot ng aking galit. At nakilala ko ang taong siyang naging liwanag ko. Parang isang alitaptap sa isang madilim na gabi.

I'm not ready to go home yet. This place is home already.

I gripped Corazon's hand, "Corazon.. Pwede bang sa ibang araw nalang taong mamasyal?"

"Bakit?" nagtatakang tanong nito. "Masama ba ang iyong pakiramdam? May problema ba, Kristin?"

Umiling ako, "Wala." I gave her a tight smile. "Pwede bang ipinta mo ako?"

Nagulat si Corazon sa sinabi ko. She didn't answer. She searched my face, wanting to know the meaning behind my words. If I can't stop time, then I have to find a way to stay in these people's heart.

Corazon didn't say a word, she didn't ask any questions. She just nodded.

-

Umuwi kami ni Iska sa Limbom noong lumubog na ang araw. Tahimik lang ako habang naglalakad kami pabalik. Paminsan-minsan akong kinakausap ni Iska pero maikli lang ang mga sagot ko. Corazon painted me without asking any questions. Kahit na alam kong gustong-gusto niya akong tanungin kung bakit, pinigilan niya parin ang sarili niya dahil alam niya sigurong hindi ako sasagot.

"Kung bigla akong umalis ng walang paalam, maaari mo bang itago ito?" I said, as I runy finger on the edges of the canvas. Hindi pa ito tapos pero kuhang-kuha ni Corazon ang bawat detalye ng mukha ko. It was a portrait painting of me. Napangiti ako. She must've practiced this hard for her to be able to paint like a pro.

"Kristin.."

Tumalikod ako at kinuha ang salakot sa ibabaw ng mesa. "Aalis na ako, nandiyan na si Iska."

I was hoping that that picture would remain. Umaasa ako na kahit ang painting man lang na yun ay hindi burahin ng oras.

"Iska! Kristin!" naibaling ko ang atensyon kay Nenita at Amor hinihingal na lumapit sa amin.

"T-teka, anong nangyari sa inyo? Bakit para kayong hinahabol ng baboy-ramo?" nagtatakang tanong ni Iska. The girls were trying to catch their breath kaya natagalan sila bago sumagot.

Amor raised her head, "Ha... Habang wala kayo, dumating ang tatlong kasamahan ng supremo na may ma...ha! Matataas na posisyon sa katipunan."

"Sila sino?"

"Artemio Ricate, Pio Del Pilar at Mariano Noriel," mabilis nilang sagot. "Sa tingin ko'y kaugnay pa din ito ng nangyari sa nakaraang pulong."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Who are these people? Are they an important part of  history? I closed my eyes and tried to remember what I read frok the app Mon installed in my phone. Revolutionary period. What happened after the Tejeros convention? Artemio Ricarte... Del Pilar... Fudge. Come on. Why can't I remember? Alam kong halos scanning lang ang ginawa ko, pero imposible namang hindi ko mabasa ang mga pangalan nila.

"At narito rin si Aguinaldo," agad akong napamulat dahil sa sinabi ni Nenita.

"A-anong ibig mong sabihin?" gulat kong tanong. Emilio Aguinaldo is here?

"Dumating siya ilang oras pagkatapos dumating noong tatlo."

Kumunot ang noo ko at mas lalong namuo ang kaba saking dibdib, "Ano namang ginagawa niya dito? Hindi ba't hindi sila magkaayos ng supremo?"

Nenita sighed, "Hindi rin namin alam."

Hinubad ko ang salakot ko at ibinigay ito kay Iska saka mabilis na naglakad paalis.

"Teka, Kristin! Saan ka pupunta?" pasigaw na tanong ni Amor.

"Aalamin ko kung bakit nandito ang traydor na yun!" sagot ko nang hindi sila nililingon.

"Hindi tayo maaaring makialam!"

I stopped on my tracks and faced them. "Parte pa rin tayo ng samahang 'to. Karapatan nating makialam lalo na't kung para sa ikabubuti ng samahan."

Mabilis ko silang tinalikuran at nagpatuloy sa paglalakad. I know what would happen after the convention. The convention will lead to Andres' arrest. I don't know the dates but I know it'll happen. It has been written in many books. May iba-iba mang version at iba-ibang pananaw, the event was still the same.
"Fuck! Why didn't I remember the dates!" I murmured. I know Karlos told me not to interfere but I've already made up my mind. I have to help these people. To repay them for helping me. Aalis na man lang din ako, bakit di ko pa sila tulungan?

Agad akong napatago sa isang malaking puno ng acacia nang mapansin ko ang dalawang lalaking naglalakad. Ang isa'y hawak-hawak sa tali ang isang kabayo habang ang isa'y naglalakad sa tabi ng kabayo.

"Mabuti na lamang at natunugan mo ang planong pagsapi sa supremo ng tatlong iyon," sabi ng isang lalaking may hawak sa kabayo. "Makapangyarihan ka na ngayon, pinuno. Lalo na't napabalik mo ang dalawa sa kanila sa iyong panig."

This was the part of Andres' headquarters na halos mga puno lang ang nasa paligid. The other guy nodded. It was dark pero kita ko pa rin ang itsura ng lalaki. Payat ito at di gaanong katangkaran. He was wearing a white long-sleeved shirt with all of its buttons closed up to his neck. May suot rin itong belt kung saan nakasuksok ang isang baril.

It was Aguinaldo.

"Ngayong nakuha mo na rin ang suporta ng ilang mayayamang pamilya sa Cavite, maisasagawa mo na ang iyong mga hangarin para sa ating bayan."

"Si Andres na lamang ang siyang nakakapagpaantala ng aking mga plano," Aguinaldo said. "Hindi ko gustong gamitan siya ng dahas, ngunit ito lamang ang paraan kung ayaw niyang makipagtulungan sa akin."

Nagulat ako sa mga narinig. I covered my mouth to prevent a gasp from escaping. This was his plan? I was right. The books were right. It really din happen. Dahan-dahan kong inayos ko ang tayo. My heart was racing. I balled my fist. I've heard enough, I have to warn them. I have to warn them about this devil's plan. I have to tell them—

"Sinong nandiyan?!" narinig kong sigaw ng lalaking kasama ni Emilio.

Busted for eavesdropping. I glared at the twig na natapakan ko.

"Sinong nariyan?" I could hear the voice getting nearer and the slow tapping of his feet on the dry fallen leaves. He was walking towards my direction.

I sighed at sinubukang isantabi ang kaba at galit na nadarama. I stepped out of the tree's shadow.

Napahinto ang lalaki sa paglalakad nang makita ako. Pareho silang gulat ni Aguinaldo na nakatingin sakin.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ng lalaki ngunit di ko siya pinansin at ibinaling ang tingin.

"Ginoong Aguinaldo, maaari ba kitang makausap?" seryoso kong tanong.

Panandalian siyang natahimik. He tried to compose himself before answering.

He faked a cough, "Daniel, mauna ka na't ako'y susunod na lamang."

Lumingon si Daniel kay Aguinaldo, "Ngunit pinuno—"

"Sige na." Wala na itong nagawa at sinunod na lamang ang inutos ni Aguinaldo. He left with the horse. "Maaari ka bang lumapit?"

I walked forward, stepping out of the shadows and into the moonlight. I stopped after putting a safe distance between us.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, hija?"

I clenched my jaw, "Narinig ko ang pinag-uusapan niyo kanina. Anong gagawin niyo sa supremo?"

Aguinaldo didn't answer. He wasn't even shocked. Mukhang alam na niyang narinig ko ang pinaguusapan nila the moment I stepped out of the tree's shadow. He just stared at me without any expression plastered on his face. He has an air of authority surrounding him. But unlike Andres', he's difficult to approach. Andres was leader who thinks of his subordinates as his brothers. Aguinaldo was diferrent from him.

He wore his hat over his head, "Iyan ba ang nais mong malaman?" Tumango ako. "Bakit ko naman sasabihin sa isang babaeng ngayon ko lamang nakita ang aking mga plano?"

"Narinig ko na ang lahat..." Scratch that, I know everything. I just wanted a clear answer. I want those answer to come from his own mouth. "Wala ka ng maitatago."

He sighed, "At anong gagawin mo kapag sinabi ko sayo? Ibabahagi mo ang iyong nalalaman sa iyong supremo?" He chuckled, "Sa tingin mo ba'y papakinggan niya ang sasabihin ng isang dilag?"

Mas lalo kong kinuyom ang kamao ko. I was starting to get pissed off. "Oo," I answered proudly. "Dahil ang supremo ay isang tunay na pinuno. Isang pinuno na hindi lamang ang adhikain ng samahan ang iniintindi, kundi pati ang mga kasamahan nito. Kaya naniniwala akong papakinggan niya ako. At hindi siya tulad mo, hindi na magagawang pagtaksilan ang mga kasamahan niya."

"Iyan ang dahilan ng kanyang pagbagsak."

I was taken aback with what he said. He didn't say it to mock Andres. He sounded like he was stating a fact. "Ang pinuno ng isang organisasyon ay nasa tuktok ng organisasyon, gayunpaman, siya'y alipin nito. Nararapat lamang na handa siyang gumawa ng kalupitan upang matiyak ang pagpapatuloy ng samahan."

I balled my hand into a fist as I gritted my teeth, "Your logic is twisted. Handa kang sirain ang tiwala sa'yo ng supremo para lang makamit mo ang kapangyarihang hinahangad mo? Mas masahol ka pa sa pinakamababang uri na nilalang."

You're the lowest of the lowest.

He didn't flinch or anything. He accepted my insult like he had expected it.

"Masahol na kung masahol, hija. Ang kapangyarihang iyon ang siyang makakatulong sakin upang matupad ang aking mga hangarin para sa bayan. At makakamit ko ang kapangyarihang iyon sa pamamagitan ng pagtanggal ng masamang damo sa aking bakuran. At wala ng makakapigil sa akin," he said then he turned his back on me.

He took a step forward and was about to leave. "Hindi kita hahayaang magtagumpay."

He stopped on his tracks. He looked at me over his shoulders, "At ano naman ang kayang gawin ng isang babaeng tulad mo?"

"Trust me. You don't wanna know," I smirked. "At kahit na magtagumpay ka man, hinding-hindi na magbabago ang tingin ng tao sayo."

-

Hi. 5 chapters to go then we say goodbye to Kristin and Antonio. Pasensya na kung antagal ko na namang hindi nagupdate. I had a lot of stuff to do. Nirevise ko din ang chapter 43, 44, 45. I decided na yung original ending na lang ang gamitin. At abangan niyo po ang special chapter ni Kuya Kevin.

-

Hi. Did you like this chapter? I hope you did! Don't forget to vote and comment.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 147 7
COMPLETED ON GOODNOVEL Ako nga pala si Antonnia Yulliene Villa. One-half Bisaya, one-half Ilongga, and 99.9% NBSB. (08)036- 024- 36 Nakakalungkot man...
Unmei no Akai Ito By Azul

Historical Fiction

28.7K 1.5K 19
Naging simple at tahimik ang buhay ni Luna nang lumipat sila ng tatay at mga kuya niya sa isang malayong bayan. Bawal nga lang siya lumabas ng bahay...
17.5K 1.1K 26
𝐏𝐞𝐥𝐢𝐤𝐮𝐥𝐚// Kung saan ang isang sikat na artista ay bumalik sa sinaunang panahon kung kailan siya ipinanganak, hindi niya alam na siya ay isa...
232K 6K 59
She loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in...