Elemental Gunji-teki Academy

By MasayahingShana

613K 16.5K 854

15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A... More

Welcome Message
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter to Era 2
Era 2 (Book 2)

Chapter 49

6.1K 174 5
By MasayahingShana

ALTAIR

Nagk-kwentuhan kami ng iba pa naming kaklase nang makita namin na pumasok na si Ma’am Victoria at Sir Varra.

“Good morning, Red Army Students,” bati ni Sir Varra sa amin.

Binati rin namin sila.

Inutusan muna ni Sir Varra ang isa naming kaklase na lalaki na kumuha ng upuan para sa kanila ni Ma’am Victoria.

“Andito na ba lahat?” Tanong sa amin ni Ma’am Victoria.

Nagkatinginan kaming magkakaklase para i-check kung nandito na ba talaga ang lahat. Nang nakumbinse kaming kompleto na kami, saka kami sumagot ng “yes, ma’am.”

“Good. Upo lang muna kayo rito sa damuhan. Kumustahan muna tayo,” ani Ma’am Victoria.

Nagsiupo naman kami rito sa damuhan at mayamaya naman ay dumating na mula sa building si Sir Varra at ang isa naming kaklase na may dalang monobloc.

Umupo ang dalawang guro namin sa monobloc chair at kaming mga estudyante ay nakaupo rito sa damuhan habang nasa harap namin sila.

Teka. Nasaan na ang dalawa pang guro namin dito? Apat sila dapat e.

“Welcome back, students. Namiss niyo ba rito?” Nakangiting tanong sa amin ni Sir Varra.

“Yes, sir,” sabay-sabay naman naming sagot. Hindi rin naming mapigilang mapangiti.

“Naaalala ko na nakakailang araw pa lang tayo sa pagtra-training niyong lahat nang mangyari ang pagsalakay ng mga Air Force. Tapos na-ambush pa ang grupo niyo mismo nang pabalik na kayo rito. Hindi magandang experience ito para sa inyo.”

Natahimik kaming lahat.

“Pero huwag kayong mag-alala. Ginagawa na namin lahat para ma-train pa kayo,” ani Ma’am Victoria. “Nang ma-ambush kayo, marami sa inyo ang linabanan ang Air Force para maprotektahan ang sarili. Ang iba naman ay naunahan lang takot. Kunting training pa ay makakaya niyo nang makatayo sa totoong laban. Iyon ang nais ma-achieve sa ngayon ng academy---ang makalaban kayo kahit para sa pagdepensa sa sarili niyo. Para kung sakali man na sumalakay muli ang mga kalaban, kakayanin natin sila.”

Nagpatango-tango kami.

“Alam kong una ninyong napansin ay ang mga nagtataasang pader na iyan,” biglang sabi ni Sir Varra habang nakatingala sa mga pader na nakapalibot sa division.

“Yes, sir. Nakakapanibago nga e,” sagot ng isa naming kaklase.

“Ni-request ng lahat ng guro iyan---na maglagay ng mga pader sa bawat pagitan ng mga division para kung sa oras ng training, hindi nasa kabilang division ang atensiyon niyo.”

Bahagyang natawa si Ma’am Victoria. “Sa mga nagdaang taon, hindi talaga mawawala ang ilang estudyanteng wala sa sariling kapangyarihan ang focus----kahit saang division. Minsan kapag natatanaw rito ang mga ginagawa ng kabilang division, nadidistract naman ang mga estudyante rito. Siguro naman ngayon ay makakapag-focus na kayo sa mga sarili niyong training at kapangyarihan dahil hindi niyo na makikita ang nasa kabilang division.”

Nagpatango-tango kami.

“Kumusta nga pala naging training niyo sa Red Army Campus? Mahigit isang buwan din kayo roon,” tanong ni Sir Varra.

“Okay lang po, sir,” sagot ng isa naming kaklase.

“Marami na ba kayong natutunan?”

“Yes, sir. Nakakatakot kasi yung nagtuturo sa amin doon.”

Nagtawanan kami at maski sila sir ay natawa.

“Bakit nakakatakot?” Natatawang tanong ni sir.

“Nalatigo. Isa ako dun sa nalatigo e. Ang sakit,” sagot pa ng kaklase namin.

Nagtawanan ulit kami.

“Wala pa ang ibang guro rito,” basag sa tawanan namin ni Ma’am Victoria. “Mago-orient lang muna kami habang hinihintay ang ibang guro.”

“Alam naming narinig na ninyo ang salitang representative,” ani Sir Varra.

Napaayos ako ng upo nang marinig ko iyon. Maging ang iba ko pang kaklase ay tila nagseryoso.

“Ang representative ay ang tawag sa mga papalit na commander. Ang representative ang sasalo sa posisyon kung sakali man ay magbitiw o mamatay na ang commander. Siya ang magiging tagapagmana ng posisyong iyon. Kayong sampu, kayo ang pinaka-top 10 sa division na ito. Sasanayin pa kayo ng husto dahil isa sa inyo ang magiging representative,” paliwanag ni sir.

Pumalakpak ang karamihan sa amin.

“Woah. Congrats sa inyo,” nakangiting sabi ng mga kaklase namin sa aming sampu.

“Pero, sir, kung ang representative ang magiging tagapagmana ng posisyong commander, eh di sana yung anak na lang ng commander ang magiging representative,” komento nang isa kong kaklase.

Umiling iling si ma’am. “Hindi yan maaari.”

“Eh? Bakit naman, ma’am?”

“Dahil hindi porket anak siya ng commander ay pwede na siyang maging representative. Baka hindi siya karapat dapat sa posisyong iyan. Paano kung mas may deserving pang iba? Ang hanap dito ay yung kayang pamunuan ang isang army group, hindi anak ng commander. Kaya hindi hierarchial ang pagiging commander,” sagot ni ma’am. “Tandaan: kahit saang pamilya ka galing at kahit hindi ka ano ano ng commander, as long as makitang deserve mo, kaya mong protektahan ang nasasakupan mo, at may malasakit ka sa mga kapwa mo army hindi imposible na maging representative at maging commander ka.”

Napatango-tango kami sa sinabi ni ma’am.

Biglang nagtaas ng kamay si Ryoran. “Tanong ko lang po. Uhm... Diba po may lieutenant naman? Bakit hindi sila ang magiging sunod na commander? Bakit nasa mga estudyante pa?”

“Hmm. Magandang tanong yan,” ani sir. “So ganito. Simulan ko muna sagutin yan sa pagpapakilala sa mga posisyon o ranks sa buong elemental army. Ang pinakamataas na rank ay ang ‘General’. Nag-iisa lang ang heneral sa buong Elemental Army. Namamalagi siya sa Elemental Army Main Campus.

Pangalawang pinakamataas na rank ay ang commander. May labing limang commander ngunit dahil kumalas na sa samahan ang Royal Army, labing-apat na lamang. Bawat army group ay may isang commander.

Sunod sa commander ay ang lieutenant. Bawat isang army group ay may isang lieutenant. Sila ang kanang kamay at tagapamahala sa kanilang army group kung wala ang commander nila.

At ang panghuli ay ang captian. Dahil may kalakihan din ang populasyon ng bawat army group, hindi ito basta-basta ma-accommodate ng lieutenant at commander lang. Kaya may tatlong captain bawat isang army.

Ngayon, ang pagiging commander ay dadaan muna sa pagiging representative. At ang magiging representative ay mga kasalukuyang estudyante. Ito ay para mas sanayin pa sila. Pinapaniwalaan din na mas makabubuti na estudyante ang magiging representative para mas maturuan pa siya ng commander. Mas madaling turuan ang mas bata pa.

Ngunit ang pagiging lieutenant ay nanggagaling sa kasalukuyang army na mismo. Dumadaan sila muna sa pagiging captains hanggang sa mapromote bilang lieutenant.

Kaya naging ganito ang sistema ay dahil kahit na mawala na ang commander at oras na ng representative na pumalit, nandiyan pa rin ang lieutenant na gagabay sa kaniya.”

Ah. Ibig sabihin, nagka-promote-promote si papa kaya siya naging lieutenant.

Nagtaas ng kamay si Agatha. “Every year or every batch po ba nagtatalaga ng representatives?”

Agad na umiling si Sir Varra. “Ang pinakahuling pagtatalaga ng representatives ay noong mga estudyante pa lang sila Commander Shin.”

“Luh. Mukhang matagal na pala,” komento ng ilan kong kaklase.

“Nagtatalaga lamang ng representatives kung nakakakitaan na ng katandaan ang mga commander o may inaasahang trahedya na maaaring ikabagsak ng commander,” pagpapatuloy ni sir.

Natahimik kami.

Kung sa edad titingnan, mukhang okay pa sila. Mukhang maliliksi pa nga sila sa pakikipaglaban e. At kung may inaasahang trahedya... wala naman sana.

“Kaya itong mga pagkakataong ito ay paminsan-minsan lang. Maswerte ang batch ninyo dahil ngayon gagawin ang pagtatalaga.”

Sunod naman na nagtaas ng kamay ang isa sa aming sampu. “Paano nga po pala mapipili sa aming sampu ang representative? Base po ba sa magiging performance namin sa training?”

“Hmm... Basta ang maibibigay ko lang na hint ay magkakakompitensiya kayo sa isang event. Hindi ko na sasabihin kung anong klaseng event at kompitensiya,” sagot ni Ma’am Victoria.

Ah.

“Basta magseryoso sana kayo sa training niyo. Sa kung sino man ang magiging representative, sana magseryoso ka dahil ang pagiging commander ay itinalaga upang paglingkuran ang kanyang kanyang nasasakupan at hindi para siya ang pagkingkuran,” patuloy ni ma’am. “Kahit sa hindi kasama sa sampu. Nais ko na magseryoso kayong lahat sa training niyo.”

“Yes, ma’am,” sabay-sabay naming sagot.

“May tanong pa ba?” Tanong ni Sir Varra.

Naging tahimik lang kami at naghihintay sa kung sino pa ang magtatanong.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

22.7K 1K 37
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
1.5M 61.3K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
21.2M 786K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
231K 9K 53
The Wattys 2021 Winner | New Adult Stefan Carreon is a simple rich guy living in Manila. Gaya ng simpleng pamumuhay, simple lang din ang pangarap niy...