Game of Love (Kathniel And Ja...

By smiley_dan

61.6K 1.4K 100

~ang pagibig parang laro, minsan talo, minsan panalo..kahit pagod na sige parin basta sa mahal mo.. ..pero da... More

Prologue
Chapter 4
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 5
Chapter 3
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12: (KathNiel)
Chapter 13: (JaDine)
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter: 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
The Final Game
EPILOGUE

Chapter 47

545 8 0
By smiley_dan

Nica's POV

"gosh! Inaantok na koooo!" Reklamo ko.

"Tumahik ka nga muna nica.."

"Kanina pa kaya tahimik!" Hays. Na bobored na ako!

Magiisang oras na kami ditong naghihintay pero wala pa yung magaling naming leader kuno. Pwede naman kasing bukas nalang nya kami I cronglatulate, ngayun pa na gabing Gabi na. Hinihintay na ako ng malambot Kong Kama. Kainis!

Buti pa yung pusang yun umalis na. Sa subrang tagal ng leader namin, umalis na si Kath. Emergency daw kasi. Hindi nya talaga matiis asawa nya. Tss

Kaya ayaw ko pa ng mga ganyan eh, matatali lang ako. Yung bang nakakulong ka lang sakanila?. Tsk! Oa. Ang gusto ko Malaya ko lang nagagawa ang gusto ko. Tulad ng life ko ngayon, I'm purely and surely free!. Tularan nyo ako! Mabuhay ang mga single! Buwawwa!

Teka nga lang, eh bakit itong si nadz? Hindi ba sya hinahanap ng boyfriend nya?..

"Oy, nadz nag txt na ba sayo si Jerome?" Tinignan naman nya ang phone nya sabay iling. Luh? Hindi ba sya nagaalala Kay nadz? Gabi na ah. Tumingin ako Kay Janell pero nagkibit balikat lang ito.

"May LQ ba kayo?" Tanung ko tutal nabobored na rin naman ako dito, makikipag intriga muna na ko sa babaeng to.

Umiling ulit sya. Napakunot noo ako. Nakatingin lang sya sa kawalan.

"Ok ka lang ba?" Tanung ni Janell.

Tumango si nadz.

Baka pagod lang to kaya ganito.

Bago pa ko makatanung ulit, bumukas na yung pinto. Sa wakas! Dumating din. Makakatulog na rin ako.

"Sorry guys. May biglaang misyon din binigay sakin kaya natagalan. So...how is it?" Umupo sya sa swivel chair at humarap sakin.

Mukha ngang galing sya sa Laban. Pawis na pawis at hingal na hingal syang pumasok dito. May dugo pa sa gilid ng noo nya. Napansin ata nyang nakatingin ako sa sugat nya. Tinakpan nya to agad.

"Wag nyo Kong intindihin...wait, parang kulang kayo? Where is Kath?"

"Umuna na. May emergency daw eh." Sabi ko.

"Sa misyon naman namin, wala ng problema. Napatay na nila Nadine ang target." Kwento ni Janell. Tumango naman ako.

Wala paring ekspresyon si nadz.

"Good. Buk--"

"Hindi ko sya napatay."

Napatingin kami Kay nadz sa sinabi nya na nakatingin na ngayon Kay joy.

"Pero ang sabi--"

"Very good." Simpleng sagot ni joy.

This time, tumingin naman ako sa leader namin.

"Anong very good dun?"

"Very good parin!" Nakangiti nyang sagot. Huuuuuh?

"Pero hindi namin nagawa ang misyon tulad ng inutos mo?" Pagtataka ni nadz. Oo nga. Ano bang nanyayari?.

"Patikim pa lang ang ginawa nyo. Sa ngayon, maghihintay nalang tayo ng banta ni Claire."

Malapit ng maging isa tong dalawa Kong kilay. Tsk!

"Palalabasin lang natin ang totoo nilang kulay tsaka tayo makikipag laro sakanila....yung totoong laro." Nakangiti pa rin sya habang sinasabi yan. Mukhang may galit rin sya sa mga dumingo. Hindi naman kasi sya mag dadada ng ganyan kung wala lang, diba?

Nakita Kong ngumisi si Janell habang si nadz naka yuko ng kunti na tila malalim ang iniisip. Mukhang nage gets nila ang punto ni joy. Tsk! Kunti lang naintindihan ko!!

"OK. Congrats sainyo!. Magpahinga na kayo, may shooting pa kayo bukas." Tumayo na sya at nauna na sa pinto.."kailangan ko na rin magpahinga. Paki sabi nalang kay Kath," at tuluyan na syang lumabas ng pinto.

*kinabukasan*

Pahikab hikab pa akong kinuha ang baril ko tsaka itinutok Kay Janell...

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Rinig ko galing sa headset naka dikit sa tenga ko. Sa sobrang lakas nun, napadilat bigla ang mata Kong kanina pa papikit pikit. Kulang ako sa tulog eh(-_-)

"Bakit?"

Lumapit sya sakin at pumunta sa likod ko. Itinaas nya ang kamay ko kasama ang baril na hawak ko at itinutok nya sa harapan ko.

"Sa target mo itutok yung baril, wag sa akin!" Saan ko ba natutok kanina? Tss..

Haaay! Feeling ko may bitbit akong mga hallow block sa likod ko. Ang bigat ng katawan ko.

Inilagay ko muna ang baril ko sa belt ko at tsaka umupo sa mahabang sofa. Papanuorin ko lang sila hanggang mamaya. Dito muna siguro ako, Wala naman dito si joy eh. Haha.

Andito kami ngayon sa shooting room ng building na to. Bali kaming apat lang ang nandito. Solong solo namin tong lugar na to.

Humihikab pa si Janell habang nag sho shoot pero nakakatira naman ng target. Si Kath naman, wala lang. Nageenjoy lang sya may pa tricks pa nga syang nalalaman eh. Pero syempre lahat ng target natumba nya. Si nadz? Seryuso lang sa pag sho shoot, kagabi pa yan. Ayaw ko naman magtanong kung anong problema, kung bigla akong lunukin yan?!..pero kahit wala sa sarili, napapatumba pa rin nya yung mga targets. Syempre, mana kaya silang tatlo sakin *wink*

Sa sobrang seryuso nila, hindi na nila napansin ang presensya ko dito. Dumapa at nag cellphone muna ako. Ang ingay dito kaya nakasuot parin ang headset sa tenga ko.

Naramdaman Kong parang may parang nakatotok sakin kaya agad akong napatingala.

Napaayus ako ng upo at tumingin sa seryusong mata ni Janell.

"Problema mo?" Taas kilay Kong tanung sakanya.

Tinaasan nya din ako ng kilay.."babalik ka sa pwesto mo o ipuputok ko tong baril papunta sa ulo mo?"

"Asus! Hanggang salita ka lang..." Hindi ko natapos yung sasabihin ko ng bigla nyang ikinasa ang baril nya.

Halos patalon ako sa ginawa nya. Kaya nya?! Gosh!

"Pero Janell, inaantok pa ko..." Sabay hikab ko.

Ibinaba na nya ang baril nya.

"Ano ba kasing ginawa mo kagabi?" Nag kross ang mga braso nya.

What the?! Hindi nya inisip na pwede nyang makalabit yung gatilyo sa posisyon nya?! Tsss..

"Whatever, Janell" tumayo nako at inirapan sya. Wala akong balak magpaliwanag sakanya kung anong ginawa ko kagabi. Dahil, wala naman talaga hahaha! Kulang  lang talaga ako sa tulogxD.

Pumuwesto na ko at kakalabitin na Sana ang gatilyo ng baril ko ng may biglang sumigaw sa headset ko. B*lsh*t! Feeling ko nasira na yung eardrums ko..tsk!

"ANO BAH?!" reklamo ko. Napatingin sakin yung tatlo. Mukhang ako lang ata yung natawag sa headset.

"Hindi nyo ba narinig?" Sabay turo ko sa tenga ko.

Sabay-sabay silang umiling at bumalik ulit sa pag sho shoot.

Nagbuga ako ng malalim na hininga at sinagot yung sumigaw kanina na si ms. Joy lang pala. Tsss.

"Yes?" Mahinahon lang yung boses ko.

"Go to my office. Now!"

"Kaming apat? Bakit may problema ba?"

"Hindi. Ikaw lang. Dali na!" Napatalon ako sa sigaw nya. Tsk! Mukhang highblood to ngayon ah..

Halos patakbo na akong pumunta sa office ni ms. Joy dahil sa pagmamadali. Naghahabol ako ng hininga ng makapasok ako sa pinto ng opisina nya.

Tulad pagdatnan namin kahapon, may mga lalaki paring nakaitim sa magkabilang gilid nya. Nadatnan ko rin syang may pinipirmahan sa isang folder at kausap ang isang lalaki.

Dahan dahan akong lumapit sakanya at tinignan sya ng diretso.

"Ikaw nalang bahala Jan." Sabi nya dun sa lalaki.

Yumuko naman yung lalaki.."yes, ms. Joy" at umalis na.

"May misyon ako para sayo.." Deritsahan ng sabi sakin.

Napalunok ako ng bahagya.

"Misyon ko??"

"Uh-huh"

Hindi ko alam pero biglang naexcite ako. Kahit halata naman na dilikado to dahil ako lang ang gagawa. Ako lang magisa.

"Bakit, ayaw mo ba?" Taas kilay nyang tanung.

Lumapit pa ako lalo at itunukod ang mga kamay sa lamesa nya. Tumingala sya ngumisi sakin.

"Hindi. Tatanggapin ko. Ano pa yan." Maslalong lumapad ang ngisi nya.

"Good."

Ano nanaman kaya ang ipapagawa nya sakin?..


James' POV

Hindi ako nakatulog ng maayus dahil sa usapan namin ni nadine kagabi. Hindi huminto ang utak ko kakaisip sa mga nanyari.

Paano?

Hindi. Mali...

Sino?..

Kung hindi si Jerome ang ama ni JD, sino? May naging karelasyon pa ba si nadz nung nagkahiwalay kami?..

Ang lakas ng pintig ng puso ko. Bat parang kinakabahan ako?. Gusto Kong malaman ang lahat. Gusto Kong puntahan si Nadine pero alam ko, kakabahan lang ako pag nasa harap ko na sya..

Hindi..

Maraming tanong na tamatakbo sa utak ko. Kailangan ko ng sagot..Kailangan ko ng kasagutan..

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nagda drive. Kung saan saan na ko napadpad. Lumiko ako at dumeritso ulit kung saan ako dumaan kanina..

Maya maya pa ay, nakarating na ko sa bahay nila DJ..pinark ko na ang sasakyan ko sa harap ng bahay nya.

"Naligaw ka ata?" Tanong nya habang naka kunot ang noo.

"Dinadalaw lang kita.. Hehehe"

"May problema ba?" Nagaalala nyang tanong.

Napakamot nalang ako sa ulo. Pano ko ba to sisimulan.. May alam kaya sya?.

"May gagawin ka ba?"

"Wala. Pero--"

"Waaah! Kuya naman eh. Nahilo na ko kakahanap sa yo sa loob andito kana pala. Tsk! Tatakasan mo ba ako?!" Biglang sulpot ni Jane.

"H-hindi kaya. Kinakausap kasi ako ni James. Tignan mo oh.." Sabay turo pa sakin.

"Oh, hi kuya James!" Bati ni Jane sakin. Nginitian ko lang sya.

"Ah Jane, bukas nalang tayo pumunta. May gagawin kasi kami ni James.." Kumindat pa sakin. Tingin ko nagpapalusot nanaman to sa kapatid nya.

"Hah?! Eh bukas nyo nalang yan gawin. Isama nalang natin si kuya James para mas maganda, OK?" Ngumiti pa sya ng malapad sabay sakay sa kotse ko.

Tinaasan ko naman ng kilay tong si DJ na pailing iling pa. "Nagaya kasing pumunta sa mall, para takasan yung manliligaw nya, si Alex. Tsk!" Sumakay na rin sya sa front seat.

Ang kulit talaga ng magkapatid na to.

"Oyy kuya James, libre daw ni kuya kaya kuha ka lang ng gusto mo dun sa mall hahaha" pangaasar ni Jane.

"Ikaw ipang bayad ko Jan eh.." Bulong nitong katabi ko.

"Talaga? Sige ba! Hahaha" tawang tawa naman si Jane. Habang si DJ, hindi na maipinta ang mukha. Pikon.

Pagkapark ko ng kotse ay agad bumaba si Jane at dumeritso na sa loob ng mall. Bumaba na rin ako pero si DJ mukhang walang balak bumaba.

"Hoy, tara na. Umuna na yung kapatid mo oh"

"Hayaan mo sya Jan. Malaki na yun. May manliligaw na nga eh. Tsk!"

"Para kang babae kung maginarte Jan. Tara na nga! Nagpapauso ka pa eh" hinila ko na sya. At nagpahila naman si loko.

"Bakit ba nagtatago tong si Jane? Ayaw nya ba Kay Alex?" Tanung ko sakanya habang naglalakad.

"Ewan ko ba Jan. Sabi ni Kath, gusto naman daw nya. Trip nya lang takbuhan si Alex. Alam mo namang baliw yang kapatid ko eh"

"So mana pala sayo..aww! Haha"

"Badtrip pare!"

Natawa nalang ako sa reaksyon nya. Dati ako pa pinipikon nito. Nakakatawa pala pag sya yung naasar. Ganyan din kaya noon kapikon. Hahaha

"Yah! Ang tagal nyo.." Reklamo ni Jane na nakapamewang pa.

Nagkibit balikat lang ako.

"Wag kayong lalayo sakin ah, tandaan nyo, may mga asawa na kayo." Napakalakas ata ng boses nya doon sa last sentence. Napatingin ako sa paligid, pinagtitinginan na kami. "Hays! Tara na nga! Tsk!" Hinila na kami ni Jane. "Palibhasa mga gwapo.." Bulong nya pa. Napailing nalang ako.

Namimili lang si Jane ng kung ano ano sa mga shops na pinapasukan nya, habang kami ni DJ ay umiinom lang ng juice dito sa labas ng isang restaurant.

"Oh, san ka pupunta?" Tanung KO nang akmang tatayo na sya.

"Sa toy store. Ibibili ko lang si JD ng laruan, pati na rin pala si Carlo tutal andito ka rin lang" tumango lang ako tsaka na rin sumunod sakanya.

"Nasa bahay ka daw nila nadz kagabi?"

"Ah oo, timing kasing may pupuntahan nun si nadz kaya ako muna nagbantay kila yna at JD kagabi."

"Ahhhh~" tumango tango sya. "Hindi ba tinawagan ni nadz si Jerome para Jan?"

"Dumating nga daw. Pero wala naman akong Jerome na nakita pagdating ko doon."

"Oh? Iniwan nya yung dalawa? Dilikado yun ah" halata sa boses nya na nagaalala din sya. "Buti nalang pala dumating ka, kundi..naku!"

Buti nalang talaga...

Speaking. Papasok na Sana kami ng shop ng makita ko si Jerome. Mukhang namimili din sya ng mga laruan. Para siguro Kay JD. Para sa AKALA Kong anak nya.

"James, Tara na?"

Sabagay, mukhang bagay naman silang magama ni JD. Ewan KO ba. Bat ba ako nagseselos Kay Jerome na maging ama para Kay JD? Hays.

"Ah sige." Ilang minuto rin kaming namili ni DJ ng mga laruan saka na kami bumalik sa sasakyan. Naabutan namin si Jane na halos hindi maipinta ang mukha. Sigurado, nagantay to ng matagal kaya ganyan mukha nyan.

"Buti naman naisipan nyo pang balikan ako dito ano.." Bungad samin ni Jane pagkasakay namin. Lalo lang nagsalubong ang kilay nung tumawa pa tong magaling nyang kuya. Tss sutil talaga.

"Ah Jane sorry bumi--"

"Ay hindi." Putol nya sa sinasabi ko habang iniwawagayway pa nya ang kanyang hintuturo. "Dapat may punishment."

"Hala ka james." Pangaasar ni DJ habang nagda drive. "Lagot~"

"Ano ba yun?"

"Saamin ka mag dinner."

"Yun! Tapos iinom tayo-- aray!" Ayun. binatukan nga ni Jane.

"Daldal ka ng daldal, Magdrive ka nga lang Jan, kuya!" Sumunod syang tumingin sakin ng taas kilay. "So ano kuya james?"

"Yun lang naman pala eh. Edi sige. Game ako"

"Good. Sakto mamaya nasa bahay din sila ate nadz! Ohmo! I'm so exsoyted!"

Jerome's POV

Kagabi pa sya tumatawag sakin, pero ni isang tawag nya hindi ko sinagot. Gulo lang pagnagkataong pagbibigyan ko sya sa gusto nya.

Pero nung sinabi nyang tungkol ito sa bata Dali Dali akong umalis at iniwan sina yna at JD.

Alam kong dilikado yung ginawa Kong pagiwan sakanila, dahil pweding may pumasok o magtangka ng masama dun sa dalawa habang wala ako.

Naisip ko na yun.

Pero nagalala lang talaga ako dun sa bata. Sobra akong nagisip kung ok lang ba sya o kamusta ang pakiramdam nya.

Pagdating ko sa bahay nila, agad ko namang naisip si JD. Sumilip ako sa isang bintana, kung saan ang kwarto ng bata. Mukhang ok naman na sya at tulog na.

Nakahinga ako ng maluwag sa nakita ko..

Bumalik na ulit ako kila JD. Pero bago pa ako makapasok napansin ko ang isang sasakyan sa may gilid ng halamanan nila Nadine, familiar ito at...

Sya nga. Andito sya sa tunay nyang anak.

Sa inis ko sa nakita ko, umuwi nalang ako at uminom.

Kinabukasan, napuno ng mga missed calls ang aking cellphone. Halos lahat galing sakanya. Bumuntong hininga ako. Agad akong tumayo at naligo.

Nagtaka siguro yun kung bakit hindi ako natuloy kagabi, pero ngayon sigurado na ko na pupunta ako sa bahay nila.

Ilang minuto lang ang nakalipas, mabilis din naman akong nakarating dito sa bahay nila.

"Good morning sir." Bungad sakin ng isang maid.

"Si james?"

"Maaga po umalis eh."

Nagaway nanaman siguro sila.."geh salamat."

Dumeritso na ko ng hagdan para tignan sa taas yung magina. Pagkalagpas ko sa hagdan, nakaramdam ako ng kaba. Antahimik ng paligid, tulog pa siguro sila.

"Jerome? Ikaw na ba yan?" Boses ng babae ang tumawag sakin galing sa likuran ko. Humarap ako at nakita ko sya sa may pintoan. Sinenyasan nya akong pumasok at agad ko naman itong sinunod.

Pagkapasok ko, agad nyang sinarado ang mga bintana at ibinaba ang kurtina nito. Pati ang pintuan ay kanya ring sinarado at nilock.

Nung kanina'y napakaliwanag, Ngayon ay parang Gabi ulit dahil sa madilim na paligid. Humarap sya sakin na parang naluluha. Teka. Umiiyak ba sya?

Magsasalita pa sana ako, hindi ko na natuloy dahil bigla nalang nya Kong niyakap. Iniisip nya ba na baka may makakita samin kaya Sinarado nya lahat para lang yakapin ako?

Rinig na rinig ko ang kanyang hikbi na parang nagsasabing sabik na sabik na nya akong makita't mayakap. "Bakit hindi ka dumating kagabi?..hinihintay ka namin. Alam mo bang hinahanap ka nya?"

Nakaharap sya sa pintoan, habang ako nakaharap sa batang mahimbing na natutulog sa malambot na Kama.

Napapikit ako sabay hinga ng malalim...

"Marahil na hindi ako ang hinahanap nya, kundi si james." Kumalas na ko sa pagkakayakap nya.

"Pero ikaw ang ama nya.."

"Hindi ako ang daddy nya.." Napakunot ang noo nya sa sinabi ko.

"Anong hindi? Ikaw ang ama ng anak ko."

"Oo Alam ko yun, matagal na. Pero hindi pwede ang gusto mong manyari, Claire."

"Teka. Tinatakwil mo ba ang sarili mong anak?!"

"Hindi mo kasi maintindihan..."

"Kaya nga ipaintindi mo! Ang gulo gulo mo naman eh. Nung Una, sabi mo ako ang gusto mo at magiging ama ka Kay Carlo, sa anak natin."

"Nagiging ama naman ako sakanya ah? Hindi pa ba sapat yung pag dalaw dalaw ko sakanya?"

"Pero ang akala nya Tito ka lang nya. Na pinsan ng daddy nya."

Magsasalita pa sana ako ng magising na si Carlo.."mommy?"

"Maging TUNAY na ama ka sakanya kung ayaw mong sabihin ko sakanya ang lahat..." Babala pa nya, tsaka dumeritso Kay carlo.

"Mommy? Bakit po nandito si Tito jerome? Asan po si daddy?" Rinig Kong tanung ni Carlo Kay Claire.

"Ah kasi--" hindi na natuloy yung sasabihin nya. Umupo na kasi ako sa tabi ni Carlo. Mahirap na baka tutuhanin pa nya mga sinabi nya.

"Carlo, kasi pinapakamusta ka ni JD sakin. Andito ako para dalawin ka." Palusot ko. Yun nalang naisip ko. Mukhang nakonbensi ko naman sya dahil napangiti si carlo dahil sa balita ko.

"Ah carlo, dito ka muna Kay Tito jerome hah, Sasagutin ko lang tong tumatawag Kay mommy.." Bilin ni claire Kay carlo. Tumango naman si carlo. Lumabas na si Claire dala ang kanyang telepono.

"Tito, ano pong sabi ni JD? Hinahanap nya ba ako? Namimiss nya na din po ba ako?" Sunod sunod na tanung sakin ni Carlo. Makikita mo talaga sa mukha nya ang pagkagalak na marinig ang aking isasagot. Napangiti nalang ako sa reaction nya. Parang kailan lang, sinabi ni Claire na magiging ama na ako tapos ngayon kaharap ko na ang anak ko. Nakita Kong kumonot yung noo nya.

"Bakit po kayo umiiyak, tito Jerome?" Tanung pa nito. Napahaplos naman ako sa pisngi ko, umiiyak nga ako. Hindi ko man lang namalayan.."ang sabi po ni daddy sakin, kapag daw po umiiyak ang isang tao, may problema po syang mabigat o kaya'y nasasaktan po sya. Alin po kayo doon?" Dagdag pa nya. Pinunasan ko muna yung mga luha ko bago ako sumagot sakanya.

"Wala..masaya lang siguro ako" sagot ko. Masaya na may halong sakit na katotohanan.

Napaupo sya ng maayus at tumingin sya ng deritso sa mata ko. Parang nagweweirduhan sya sa sagot ko.

"Meron po bang ganun? Masaya pero umiiyak?" Natataka nyang tanung. Ngumiti nalang ako sa sinabi nya.

"Oo naman, hindi lang halata pero sa sobrang saya nya naiiyak nalang to ng hindi nya namamalayan. Tears of joy ang tawag dun, Carlo" sabi ko pa. Nung Una napaisip pa to ng malalim, pero napangiti din sya.

"Ganun po pala yun hehe" sabi nya sabay kamot sa batok. Napangiti naman ako sabay gulo sa buhok nya. Nakakatawa pala tong batang to, ngayon lang kami nakapagusap ng ganito. Sa tuwing nagkikita kasi kami lagi nalang nagmamadali si Claire, kaya hindi na kami nakakapagusap.

"Ito nga pala, pasulobong ko para sayo.." Inabot ko sakanya yung binili Kong laruan kanina sa mall. Nagnining naman mata nya ng buksan at makita kung anong laman ng shopping bag na binigay ko sakanya.

"Wow! Tito, toy truck! Yey! May paglalaruan na ulit kami ni JD pag magkikita kami!" Sigaw nya habang tumatalontalon pa sa Kama nya. Agad ko naman syang inalalayan at pinaupo ulit.."huwag ka pang masyadong malikot, Carlo. Hindi ka pa nga gaano magaling eh. Magagalit sayo nyan mommy mo." Ngumiti lang sya. "Sorry po.."

"Buti naman nagustuhan mo yang pasalubong ko para sayo." Nakatingin lang ako sakanya habang hindi ko pa rin mapigilan ang ngiti ko.

"Oo naman po Tito! Ang ganda nga po eh at ang laki pa!" Masaya nyang tugon habang nilalaro na yung laruang track nya. "Nakakatuwa nga po kasi pareho kayo ni daddy na alam kung anong gusto ko.." Dagdag nya pa. Unti unti namang nawala yung ngiti ko sa labi. Buti nalang busy parin si Carlo sa paglalaro kaya hindi nya parin nakikita ang nakasimangot Kong mukha ngayon.

"P-pareho kami ng d-daddy mo?" Gusto Kong malaman kung sinong mas matimbang saamin ni james. Gusto Kong itanong sakanya kung gusto nya ba akong maging daddy nya. Pero dahil sa sinabi nya, baka mabigo lang ako at si james ang piliin nya.

Napahinto sya sa paglalaro at napatingin sakin. "Medyo po.."

"Hindi naman si--" hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi bigla nalang sya nagsalita.

"Pareho po kasi kayong nagaalala sakin. Sabi po ni mommy, lagi daw po kayo tumatawag sakanya para kamustahin ako.."

"Kasi tungkulin ng mga magulang na alagaan ang kanilang anak.." Hindi ako makapaniwala na sakin pa mismo nanggaling ang mga katagang yan, matapos ang pagtatalo namin kanina ni Claire.

"Ibigsabihin, anak nyo po ako?" Nagtataka nyang tanong. Magsasalita na Sana ako ng nagtanong ulit sya."tinuturing nyo din po akong anak? So meaning dalawa po daddy ko?!" Napanganga ako ng ilang Segundo saka narin napatango sabay ngiti, kahit hindi naman talaga yun ang ibig kong sabihin.

"Talaga namang tinuturing--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi bigla nalang lumundag payakap sakin si Carlo. Nung Una nabigla pa ako, pero nung narinig ko ang mga tawa nya habang nakayakap parin sya sakin, nadala na rin ako At napahalik ako sa buhok nya. Sa totoo lang, gustong gusto ko ng sabihin Kay Carlo na ako talaga ang tunay nya daddy at hindi si james. Sana masabi ko ang mga katagang iyan pagdating ng panahon...sa araw na maiintindihan na nya ang lahat at ako na ang pipiliin nya..

"Thank you po dahil dinalaw nyo ko dito. Excited na Kong sabihin Kay JD na dalawa na rin ang daddy ko" masigla nyang sabi. Dahil dun ginulo ko ang buhok nya sabay ngiti. Nagulat naman kami parehong napatingin sa pinto nung may marinig kaming sumigaw.

"Whaaat?! Anong nanyari Kay papa?!" Sigaw ni Claire sa labas ng pinto. Napatingin ako Kay Carlo na nagtataka na rin ang mukha.

"Bakit po sumisigaw si mommy, Tito Jerome?" Tanung nya sakin. Sa totoo lang, hindi ko alam ang isasagot. Maski kasi ako hindi ko alam kung bakit sumisigaw si Claire.

"Teka..dito ka lang tatanungin ko lang mommy mo ha?" Bilin ko. Tumango naman sya. Pero bago ko pa mabuksan ang pinto, narinig ko na ang mga nagmamadaling yapak ng paa pababa. Mukhang nagmamadali na si Claire. Ano kayang nangyari? Dahil sa pagmamadali nya, hindi na sya nakapagpaalam pa Kay Carlo. Kailan ko pa tuloy mag stay muna dito. Siguradong matatagalan si Claire kaya walang magaalaga Kay Carlo. Pagkakataon ko na siguro ito para makasama pa ng matagal ang anak ko..

********

Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
2.5K 70 25
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
1.2M 24K 56
just for fun
18.6K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...