Chapter 52

641 15 2
                                    

NADINE's POV


Hindi ko alam kung Saan ako kumuha ng lakas ng loob para masabi yun sakanila...lalo na sakanya. Binigay ko talaga ang buong lakas ko para lang mapaintindi sakanya na SYA ang ama ni JD.

Nasabi ko na ang totoo pero bakit parang may iba pa akong nararamdaman?? May parte sakin na nagsasabing, kulang pa yung mga sinabi ko??..

Ano pa ba ang kailangan kong sabihin??

Tahimik parin nakatingin sa kawalan si James. Kanina pa sya walang kibo, maski nung kausap namin ang doktor ni JD ay ako Lang ang sumagot. Hindi sya nagsalita kahit na isang letra.

Nakaupo lang sya habang naka kruss ang kamay at paa. Nakatulala din sya minsan na tila nagiisip, palipat lipat ang ayus ng upo nya parang nalilito sakanya iniisip o naiisip.

(>_<)

Bigla akong nakaramdam ng awa at inis..awa para sakanya at inis para sa sarili ko. Nagaalala ako kay jd pero hindi ko rin maiwasan alalahanin ang nararamdaman ni james.

Wala pa rin malay si JD simula pa kanina, at dalawa lang kami ni James dito nagbabantay sakanya. Nasa sofa si james, nasa tabi naman ako ni JD, nakatalikod ako kay james, pero hindi nya napapansin yung pasulyap sulyap ko sakanya.

Naiilang ako sakanya!... Nasanay kasi akong, ako lang ang nagbabantay kay JD(>_<)

Maya maya pa ay..

"Ate..." Tawag ni yna habang sinasarado ang pinto.."pahinga ka muna.." Parang nagmamakaawang sabi nya.

"Mmm.." Sagot ko ng nakatingin kay JD.

"Kumain ka muna ate.." Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. "..ako na nalang magbabantay kay JD.."

Tumingin ako sakanya. Nginusuan nya si James, akala ko tulog na sya, pero ganun parin ang posisyon, balisa parin!.."isama mo na rin sya, ate.."

Tumayo na ko at tinapik sya sa balikat.. "Sige s-salamat.."

Tumayo ako sa harap ni james. Hinintay ko muna nya akong lingunin bago ako nagsalita. "Nagugutom ka?"

Bahagya pa syang napapanganga saka tumayo at inayus ang sarili. "I-ikaw, nagugutom k-kana ba?"

"Mmm.. Kain tayo??" Pilit na ngiting tanong ko. Tumango naman sya at pinauna na akong maglakad.

Pagkalabas namin ay tahimik parin sya habang nakatungo. Diretso lang ako at hindi sya pinansin. Mamaya ko nalang siguro sya tatanungin kung bakit kanina pa sya balisa..

Pumasok kami sa isang coffee shop na katabi lang ng ospital kung saan naka confine si JD. Tinawag ko na yung Waiter at sinabi ang order namin. Bumaling naman ako kay james na tahimik parin..

*ehem*

"a-ayus ka lang?" Tanong ko. Tumingin sya sakin. "Kanina ka pa kasi balisa at...tahimik."

"Okay lang ako.. Ikaw ang inaalala ko, ok kana ba?"

"Malaman ko lang na ligtas na ang anak ko, okay na ko" nasabi ko nalang sa kawalan sabay buntong hininga.

Sandaling katahimikan...

"Here's your order, ma'am...sir" sabi nung waiter habang nilalapag sa mesa yung order namin.."enjoy eating!"

*K A T A H I M I K A N*

Hindi ko magawang magsalita o tumingin man lang sakanya. Magkaharap ang upuan namin pero nakatagilid ang upo ko, nakatingin lang ako sa labas habang humihigop ng kape. Minsan nahuhuli ko syang tumitingin sakin, pero saglit lang naman, titingin ulit sakin, tax iiwas ulit ng tingin..

Game of Love (Kathniel And Jadine Story)Where stories live. Discover now