Chapter 46

658 12 1
                                    

Nadine's POV

"Ngayun na kilala nyo na ako..."

"Teka.." Putol ni Kath sa sinasabi ng leader namin. Kaya napunta lahat ng atensyon sakanya. Mukhang pati sya hindi na rin matiis na hindi magtanong. "Pano mo ko nakilala?"

"Actually, lahat kayo kilala ko na. Dati pa. Hindi pa ko kilala ng daddy mo, kilala ko na kayo.." Tumingin sya sa direksyon ko at tinuro ako.."lalo kana, Nadine Lustre." Lalo na ko? Bakit? Paano? Stalker ko ba to? Tsk!

"Anyway, hindi na mahalaga kung paano ko kayo nakilala. Andito ako ngayun sa harapan nyo dahil may bago kayong misyon. Ako muna ang pansamantalang magiging leader ng sa grupong ito. Kailangan muna magpahinga ng dating namumuno dito..may Plano ang mga ama nyo, pero hindi pwedeng masira ang kanilang pangalan."

"Ano ang misyon na bibigay mo samin?" Tanung ni Kath.

"May papatayin lang naman kayong, isang maliit na problema.."

"Hindi na ba kami magtritraining?" Tanung ni nica

"Bakit kailangan pa ba? Next time nalang..kaya nyo na yan. Isang simpleng problema lang hindi nyo pa kaya?"..sa tingin ko, baliw to.."mamayang Gabi na kayo aaksyon.."

Sinabi nya lahat ng gagawin at kung saan kami pupwesto. Apat lang kami gagawa, walang tauhan o lalaki kaming kasama. Sa tingin ko naman kaya ko tong pinapagawa nya. Pero yung pagpatay? Hmmm..

"Balita ko galit na galit kayo sa taong to...kaya malaki ang tiwala ko na magagawa nyo to ng mas mabilis pa sa kidlat.." Nagkatinginan kaming apat.

"Sino ba yung target?"

"Si Mr. Dumingo." Direktsahan nyang bigkas. Namilog ang aking mata sa narinig ko...sya?

"Sya ang target?"

"Diba, papa ni Claire yun?"

"Ang sama nya.."

"Manang mana talaga sa ama.."

"Yeah. I told you."

Nakita Kong namilog ang kamao ni Kath. Nanggigil na rin sya. Nauna na syang lumabas at sumunod na yung dalawa. "Kath! Sandali!"

Susunod na rin Sana ako dun sa tatlo ng higitan ni joy ang kaliwang braso ko. "Alam ko naguguluhan ka pa sa nanyayari at kung sino ako.."

Humarap ako at tinignan sya na parang nagtataka.."sigurado ako pag sinabi ko to makikilala mo na ko.." Inilahad nya ang kamay nya tsaka ngumiti.."joy. Ang ex ng ex mo.." Tinignan ko lang yung kamay nya. So sya pala yun. Kaya pala familiar.

Hindi ko inabot ang kamay nya. Umalis nalang ako. Bago ako lumabas ng pinto, narinig ko pa ang mahina nyang tawa. Baliw.

Paglabas ko ng Secret building, nalaman ko nalang na umalis na pala yung tatlo Kong magagaling na kaibigan. Iniwan nanaman ako. Sumakay na ko ng kotse ko at dumeritso na sa bahay ko. Mamaya ko nalang kakausapin yung tatlo, mamaya pa naman yung misyon namin.

"Mommy!" Sigaw ni jd pagbukas ko ng pinto. Niyakap nya ako. May dala dala syang laruang baril na umiilaw pa..."mommy, nakita mo ba si Tito daddy?"

"JD, diba sabi ko naman--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may biglang lumabas sa likod ng pinto at...niyakap ako patalikod...

"Waaah! Tito daddy! Beng! Beng!"

"Hindi mo makukuha sakin ang mommy mo. Wahaha!" Sambit nitong nasa likod ko na naka wrapped parin ang kamay sa waist ko at kunwaring nakatutuk ang laruang baril na hawak nya saakin.

Natakot ako kung ano na. Naglalaro lang pala sila at dinamay pa talaga ako..

"Wag kang magalala mommy, andito na ko para iligtas ka.." Natawa nalang ako sa anak ko na sa akin nakatutuk ang kanyang baril...hayy bata nga naman..

Game of Love (Kathniel And Jadine Story)Där berättelser lever. Upptäck nu