Chapter 58

260 7 0
                                    

Sorry na hehe^_^V

Nadine's POV

"Mommy nalang kasi!!"

"Nahihiya ako, JD eh.."

"Huwag kanang mahiya, Carlo. Pamilya naman na tayo eh."

"Pamilya?"

"Oo magkaiba man ang mommy natin, pareho naman natin daddy si daddy."

"Kahit na JD nahihiya parin akong tawaging mommy si tita Nadine.."

"Eh? Ang kulit mo naman Carlo eh.. Okay naman kay mommy na tawagin mo syang mommy."

"Nahihiya parin ako."

"Bakit ka ba nahihiya?"

"Gusto ko kasing maging mommy talaga si tita Nadine.."

"Oh? Yun naman pala, ang gulo mo."

"Hehehe.."

"Hay nako Carlo!."

kanina pa sila nagtatalo sa gilid ng kama ko, gusto kong matawa ng malakas dahil sa kakyutan nila Pero nakapikit parin ako, gusto ko lang pakinggan mga boses nila. Hindi nila alam na gising nako at nakikinig sakanila.

Tumahimik na sila pero yung sitsitan naririnig ko pa..naiimagine ko yung nakakunot ng noo ni JD..

"Ah.. Tita nadine--"

"Mommy nga kasi!"

"Ah o-okay...mommy ni JD, gising na po--"

"Bakit may kasama pang 'ni JD'?"

"Nahihiya pa rin ako eh.."

"Mommy lang!"

"Mommy lang gising na po kayo."

"Carlooo!"

"Hahaha! Peace."

Hindi ko na napigilan, nawala na yung kaninang antok ko dahil sa dalawang to. Umupo ako at sumandal sa may headboard ng Kama. busy parin sila sa pagtatalo kaya Hindi pa nila ako pansin. palipat lipat lang ang tingin ko sakanila habang natatawa. Pffft!.

"Ehem!"

"Tita Nadine/ mommy." Silang dalawa. Kagat kagat ko ang sariling Labi habang  nakatingin sakanilang dalawa na ngayo'y nagtatapikan ng hita habang gulat pa rin ang mukha, Tila nagtuturuan kung sinong unang magsasalita.

"Kanina pa kayo nagtatalo, ano ba yang pinagtatalunan nyo?" pagmamaangmaangan ko.

"Sorry po tita kung nagising namin kayo. Gigisingin na nga sana kayo ni JD eh.." Sambit ni Carlo.

"Bakit ako lang diba dalawa tayong gigising kay mommy?.ang kulit mo talaga mommy nga kasi itawag mo." kamot ulo namang sabi ni JD na akala mo'y may malaking problema.

"Eh JD, nahihiya nga kasi ako." Bulong ni Carlo pero syempre narinig ko parin.

Magsasalita pa sana si JD pero inunahan ko na sya. "Tama na wag na kayong magtalo. Maliligo lang ako tapos sabay sabay na tayong bumaba." Sabi ko sabay halik sa kanilang noo tsaka tumayo na ako at pumasok na ng banyo.

- - - - -

Punas punas ko ang buhok ko gamit ang tuwalya habang palabas ako ng pinto ng kwarto ko. Naka fitted jeans at naka white shirt lang naman ako habang naka paa. ang init sa paa nung floppy slippers nila dito eh. Nakakairita alam naman nilang ang init init ng panahon ito pa ibibigay nila samin tsinelas. Wtf lang? Tss.

"Hi mommy! Tara Kain na po tayo." Masiglang bati ni JD. Ngumiti lang ako.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking kamay pagkatapos lumapit na ko sakanila sa mini kitchen nitong kwarto.

Game of Love (Kathniel And Jadine Story)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin