Chapter 59

396 6 4
                                    

Ito pang isa, pangbawi hehe:p

---

Nadine's POV

"Wala pa din si jerome." bumukas ang pinto ng opisina ko at iniluwal nun si nica. Di man lang kumatok.

Napatigil ako sa pagsusulat. Alam ko naman na yun. Hindi ko lang inaasahan na sasabihin nya pa yun.

"Alam ko." sagot ko. Hindi man lang sya tinapunan ng tingin.

Paguwi namin mula sa bakasyon ay nakita ko pa naman sya sa opisina nya pero kinabukasan nun ay wala na. Tatlong araw ng liban sa opisina si jerome. Wala akong balita maging ang kompanya sakanya. Wala syang sinabi kong saan sya pupunta. Wala rin binanggit kung kailan babalik.

Nakapatay ang phone nya. Ilan beses ko ng tinawagan maging ang mga texts ko ay hindi nya sinasagot. Tuloy ay wala akong maibigay na sagot sa tanong ng mga bata. Kung nasaan sya, sinong kasama nya, anong ginagawa nya at kung kailan sya babalik ay hindi ko alam.

"Sa tingin mo, nasaan kaya si boss jerome?" tanong nya. Inilapag ang umuusok pang kape sa lamesa ko. Kinuha ko iyon at humigop.

"Hindi ko alam." napabuga ako ng hangin. "Yan din ang tanong ng mga bata na hanggang ngayon wala parin akong sagot."

"Baka nag leave lang?" nangungumbinsi ang tinig nya.

"Baka nag leave lang."

"Eh? Pero hindi sya nag paalam...hmmm..ay! Baka may pinuntahan!"

"Baka may pinuntahan."

"Tsk, wala palang sinabi sayo." nawawalang pagasa nyang usal. "Baka may client lang?"

"Baka may client lang." inuulit ulit ko lang ang sinasabi nya, kinukumbinsi na sana yun nalang ang rason nya pag tinanong ko sya.

"Uulit ulitin mo nalang ba lagi ang sinasabi ko?" kunti nalang ang pasensya nya. "Tss. Nakausap mo na ba yung assistant nyang mukhang espeya ni claire?"

"Bakit ko naman sya kakausapin?"

"Dahil assistant sya ng boyfriend mo?"

"So?"

"Baka may alam sya kung nasan ang boylet moooe!"

"Kung may alam man sya hindi dapat ako ang lumapit. Sya ang may sasabihin. Makikinig lang ako." Seryuso kong sabi.

"Aywao, selos na ba yan ah?" tatawa tawa nyang usal. Napailing nalang ako. "Joke hihi"

Tinapos ko na ang sinusulat ko tsaka ko na sinara ang folder na hawak ko. "Bakit ka pala nandito? wala ka na bang gagawin?"

"Meron pa."

"Eh bat andito ka? Back to work." pantataboy ko sakanya.

"Iisa nalang naman na yun. Madali na yun sakin."

"Eh? Bakit ka nga nandito sa opisina ko?" pinadiinan ko pa ang huling salita.

"Pinatatawag kasi tayo ni miss joy. Kailan ka daw sa secret building."

"Ako lang?"

"Syempre! Ako din."

"Kung ganun..pati si janell?"

"Pati si janell."

"Pati si....kathryn?"

"Of course, pati si kath."

Napaiwas ako ng tingin nung napatitig sakin si nica. Nagkunwari akong busy sa pag aayus ng gamit ko tsaka ko na sya Inayang lumabas.

"Ahm..kung inaalala mo yung tungkol sa nangyare. Wag mo na masyadong isipin yun. Kilala ko, natin si kath. Mainitin ang ulo nun pero pusong mamon naman. Nasabi nya lang siguro yun sayo dahil ayaw ka nyang madamay."

Game of Love (Kathniel And Jadine Story)Where stories live. Discover now