EPILOGUE

380 7 1
                                    

-:)


"Ang cute naman po ng baby nyo!"

Hindi ko na alam kung pang ilan ko na yan na rinig sa dami ng nadaanan namin laging iyan ang sinasabi, yung iba ngumingiti lang at napapatitig talaga dito sa batang dala ko tila gustong gusto ng pisilin ang pisngi ngunit pinipigilan lang nila at baka umiyak ang bata.

Andito ako ngayon sa mall kasama tong si baby nero, hinihintay namin yung magaling nyang ina para kunin na si baby nero. Iniwan kasi nya sakin si baby nero kahapon dahil may pupuntahan daw sya at dito sa mall ang usapan namin para magkita pero halos kalahating oras na ng itext ko sya ay wala pa rin ni anino nya.

Hindi ko anak si baby nero pero napagkakamalan kami ng iba na magina,  ewan..magkahawig daw kami eh. Baka anak ko nga talaga to. Maloko nga yung gaga.

Hindi pa masyadong nakakalakad si baby nero wala din akong kasunudan dito sa pagbubuhat sakanya. Hindi ko dala ang walker o stroller nya kaya kanina ko pa sya buhat, nangangalay na ang braso't kamay ko kaya umupo muna kami sa isang bench na nakita ko. Buti nalang talaga at nakikisama ngayon tong si baby nero kaya hindi pa ako stressed. Naiistress ako dun nanay nya!.

"My gosh! I'm sorry janells, sobrang traffic eh" umirap ako kay nica na kakarating lang, hinihingal pa.

"Dumating ka pa.." I said sarcastically.

"Malamang! Kukunin ko anak ko, duh?" Aba't! at sya pa may ganang tarayan ako ha? What a bitch.."hey, baby nero come to mommy na"

Tumayo ako at hinarang ang braso sakanya. "Busy pa si baby nero, mamaya pa." Ngumuso si nica at sumulyap sa anak na abala sa pagsubo nung maliit at malambot na laruang pateng, para rin itong pasepayer kaya enjoy na enjoy si baby na kagat kagatin. "Diba baby nero, ayaw mo pa kay mommy?"

Naglakad na kami papuntang market, maggro grocery daw kasi tong si nica, wala din naman akong gagawin kaya sinamahan ko na.

Hawak ko si baby nero habang si nica naman ang nagtutulak ng push cart. Tinitignan lang ako ng masama ni nica sa tuwing may nilalapag akong gustong bilhin sa push cart pero wala naman syang sinabi. Aba! Dapat lang! Pinaghintay nya ko ng matagal no!.

Nakasunod lang ako kay nica, minsan napapatingin yung mga nasasalubong namin kay baby nero at lilipat yung tingin sakin sabay ngiti, iniisip siguro na anak ko tong batang dala ko, ngumiti nalang ako pabalik.

"Hindi laruan yang anak ko, janell ah. Paalala ko lang." Sambit ni nica habang kumukuha ng gatas ni baby nero. Tumawa lang ako.

Inaasar ko kasi si baby nero, kinukuha ko yung laruan nya tinatago ko yun at hindi binibigay  hangga't hindi umiyak haha.

"Oh heto na baby, balik na ni tita" tumawa ulit ako ng tuluyan na nga umiyak si baby nero. Weird pero nakyu kyutan ako tuwing umiiyak si bby nero haha.

"Akin na nga--"

Nilayo ko agad si baby nero  kay nica nang balak niya itong kunin sakin.

"Mag grocery ka nga lang jan."

"Kinakawawa mo anak ko eh!" Pagmamaktol nya.

Hindi ko sya pinansin at nakipaglaro na ulit kay baby nero.

"Mam ma.. Ma.." Bigkas ni baby nero.

May naalala tuloy ako..

"Nica?"

"Oh?" sagot ni nica habang naglalakd papunta sa meat section. Hinabol ko sya para magkapantay kami at para marinig nya ang sasabihin ko.

"Anak mo ba talaga si baby nero?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Game of Love (Kathniel And Jadine Story)Where stories live. Discover now