Rewind

By stupidlyinlove

158K 3.1K 390

[On hold/Hiatus] Sabi nila, deserve ng lahat ang second chance pero hindi lahat nabibigyan nito. What if you'... More

Rewind
Present 1: Ego
Present 2: Life-taker
Present 3: Chance
Rewind 1: First Meeting
Rewind 3: First Deal
Rewind 4: Closeness
Rewind 5: Comparison
Rewind 6: Suspicion

Rewind 2: First Talk

9.5K 251 23
By stupidlyinlove

Rewind 2: First Talk

------------♡------------

"Babe?"

Please, sandali pa. Gusto ko pa siyang yakapin.

"T-theo?"

Agad akong napahiwalay nang maramdaman kong siya mismo ang humiwalay sa akin. Si Bless mismo ang humiwalay sa akin. 

Hindi ko alam pero nasaktan ako dun. Nasasaktan din ako habang nakikita ko yung mga mata niya na para bang natatakot o nawiwirduhan dahil sa ginawa kong pagyakap.

Hindi ba niya nararamdaman na sa future ako yung lalaking mamahalin din niya? Wala namang magbabago hindi ba, Bless? Ako pa din yung mamahalin mo?

Kahit na alam ko kung anong mga posibleng mangyari, hindi ko alam pero natatakot pa rin ako sa bukas. Hindi ko pa din pala hawak yung bukas. 

I shook my head and tried to smile, "Haha, pasensya na. Kamukha mo kasi yung pinsan kong nasa ibang bansa na. Bigla kong namiss."

Pang-ewan lang yung dahilan ko. Haha. Hindi ko alam saan nang galing yung dahilan kong yun. Sana bumenta.

"Babe talaga," naramdaman ko yung pagkapit ni Ash sa akin. Nakita ko naman na bumenta sa kanya yung dahilan ko kaya nakahinga ako ng maayos, ganon din kay Bless at sa iba. "Nako, pagpasensyahan niyo na 'tong si Theo," dagdag niya pang sabi sa mga kaibigan niya.

 "Okay lang yun," nginitian na lang ni Bless si Ash habang ako ay binigyan niya ng awkward smile. 

"Anyway, girls, can we go to the C.R.?" tanong ni Kylie.

 Tinignan ako ni Ash na para bang nagpapaalam kung okay lang kaya agad akong tumango, Habang papalakad sila papalayo, sinamantala kong tignan si Bless habang naglalakad palayo. 

***

Mga apat na subjects pa yung lumipas at sa wakas dismissal na talaga namin. Mga tatlong prof lang pumasok ngayong first day. 

"O mga bro, san ka na?" tanong ni Pao.

"Kayo ba?" tanong ulit ni Dom, "First day naman, tara libutin natin kung saan pwedeng mga tambayan natin."

"Tara!" agad na sabi ni Paolo at saka tumingin sa likuran, "Kaso, Theo, makakasama ka kaya?"

Napataas yung kilay ko at tumingin sa likod. Doon ko nakitang papalapit na nga dito si Ash kasama si Kylie at si...Bless.

"Mahirap talaga magkagirlfriend. Laging kelangang magpaalam. Daig pa magulang," natatawang bulong ni Dom sa akin.

"Tara na babe?" aya sakin ni Ash, "Sasabay na din sina Kylie and Phia pababa."

Napatingin ako kina Pao. Sa totoo lang, gusto kong sumama sa kanila pero nang makita ko si Bless na naghihintay para sa amin ni Ash, mas gusto kong makasama siya. Mas gusto kong mapagmasdan pa siya.

"Sige mga bro, next time na lang." I salute at them and let Ash hold my hand.

***

Habang pababa ng hagdan, nasa harapan namin sina Kylie at Bless. Hindi ko maiwasang maging cautious lalo na kay Bless dahil minsan may pagkaclumsy siya lalo na sa hagdan kaya nakaready lang yung kamay ko para saluhin siya kung sakaling mapatid siya. Pero hindi ako makapagconcentrate sa pagbabantay dahil nakakapit si Ash sa akin habang nakaside-by-side. Hindi niya ako mabitawan kahit na gustong-gusto ko na siyang bitawan. Naiilang ako dahil para sa akin, matagal nang wala kami. Simula pa noong---

"How's your first day pala, babe?" biglang tanong ni Ash.

"Ayos lang," sagot ko na lang, "Ikaw ba?"

"Hmm well, naninibago pa ako eh. Sobrang iba ng college from our highschool," mas kumapit siya ng mahigpit sa akin, "How about you girls?"

"College is really different for me," sagot ni Kylie, "Kasi actually, I'm from a chinese school at sanay na puro chinese din kasama ko. Super iba culture dito sa college kasi halo-halo na."

"Wait," napabitaw sa akin si Ash at tumabi kay Kylie, "so puro chinito mga kasama mo sa school?" 

 Tumango-tango si Kylie.

"That means madaming gwapo sa school niyo? Oh my gosh!" 

Napailing na lang ako sa sinabi ni Ash. Para bang wala siyang boyfriend. Noong unang sinabi niya yan kay Kylie, nairita ako pero ngayon wala na lang sakin.

Napansin kong napatingin sakin si Kylie na para bang inoobserbahan kung anong irereact ko. Para magmukhang affected ako, napa-tsktsk na lang ako. 

"Ooppss," Ash covered her mouth and giggled, "Kasi naman, sa dati naming school, sobrang konti ng gwapo. Si Theo na talaga yung pinakagwapo. And babe," tumingin siya sa akin at bumalik sa tabi ko, "Kahit di ka gwapo, love na love pa din kita."

"I know," sabi ko na lang. Sandali pang nagkwentuhan sina Kylie at Ash sa mga kung anu-ano nang napansin kong pangiti-ngiti lang si Bless kaya naisipan kong sumingit para matanong siya, "Eh si Bl--Phia, kamusta first day?"

Tsk, muntikan na naman akong madulas. Pero hindi yun yung napansin ko, lahat kasi sila napalingon sa akin. Masama na bang nagtanong?

"Oonga pala, Phia," Ash smiled at her, "how's your first day? Grabe ang tahimik mo pala."

"Oonga Sophie, you're super quiet," kumapit si Kylie kay Bless, "Come'on, loosen up!"

Bago pa man siya makasagot, napanisn kong nakababa na kami dito sa first floor at halos palabas na ng building namin.

"Pasensya na kayo," bumalik ang tingin ko sa kanya nang makapagsalita siya, "hindi lang sanay pero super happy na may friends agad ako this first day."

"Of course! We're friends na right?" tanong ni Kylie sa kanilang mga babae. Okay, medyo naout of place na ako.

Sabay tumango sina Bless at Ash at ayun, nagkwentuhan na silang tatlo. Natuwa ako dahil nagsimula na ding maging makwento itong si Bless.

Napangiti ako dahil walang nagbago, sila-sila pa din yung mga naging magkakaibigan. Kung alam lang nila kung gaano kalalim pa ang pagsasamahan nilang tatlo, siguradong matutuwa sila.

Napansin ko na lang na tuluyan na kaming nakalabas ng building. Grabe kasi, ang dami namin kaya ang bagal at ang hirap bumaba. Habang pababa kasi kami, may mga pataas naman na studyante para sa klase nila. 

"Aw girls, I think, I need to go." Kylie pouted.

"Paano ka uuwi?" tanong ni Ash sa kanya.

Edi susunduin ang mahal na prinsesa, sabi ko sa sarili ko. Rich kid kasi talaga 'tong si Kylie. 

"Susunduin ako," she rolled her eyes, "OA kasi si daddy, pwede namang magdrive na lang mag-isa pero he doesn't like me to drive."

"Psst, achi!" narinig naming sumigaw.

Sabay-sabay kaming napalingon at sakto, nakita naming may Marcedes na naghihintay dito sa tapat ng AMV(pangalan ng building namin). Sa loob nun ay isang lalaki na nakadungaw at nakatingin kay Kylie.

"Oh gosh, no need to shout dumbasses," halata sa boses niya ang pagkairita doon sa tumawag sa kanya. Hindi ako pwedeng magkamali, yun yung isa sa mga kapatid niya.

"Kapatid mo, Kylie?" tanong ni Bless.

"Yeah, unfortunately." 

"Achi, kinne la!" may isa na namang sumigaw galing sa kotse nila. Kaso, hindi ko naman naintindihan yung sinabi. Nagsalita na naman sila sa intsik.

"Ho lo la!" sigaw din ni Kylie. At wala na talaga akong naintindihan.

"Ano daw?" tanong ko.

"Faster daw and I said yes." Kylie explained and I nodded. Paglingon namin sa dalawang babae, napansin naming nakatingin sila ng mabuti sa kotse nila Kylie. 

"Wait, kambal ba sila?" tanong ni Ash nang hindi nawawala ang tingin dun sa kambal, "Ang cute nila!"

"What?! Anong cute dyan sa dalawang yan? Eiw. And yes, they're twins." 

"Totoo naman, Kylie. Ang cute ng mga kapatid mo at sinundo ka pa talaga nila." dagdag pa ni Bless. Kahit noon pa, tuwang-tuwa na 'tong si Bless sa mga kapatid ni Kylie.

"Whatever girls." she rolled her eyes again, "So, I really need to go. See you tomorrow."

Bumeso muna siya sa mga babae at habang sa akin, tinaasan lang ako ng kilay. Naalala ko pa nung una niyang ginawa yun, akala ko, bebeso din sakin at napa-"sayang!" pa ako noon pero ngayon, iba na. Sanay na ako at alam ko kung bakit ganyan ang pakikitungon niya sa akin. 

"Bye, Kylie!" habol pa ng dalawang babaeng kasama ko.

"Grabe, ang cute talaga nung mga kapatid ni Kylie noh?" sabi ni Ash at tumango naman 'tong si Bless. Kung hindi lang mas bata yung dalawang yun samin, pinagselosan ko na yun.

"Paano ka pala uuwi Phia?" tanong ni Ash pagkatapos makaget over sa kapatid ni Kylie.

"Maglalakad lang ako papuntang dorm." sagot niya like what I expected.

Napansin ko na lang na tatlo na lang kaming natira. Mas lalo kong naramdaman yung pagkaawkward. Gusto kong makausap at masolo si Bless pero kelangan na nasa tabi lang ako ni Ash. Kung pwede lang sana----

"Ahh, wait! Sheesh babe!" 

Nabigla naman ako sa biglang siyang parang kinabahan. "Bakit?"

"Kelangan ko ulit bumalik sa taas. Nakalimutan ko kunin yung uniform ko na pinapalit ko." 

Yes! 

"Gusto mo bang samahan kita?" tanong ko na lang. Please, sabihin mong hindi.

"Ahh, no, no babe," she waved her hands, "Dito na lang muna kayo ni Phia and wait for me okay?" Sobrang makakalimutin ko talaga, geez!"

Whew, thank you, Ash. I wanted to tell her pero hindi ko masabi kaya niyakap ko na lang siya, "Ingat sa hagdan."

She tapped my back, "Sira ka talaga. Sige na, babe. I'll be right back."

Habang papalakad si Ashley pabalik ng building namin, napansin kong hindi mapakali itong si Bless at medyo malayo sa kinatatayuan ko.

"Ayos ka lang ba?" biglang tanong ko. Hindi ko kasi alam at hindi ko matandaan kung paano siyang kakausapin. Para bang bago lahat ng ito sa akin.

"Ahh oo naman," ngumiti siya at tumingin sa relo, "Sige mauna na ako sa dorm ah."

Paalis na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya pero agad ko ding binitiwan nang makitang nabigla na naman siya sa ginawa ko, "Sorry pero pwedeng dito ka muna habang wala pa si Ash?"

"Please?" dagdag ko pa. Sandali lang, gusto lang talaga kitang masolo. 

"Hmm, sige na nga." ngumiti siya at umupo sa may AMV tree (puno sa tapat ng building namin).

Sandali pa kaming natamhimik nang maalala ko yung nangyari kanina. "Sorry kanina kung nayakap kita. Nabigla ka siguro tapos wirdo na tingin mo sakin."

Pinilit kong matawa  pero gustong-gusto kong sabihin sa kanyang namiss ko lang talaga siya. Miss na miss ko na siya.

"Sa totoo lang," tumingin siya sa akin at sa wakas, nakita ko ulit yung mga ngiti niyang yan, "hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa'y----"

"Talaga???" Woah!

Tumango-tango siya, "Pero ayun, kinabahan lang ako nung niyakap mo ako. Haha."

"Pero at least may connection agad!" tuwang-tuwang sabi ko.

"Connection?" pagtataka niya.

Napaisip ako doon at naisip na napadulas ako sa mga pinagsasabi ko, "Ang ibig kong sabihin, mas okay sana kung magsisimula ulit tayong magkakilala ngayon. Ako nga pala si Theodore Cordova. Theo na lang."

Nginitian ko siya at inoffer ang kamay ko na agad niyang kinuha. Naalala ko sa ganitong paraan din ako unang nakapagpakilala sa kanya noon. At ang sunod niyang sasabihin...

"Theodore? Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng pangalang yan?" inaasahan kong itatanong niya.

Umiling ako at nagkunwaring hindi ko alam dahil sa kanya ko unang narinig ang sagot sa tanong niyang yan.

"A gift from God," ngumiti siya habang nakatingin sa malayo at saka ako tinignan, "Siguado ako na sinadya yang ipangalan sayo ng parents mo."

"Tingin mo?" at tumango siya, "Paano mo naman nasabi?"

"Kasi, love ka ng parents mo and you're their gift from God," she laughed, "Sa totoo lang, kung naging lalaki sana ako, yan daw yung ipapangalan sakin ang kaso naging babae ako kaya Sophia Bless na lang."

"Ayos naman pangalan mo ah," kumento ko.

"Yup! At ahh, ako nga pala si Sophia Bless Mendoza."

"Bless? Bakit Bless pinangalan sayo?" pagkukunwaring hindi ko alam.

"Kulang kasi sa buwan nung pinanganak ako. Akala nila mama, hindi na ako mabubuhay kaya ayun, noong nabuhay ako, they decided to name me Bless kasi common na daw yung miracle."

Habang kinukwento niya sa akin ulit kung bakit yun ang ipinangalan sa kanya, makikita pa din yung saya sa mukha niya. Pero at the same time, mahahalatang namimiss niya na yung pamilya niya.

"Pero pwedeng Phia na lang tawag sakin." dagdag pa niya.

No...

"Pwede bang Bless na lang itawag ko sayo?" tanong ko kagaya noong una.

"Ah? Bakit naman?" pagtataka niya.

"Kasi..." napailing muna ako at napangiti, "I want to call you Bless kasi malay natin, ikaw na pala yung blessing na pinakahihintay ko. Paang sa parents mo lang, blessing ka sa kanila."

Noong una, banat yan pero ngayon, buong puso ko itong sinasabi sa kanya. Dahil totoong siya yung blessing na matagal ko nang hinihintay sa buhay ko.

"Ikaw talaga, buti na lang wala si Ashley dito. Baka magselos yun."

"Pero seryoso ako," tinignan ko nga siya ng seryoso, "pwede bang yun na yung tawag ko sayo simula ngayon?"

"Hmm," tumango-tango siya at ngumiti, "Sige na nga."

 "YES!" napasuntok pa ako sa hangin.

"Theo, babe?"

 Agad kong binawi yung kamay kong nakataas nang narealize kong nandito na pala si Ash. Narealize kong padalos-dalos na naman ako sa mga inaakto ko. Kaya agad akong napatayo at lumapit kay Ash at inakbayan siya.

"Uy, Ash!"

"Ano meron?" agad na tanong niya.

Sasagot na sana si Bless pero agad ko siyang inunahan, "Wala naman, babe."

"Ohh...So tara na?" aya ni Ash at kumapit din sa akin, "Saan ka na pala, Phia?"

"Sa dorm ko lang dito sa may P. Noval." 

"Tara babe, hatid na natin siya." suggest ko, "Tapos ihahatid na din kita."

Hindi ko alam kung anong meron sa mga tingin sa akin ni Ash pero kakaiba ito. Para bang pilit niyang binabasa kung anong iniisip o kinikilos ko. 

Nakakahalata na ba siya?

"Ahh, Theo, kahit wag na." tanggi ni Bless.

"I think, I agree with Theo, Phia." Napahalik ako sa cheek ni Ash ng wala sa oras dahil sa pagsang-ayon niya. Siguro ako lang nag-iisip na may nararamdamang ib si Ash. "Malapit lang din naman kasi."

Bless smiled, "Kayong dalawa talaga bagay na bagay."

"Oo naman!" agad na sagot ni Ash.

"Tara na nga." aya ko dahil iba talaga yung pakiramdam ko.

***

 "Phia, may boyfriend ka na ba?"

Agad akong napatingin kay Ash dahil sa tanong niya, ganon din si Bless. Di ko alam kung bakit pa ako nabigla sa tanong kahit alam ko yung sagot pero siguro dahil wala akong natatandaang tinanong ito ni Ash kay Bless habang kasama ako.

"Wala pa," agad na sagot ni Bless, like what I expected. 'Di ko napigilang mapangiti ng malapad.

"Sa ganda mong yan?" Hindi pakapaniwala si Ash. Buti na lang talaga. Maganda naman kasi siya kaso nga lang sa una, tahimik talaga.

Nayuko si Bless, "Hindi naman..."

"Sang-ayon ako kay Ash." sabi ko na lang pero sa isip-isip ko, buti na lang. Napansin kong napatingin sa akin si Ash at hindi ako iniwan ng tingin habang naglalakad. Naramdaman ko din yung paghigit ng hawak niya. 

"Pwede bang malaman kung kelan pa naging kayo?" tanong ni Bless.

"Since grade 11," agad na sagot ni Ashley, "Kung alam mo lang kung gaano kapatay na patay 'tong si Theo sakin dati. He even courted me for 2 years!"

"Wow," she said with amazement, "I'm sure mas tatagal pa kayo."

Kung alam mo lang, Bless...

"Of course!" she held me even tighter, "Hindi ba, babe?"

I just nodded. Nakakakunsensya din palang umoo kahit alam mong sa huli, hindi talaga mangyayari yun. Lalo na't gagawin ko ang lahat para lang sa huli, maging kami ni Bless, na makakabawi ako sa mga kasalanan ko sa kanya, at..at basta.

"Oo yan," Bless assured for us.

Sandali pa, napansin kong nandito na kami sa dorm ni Bless kaya automatic na napatigil ako, ganon din si Bless. Para hindi halatang alam ko, hindi na ako nagsalita.

"Dito na yung dorm ko, Ashley, Theo."

"Grabe ang lapit lang pala ng dorm mo, Phia. Nakakainggit. Uwian kasi ako." she paouted, "Buti na lang ihahatid ako ni babe."

"Oo naman, my responsibility." For now...

"Thank you sa inyo." Bless waved her hand and went inside. Involuntarily, I also waved my hand.

***

Gaya ng dapat, nagcommute kami ni Ash at hinatid siya kahit na yung dorm ko, sa may Lacson lang, malapit sa school. Buong byahe, nakakapagtakang tahimik si Ash. Siguro dahil na din sa pagod ngayong unang araw ng pasukan.

Dahil sa respeto, inihiga ko pa din siya sa balikat ko para hindi siya mahirapan. Pero, bigla niyang tinanggal at sumandal na lang sa kabilang side. 

Galit ba siya? Pero bakit?

Hinayaan ko na lang siya pero inakbayan ko pa din. Wala akong ibang maisip ngayon kung ano na bang ginagawa ni Bless ngayon, kung kumain na ba siya, at kung anong nararamdaman niya ngayong una niya akong nakilala. Kahit kelan kasi, hindi ko natanong sa kanya yun.

Puro sarili ko lang kasi yung iniisip ko. Minsan hindi ko man lang natatanong sa kanya kung ano bang nararamdaman niya. Masyado akong naging self-centered.

Kaya ngayon, ibibigay ko lahat sa kanya. This time, siya naman. This time, it's all about Bless. It will not only be about me, but about us.

Sandali pa, bumaba na din kami at nagsimulang maglakad papunta sa bahay nila. Sa totoo lang, malapit lang 'tong bahay niya sa amin.

Habang naglalakad, tahimik pa rin siya na hindi talaga ako sanay. Sa naaalala ko, kapag ganito siya, may problema.

Nilapitan ko siya at inakbayan. Buti at hindi niya tinanggal, "May problema ba, Ash?" 

Hindi siya sumagot agad at bumuntong-hininga, "Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko, Theo eh."

"Ano bang nararamdaman mo?"

Napatigil siya at tumingin sakin, "It's about Phia."

Si Bless?

"Anong meron sa kanya?" 

"Hindi ko alam," she sighed deep, "Iba yung nararamdaman ko sa kanya. Yes, she's okay. Super mabait sa isang tingin pa lang and she really is. That's why hindi ko maintindihan bakit ganito. I felt uneasy with her."

Sandali akong napatigil at pilit inisip kung ganito ba yung unang nasabi ni Ash sakin noon tungkol kay Bless pero wala akong matandaan. Ang natatandaan ko, noong una pa lang, gustong-gusto niya si Bless. Pero bakit ganito?

At doon naisip ko lahat ng nagawa ko ngayong araw. Sa isang araw, madami na akong nabago sa pakikitungo ko pa lang kay Bless. Nikayap ko siya. Kinausap ko siya na para bang matagal ko na siyang kakilala. Natural kasi sa akin na maging tahimik lalo na sa mga bagong kaibigan ni Ash pero ngayon, iba.

Shit, napamura na lang ako. Ito na ba yung isa sa consequences ng mga pagbabagong ginagawa ko?

"Kakakilala mo pa lang sa kanya," pinilit kong hindi ipakita yung kaba ko, "wag mo muna siyang ijudge."

"I'll try, okay?" at tinignan ako, "Isa pang napansin ko..."

"A-ano yun?"

"You're different around her. I mean, iba eh. Hindi ka ganyan kaluwag sa ibang babae. I can't explain---"

"Walang iba, Ash. Huwag kang mag-isip ng ganyan." Please... "Nagseselos ka sa kanya? Ano ka b-----"

And there, she kissed me on the lips. Nabigla ako at gustong-gusto ko siyang itulak ng konti pero naisip ko, tama na lahat ng kakaibang nagawa ko sa isang araw. But, I didn't respond to her kiss.

"I don't understand why I feel this way, Theo. Kinakabahan ako bigla," she hugged me tight, "Please tell me, hindi ka naman mawawala sakin diba?"

Mas lalo akong nakunsensya pero kelangan kong magpanggap, "O-oo naman, Ash."

"Promise?"

I sighed, "Yes, promise."

Doon, lumayo siya sakin at tuluyang ngumiti, "Hay, sorry babe. Kung anu-anong naiisip ko."

"Ayos lang," at pinilit kong ngumiti at ginulo ang buhok niya. Sa oras na 'to, pinilit kong alalahanin yung dahilan o mga dahilan kung ano o bakit ko siya nagustuhan pero wala akong natatandaan. Siguro kapag nagtagal, maalala ko din.

"Sige na, nandito na ako sa bahay. Pasok ka pa ba?" 

I waved my hands, "Hindi na, mauuna na din ako."

"Dadaan ka ba muna kila tita?"

Doon, naalala ko sila mama pero agad ko ding naalala si Bless.

"Oo, dadaan muna ako dun," sabi ko na lang.

"Okay, babe," she kissed my cheek, "Ingat ah? Bye."

I just smiled and waved my hand. Pagkapasok na pagkapasok niya, agad na akong umalis.

***

Bumalik ako sa dorm ko nang hindi sinasadya o sinasadyang mapadpad ako sa harap ng dorm ni Bless. Doon ko naisip lahat ng sinabi ni Ash kanina.

Hindi talaga ganon ang unang impression ni Ash kay Bless. Kabaliktaran.

Anong mangyayari kung maging malayo ang loob ni Ash kay Bless? Sa pagkakaalala ko, dahil sa pagkakaibigan nila kaya kami naging malapit ni Bless. Pero kung mawawala yun o hindi yun mangyayari, magiging iba lahat ng sa amin ni Bless.

Hindi pwede. Hindi ko dapat hayaang mangyari yun pero paano? 

Doon, nakita kong lumabas si Bless ng dorm niya. Siguro para bumili ng pagkain. 

Gustong-gustong-gustong-gusto ko siyang lapitan at kausapin, sabihin sa kanya kung anong nangyayari pero kapag ginawa ko yun, sa isang iglap, pwede siyang mawala sa akin. at kapag nawala siya, hindi ko na magagawa pa yung totoong purpose ng pagbalik ko sa nakaraan.

Siguro nga wala akong choice kundi iwasan siya at pigilan muna yung nararamdaman ko. Masakit pero kailangan. Kelangan kong gawin yung dating cycle ng buhay namin para magtagpo ulit kami. Para ako ulit yung mahalin niya.

Bakit kasi sa lahat ng panahong pwedeng bumalik, sa panahong ito pa? Mas naging kumplikado tuloy ang lahat. Ang hirap. Ang hirap-hirap iwasan yung taong mahal na mahal mo, yung taong gusto mong makasama oras-oras.

 Nakita ko na naman siya.

Siguro nga, hanggang tingin na lang muna ako ng ganito kalayo sayo, Bless. Pero hintayin mo lang ako. Hintayin lang natin yung tamang panahon, magtatagpo din yung landas natin. Konting tiis na lang.

Konting tiis ko na lang matatama ko din lahat.

------------♡------------

Vote if you liked the chapter.
Comment for some reactions, insights or anything that you feel about the chapter.

*Huhu, ayos lang ba 'tong chapter? 

*Thank you talaga sa mga nagbabasa pa din nitong Rewind. Nakakakilig lang. :") Salamat talaga!! :*

*Kaparehas ba talaga nito yung Sana'y Maulit Muli? Hindi ko kasi napanood yun. :|

*Dedicated to my super helpful Em. :)

Tweet me and lezz talk about Rewind: @stupidly_inlove.  :D

XoXo, 
Jandra <3

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
7.9M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
231K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...