Elemental Gunji-teki Academy

By MasayahingShana

614K 16.5K 854

15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A... More

Welcome Message
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter to Era 2
Era 2 (Book 2)

Chapter 40

6.7K 199 8
By MasayahingShana

ALTAIR

Ilang araw at linggo na ang lumipas sa pananatili namin dito sa Red Army Campus. Hindi naging madali ang pag tra-training namin sa ilalim ni Ma'am Aurora. May linalatigo kasi siya kung sakali man na hindi sumusunod sa instructions niya. Yeah. Totoong nakakatakot na nga ang nagtuturo sa amin ngayon.

Nakausap ko naman ang papa ko dito. Pero dalawang beses lang ata. Kasi hindi siya rito palagi e. Nasa EGA siya para tumulong sa pagaayos ng academy. Pati si Commander Shin.

Nalaman ko rin na hindi lahat ng army ay nananatili sa loob ng campus. May mga nakikipag-sapalaran sa mga normal na tao sa trabaho.

Nalaman ko rin na guma-graduate din ang mga army kapag matapos na ang tatlong taon na pag-aaral/pagtra-training at kapag naka-graduate ka na, pwede ka nang bumalik sa pamumuhay kasama ang mga normal na tao. Pwede ring manatili ka rito. Depende sa pipiliin mo. Excited na akong grumaduate. Kaso mahigit isang taon pa ang gugugulin ko sa kakatraining para maka-graduate.

Kasalukuyan kaming nagta-training dito sa training field. Yung klaseng training namin ngayon ay pinagpares-pares ni ma'am kaming lahat at kakalabin ang isa't isa. At ang kapares ko ngayon ay si Ryoran.

Naging super close ko na sila Agatha at Ryoran. Palagi kasi sila ang nakakasama ko rito. Naging kaibigan na rin namin ang iba pang kaklase namin.

Nami-miss ko naman si Eunice. Siguradong malakas na yun kapag nagkita kami ulit.

"Ratatatatata." Sunod-sunod na tira ang pinakawalan ni Ryoran tungo sakin na tila umuulan na ng apoy sa ginagawa niya.

Naiilagan ko naman kaso may ilang tira nga lang niya ang hindi ko na maiwasan kaya marami na akong daplis sa katawan. Nang mapagod siya sa kakasugod sakin dahil puro ilag ang ginagawa ko, ako naman ang susugod. Itinutok ko ang dalawang daliri ko sa noo ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Ipinukos ko ang lakas ko sa aking daliri. Kasabay sa pagmulat ng mga mata ko ang pag-alis ko ng aking mga daliri sa noo ko at itinutok ko iyon kay Ryoran na naghihintay sa kung ano ang mangyayari.

Mula sa aking mga daliri ay lumabas ang maliit na amount ng apoy at dumiretso ito kay Ryoran. Sa right timing, nasapol siya sa noo niya kaya natumba siya at halos gumulong pa.

"Ay sorry!" Nasabi ko. Nagtawanan naman ang iba naming classmates na nakakita.

Bumangon si Ryoran habang hinihimas-himas ang noo niya na natamaan ko. "Aray ko naman," daing niya.

"Ryoran! Tatlo na mata mo ngayon! Haha," pang-aasar ni Agatha. Nagkaroon kasi ng bakat ang noo niya. Nagtawanan ulit ang mga kaklase namin.

"Akala ko hindi ganun kalakas ang impak. Maliit lang kasi yung apoy," komento pa ni Ryoran habang hinihimas ang noo niya.

"Magaling," biglang sabi ni ma'am kaya bigla kaming tumahimik. “Nagustohan ko ang ginawa mo, Miss Chancelor. Maliit na apoy ngunit may lakas. Ngunit suggest ko na i-practice mo pa hanggang sa kaya mo nang i-direct ang paggaganun nang hindi na inilalagay muna sa noo ang mga daliri para makapag-focus. Nakaka-consume kasi iyon ng time.”

Tumango ako. “Yes, ma’am.”

“Nakita ko rin ang performance ng iba. Napapahanga na ako sa karamahinan sa inyo. Mabibilis kayong matuto at ang ilan pa ay nakakakitaan ko na ng pagkakaroon ng mga sariling tricks.”

Napangiti kaming lahat.

"Hmm. Mukhang handa na kayo para pumili ng inyong sandata," pagpapatuloy ni ma'am.

"Huh? Sandata?" Parang nag-ningning pa ang mga mata ni Ryoran ng marinig ang salitang 'sandata'.

"Oo. Napag-isipan ko na maaari na kayong makapili ng sandata."

Nagtaas ng kamay si Ryoran. “Pero, ma’am, diba binibigyan lang ng sandata kapag kontrolado na talaga ang kapangyarihan? Bago pa lang ang mga nalalaman namin e.”

“Sa sitwasyon niyo, kontrol niyo na ang kapangyarihan niyo. Sapat na ang status niyo ngayon para pumili ng sandata. Hindi na ninyo kailangan pa na maging master muna sa pagkontrol ng kapangyarihan bago pumili ng gamit. Sa lagay ninyo, siguro naman ay magkakaroon na kayo ng ideya kung anong klaseng sandata ang babagay sa ninanais niyo na paraan sa pakikipaglaban.”

Napapalakpak ang ilan sa amin dahil sa tuwa.

“Since ako ang nagtuturo sa inyo ngayon, ako ang masusunod para sa kung anong paraan ko kayo matuturuan. Isa sa mga natutunan ko noong nag-aaral pa lang ako sa EGA ay hindi kailangang sumunod sa nakasanayan at usual na pagtuturo ng maraming guro. Gusto kong umayon sa kung ano ang progress ng mga estudyante ang bawat hakbang na gagawin sa pagtuturo.”

"Yes! Eh kailan po ba kami pipili ng sandata?" Excited na tanong ni Ryoran.

"Ngayon."

"Ngayon po? As in ngayon? Now?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Oo. Hindi na tayo magsasayang ng oras. Kung kaya naman ngayon, edi ngayon na. Kaya sumunod kayo sakin para makapili na kayo ng sandata niyo at ma-train kayo sa paggamit nito," ani ma'am at naglakad na palayo.

"Yey!" Tuwang-tuwa naman kaming lahat. Sumunod kami kay ma'am.

Pumunta kami doon sa building dito sa training field. Dito sa ground floor, isa siyang bakanteng hall. May limang malalaking double door ang nandito lang. Pero hindi pa kami nakakapunta sa likod ng mga pinto na yan.

Umakyat kami sa second floor. Dito naman ang pinaka clinic ng buong Red Army. Ang lawak ng part na ito.

Umakyat kami sa third floor. Hindi pa kami nakakapunta rito. So, pagkaakyat namin sa third floor, huminto kami sa tapat ng isang malaking double door. Binuksan iyon ni ma'am.

"Wooow," halos sabay-sabay kaming lahat dahil sa nakita namin sa loob.

Pumasok kami. Malawak ang silid na ito.

Ang mga nandito lang naman ay sangkatutak na mga sandata. Walang bintana rito at tanging mga torch lang ang ilaw.

"Ngayon pag-isipan niyo ng maiigi ang magiging sandata niyo. Paalala na hindi ito dahil sa maganda lang ang sandata ay iyon na. Dapat piliin niyo kung saan kayo matututo at kung ano ang willing kayo na gamitin sa mahabang panahon," paalala ni ma'am sa amin.

Naghiwa-hiwalay kaming lahat sa buong room para humanap ng sandata. Lahat na ata halos ng sandata ay nandito na.

Una akong napunta sa may mga pana at palaso. Naalala ko ang napapanood ko noon. Ang a-astig ng gumagamit na mga characters na ganito. Okay kaya sa akin?

Inisip ko ang sarili ko gumagamit ng ganitong sandata. Okay sana kaso paano kung malapit lang sa akin ang mga kalaban? Madali pa naman ako  mataranta. Wag na lang nito.

Sumunod ako sa katana. Ang gaganda ng mga narito. Ini-magine ko na kunwari ginagamit ko siya kagaya sa mga napapanood ko noon sa TV. Ang cool sana kaso yung mga cool moves na napanood ko noon ay inaabot talaga ng matagal na panahon bago ma-achieve sa totoong buhay.

Sumunod naman ako sa mga double edged sword. Nag-imagine ulit ako na kunwari gamit ko. Nang parang nakita ko na may part na hindi perfect para sa akin, lumipat ako agad sa ibang sandata.

Sa wand naman, paano kung hindi ko na kayang lumaban gamit ang kapangyarihan? Ipanghahampas ko na lang ito para makadepensa? Okay parang ayaw ko nito.

Nagpaulit-ulit lang ako na ganun.

“Take your time, students. If hindi niyo pa parang nafe-feel na kumuha ngayon ng sandata, ayos lang. Palagi akong handang magbukas ng pinto rito para sa inyo,” paalala ni ma’am sa amin. “Huwag rin kayong kumuha ngayon ng sandata kasi maganda lang pero hindi niyo alam ang purpose sa inyo. Baka masayang lang ang mga araw at panahon ng pagsasanay ninyo.”

Nakita ko si ma’am sa di kalayuan sa akin. Ina-assist niya ang mga students na nagpapatulong sa kaniya.

May mga sandata rito na hindi ko naman alam kung papaano ginagamit. Yung iba naman, parang mas malaki pa ata kaysa sa akin.

Naglakad-lakad pa ako. Napunta naman ako ngayon sa mga may kadena. Nakita ko rito ang isa kong kaklase na lalaki. Hawak niya ang isang mahabang kadena at sa isang dulo nito ay may metal na malaking hook. Tila trina-try niyang gamitin ngayon ito.

“Oh, Altair. Andiyan ka pala,” aniya. “Ano sa tingin mo? Bagay ba sa akin?” Tanong niya sa akin sabay pose.

“Uhm…” Ngunit hindi pa ako nakakapagbigay ng sagot ko ay muli siyang nagsalita.

“Ito yung pinaka-nagustuhan ko rito. Naiisip ko na kahit hindi ganoong close sa akin ang layo ng kalaban ay pwede ko nitong maabot. O di kaya'y pwede kong ipulupot sa kalaban tapos papadaluyin ko ang apoy rito sa kadena,” nakangiti niyang sabi.

“Maganda yan.” Napalingon kaming pareho sa nagsalita. Si ma’am.

“Talaga, ma’am?”

Tumango si ma’am. “Bihira lang ang pumipili sa mga ganiyan bilang sandata. Basta sure ka talaga riyan? Nakita mo na ba ang ibang sandata rito?”

“Opo, ma’am. Ito lang talaga ang gusto ko. Ang unique pa,” sagot ng kaklase ko.

“Good. Kung iyan na talaga, pwede mo na yang dalhin. May mga Red Army naman dito na may ganiyang sandata. Sasabihan ko sila para maturuan ka nilang gumamit niyan,” nakangiting sabi ni ma’am.

“Salamat po, ma’am.”

Nilingon naman ako ni ma’am. “Ikaw? May napili ka na ba?” Tanong niya sa akin.

Umiling ako. “Wala pa po, ma’am.”

“Ah. It’s okay. Take your time.” Pagkatapos ay pinuntahan niya naman ang ibang estudyante.

“Mauna na ako sayo ha,” paalam ng kaklase ko.

Tumango ako at saka siya umalis.

Ano kukunin ko?

Bumalik ako sa mga nauna kong pinuntahan. Karamihan sa mga kaklase ko ay nasa section ng wand especially sa mga babae. May iba’t ibang haba ang mga iyon. Hindi ko alam kung ano ang proper name sa mas mahahabang ‘wand’ na halos aabot sa may mata ko ang taas. Yun kasi ang pinaka-pinagkukumpulan nila ngayon.

Napabuntonghinga ako. Wala pa akong nakukuha.

Pero napag-isip-isip ko na wala naman kasing perfect talaga na mga sandata. Lahat sila ay may particular na weakness. Ang perfect lang dito ay kung paano namin siya magagamit para maging personal na gamit at kung sasanayin namin ang sarili namin gamit ito.

Huminga ako ng malalim. Okay. May ideya ako.

Bumalik ako sa part kung saan nandoon ang mga double edged sword. Nandito rin ang iba kong kaklase. Ito ata ang pumapangalawa na dinadagsa ng mga kaklase ko. Pinagmasdan ko ang mga hawak nila.

‘Uh. Parang nafe-feel ko na masasaktan ko ang sarili ko during sa laban gamit ‘yan dahil magkabilaan ang talim,’ sabi ko sa isip ko.

Ah. Hindi-hindi. Ayoko niyan. Hindi ko kaya yan.

Pumunta ako sa may mga katana. Maraming kaklase ko rin ang nandirito.

Kumuha ako ng isang katana at tiningnan ito. Fineel ko sa mga kamay ko.

‘Oh. Ganito pala ‘to? Parang okay siya sa akin,’ komento ko sa isip ko. Napangiti ako. Naiisip ko rin ang possibilities na paggamit ko rito kahit walang kapangyarihan.

Ibinalik ko sa kung saan nakalagay at naghanap ng nagugustuhan kong desinyo.

Marami ang nandirito at may nakita akong simple lang. Kulay itim.

Mga ilang minuto ko siyang hawak-hawak para pagmasdan at isipin kung gagamitin ko siya.

"Altair, yan na ba ang napili mo?"

Napalingon naman ako dun sa nagsalita. Si Agatha. May hawak din siyang katana.

"Uhm…” Tiningnan ko ulit ang hawak ko. Ilang sandali, nilingon ko ulit si Agatha. “Oo. Ikaw? Yan na ba ang napili mo?"

Tumango siya. "Oo."

"Lahat ba ay nakapili ng magagamit?” Biglang tanong ni ma'am sa amin.

Napatingin kaming magkakaklase at tila lahat nga ay may dalang napiling gamit.

"Yes ma'am," sabay-sabay naming sabi.

“Sigurado na ba kayo riyan sa mga hawak niyo?”

Tumango kami.

“Kung ganun, dalhin niyo na ang mga iyan at bumalik na muna kayo sa inyong mga room. Magpahinga muna kayo ngayon. Kakausapin ko ang mga Red Army na may kaparehong sandata ninyo para ma-guide kayo sa paggamit niyan. Kung kaya free sila bukas, bukas din ay agad nating masisimulan ang training niyo sa paggamit sa inyong mga napiling sandata. Wala tayong sasayangin na oras."

Pagkatapos ay umalis na kami sa silid na iyon.

Ang napili naman ni Ryoran na sandata ay ang double edged sword. Simple lang din.

Bumalik na rin kami agad sa room namin dala ang mga napili naming sandata.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

20.5M 756K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
25.6K 1.1K 38
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
185K 5.5K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...
79.7K 2.7K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...