Odyssey High: School For Ench...

By BlackenedLight

571 30 0

"Enchant the Enchanter and you will be enchanted." Aeresthelle Zira is a new student in Odyssey High, the sch... More

-X-
Ang Simula
i. begin
ii. the school for enchanters
iii. the enchanted flower
iv. first day
v. the lightning bolt
vi. wind and times
vii. pets
ix. exam
x. monster
xi. mates
xii. the enchant exams 1
xiii. the enchant exams 2

viii. guardian

27 2 0
By BlackenedLight

The swirling blue fire,
And the title of being a Guardian.

Kabanata 8

---

Aeresthelle

Limang minuto na ang nakalipas simula nang binuksan ni Professor Shia ang cage na punong-puno ng mythical creatures.

At sa limang minuto nayun, ay andito parin ako sa gitna at nakatayo, not minding the rucus surrounding me.

I'm observing the whole scenario in front of me like it's just a normal day and I'm just watching T.V.

May ibang enchanters na natutumba dahil sa pagkakadagan ng ilang baby dragons sa kanila.

May ibang babae na tumatakbo at meron ring nandidiri.

May ibang taong nag-aagawan ng baby dragons.

Iba't-ibang ingay rin ang naririnig ko sa paligid ko.

"Ew! Why is this thing following me?!"

"It's mine! I saw it first!"

"Hey Ris! Are you okay?" Nabigla ako dahil may tumulak saakin at kung hindi lamang ako nasalo ni Leviathan ay malamang nasa sahig na ako ngayon.

The people are in rucus right now. Everywhere I see, there's chaos.

Tumingin ako kay Leviathan and I stare in awe. Not at him, but at the little fellow sitting in his shoulder and licking his cheek.

"She's pretty right?" Napatango ako dahil totoo naman ang sinabi niya. The baby dragon on his shoulder is very astounding to see. "She?"

"Yeah. She told me her name and it's Cornelia." Sabi ni Leviathan at napakunot ang noo ko. Cornelia? It suits her white, pale skin and her dazzling, big, round pink eyes. Amidst the noise around us, we still spoke to each other calmly. Napa-'ha?' ako sa narinig ko. The baby dragon told him her name?

"Yes. I guess they linked themselves to you. I don't know. Dragons are rare creatures and not many are known about them. You'll know it when your dragon finds its way towards you."

"Wow." Yun lang ata ang nasabi ko at umupo sa sahig. Sinundan naman ako ni Leviathan at umupo sa tabi ko.

Maingay parin ang paligid ngunit maya-maya ay tumahimik sila dahil sa pagsigaw ng isang babae. Matinis ang kanyang boses at masakit sa tenga. Napahawak ang mga enchanters sa kanilang tenga habang nakaupo.

"Silence!"

Tinignan ko ang babaeng sumigaw at siya ay kabilang sa royalties. Her name was Melody if I remembered. So her power is sound, huh.

Nagsalita si Professor Shia pagkapos ang katahimikan, "All of you, sit down calmly on the ground and let go of any baby dragons you have in your hands. If they go, let them. But if they come back, then that proves that they're yours to keep." Nagbulong-bulongan ang mga enchanters at binitawan ang mga baby dragons sa kamay nila. Ang iba ay lumipad, ang iba ay nag-stay. Katulad na lamang ni Cornelia na nakaupo lamang sa balikat ni Leviathan at mukhang natutulog na.

"Remember, the dragons chose their guardians and not the other way around." Dagdag pa ni Professor Shia at sabay-sabay naming tinignan ang mga nagsibabang mga baby dragons mula sa pagkakalipad. Mukhang natakot ata. Ang iba, ay dumapo sa mga ulo ng mga napili nilang enchanters at ang iba ay iniikutan ang iba. Mukhang kinikilatis muna nila bago nila piliing maging guardian.

"Look, Ris." Napatingin ako sa gawi na tinuro ni Leviathan at laking gulat ko na isa iyong baby dragon na nakatingin saakin. Ilang dipa lamang ang layo namin kung kaya't napagmasdan ko iyon ng mabuti.

The dragon was breathtaking. It has a white skin with shades of blue green. Its eyes was a mesmerizing shade of blue na parang krystal at nakakalunod.

"Look, it's coming over here now." Totoo nga ang sinasabi ni Leviathan kasi unti-unti itong lumalakad palapit saakin na mukhang nahihiya.

Ng makarating ito sa harapan ko ay unti-unti kong inangat ang aking kamay para mahawakan ito ngunit binaba ko rin ito ng umatras ito ng kaunti.

Lumipad ito gamit ang kulay puti niyang pakpak at dahan-dahang lumipad patungo saakin hanggang sa harapan ko na ito. Nakatingin lang ako sa kulay asul niyang mga mata.

Umikot ito ng tatlong beses na parang nagsasayaw hanggang sa tumaas ito sa ere at patuloy paring umiikot. Noong nasa tuktok na siya ay nagulat ako.

Kasabay ng hangin ay ang pag-apoy ng kanyang mga pakpak.

Hindi kulay pula, kundi asul.

Asul na apoy ang pumalibot sa kanyang nga pakpak at patuloy parin siyang umiikot sa ere. Nakukuha niya rin ang atensiyon ng maraming enchanters na ngayon ay nakatulalang nakatingin sa kanya.

"Amazing." Saad ni Leviathan at tumango nalang ako.

"I think it's courting you, Ris." Tumingin ako sa kanya at agad namang binalik ang tingin sa dragon na patuloy paring umiikot sa ere kasabay ang kanyang nag-aapoy na pakpak ay siyang pag-apoy ng aking damdamin para sa dragon na ito. It's courting me? But why?

Unti-unti itong tumigil hanggang sa lumapag ito sa lupa at inihalad ang kanyang pakpak na para bang nakayuko ito saakin. Bumugso ang damdamin ko. Gusto kong alagaan ang dragon na ito. Gusto kong maging guardian niya.

Kaya kahit hindi ako sigurado kung ano ang tunay niyang ipinahahayag at kung totoo man na parang nililigawan ako ng dragon na ito para maging guardian niya, ay malugod ko itong tinatanggap.

Tumango ako, "Tinatanggap kita."

Unti-unti itong tumingala saakin at lumipad at dumapo sa ulo ko. Mukhang matutulog ito.

"Thank you, my guardian."

Boses ng isang lalaki ang narinig ko. Hindi pa ito gaano kalalim.

"Ano ang pangalan mo?" Tanong ko sa isipan ko dahil alam kong maririnig niya ito.

"My name is Radiant."

"Radiant, huh? It suits you perfectly. I'm Aeresthelle."

"You have a beautiful name like your soul, guardian."

"Thank you."

Natapos na ang seremonya at nakita ko na mayroon talagang iba't-ibang baby dragons ang lahat ng enchanters dito. Hindi pare-pareho ang mga baby dragons at mapapansin mo ang pagkakahawig nito sa mga guardians nila. May nakita pa nga akong babae na pula ang buhok, ay kulay pula rin ang kaniyang baby dragon na nasa balikat nito.

Natulog na lamang si Radiant sa ulo ko pero maya-maya ay lumipad ito patungo sa kamay ko kaya parang bata ko siyang hinehele sa paraan ng pagbitbit ko sa kanya. Ang cute niya nga at para siyang stuff toy. Mahilig pa naman ako dun kasi iyon lang yata ang hindi nasisira pag nahahawakan ko kasi ingat na ingat talaga ako dahil ayaw ko itong masira.

Nag-ring na ang bell hudyat ng lunch break. Kapag lunch break, ay hindi sabay-sabay kaya nang sinabihan ako ni Leviathan na pupunta siya sa cafeteria ay sumama na ako kasi gutom rin ako. Nagreklamo na din kasi si Radiant na gutom na rin siya. Mukhang parang sanay na siya saakin at komportable kaya napangiti ako ng maliit dahil dun.

Sinalubong kami ni Helius sa cafeteria at sabay na kaming tatlo kumain sa isang table. Nakita ko rin nga na kinawayan ako nina Winona at Tristan ngunit inirapan lang ako ni kamahalan. Sabay rin silang kumakain sa isang table na hindi malayo saaming kinakainan.

"Kilala mo ba sila, Aere?" Tanong ni Helius habang pinapakain ang kanyang napakatabang baby dragon. Ang cute nga eh. Napag-alaman ko ring Hex ang pangalan nito. Kulay itim ito at ang mga mata ay kulay dilaw na parang brown.

Tumango na lang ako dahil may pagkain pa sa bibig ko. "They are trouble. Be careful around them Aere." Babala nito saakin kaya napatitig ulit ako kina kamahalan na ngayon ay nakabusangot habang ang dalawang baliw ay tumatawa ng malakas.

Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko ng magtama ang mga mata namin ni Pierce. Ngumisi siya and he mouthed words to me.

Naramdaman ko na namula ako sa sobrang inis dahil napagtanto ko kung ano ang sinabi niya.

"Panget."

"Uy! Okay ka lang ba Aere? Mukhang masama ang pakiramdam mo ah." Saad ni Helius ngunit umiling lang ako at pinilit kumalma. Nakita ko rin ang nag-aalalang titig ni Leviathan. Lumipad rin si Radiant upang magpantay ang aming mga mukha at sinundot-sundot niya ang aking pisngi at mukhang nag-aalala. Nginitian ko siya ng maliit upang ipakita na okay lang ako.

Ngunit mukhang mas lumalim ang inis ko nang narinig ko ang malakas niyang halakhak. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon. Hindi ko rin siya nilingon.

Sa katunayan, siya lang ang taong nakaramdam ako ng inis at hindi ko alam kung bakit.

---

BlackenedLight

Continue Reading

You'll Also Like

878K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...