Elemental Gunji-teki Academy

By MasayahingShana

614K 16.5K 854

15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A... More

Welcome Message
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter to Era 2
Era 2 (Book 2)

Chapter 38

7K 187 6
By MasayahingShana

ALTAIR


Nagpaalam na ako kina Eunice, Lucas at Lucius.

Pumila na ako dun sa mga kaklase at kadivision para makaalis na.

Habang papalapit sa gate ng academy at papalayo kina Eunice, hindi ko maiwasang mapangiti. Bago pa ako tuluyang makalayo sa kanila, liningon ko sila at kumaway. Kinawayan din nila ako maliban kay Lucius na umiwas ng tingin sa akin.

Pagkatapos, tumalikod na ako sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng academy.

Magaan na ang aking loob ngayon dahil bati na kami ni Lucius. Kahit parang nagsusungit pa rin---ah. Palagi naman ganiyan yang asal niya sa akin.

LUCAS

Tuluyan ng nakalayo si Altair sa amin. Masaya ako dahil masaya ngayon si Altair.

Nilingon ko si Lucius na nasa tabi ko lang. Nakatingin din pala siya sakin.

Nag-thumbs up ako sa kaniya.

Inirapan niya lang ako. "Mauna na ako," paalam niya at naglakad na palayo.

Kami na lang ni Eunice ang natira rito. Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa kung saan palabas na ang grupo nila Altair at napabuntonghinga.

Napangiti ako. “Ayos lang yan, Eunice. Babalik din ang lahat dito sa academy once na maayos na.”

Nilingon niya ako. “Matatagalan pa siguro no?”

“Depende. Elemental Army ang kikilos sa pag-ayos dito. Malay natin, mabilis lang ang pag-restore nila.”

Napatango siya. “Oo nga no. Ay! Mauna na ako sayo, Lucas ha. Puntahan ko muna mga kaklase ko.”

“Sige.”

Nang umalis na si Eunice, naalala ko ang napag-usapan namin ni Lucius.

//

Kagabi…

"Lucius, magusap nga tayo," sabi ko nang dumating siya sa dorm.

"Tsk. Ano na naman ang pagu-usapan natin?" Inis niyang tanong.

"Wag ka na ngang magtampo-tampohan kay Altair."

"Oh?"

"Nang dahil sayo hindi siya nakakatulog ng maayos. Nang dahil sayo tumatamlay siya dahil sa kakaisip kung paano makikipagbati sayo. Tigil-tigilan mo yang kaartehan mo."

"Kaartehan?"

"Wag ka nang magmaang-maangan, Lucius. Kilala kita. Kambal kita at halata naman na nag-eenarte ka lang."

Hindi siya nakasagot. Tiningnan niya lang ako.

"Kaya kung lumapit sayo si Altair at humingi ng sorry, patawarin mo. Maliwanag?"

Hindi niya ako pinakinggan. Lumabas lang siya ulit ng dorm.

At kaninang umaga...

"Lucius, sumama ka sakin," utos ko sa kanya ng aalis na kami sa dorm dahil oras na para umalis at ita-transfer kami.

"Bakit?"

"Kausapin mo si Altair"

Natigilan siya. "Ayoko"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Aish. Oh sige na. Oo na!" Napipilitan niyang sabi.

Kaya ganun na ang nangyari. Ayoko kasing nakikita si Altair na tatamlay-tamlay. Hindi ako sanay na ganun siya.

//

"Para sa mga estudyanteng sa Green Army nabibilang ang kapangyarihan, pumila na kayo rito dahil kayo ang susunod pagkaalis na pagkaalis ng Red Army," anunsyo ng isang teacher na may hawak na megaphone.

ALTAIR

Pagkalabas namin sa gate ng Elemental Gunji-teki Academy, sumalubong sa amin ang sasakyan namin. Mga malalaking karwahe. Anim na karwahe ang nandito. Pero may mga dumarating din na karwahe pero sa Green Army raw iyon.

"Sumakay na kayo para makaalis na tayo," sabi nang isang lalaki na siyang nakatuka sa mga kabayo sa isang karwahe.

Isa-isa na kaming sumakay sa karwahe. Inalalayan ako ng isang Red Army sa pagsakay.

Medyo nagulat ako nang makita ko sina Ryoran at Agatha sa loob ng karwahe na sinakyan ko.

"Altair!" Halos sabay na banggit nila.

Yinakap ako ni Agatha ng mahigpit. Tapos kumalas din agad. Inilagay ko muna ang mga gamit ko. Tapos umupo sa tabi nilang dalawa. May mga iba pang sumasakay dito sa karwahe namin.

"Sorry, Altair, kung bigla akong nawala kahapon. Nadala kasi ako sa daloy ng iba pang estudyante e. Sorry, talaga," pagso-sorry ni Agatha.

"Ano ka ba. Ayos lang. Basta ang mahalaga ay ligtas tayo," sabi ko.

Nagusap-usap lang kami. Hanggang sa magsimula nang umandar ang karwahe. Medyo natagalan din ang paglalakbay namin kaya medyo mahaba-haba rin ang kwentohan namin.

Huminto na ang karwahe at mayamaya ay bumukas ang pinto nito. "Matapos ang ilang oras na paglalakbay, nandito na tayo. Kaya bumaba na kayo," sabi ng isang lalaki sa labas.

Agad naman kaming nagsikilos para lumabas dala ang aming mga gamit. Yung ilan pa nga sa amin rito ay namanhid ang mga binti dahil sa natagalan nga kaming nakaupo lang.

Paglabas ko, nasa loob na kami ng campus at bumungad sa akin ang malawak na plaza at makikita ang isang building na may anim na palapag. Sa mga sides naman, may building na konektado sa kaharap naming building. May apat na palapag rin ang mga side buildings. Basta kung titingnan sa taas, U-shape ang building dito at sa gitna ang malawak na plaza. Litaw ang flaming red color sa building.

Ang pader naman sa campus na ito ay hindi ganun kataas sa academy.

"Wow," halos sabay-sabay na sabi naming mga estudyante.

Ang gandang tingnan. Ang linis at syempre, bago sa paningin namin.

Napatingala ako sa kalangitan. Palubog na ang araw.

“Ang astig.” Napalingon ako agad dun sa nagsalita. Si Ryoran. Kitang-kita sa expression niya ang pagkatuwa sa nakikita niya.

"Ang ganda." Napalingon naman ako sa kaliwa ko. Si Agatha.

Pumasok na kaming mga estudyante sa building. Gaya sa EGA, sa Red Army Division, isang hall ang ground floor. May stage din na may isang upuan doon. Yung tipo na parang trono.

Nang makapasok na ang lahat ng studyante, may mga red army ang pumasok dito sa hall. Hanggang sa bumaba sa hagdan mula sa ikalawang palapag ang Red Army Commander at dumeritso sa may stage.

"Welcome to Red Army Campus,” seryosong bati ng commander. Rinig na rinig ito ng lahat dahil sa nakakabinging katahimikan. Lahat ay handang makinig sa commander. "Bukas, agad na ipagpapatuloy ang pag-aaral niyo sa inyong kapangyarihan. Mismong mga Red Army ang magtuturo sa inyo. Sa ngayon, magpahinga muna kayo. Gagabayan kayo ng ating mga Red Army sa inyong magiging silid.”

Pagkatapos ay nagsimula nang lumapit ang mga Red Army na narito sa aming mga estudyante. Isang babaeng Red Army ang lumapit sa amin ni Agatha. "Hello. Ako nga pala si Eya. Ang maghahatid sa inyo sa magiging silid niyo rito sa Red Army Campus," aniya at ini-lead niya ang way papunta sa magiging kwarto namin. May ibang nag-lead kay Ryoran.

Lumabas kami sa building na ito na nakaharap sa may gate at pumasok sa isang building pa na nasa left side. Umakyat kami sa ikatatlong palapag at dumeritso sa room 333.

Binuksan niya ang pinto.

“Ito ang magiging kwarto niyong dalawa,” ani Eya.

Nagkatinginan kami ni Agatha.

“Ah. Mag-roommate pala kami?” Nakangiting tanong ni Agatha kay Eya.

Tumango si Eya.

“Yes. Mabuti na lang. Akala ko kasi magkaiba kami ng kwarto,” ani Agatha.

Napangiti ako.

"Sige na. Magpahinga na muna kayo at aalis na ako," paalam ni Eya samin. Kinuha niya muna ang naka-ribbon na mala flaming red ang kulay ng pahabang tela sa door knob.

Napatingin ako sa ibang pinto na katabi ng room namin. Pare-parehong may naka-ribbon na may ganun sa door knob. Saktong may dumating na Red Army at dalawang estudyante sa katabing room. Kinuha agad ng Red Army ang naka-ribbon at binuksan ang pinto. Siguro palatandaan nila iyon na wala pang may naka-occupy sa isang room.

"Kausapin niyo lang ang mga Red Army na dadaan dito kung may kailangan kayo. Palagi namang may mag-momonitor na Red Army dito. At bukas pala, may pupunta rito para sa training niyo bukas. Mag-uniform lang kayo sa training. Ang uniform sa EGA," pahabol niya at tuluyan nang umalis.

"Altair, buti na lang at magka-roommate tayo," ani Agatha nang pumasok na kami sa silid namin.

Umupo ako sa kama ko at si Agatha naman dun sa kama niya. Sinimulan ko na rin agad ang pagaayos ng gamit ko. Pagkatapos nagpalit ako ng damit at sumalampa na sa kama.

Nilingon ko si Agatha sa kama niya. Tulog siya. Napagod ata sa byahe.

Kamusta na kaya si Eunice? Si Lucas? Si Lucius? At si Lucian? Aish! Bakit nadawit si Lucian? Kainis.

Pero, asan kaya si papa? Lieutenant yun ng Red Army diba? Ah! Bukas. Baka magkita kami.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at natulog ng maaga para bukas.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

206K 8.4K 50
I just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers...
8.2K 262 44
A person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy...
6K 391 35
A girl, named Auli'i Fryxell lived in a town normally, yet she and her family is the one who is not normal. They used to hide what's weird on them so...
4.8M 109K 40
Agatha Joan Montgomery is what you can call 'The Extraordinary'. She is not the typical rich girl with branded bags and clothes. She is the girl with...