They Meet Again (COMPLETED)

By nrizyap

611K 6.9K 1.2K

"I badly need to find him. I really want to see him again" - Kate Blanco. "I freakin' despise her. I never... More

ABOUT THE STORY
CHAPTER 1
CHAPTER 2 (part 1)
CHAPTER 2 (part 2)
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (part 1)
CHAPTER 8 (part 2)
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17 (part 1)
CHAPTER 17 (part 2)
CHAPTER 18 (part 1)
CHAPTER 18 (part 2)
CHAPTER 19 (part 1)
CHAPTER 19 (part 2)
CHAPTER 20 (part 1)
CHAPTER 20 (part 2)
CHAPTER 21
CHAPTER 22 (part 1)
CHAPTER 22 (part 2)
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 (part 1)
CHAPTER 30 (part 2)
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39 (part 1)
CHAPTER 39 (part 2)
CHAPTER 40
EPILOGUE
HEADS UP!
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
HOW IT ALL STARTED
Teasers

CHAPTER 24

9.5K 106 25
By nrizyap

A/N: New comments please? :)





Kate


Napakabilis nagdaan ng mga araw. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag may dumating nang isang tao sa buhay mo na sobrang halaga sa'yo. First boyfriend ko si Dylan, at first girlfriend naman niya ako. Iyon siguro ang dahilan kung bakit parang bago pa talaga sa aming dalawa ang lahat ng ito at pati na rin ang mga nararanasan namin habang nasa relasyong ito.


Wala pa rin namang nag-iba sa amin ni Dylan. Ganun pa rin kami sa dati. Kung minsan nag-aasaran, pero kadalasan halos langgamin na kami sa university dahil sa mga pinaggagagawa ni Dylan.


Ang iba sa university, masaya para sa amin at sinasabing bagay daw kami. Ang iba naman, galit sa akin lalo na ang mga babae. Sabi kasi nila, inagaw ko daw si Dylan sa kanila.


Hindi ko na lang din naman sila pinapansin. Kung magpapaapekto kasi ako, mas lalo lang nila akong pag-iinitan. Di bale na lang. Sorry sila, ako ang pinili ni Dylan.


Katatapos na naman ng mga klase naming lahat. Nandito na naman kaming magkakaibigan sa garden at parang isang normal na araw lang din ito para sa aming lahat.


Normal na rin naman kasi para sa akin kapag nakikita ko silang sobrang bored. Ibig sabihin kasi niyon, pare-parehong boring ang mga klase namin at pati na rin ang mga professor namin. May kanya-kanya na naman kaming ginagawa ngayon.


Si Yannie, humihingi ng criticism kay Lia at Kerry sa mga sketch niya sa mga design ng mga damit. Si Eloy, nagre-review dahil mahilig magbigay ng pop quiz ang professor niya sa Anthro103.


Si Derick at Nico naman, as usual, naglalaro na naman sa mga laptop nila. Ako naman, nagbabasa ng notes habang kinukulit at sinusubuan ng pagkain ni Dylan. Pagkabuklat ko ng isang page ng notebook ko, sinubuan na naman niya ako ng apple pie.


"Okay, ayaw ko na, Dylan. Busog na ako" sabi ko naman sa kanya habang nakatingin pa rin sa notes ko.


"Kate, hindi puwede. Ubusin mo ito" pag-uutos naman niya.


"Hindi ko na kayang ubusin 'yan!" pagrereklamo ko naman sa kanya na parang bata.


"Ano ka ba, Kate? Kailangan mong kainin ito. Gusto mo bang mangayayat 'yung baby natin diyan sa tiyan mo?" sabi naman niya. Alam kong namula na naman ako sa sinabi niya pero itinawa ko na lang din.


"Ambisyoso! Pakasalan mo muna ako bago mangyari 'yun! Haha" sabi ko naman sa kanya habang natatawa pa rin. "Don't worry, malapit na malapit na 'yun. Pagka-graduate natin, pakakasalan kita agad" sagot naman niya sabay tawa.


"Grabe talaga itong DyKate na ito. Tsk!" pagsingit ni Nico habang nakatingin pa rin sa screen ng laptop niya.


"Oo nga. Sinasadya niyo ba kaming inggitin?" sabi din naman ni Eloy na tumigil muna sa pagre-review.


"Bakit? Ano bang ginagawa namin?" tanong naman ni Dylan sa kanila.


"Eh kasi bro, masyado na kayong nilalanggam diyan sa sobrang ka-sweet-an! Samantalang 'yung mga girlfriend namin, ayun sa sulok, busy!" sagot naman ni Derick at sabay sibangot pagkatapos tignan sila Lia.


"Che! Busy kami!" sabay-sabay namang sabi nila Lia, Kerry, at Yannie.


"See what I mean?!" sabi naman ulit ni Derick na parang naiinis na.


"Eh kasi naman, busy din naman kayo diyan sa mga pinaggagagawa niyo! Tsaka anong gusto niyo? Sila pa ang unang lalapit samantalang kayo ang lalaki? Nasaan ang utak, guys?" sabi ko naman sa kanila.


Napansin ko namang napaisip silang tatlo. Alam kong na-realize nila na tama ang sinabi ko. Hindi naman kasi talaga ang babae ang unang lumalapit 'no. Kung gusto nila ng atensyon ng girlfriend nila, edi suyuin nila.


"Mga bro, i-check niyo nga kung medyo gumaan 'yung ulo niyo" sabi naman ni Dylan sa kanila.


"Huh? Bakit?" pagtataka naman ni Nico. Itinigil na muna ng tatlo ang ginagawa nila at pinakiramdaman ang mga sarili nila.


"Baka kasi sobrang luwag na ng space. Kumikitid kasi yata yung mga utak niyo eh. Hahaha!" sarcastic na sabi ni Dylan sa kanilang tatlo at sabay tawa. Dahil doon, natawa na rin ako at narinig ko rin sila Lia, Yannie, At Kerry na tumawa.


"Buwisit ka talaga, Dylan" sabi naman ni Eloy habang naka-pokerface.


"Grabe ang mga tao dito. Makaalis nga muna. Si-CR lang ako. Maglalabas ako ng sama ng loob" pagpapaalam ni Nico sa amin na halatang may halong pagka-sarcastic.


"Ay, balita ko, may nakuhanan daw na picture ng white lady doon sa CR ng boys. Nabalitaan niyo ba 'yun, Lia?" pakikipag-usap ni Yannie kay Lia na halatang gusto niyang iparinig kay Nico. Napansin naman naming natigilan si Nico.


"H-Hoy Dylan, sumama ka sa akin" pag-uutos naman ni Nico kay Dylan.


"Narinig mo lang na may multo, natakot ka naman" sabi ni Dylan sa kanya na halatang nagpipigil ng tawa.


"Oy hindi ah! Kailangan ko lang ng alalay!" pangangatuwiran ni Nico.


"Ang tanda-tanda mo na, takot ka pa rin sa multo. Anong nangyari doon sa Nico na sumuntok sa akin ng malakas noong bago tayo naging magkakaibigan? Hahaha! Oh siya, tara na nga" sabi naman ni Dylan sa kanya sabay kuha sa phone niya at tumayo na para samahan si Nico.



Dylan


Imbes na nasa tabi lang ako ni Kate ngayon, nagpasama pa itong Nico na ito para lang mag-CR. Naiwan tuloy si Kate doon sa garden.


Halata naman kaninang hindi totoo ang sinabi ni Yannie na tungkol sa picture ng multo sa CR ng boys. Naniwala naman itong si Nico. Kalalaking tao, takot sa multo.


Naglalaro lang ako sa cellphone ko habang hinihintay si Nico sa labas ng CR. Kahit pa pangmaramihan ang CR, hindi ako pumasok. Wala rin naman akong gagawin doon eh.


"Hoy Dylan. Nandiyan ka pa ba sa labas?" narinig ko ang boses ni Nico mula sa loob.


"Wala na ako dito. Hologram ko lang ito" pamimilosopo ko naman kay Nico.


"Pumasok ka nga dito!" pag-uutos naman niya. "Bakit na naman ba?!" irita kong tanong. Pumasok ako sa loob ng CR para tanungin siya kung anong kailangan niya.


"Tumingin ka lang diyan sa cubicle na 'yan habang naghuhugas ako ng kamay. May narinig akong gumagalaw diyan" pag-uutos naman niya ulit. "Napakaduwag mo talaga" sabi ko naman.


Tumalikod na ako para bantayan kunyari ang sinasabi ni Nico na cubicle habang naghuhugas siya. Bigla na lang bumukas ang pinto. Hindi ako nagulat dahil halata namang may tao lang talaga sa loob.


"Aaaaaaaaah!" bigla na lang sumigaw si Nico. "Dude! Seriously?!" sabi naman sa kanya ng estudyanteng lumabas mula sa cubicle.


"Ay, sorry. Akala ko kasi walang tao diyan sa loob" sabi naman ni Nico na halatang napahiya dahil sa pagsigaw niya. "Douchebag" sabi naman ng estudyante habang naglalakad palabas ng CR.


"Hahaha! Ayan kasi!" pang-aasar ko kay Nico. "Shut up" sabi naman ni Nico.


"Oh siya. Tapos ka na bang maghugas?! Hinihintay na ako ni Kate" sabi ko naman sa kanya habang inip na inip na.


"Sus! Para namang ikamamatay mo kung nahiwalay ka kay Kate ng ilang minuto! Tara na nga!" sabi naman ni Nico.


"Ikamamatay ko talaga" sabi ko naman sa kanya sabay tawa. Dahil naglakad na siya palabas ng CR, sumunod na rin ako.


Pagbalik ko sa garden, bigla na lang nagbago ang lahat. Si Eloy, tumigil na sa pagre-review at naghaharutan na sila ni Kerry. Si Derick naman, iniwan ang laptop sa table at kausap na si Lia. Si Nico, sinusuyo na si Yannie. Si Kate, ayun, nagbabasa pa rin ng notes. Tumabi na ulit ako kay Kate.


"Oh, may multo ba?" natatawang tanong ni Kate sa akin habang nakatingin pa rin sa notes niya.


"Akala ni Nico, meron. Nang nagbukas 'yung pinto ng isang cubicle, bigla na lang siyang sumigaw. Akala niya multo 'yung lumabas" pagkukuwento ko kay Kate habang natatawa pa rin sa nangyari.


"Napaka-bading talaga ni Nico. Haha" sabi naman ni Kate. "Oy Kate! Narinig ko 'yun ah!" pagsingit naman ni Nico sa usapan habang nakatingin nang masama kay Kate. Umiling-iling lang si Kate habang nagpipigil ng tawa.


Teka, bakit parang may kulang sa akin? Inisip ko ang mga ginawa ko kanina. Dahil doon, kinapa-kapa ko ang bulsa ko. "Crap" 'yan na lang ang nasabi ko. "Bakit?" napatingin naman si Kate sa akin. "Naiwan ko sa CR 'yung phone ko. Babalikan ko lang saglit" sabi ko naman kay Kate.


Nagsimula na ulit akong maglakad. Pagdating ko sa CR ng boys, pumasok kaagad ako para tignan kung nasa ibabaw pa ng lavatory ang phone ko. Pagtingin ko naman, wala ito. Lumabas ako para tignan kung nailapag ko ito sa may lamesahan sa labas ng CR. Pagtingin ko naman sa gilid, nakasandal sa pader si Lexi.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang naiirita na. Sa totoo lang, ayaw ko na siyang makita pagkatapos ng pangungutya niya kay Kate sa mall.


"Looking for this?" humarap siya sa akin habang naka-smirk at pinapaikot-ikot ang phone ko sa kamay niya. Kumunot ang noo ko at lumapit ako sa kanya. "Paano mo nakuha 'to?" tanong ko sa kanya.


"Simple. Napadaan ako dito tapos narinig kong nagri-ring itong phone kaya naman pumasok ako sa loob ng CR ng boys para i-check. Dahil mabait ako, I kinda thought of returning this to the lost and found section of the Administration Office. But when I saw the lockscreen, I had a different plan" sabi naman ni Lexi habang nakangiti pa rin ng nakakaloko.


Nang aagawin ko na sana ang phone ko, bigla na lang niya akong itinulak sa pader na kaninang sinasandalan niya.



Kate


Nang naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko, inilabas ko ito mula sa bag ko. Pagtingin ko, nagtext pala si Dylan. Kaaalis pa lang niya ah. Bakit kaya? Binuksan ko ang message at tinignan ko ang nilalaman.


{Kate, punta ka dito please. ASAP.}


May nangyari kaya sa kanya? Bakit kinakabahan na naman ako? Hala. May emergency ba? Agad kong itinago ang notes ko sa bag ko. Dahil si Derick ang malapit sa akin, sa kanya ko ibinilin ang bag ko.


"Derick, dito muna 'tong bag ko ha? May pupuntahan lang ako sandali" pakiusap ko kay Derick. "Okay. Saan ka pupunta?" sabi naman niya. "Basta. May iche-check lang ako" sabi ko naman sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na akong pumunta sa CR ng boys.


Pagdating ko, napatigil ako at hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nangingilid na naman ang luha ko. Tumigil si Lexi sa paghalik kay Dylan at tumingin sa akin.


"Oh, hi Kate! Nandiyan ka pala" sabi niya sa akin habang may mapang-asar na ngiti. Itinulak siya kaagad palayo ni Dylan. Bago pa niya ako mahabol, lumakad na ako nang mabilis paalis habang tuloy-tuloy nang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko.


Ganito pala ang pakiramdam. Ang sakit sakit palang makita mo mismo na pinagtataksilan ka ng taong mahal mo.


"Kate! Sandali lang!" naririnig ko ang sinasabi niya pero hindi ako huminto. "Kate, makinig ka muna sa akin!" sabi niya. Hindi ko pa rin siya nilingon. Bigla ko na lang naramdamang may nakayakap na sa likod ko at naging dahilan naman iyon para tumigil ako sa paglalakad.


Nararamdaman ko pa ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil na rin sa paghabol sa akin. Buti pa 'yung sa kanya, tumitibok pa rin. 'Yung puso ko, parang bigla na lang namatay dahil sa nakita ko kanina.


"Look. Sorry kung nakita mo 'yun. But it's not what you think" sabi niya sa akin habang nakayakap pa rin sa akin ng mahigpit. Hinawakan ko ang dalawang kamay niyang nakayakap sa akin at pinilit kong kumawala sa yakap niya. Nang nakawala naman ako, humarap ako sa kanya.


"Kate, please maniwala ka sa akin" pagmamakaawa niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at bago pa man siya makapagsalita ulit, nasampal ko na siya nang malakas. Hindi siya nakapagsalita sa ginawa ko. Dahil doon, lumakad na ako paalis.


"Kate, mahal kita. Huwag kang umalis" napatigil ako sa paglalakad. Nang tumulo ulit ang luha ko, pinunasan ko ito kaagad. Hindi ako lumingon o tumalikod para tignan siya. Naglakad na ulit ako palayo sa kanya.






Continue Reading

You'll Also Like

43.1K 593 83
Please do read first the book 1 & 2 po para makasunod po sa Story nina JARED&ALI Thankyou!❤
105K 2.3K 75
HIGH LIGHT RANK ACHIEVE : #4 IN #MASAKIT Alam ko namang bobo ako, pero hindi sa academics. KUNDI SA LOVE. May ganun bang tao? Oo! ako nga diba. LOOK...
925K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
80.9K 1.6K 56
Sa isang pagpapanggap. Mauuwi ba sa isang pagmamahalan? o pipilitin ng isa na kalimutan na lang ang nararamdaman para maiwasang masaktan O ang isa na...