Elemental Gunji-teki Academy

By MasayahingShana

614K 16.5K 854

15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A... More

Welcome Message
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter to Era 2
Era 2 (Book 2)

Chapter 33

6.9K 211 8
By MasayahingShana

ALTAIR

"Papa?"

Seryoso? Kaya pala kapangalan dahil siya pala. Aish! Papa! Nakakainis ka na.

Kumaway si papa sa aming mga studyante at todo ngiti. Parang nanalo sa isang competition at siya ang champion. Nagpalakpakan naman ang mga estudyante. Ako naman, napakamot na lang ng ulo. Sino ba naman kasing anak ang hindi mapapakamot ng kanilang ulo kung sila ang nasa sitwasyon ko?

Nakakainis na si papa. Hindi niya ako sinabihan noon nung pumasok ako dito sa Elemental Gunji-teki Academy kung anong klaseng paaralan 'to. Tapos malalaman ko pa na isa siyang lieutenant. Talagang wala akong masabi ngayon.

May mga sinabi pa ang Commander ng Red Army kaso hindi na ako nakinig. Inaabangan ko na matapos lang siya para makausap ang papa ko. Itatanong ko lang naman sa kanya kung anong trip niya na kung bakit hindi niya sinabi sakin ang tungkol sa mga Elemental Army at sa totoong pagkatao niya---namin. Nagmukha pa tuloy akong ewan sa mga unang araw ko rito sa academy.

Sa dami ng sinabi ng commander ng Red Army, siguro mga 20 minutes ata ang itinagal, inaantok na ako rito kahit pa ako nakatayo. Inaantok talaga ako lalo na’t nakukulangan pa ako sa lakas ko ngayon. Pero natapos na rin sa wakas.

After sa mga commander, nagkaroon pa ng ilang speech si Ma’am Jacqueline. Hindi ako ulit nakinig. Si papa ang kailangan ko pakinggan ngayon. Hindi pwedeng hindi ko siya makakausap ngayong araw.

"Students, pwede na kayong makabalik sa inyong dorm," announce ng guro sa stage nang matapos na ang lahat. Kaya pagkarinig ko nun, dali-dali akong nakisiksik sa mga estudyante na palabas para makapunta malapit sa stage.

Ayaw ko man sa ganitong sitwasyon ngayon, kailangan kong makipagsiksikan at sumalungat sa agos ng karamihan.

Nang malapit na ako sa stage, medyo kumunti na lang ang mga studyante rito. Nananatili namang nasa stage ang mga commanders at nag-uusap-usap.

Wala na akong nakakabunggoan. Hinanap ng mga mata ko si papa at mabuti na lang at nandun pa siya sa may stage at pababa pa lang.

"Papa!" Tawag ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung marinig ako ng mga commander.

Agad namang lumingon si papa sakin. Tapos dali-dali siyang lumapit sakin.

"Altair! Kumusta ka na anak?" Tapos yinakap niya ako.

Kumalas muna ako sa pagkakayakap sa kanya bago magsalita. "Heto, nagmukang ewan dahil hindi niyo ako kwenentuhan tungkol sa paaralang ito," inip kong sabi.

Tinawanan lang ako ni papa. Aish! Yan ang isa sa mga nakakainis sa papa ko e.

"Pa! Kainis ka," dabog ko. Kaso hindi siya huminto sa pagtawa. Kaya napairap na lang ako.

"Hahaha. Hindi na. Pfft. Hahaha," hindi na niya napigilan pang tumawa ulit.

Napatampal na lang ako sa mukha ko. Wala pa ring pinagbago ang papa ko. Mukha paring baliw. Ang dali kasi siyang tumawa.

"Altair!" May tumawag sa pangalan ko kaya napalingon naman ako dun sa nagmamay ari ng boses.

Si... Sino ba to? Imperial. Tumatakbo siya tungo sakin.

Tumigil siya sa harapan ko at hinabol ang hininga niya. "Ako to. Si Lucas," pakilala niya at ngumiti.

Napatango naman ako. Tapos parang nakaramdam ako ng pagkadismaya. Hindi ko alam kung bakit.

Pero teka nga. "Diba nasa clinic ka pa dapat ngayon dahil nagpapagaling ka pa dahil sa likod mo?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Ginamot ako ng taga Medication Army kanina. Naawa kasi sa kalagayan ko."

"Ganun ba? Mabuti naman kung ganun."

Napalingon kaming pareho ni Lucas kay papa nang marinig namin siya na tumikhim. Hindi na pala tumatawa si papa. Seryoso siyang nakatingin kay Lucas.

"Ah. Pa, si Lucas pala. Kaibigan ko. Classmate ko siya nung nasa freshmen section pa kami," pakilala ko kay Lucas kay papa. "Lucas, si papa," maikli kong pakilala kay papa kay Lucas.

Ngumiti si Lucas. "Nice meeting you, Sir Lorenzo," magalang na sabi ni Lucas. Hindi na ako magtataka kung kilala niya si papa dahil siguradong nakita niya si papa kanina since in-introduce siya kanina ng commander ng Red Army bilang lieutenant.

Si papa naman, tiningnan lang si Lucas mula ulo hanggang paa. Parang kinabahan tuloy ako.

"Ano ang family name mo?" Tanong ni papa kay Lucas.

"Imperial po."

Napangiti naman bigla si papa. "Ama niyo si Timothy Imperial? Woah! Diba triplets kayo?" Masayang tanong ni papa.

"Opo.”

"Wow. Binata ka na. Huli ko kayong nakitang triplets ay siguro nung 5 years old pa lang kayo. Ang cute-cute niyong tatlo kapag nagkakasama-sama kayo. Talagang identical."

Ngumiti naman si Lucas. Habang ako dito, tameme lang.

"Ikaw ba yung pangalawa sa triplets?"

"Opo."

"Ow. Sabi na eh. Mas mahilig ka kasing ngumiti at mas maamo dun sa dalawa mo pang kambal. Asan na pala ang dalawa mo pang kambal?"

Pa, gusto kitang makausap. Pero iba ang kinausap mo.

"Ahm. Si Lucian, nasa Royal Army Campus. Tapos si Lucius, siguro na una nang lumabas rito sa Conference Hall."

Napatango si papa.

Tumikhim ako kaya nasa akin ngayon ang atensiyon nilang dalawa.

"Uy anak! Andiyan ka pala?" Pang-aasar ni papa sakin.

Napabuga ako ng hangin tapos natawa siya. Tsk. Gusto ko na talagang magdabog.

"Mauna na ako sa inyo, Sir Lorenzo at Altair," paalam ni Lucas. Tumango ako habang si papa, natatawa pa rin. Umalis na si Lucas.

"Papa, trip niyo talagang pagtawanan ako ngayon no?" Inip kong sabi kay papa.

"Haha. Okay. Di na," sabi niya at tumigil na sa kakatawa.

"Ano ba kasi nakakatawa, pa?"

"Ikaw kasi. Pero anak, seryoso ‘to. Alam kong ‘di ka naman maniniwala sakin kapag ikwenento ko sayo ang tungkol sa mundo ng Elemental Army. Lalo na at may mga kapangyarihan."

"Maniniwala naman ako e. Basta may patunay. Siguro naman ay makakapagbigay kayo ng patunay sa akin noon. Lieutenant pa kayo ngayon."

Magsasalita sana si papa ng may tumawag sa kaniya.

"Lieutenant Lorenzo."

Napalingon kami ni papa sa nagsalita. Ang commander ng Red Army. Si Commander Shin. Papalapit siya sa amin. Umayos ng tayo si papa.

Tiningnan ako ng commander. Tapos tiningnan din niya si papa.

"Siya ba ang anak mo na palagi mong ikwenekwento sakin, lieutenant?" Tanong ng commander kay papa.

"Yes, sir."

"Siya rin pala ang naikwento ko sa iyo na isa sa mga lumabas ng campus," ani commander.

Biglang napalingon sa akin si papa. "Lumabas ka ng campus?"

Napatingin na lang ako sa malayo.

Napabuntonghinga na lang si papa. "Ako na po ang humihingi ng tawad, commander."

"Ayos lang. At least nakita ko ang kakayahan ng anak mo. Mana siya sayo. May potential."

"Haha. Syempre naman, sir," may pagmamalaki sa tono ni papa.

"Tayo na, lieutenant. Babalik muna tayo sa campus natin."

Tumango si papa at humarap sakin. "Paano na 'yan anak. Balik muna kami sa Red Army Campus. Palakas ka ha," sabi ni papa.

Napangiti ako at yinakap niya ako.

"Oh sya. Alis na kami. Huwag ka nang uulit na lumabas dito sa campus. Huwag kang magiging pasaway. Pagmalaman ko na marami kang ginagawang paglabag, ay naku. Bahala na kung ano ang ibigay nilang punishment," paalala niya ng kumalas na ako sa pagkakayakap.

Tumango lang ako.

“Huwag kang pasaway, Altair,” pahabol niya. Tapos umalis na rin sila. Bumalik na sila sa may backstage.

Mabuti naman at nakita ko ulit si papa ngayon.

"Papa mo?"

Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Eunice.

Tumango ako.

"Wow. Lieutenant pala papa mo," sabi niya sabay hampas sa braso ko ng mahina.

"Tss. Ngayon ko lang din nalaman na Lieutenant pala si papa."

"Haha. Talaga? Kakaiba pala papa mo no? Hindi ka niya sinabihan kung ano siya sa Red Army," komento ni Eunice.

"Eh hindi nga ako nasabihan noon kung anong klaseng paaralan ang papasukan ko nung papunta pa lang kami rito. Masabihan pa kaya ako na lieutenant siya ng Red Army. Minsan nga nasabi ko kung baliw tong si papa. Pinagtawanan ba naman ako nung sabihin ko kanina na 'nagmukha akong ewan rito nang pumasok ako dahil sa hindi niya ako napagsabihan kung anong klaseng paaralan to'," inis kong sabi.

"Hahaha. Iba pala ang trip ng tatay mo. Siguro mahilig siya sa mga surprise. Haha."

Inirapan ko lang siya. "Tara na nga! Balik na tayo sa dorm. Gusto ko pang magpahinga," sabi ko.

Agad kaming umalis ng Conference Hall. Kukunti na lang ang estudyante doon.

Medyo masaya rin naman ako ngayon. Lalo na at nagkita na ulit kami ni papa at nalaman ko pang lieutenant pala siya ng Red Army.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

83K 3K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
191K 9.2K 85
Aerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal a...
21.2M 787K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
27.7K 1.2K 39
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...