Crazy In Love With You [BOYXB...

By LIAM_SKETCHY

7.4K 720 54

Naranasan nang magmahal ni James noon. Ngunit, hindi naging maganda ang buhay pag-ibig niya kay Pau. Na ngayo... More

PROLOGUE
Chapter 1: James
Chapter 2: James
Chapter 3: James
Chapter 4: James
Chapter 5: Jonathan
Chapter 6: Jonathan
Chapter 7: Jonathan
Chapter 8: Jonathan
Chapter 8.1: James
Chapter 9: Jonathan
Chapter 10: James
Chapter 10.1: Jonathan
Chapter 12: Jonathan
Chapter 13: Avin
Chapter 14: Avin
Chapter 15: Jonathan
Chapter 16: James
Chapter 17: Jonathan
Chapter 18: Jonathan
Chapter 19.1: James
Chapter 19.2: Jonathan
Chapter 20: James
Chapter 21: Jonathan
Chapter 22: James
Chapter 23: James
Chapter 24: James
Chapter 25: Pau
Chapter 26: James
Chapter 27: Jonathan
Chapter 28: James
Chapter 29: James
Chapter 30: James
Chapter 31: France
Chapter 32: Jonathan
Chapter 33: James
Chapter 34: Pau
Chapter 35: James
Chapter 36: James
Epilogue: The Final Chapter
Acknowledgement
Your Suggestions MATTERS

Chapter 11: James

200 25 0
By LIAM_SKETCHY

Friday came. Ito na nga ang araw na kung saan makikita at makakasama ng section namin ang nadispursed na section sa kabilang builidng. At tulad nga ng inaasahan. Halo-halong emosyon ang aming nararamdaman sa mga oras na ito.

Sinu-sino kaya ang mga estudyanteng malilipat saamin? Bakit parang kinakabahan ako sa nangyayari ngayon. I should be happy instead kasi magkakaroon kami ng bagong mga kaibigan. Pero bakit ganito?

Habang nasa malalim akong pag-iisip. Bigla ko na lamang naramdaman ang biglang pagkalabit sa akin ni Jess na siyang nagpabalik sa aking ulirat.

“Baks, ang lalim ata ng iniisip mo?” Nag-aalalang tanong nito sa akib.

“Ano naman ang iisipin ko, Baks? Tsaka wala ito ano ka ba? Hindi lang naging maganda ‘yung tulog ko kagabi. Kaya siguro wala ako sa mood ngayong araw.” Sagot ko naman rito. Nakita ko naman ang kaniyang pagtango. Senyales iyon na naniniwala siya sa mga sinabi ko.

Ang toto niya kasi. Kaya hindi ako nakatulog kagabi ng maayos ay dahil dun sa nakita ko kagabi. Naiinis ako. Hindi kobalam kung bakit at anong mayroon doon sa taong iyon. I don’t have to overthink lalo na sa kaniya. I think, kung tutuusin ay ayos nga lanag iyon, e. But my mind says othherwise.

Masyadong magulo ang sistema ng utak ko ngayon. Hindi ko alam pero bakit nalulungkot ako? Bakit parang may kung anong nakatusok sa puso ko na nagbigay ng ibayong kirot nung nakita ko si Jonathan na may kasama at kakuwentuhang babae kagabi.

“Baks! Natahimik ka diyan.” Biglang pagsigaw sa aking ni Jess sa aking taenga. Napabalik naman ako sa realidad kaya nagtanong agad ako rito kung nansiyan na ba ang prof.

“Nandiyan na ba ang prof natin?” Natataranta kong ranong rito.

“Baks, parang nandiyan na ata ‘yung mga lilipat saatin. Tignan mo, dali!” Hindi na ako nagawang sagutin ni Jess nang bigla nitong nakita ang mga estudyante sa labas ng aming room.

At tulad niya, ganun na rin ang ginawa ng iba ko pang mga classmates. Ay dala na rin siguro ng curiosity ko ay nakigaya na rin ako sa kanila ng tingin sa labas. Masyado akong naiintriga sa mga taong nasa labas. At nung makita ko na ang mga ito, napahanga ako sa kanilang mga itsura.
Infairness, they are all good looking kaya pala ang ibang mga classmates ko at si Jess na kaibigan ko, ay panay ang tili at pagsigaw ng ‘guwapo’.  Nang makumpleto na ang sampung estudyanye na kasama ni Ms. VP. Pimasol na sila saaming room.

“Good morning, everyone. As you can see, nakikita niyo na ang magiging new classmates ninyo. And I’m pretty sure na lahat kayo ay magkakasundo. By the  way, as I promised to you, my dear, Jess. They are all good looking guys. They’re all handsome guys. Walang tapos. Puwedeng lunukin lahat.” Talagang may special mention pa ang kaibigan kong si Jess mula kay VP. Na siyang naging dahilan upang mapuno ang aming room ng tawanan.

“So, first subject niyo pala ang time na ‘to? Okay then. Hindi na ako magtatagal pa. Pumasok na kayong sampu and let introduce yourselves infront of them.” Matapos magsalita ng VP ay agad na pumasok ang sampung estudyanteng nakatayo sa pasilyo.

Natapos na ang siyam na estudyante sa kanilang pagpapakilala. Tanging isa na lamang ang hindi namin nakikilala pa. Muli kong itinuon ang aking pagtingin sa bintana ng room. Hindi ko sila iniintindi. Bukas ko na lamang sila kikilalanin. Pero nagulat ako nung may isang pamilyar na boses ang aking narinig. Napalingon ako sa taong nagsasalita sa harapan. At laking gulat ko na siya nga ang taong iyon 

“Hello, my fellow students. I myself Jonathan Vargas. 19 years old. Taking Bachelor of Science Business Administration Major in Banking and Finance. I love to listening in music. Both sad and happy songs. I love reading books but not often. 5’9 ang taas ko at 63 kg naman ang bigat ko.”

Am I dreaming? Totoo ba ito? Isang Jonathan Vargas ang nasa harapan ko ngayon? Pero bakit? Paano nangyari ang bagay na ito? Mukhang totoo nga. Hindi ko na lamang binigyan pansin ang taong iyon. Bagkus, muli kong ibinalik ang aking pagtingin sa binatana ng aming room.

Hours had passed by, nang matapos ang isang subject namin. Ngayon ay breaak time na, wala akong kasabay dahil nauna nang nagpaalam saakin si Jess. Kaya I have no choice kung hindi kumain na lamang ako ng mag-isa. Ako na lamang ang naiwan sa room dahil inaayos ko pa ang aking gamit. Nang may isang boses ang nagsalita out of nowhere, naging dahilan rin iyon para mapatigil ako sa aking ginagawa.

“Hindi ko alam na dito ka pala nagro-room?” Tanong nito sa akin. Hindi ko siya sinagot at tinignan. Muli kong itinuon ang aking sarili sa oag-aayos ng aking gamit.

“Bakit hindi ata kita nakita kanina nung pumasok kami kanina? Nagtago ka ba kasi alam mo na isa ako sa malilipat rito?” Dahil sa ginawa niyang iyon, ay doon ko na siya tinignan.
Hindi ko pa rin siya sinasagot. Patuloy lamang ako sa pag-aayos ng aking gamit. Kaya nung wala itong nakuhang sagot mula sa akin. Agad itong nagtanog muli.

“Are you trying to escape on me?” Tanong nito saakin. Hinawakan niya ako sa aking braso ng mahigpit. Dahilan iyon uoang mapa-aray ako sa ginagawa niyang paghawak saakin.

“I should be the one who asked you that question, Jonathan.” Balik kong tanong sa kaniya.

“Ang tanong ko ang sagutin mo, James. Iniiwasan mo ba ako? Bakit ayaw mong sumagot? Wala ka bang naririnig?” Pasigaw na pagtatanong nito.

“Sagutin mo muna ang tanong ko. Bago ko sagutin ang sa ‘yo.”

“Fuck! Fine! Oo na.” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita. Kinuha ko na ang pagkakatong iyon upang alisin ang aking braso sa kamay niya. Napahawak naman ako sa braso kung saan njya ako hinawakan ng mahigpit. Bakas roon ang kaniyang kamay at bahagya iyong namula dahil sa higpit.

“For your information, James. Bakit naman kita iiwasan? It’s just that, naguguluhan ako. I mean, we don’t know each other. We are both strangers. Doon ako napa-isip. I don’t know if you have a motive on me that is why you already considered me as your friend. Or, baka isa ka sa kasabwat nung apat na lalaking bumugbog saakin. Huhulihin ‘yung loob ko then what? Ise-set up ako. Don’t get me wrong. Sana nauunawaan mo ako. But still, I’m not avoiding you.”

“Okay. Hindi kita iniiwasan or what. Hindi rin naman ako nagde-demand sa ‘yo na pansinin mo ko dahil alam ko naman na parehas tayong strangers. At tulad nga nung sinabi mo. Nauunawaan kita kung bakit mo ginawa ang mga bagay na ‘yon sa akin. Pero ‘di ba nga? Ang sabi ko sa ‘yo, na simula sa araw na ‘yon ay magkaibigan na tayo.

I don’t have any motive in you. Hindi ko rin naman kilala ‘yung apat na lalaking gumulpi sa ‘yo. Kaya ko sinabi na magkaibigan na tayo, dahil nakikita at nararamdaman ko sa ‘yo na mabait ka. Tsaka may mabuting loob. Pero ikaw, nasa sa ‘yo pa rin kung gusto mo akong maging kaibigan rin. Hindi naman kita pinipilit.”

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit niya ako iniiwasan nitong mga nakaraang araw. At hindi ko rin naman siya masisisi kung ganun nga ang ginawa niya.

“Paano ba ‘yan? Tutal we’re okay na. Mauuna na ako sa ‘yo. Medyo gutom na rin kasi ako.” Pagpapaalam ko rito.

Akmang maglalakad na ako nang bigla akong pigilan ni Jonathan. Napatingin naman ako rito at sa tingin na aking binibigay sa kaniya ay pawang pagtatanong.

“Sabay na tayo. Gutom na rin ako.” Pagsasalita nito at napakamot sa kaniyang ulo. Napatawa naman ako sa naging reaksyon niya.

Nang mga sandaling ito, parang nahihipnotismo ako ng lalaking ito. Guwapo siya, may mapupungay na mga mata, matangos na ilong at medyo chinito na kulay at may makakapal na kilay rin. At sa pangalawang pagkakataon, muli ko siyang napagmasdan ng malapitan.

Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa cafeteria ng University. Nagulat naman ako sa kaniyang ginawa. Bigla niya na lamang akong kinindatan ng walang pag-aalinlangan. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya.

Pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngin at namumula ang mga ito. Kinikilig ba ako sa ginawa niya? O, sadyang nagulat lamang ako sa kaniyang ginawang pagkindat saakin? Nang mga sandaling ito, gusto ko na lamang magpalamon sa lupa upang makatakas sa kahihiyan na aking magawa.

Sa buong maghapon, magkasama kaming dalawa ni Jonathan. Parehas naming napagdesisyunan na huwag pumasok sa last subject namin. Kaya ang ending, inaya niya ako papuntang Mall. Gusto niya raw maglibang at magtanggal ng stress. Kaya wala akong nagawa kundi ang samahan siya sa gusto niyang gawin.

I think, it was too different than before. Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayong kasama ko si Jonathan. This scenario isn’t normal for me. And I think, my heart beats so fast. Parang ang puso ko ay nagsisimula nang tumitbok para kay Jonathan. Should I feel this way? Tama ba itong nararamdaman ko?

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 58.8K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
104K 4.3K 31
Ang pag-ibig niya na hindi pinahalagahan at binigyan ng pansin ang naging dahilan niya upang makuha ang pinapangarap niyang tagumpay at maipamukha sa...
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
223K 7.7K 32
Gustave Salvatore is a famous model as well as a business man. He is one of the richest persons in the business industry. He can get what he wants by...