Fatal Attraction 2: Get Wild

By Whroxie

10.3M 225K 20.4K

The relationship that he wanted and invested has a termination date, a one-month rule that he have always hon... More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter Sex
Chapter 7
Chapter Sex
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
epilogue
Pre-Order
Special Chapter

Chapter 14

263K 6K 1K
By Whroxie

Nagrevise po ako sa chapter 13.. don't mind na lang sa differences. Binuhay ko lang naman si Mr. Swift. Hehe! It will affect the next story.  Thank you!

---

Dock and Javan went out with Dock's friends. Ayaw niya sanang lumabas pero sinundo siya ni Wilson at kinaladkad patungong club. Kaya sa ayaw at gusto ni Javan ay isinama niya ang lalaki. Hindi niya gustong maiwan ito at si Geallan sa condo. Mahirap na. Baka pagbalik niya wala na si Geallan at isinama na  ni Javan.

Tumayo si Dock mula sa kinauupuan at nilapitan si Javan sa bar counter. Umupo siya sa katabing high stool na kinauupuan nito. A cut crystal glass of some amber liquor was clutched loosely in his hand. 

"Kailan mo balak umalis?" Bumaling ng tingin sa kanya si Javan habang siya naman nakatuon ang mata sa hawak na alak. Sumimsim mula sa alak bago bumaling kay Javan.

"Bilib ako sa kompiyansa at diskarte mo. Pero 'yon nga lang, hindi 'yan uubra sa 'kin." Sabay na dinala ng dalawang lalaki ang mga baso sa kanya-kanyang bibig habang nakatingin sa isa't isa.

"If do you think I'm gonna let you steal my girl. Puwes nagkakamali ka, Javan. From the moment she entered into my life, she's already mine. So better to fuck off because I'm not gonna give up on her without putting a goddamn fight."

Matalim siyang tinitigan ni Javan. Sapat ang malikot na ilaw ng club para masabing nakalabit niya ang tinitimping galit nito base sa ekspresyon ng mukha ni Javan.

Javan tried to relax his expression. He took a swig of his drink and asked for  another drink to the bartender before he spoke without looking  at him.

"Alam mo, pare. Geallan is craving for freedom since  then. Pero hindi niya magawa dahil sa pagiging mabuting anak at kapatid. Ang pagsakay sa barko ang gusto niyang gawin. Magiging malaya siya sa paraan na makakatulong pa rin siya sa pamilya niya." Javan lifted the glass from the counter and took another gulp of amber  liquid before  snapping his eyes to him.

"Kailangan ka lang niya ngayon dahil sa tulong na ipinangako mo pero ako ang mahal niya."

Dock's face slid into sardonic grin.

"Ikaw ang mahal niya pero ako ang kailangan niya. And love doesn't  always really matter, but money and power does, and those are Geallan's needs right now.  It just happened that I was the only one who can provide what Geallan's needs. And I will use my advantage just to keep her. I won't give you even a single chance to take her away from me. Mark my word!" He downed the remaining content of his drink before placing the glass on the counter and left.

Kung kinakailangang gipitin niya si Geallan ay gagawin niya manatiling kanya lang ito. Wala ng karapatan ang Javan na 'yon kay Geallan dahil unang-una ay sinaktan na nito si Geallan. Geallan is his now.

Bumalik si Dock sa kanilang mesa kung saan naroon ang tatlong kaibigan, Tres, Alford and Wilson. Tinapik ni Wilson ang hita ni Dock at may itinuro ito sa pinakamadilim na bahagi ng bar.

"Si Nyke 'yon 'di ba?" Dock squinted his eyes to get a better view of the  smooching silhouettes in the dark.

"Damn, Pare! He was fucking dating Samantha's step mom. Nasisiraan na ba ang kapatid mo? Kapag nalaman 'to  ni Mr. Swift delikado siya. Mr. Swift is a dangerous man." Kung may nakakakilala man kay Mr. Swift ay si Wilson iyon dahil kaibigan ng pamilya nito ang Swift family. Kasosyo sa negosyo. At financier ng lolo at ama ni Wilson sa eleksyon.

That kid must be out of his fucking wits. Tatayo sana si Dock para lapitan ang nakababatang kapatid nang lumapit naman si Javan sa kanila.

"Uuwi na ako," imporma nito.

"Mamaya na, Pare. Dito ka muna, daming chicks dito. Sagot ko hotel niyo," ani Wilson kay Javan.

"Salamat na lang pero hindi na." Itinaas nito ang isang kamay bilang pagpapaalam at umalis na.

"Mauna na rin ako, dude. Kailangan kong bantayan ang isang 'yon. Alam niyo na ang gagawin kay Nyke." Dock got up from the seat.

"Isasako na ba namin ang kapatid mong tirador ng mga inahin?" Nagtawan ang mga kaibigan sa sinabi ni Alford.

"Do it if it is needed," he said and headed for the exit. He was on his way out when Princess suddenly blocked his way.

"Hey, babe!" Agad nitong ipinaikot ang mga bisig sa batok niya.

"Where are you going?"

"Uuwi na. Sige na Princess." Inalis niya ang naka-lock na braso nito sa kanyang leeg.

"It's too early to go home. C'mon, let's have some drink."

"I need to go home. Naghihintay sa 'kin si Geallan. And can I ask you something, Princess?"

"Oh, sure! Anything, babe!" Princess reached for his face and caressed it intimately.

"Tell your mother to stay away from my brother. She's married but she's still flirting with somebody else." Pagkasabi niyon ay iniwan na niya ang dalaga at sumunod kay Javan sa labas.

Nilapitan niya si Javan na nakatayo sa gilid ng kalsada.

"Sumabay ka na sa 'kin." Nilingon siya ni Javan.

"Tara." Nagpatiuna na siya sa sasakyan at sumunod naman sa kanya si Javan.  Kung hindi lang nakakahiya kay Geallan iniwan niya na ito at hinding-hindi na talaga niya 'to papapasukin sa bahay niya.

Nang makasakay ay nilingon niya si Javan na sa likod sumakay.

"Balak mo akong gawing driver mo?"

"Kung handa kang mabangga tayo ako magmamaneho."

"That's not what I mean. Dito ka sa harap."

Nagkibit si Javan at sa halip na bumaba ay ipinikit nito ang mata. Dock gritted his teeth to stifle his anger churning in his gut. Kung paandarin niya kaya ito nang paatras at ibangga. Nabubuwesit man ay walang nagawa si Dock kundi ang pausarin ang sasakyan at magmukhang tsuper ng lalaking 'to.

Nang marating ang condo ay para silang hindi magkakilala na naglakad sa pasilyo ni Javan hanggang sa marating ang pinto. Walang imikan. Hindi naman talaga sila magkakilala nito at wala siyang balak na makipag-close rito. Nang buksan ang pinto ay biglang napatayo mula sa kinauupuan si Geallan habang nanonood ng telebisyon.

"Geallan, my loves!" Napakunot-noo si Dock nang biglang mukhang lasing na lasing na si Javan. Kung kanina, kahit yata palakarin ito sa wire ay magagawa nang hindi nahuhulog pero ngayon daig pang langong-lango sa alak. Pasuray-suray itong naglakad.

"Javan!" Bigla itong yumakap kay Geallan. Agad namang napayakap dito si Geallan dahil sa pag-aakala lasing ito at halos ang bigat ng katawan nito ay sinalo ni Geallan.

"Sandali lang, Javan, ang bigat mo. Bakit ka naglasing?" Inagapayan ito ni Geallan patungong sofa at pinaupo roon.  Akala ng lalaking ito, ito lang ang marunong umarte. Kaya niya rin kaya 'yon.

"Geallan, babe." Pasuray-suray na naglakad si Dock. Dinoble niya ang acting na ginawa ni Javan. Aabante siya at aatras na tila isa talagang lasing. Nang kunwa'y tutumba siya ay tinakbo siya ni Geallan at niyakap. Hindi mapigilan ni Dock ang ngumiti. Kusang pumaikot ang kanyang mga bisig sa napakaliit at napakalambot na katawan ng kasintahan. Binalot ng init ng katawan ni Geallan ang kanyang katawan at kinalma niyon ang sistema niya. Napakasarap sa pakiramdam kapag yakap niya ang magandang mangingisdang ito.

Hindi sinasadyang madaanan ng kanyang paningin si Javan na nakatiim ang mukha habang nakamasid sa kanila. Lalong tumaas ang ngisi sa labi ni Dock. Sadyang nang-iinis.

"Sino ang naghatid sa inyo? Bakit kayo naglasing?" Dinala siya ni Geallan sa sofa at inupo roon.

"Sa kwarto na tayo," ungot niya sa lasing na boses.

"Geallan!" Epal ni Javan na sadyang hinulog pa ang sarili sa sahig.

"Javan!" Mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan ni Geallan nang tangka nitong lalapitan si Javan. Lumuhod ang dalaga  sa sahig sa gilid ni Dock. Hinaplos nito ang pisngi ni Dock.

"Ipapasok ko lang si Javan sa kwarto. Hintayin mo ako rito." Masuyo siyang hinalikan ni Geallan sa labi bago ito tumayo at daluhan si Javan na nag-iinarte lang naman.

Sinipa ni Dock ang coffee table nang dalhin nga ni Geallan si Javan sa silid nito. Mas inuna pa talaga ang lalaking 'yon. Tumayo si Dock at sumunod sa dalawa. Nang dumungaw siya sa pinto ay nakita niya ang dalawang magkapatong sa kama. Si Geallan ay nasa ibabaw ni Javan habang mahigpit na nakayakap ang lalaki kay Geallan. Nanikip ang dibdib niya sa inis.

"Javan, ano ba!?" Buong pwersa ang ginawa ni Geallan para makawala mula sa pagkakayakap ni Javan. Papasukin na sana niya ang dalawa at balak bigyan ng isang malakas na suntok ang lalaki pero hindi na niya nagawa nang yumakap si Javan kay Geallan sa baywang habang parang hipon itong nakalukot sa kama. Ang mukha niyo ay nasa tagiliran ni Geallan nakasubsob.

"Sumama ka na sa 'kin, Geallan. Lumayo na tayo. Alam kong ako pa rin ang mahal mo. Please, Geallan!"

Pamilyar na pamilyar sa kanya ang ganyang tono ng isang lalaking nagmamakaawa sa isang babae. Si Tres lang ang nakita niyang ganyan kay Mhelanie. Mahal nga ng lalaking ito si Geallan.

"Javan, huwag ka namang ganyan, oh. Pinapahirapan mo ako." Pumiyok ang boses ni Geallan. Itiningala nito ang ulo at ikinurap ang mata. Umupo si Javan at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Geallan.

"Mahal na mahal kita. Sige na, Geallan. Sumama ka na sa 'kin." Isinandal ni Dock ang likod sa dingding sa labas ng silid.

"Kahit na sabihin pa nating mahal pa rin kita. Hindi ko na magagawang sumama sa 'yo. Javan, asawa ka na ng kapatid ko at ayaw kong magdulot pa 'yon para lalo siyang magalit sa 'kin. May boyfriend na rin ako at nirerespeto ko siya. Kaya, Javan, tama na. Mas mabuting bumalik ka na sa isla kasi parehas lang tayong nahihirapan sa ginagawa mo. Hindi ako sasama sa 'yo."

"Mahal mo ba siya?"

Dock's heart suddenly gave a violent spasm at that question. Matagal na sandali ang lumipas bago sumagot si Geallan.

"Hindi na importante kung mahal ko siya o hindi. Masaya naman ako sa desisyon ko, eh."

Dahan-dahang pinakawalan ni Dock ang hiningang hindi man lang niya namalayang kanina pa pala niya pinipigil bago nagpasyang magtungo sa sariling silid. Itinapon niya ang susi, cell phone at wallet sa kama saka dumiretso sa banyo at nagtanggal ng lahat ng saplot. Walang ingat niyang initsa ang mga damit na hinubad sa clothes hamper. When he stepped into the freezing cold jet he shivered as the cold water hit him. Thought to put some heat but changed his mind. The cold water might be calming him down. He lifted his head and let the water run over his face. Geallan and Javan images didn't leave him. Sinaktan ni Javan si Geallan pero pinapahalagahan pa rin ni Geallan ang lalaki. Siya ang pinipili ni Geallan pero bakit hindi siya masaya. Shit! Hindi niya nagugustuhan ang nararamdaman niya. Fucking shit! Nagseselos ba siya?

Nang matapos maligo ay nalabasan niya si Geallan na nakaupo sa gilid ng kama habang matiim na nakatingin sa cell phone. Nang maramdaman ang kanyang presensiya ay nag-angat ito ng tingin sa kanya. Nasa mga mata ang lungkot. Lungkot marahil dahil sa nangyayari sa kanila ni Javan.

Inilagay ni Geallan ang cell phone sa nightstand katabi ng cell phone ni Dock na inilagay niya sa kama kanina.  Marahil ay ito ang nagpatong ng gamit niya roon. Nahiga si Geallan na nakatalikod sa direksyon niya.

The good vibes that surrounded the home has suddenly gone. He could feel  Geallan's sadness at nakaka-frustrate iyon.

SIMULA nang dumating si Geallan sa bahay ni Dock laging maganda ang gising niya, but today is kinda different. He felt heaviness in his head and his chest. Hindi naman siya nalasing kagabi pero hindi talaga maganda ang gising niya ngayon. Baka nabigla siya sa paggising. Nang magising kasi siya kanina at hindi makita si Geallan sa tabi niya ay bigla siyang napabangon. Ang biglang pumasok sa isip niya ay baka umalis na si Geallan at sumama kay Javan. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makita itong nasa kusina at naghahanda ng almusal kasama ang housekeeper ng kanyang unit na si Florida.

Kapansin-pansin pa rin ang pagiging matamlay ni Geallan kahit na nasa hapagkain na sila.

"Nasaan si Javan?" tanong ni Dock nang mapansing hindi nila kasalo si Javan.

"Umalis na. Babalik na raw siya ng isla." Sagot ni Geallan sa matamlay na boses. Sa halip na ikagalak ang narinig ay parang lalong nairita si Dock. Kaya pala ito mukhang namatayan.

"Buti hindi ka sumama?" Irita niyang tanong saka ipinagpatuloy ang pagkain. Nang mag-angat siya ng tingin ay napansin niyang titig na titig sa kanya si Geallan at lalong binalot ng lungkot ang mga nito.

Bahagyang iniiling ni Dock ang ulo saka nagpatuloy sa pagkain. Hindi niya malasahan ang kinakain. Nagngingitngit ang kalooban niya. He's her boyfriend at may karapatan siyang mainis sa inaasta ni Geallan.

Hindi na siya muli pang nag-angat ng tingin maging nang tumunog ang doorbell chime. Nabubuwesit siya sa katamlayan ni Geallan. Alam niya kasing dahil iyon sa pag-alis ni Javan.

"Good morning!" A cheerful voice made him lifted his face. Sa pag-angat niya ng mukha ay isang halik sa pisngi ang lumapat sa kanya mula kay Princess.

"Can I join you for breakfast? Nakakasawa na ang cereal." Umupo si Princess sa kabilang bahagi ng mesa, sa tapat ni Geallan.

"Ate Florida, pakikuha naman po ng plato si Princess, please," magalang niyang utos sa housekeeper. Agad namang tumalima ang babae. Nang makapaglagay ng plato si Florida sa mesa ay siyang pagtayo naman ni Geallan.

"Sasama ako kay Ate Florida  mamalengke," anito at tumalilis na dala ang sariling plato at baso patungong  kusina pero natigil ito at muling bumalik. Ibinalik ang plato sa mesa.

"Mga dalaga at binata pa pala kayo. Baka hindi na kayo makapag-asawa kapag iniligpit ko ang pinagkainan habang kumakain pa kayo. Kasabihan iyon ng matatanda."

Tumaas ang kilay ni Princess.

"Oh, well, it won't affect Dock. Wala naman siyang balak mag-asawa. He is just flirting, and when he's done with his bitches," itinaas ni Princess ang kamay habang nakatukod ang siko sa mesa at iginalaw ang palad, "bye bye na."

Medyo pabagsak na inilapag ni Geallan ang basong hawak sa mesa habang masama ang tingin kay Princess.

"Ka walay ayo nimong animala ka. Tuon pud ug hugas dili ng kaon lang ang imong nahibal-an." Pagkasabi niyon ni Geallan ay sinabayan ng talikod. Kapwa natigalgal at nagkatingin si Dock at Princess.

"What did she just say?" tanong ni Princess. Nagkibit lang si Dock saka ipinagpatuloy ang pagkain.

HABANG nakaupo si Dock sa silya ay malalim na napapaisip habang nakamasid kay Geallan  na abalang naghuhugas ng pinagkainan nila. Pagkatapos maghapunan ay hindi na siya tumayo sa silya.

Paharap siyang nakaupo sa sandalan ng silya, nakapatong ang mga braso sa sandalan ng silya  habang ang baba ay nakapatong sa braso. Hindi talaga siya pinapansin ni Geallan. Bakit parang LQ sila at siya ang may kasalanan? Dapat nga siya ang nagtatampo dahil mas pinili nitong si Javan ang tulungang ipasok sa kwarto kagabi. Hays! Nakaka-frustrate! Nagtatampo-tampuhan siya pero siya naman ang nahihirapan dahil sa hindi pagpansin sa kanya ni Geallan.

Nararamdaman niya ang lungkot ni Geallan pero parang naiinis rin ito sa tuwing mapapagawi ang tingin sa kanya. Ano ang ginawa niya? Hindi kaya galit ito sa kanya dahil umalis si Javan? Kung hindi ba niya ito ginigipit sasama ito kay Javan? Pambihirang buhay 'to. Napahilamos si Dock sa mukha nang paulit-ulit at mapapasabunot pa sa sariling buhok. Habang aburidong pinagdidiskitahan ang sariling mukha at buhok ay napatigil siya nang pamansing nakatitig sa kanya si Geallan habang nakatayo hindi kalayuan sa kanya na may pagtataka sa mukha. 

Bumuka ang bibig nito na parang may gustong sabihin pero ipinasyang itikom na lang ang bibig at nilagpasan si Dock. Marahas na nagkamot sa ulo si Dock saka tumayo. Sumunod siya kay Geallan sa silid. Kasalukuyan itong nasa harap nang nakabukas na cabinet at kumukuha ng damit. Hindi niya kayang hindi sila nagpapansin ni Geallan. Hindi niya ugaling nanunuyo ng babae lalo't walang kwenta ang ikinagagalit nito o nag-iinarte lang. Manunuyo siya kung siya ang may mali, but now is different. He might end up in mental hospital kung ipagpapabukas pa niya ito.

 Dock slowly walked over to Geallan and gently wrapped his arms around her, and held her tightly.  Isinubsob niya ang mukha sa gilid ng ulo ni Geallan at bumulong, "Baby." 

Nanatiling walang imik si Geallan. Humaplos ang isang kamay ni Dock sa braso ng kasintahan pataas sa balikat nito hanggang sa abutin ang gilid ng leeg. Pumisil ang kamay niya sa gilid ng leeg ni Geallan habang hinahalikan ito sa buhok.

"Bakit hindi mo ako pinapansin? Hay, Geallan, mababaliw ako sa ginagawa mo." 

"Hindi mo rin naman ako pinapansin 'di ba?" Malungkot nitong sabi. Pinihit niyang paharap si Geallan. 

"Pero ikaw ang nagsimula. Hindi mo na lang ako pinansin kagabi. Dahil ba kay Javan kaya parang ang lungkot-lungkot mo? Galit ka ba sa 'kin dahil sa pangigipit ko sa 'yo? Gusto mo na bang sumama kay Javan?" 

"Walang kinalaman si Javan dito." Kumawala si Geallan mula sa pagkakahawak niya. Tinungo ang kama at pabagsak na umupo sa gilid niyon habang hawak ang damit pantulog na kinuha sa cabinet. Nakasimangot ito. 

"Then why are you acting like that?" pa-squat na umupo si Dock sa harap ni Geallan. 

"Bakit mukhang galit ka sa 'kin? Wala naman akong  ginagawa." Nag-iwas ito ng tingin at lalong hindi na maipinta ang mukha nito sa pagkakabusangot.

"Geallan?" malambing niyang tawag sa pangalan nito. He can't stand seeing her like this. Hinawakan niya ang nagkabilang kamay ng dalaga.

"Tell  me what's wrong, babe." Hinalikan niya ang pagkabilang kamay nito. Sa halip na matuwa ay lalong nalukot ang mukha ni Geallan.

"Geallan, naman! Ano ang nagawa ko?"

"Ayaw mo na ba sa 'kin? Tapos na ba ang relasyon natin? Sabihin mo naman ang status ng relasyon na 'to, Dock?" Naguluhan siya sa sinabi ni Geallan. Umupo si Dock sa tabi nito.

"Bakit mo 'yan nasabi?"

"Ang sabi ni Viel kapag may karelasyon ka faithful ka. Hinding-hindi ka tumitingin sa ibang babae."

"Hindi nga. Hindi naman ako tumitingin sa ibang babae."

Umingos si Geallan. Inabot ang cell phone sa night stand, saglit na may kinalikot bago inabot sa kanya iyon. May pagtatakang kinuha iyon ni Dock at sinuri ang larawang siya gustong ipakita sa kanya ni Geallan.

"Eh, ano 'yan? Kagabi nagpunta  si Princess dito. Hiningi ang number ko para lang isend 'yan."

Larawan nila ni Princess sa club kagabi. Ang tagpo sa kung saan  humarang sa kanya ang dating nobya at lumingkis. Ang pag-aalalang nararamdaman ay unting-unti nawala at nahalinhinan ng kagalakan. Unti-unting pinunit ng ngiti ang kanyang labi sa isipang ito ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Geallan. Nagseselos ba ito?

"Nagagawa mo pang ngumiti." Nag-angat siya ng tingin sa dalaga at ang ngiti ay lalong lumawak.

"Nagseselos ka?" He couldn't help but ask.

"Alam ko namang wala akong karapatan pero kasi... umaasa talaga akong kahit fling-fling lang tayo magiging faithful ka naman. Sinunod ko naman ang sinabi ni Viel. Ginagalingan ko naman ang performance ko pagdating sa kama. Willing to learn naman ako kung kulang pa rin."

Hindi makapaniwalang napatitig si Dock kay Geallan dahil sa mga narinig.

"Ano'ng sabi sa 'yo ni Viel?"

Kinagat nito ang pang-ibabang labi at nahihiyang nagyuko.

"Galingan ko raw ang performances para mag-stick ka sa 'kin." Ang kapatid talagang niyang 'yon ang daming alam. Puro talaga kalokohan. Hinawakan ni Dock ang ilalim ng baba ni Geallan at hinuli ang mata nito.

"Dahil dito kaya hindi mo ako pinapansin?" Nakangiti niyang tanong. Pinatulis nito ang nguso at bahagyang iginalaw ang kilay bilang tugon sa tanong niya.

"Nagseselos ka ba?" Muling nag-iwas ng tingin si Geallan at hindi sumagot.

"I just want to know, Geallan. Tell me that you're jealous." Marahang natawa si Dock nang muling igalaw lang ni Geallan ang kilay habang nakapout. Such a cute lady.

Binitawan ni Dock ang cell phone at masuyong ikinulong ni Dock ang maliit na mukha ng dalaga. Hindi na mawala ang ngiti niya sa labi. Parang sadyang in-stretch ang kanyang labi at nilagyan ng pandikit ang magkabilang dulo.

"Nagseselos ka talaga, hmm, babe?" Marahang tango lang ang sagot nito. Pinupog niya ng halik si Geallan sa labi. Nanggigigil siya rito. 

"Wala kang dapat ipagselos. Wala na kami ni Princess at wala akong balak na balikan siya. Nagkita kami sa club kagabi pero hindi naman ako nakipag-usap sa kanya. Pauwi na ako n'on. Believe me, Geallan."

"Naniniwala ako."

"Please, Geallan. Kung may problema ka just tell me. Confront me, snarl at me or slap me if I did something wrong. Do everything what you want? You can be a snagging girlfriend. Huwag lang ganito. Your silence is killing me. Mababaliw ako sa ginagawa mo." Muli niyang dinampian ng halik si Geallan sa labi.

"As my girlfriend you can demand from me. Sabihin mo sa 'kin kung ano ang gusto mo at ayaw mo." Bulong niya sa labi nito.

"Talaga? Pwede ako magrequest?"

"Anything, but except one thing. Please, don't  ask me to let you go. Hindi kita mapagbibigyan sa bagay na 'yon." Unti-unting ngumiti si Geallan.

"Hindi naman 'yon ang hihilingin ko, eh."

"Then tell me. Ano ba ang hiling ng napakaganda kong girlfriend?" Kapansin-pansin ang pamumula ng pisngi ni Geallan at pilit na ikinubli ang ngiti.

"Pwede bang huwag mo na akong tawaging babe?"

"Ayaw mong tinatawag kitang babe?" 

Umiling si Geallan. "Kasi 'yon ang tawag sa 'yo ni Princess."

"Oh!" Tumango-tango siya.

"Ano'ng endearment ang gusto mong itawag ko sa 'yo?" Yumakap si Geallan sa leeg ni Dock at inilapit ang bibig sa tainga niya at bumulong na akala mo naman ay may ibang makakarinig sa kanila.

"'Yong sinabi mo kanina." Mahigpit niyang niyakap si Geallan. 

"Sinabi ko?"

"'Yong baby." Mas humina pa ang boses nito. Marahang natawa si Dock at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kasintahan. 

"Why are you so adorable, baby," he whispered, making Geallan giggled. He pulled away from the hug only to see Geallan's flushed face. Nakatikom ang mga labi, pilit na ikinukubli ang ngiti.  Matamang pinakatitigan ni Dock ang mukha ni Geallan. She looks so innocent. Inabot niya ang pisngi nito at marahang hinaplos bago muling niyakap si Geallan.

"I want you to stay with me. Just stay with me, baby."  Ipinaikot ni Geallan ang braso sa katawan niya. 

Buong maghapon silang hindi nagpansinan ni Geallan pero parang ang tagal niyon. Parang ilang buwan niya itong hindi nakita sa higpit ng yakap niya rito. He was completely intoxicated by her smell; by the warmth of her body. Hindi mapigilan ni Dock ang mapangiti habang hinahaplos ang mabangong buhok ni Geallan. Wala namang espesyal sa amoy ni Geallan. Ni ayaw ngang gumamit ng mamahaling shower gel dahil ang gusto nito ay safeguard dahil nakakamatay raw ng 99.9% germs. Walang sinabi ang mga mamahaling pabango ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya sa natural na bango ni Geallan. The light, sweet scent of soap, mixed with her natural honey smell is his favorite scent now.  The only smell that can drive him insane with desire. His baby's smell.

---

Pasensiya na kung medyo matagal ang update. Medyo marami lang ang ginagawa ngayon. Medyo focus lang sa pag-edit sa hunk society. 

Continue Reading

You'll Also Like

373K 16.3K 40
Aksidenteng napunta sa panahon ng 1941 si Euphie Encarnacion matapos niyang sundan ang isang babae sa gitna ng ulan. At dahil nag-iisa lang siya sa...
10.1M 457K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
36.5K 880 12
Stories I get from the songs I listen to. Could be based on the title, lyrics, or the message of the song. Mosts are from my own interpretation of th...